Anda di halaman 1dari 32

TALAHANAYAN

Pagpapasalamat.........................................................................................................3
paghahandog........................................................................................................3
Word versions.......................................................................................................3
Get the template....................................................................................................4
Using the Template.....................................................................................................5
Sample text............................................................................................................5
Arrangement of your ETDR...................................................................................5
Basic formatting requirements..............................................................................5
Fonts................................................................................................................5
Line spacing.....................................................................................................6
Margins............................................................................................................6
Footnotes/Endnotes........................................................................................6
Page Numbers.................................................................................................6
Styles.....................................................................................................................7
Configure Word for working with styles.................................................................8
Styles Used in the ETDR Template....................................................................10
Apply a different style..........................................................................................10
Modify a style......................................................................................................10
Copying/Pasting..................................................................................................11
Section and page breaks....................................................................................11
Table of Contents................................................................................................12
Add a new chapter..............................................................................................13
Add a new subdivision heading within a chapter................................................13
Figures and Tables...................................................................................................13
Images.................................................................................................................13
PowerPoint slides................................................................................................13
Tables and spreadsheets....................................................................................14
Insert figure and table captions...........................................................................15
List of Figures and List of Tables........................................................................16
Page Number Troubleshooting.................................................................................17
Section breaks.....................................................................................................17
Preliminary pages................................................................................................17
Table of Contents................................................................................................18
Chapter 1.............................................................................................................18
Additional section breaks....................................................................................18
Appendices................................................................................................................19
Table and figure captions within appendices......................................................19
Apply the Template to an Existing Document...........................................................20
Copy and paste the exiting document into the template.....................................20
Insert existing files into the template...................................................................20
Questions or Problems..............................................................................................22

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 1


PAGPAPASALAMAT

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 2


PAGHAHANDOG

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 3


KABANATA I

Panimula

A. Kaligirang Kasaysayan Ng Pag-aaral

 Ang sistema ng enrollment sa ibang mga kolehiyo at unibersidad  ay

nagpapatupad ng Online Enrollment System para sa kadalian at kaginhawaan ng

mga estudyante. Upang punan ang apat na kopya ng registration form ( kopya para sa

estudyante, accountant, registrar, at Dean) . Ang mga mag-aaral ay inuubos ang

kanilang oras sa pag-aasikaso ng mga ito. Dahil ang mga mag-aaral at mano-mano ang

pagsulat sa mga forms na ito ay nagiging sanhi ng mga karagdagan ng komplikasyon

para sa proseso ng pagpapalista. Ang pagpapalista ay itinuturing bilang isang problema

para sa mga estudyante. Mula sa pagsusuri sa pagpapatunay, ito ay isang mahabang

proseso, at mga mag-aaral na kailangang pumunta lipat sa iba't-ibang mga tanggapan

(accounting, registrar, VPAA) upang makumpleto ang proseso ng enrollment. Ito ay

maaaring nakapapagod at tulad ng isang aksaya ng pagsisikap para sa kanila. Isa pang

problema ng mga paaralan ay ang kakulangan ng mga tauhan ng pagpapatala lalo na

sa  kagawaran ng accounting na lamang ay may dalawang mga tauhan upang

mapaunlakan ang lahat ng mga mag-aaral.

B. PAGLALAHAD NG PAKSA AT SULIRANIN

 Ang paksa ng pag-aaral ay ang ‘SISTEMA NG KALAKARAN NG ENROLLMENT

SA QUEZON CITY POLYTECHNIC UNIVERSITY TAONG PAMPANURUAN

2010-2011”. Pinili at pinag-aralan ang paksang ito sapagkat nakikita ito na isa sa

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 4


mga problema sa unibersidad. At dahil sa nararanasan din ito ng mga

mananaliksik at kailangan itong mabigyan ng solusyon.

 Ang paksa ay naglalaman ng paglalahad ukol sa sistema ng enrollment sa

Quezon City Polytechnic University. Ang reaksyon ng mga mag-aaral at epekto

nito sa kanila bilang estudyante. At ang rekomendasyon para sa bawat

kagawaran.

C. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN

 Layunin ng pag-aaral na mailahad ang mga sumusunod:

1. Sistema ng kalakaran ng enrollment sa Unibersidad ng Quezon City

Polytechnic sa tulong ng isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng unibersidad

na ito.

2. Malaman kung paano naka-aapekto ang sistema ng kalakarang ito sa mga mag-

aaral.

3. Hingin ang panig ng mga mag-aaral ukol sa sistema ng kalakaran ng enrollment.

 Ang kahalagahan ng pag-aaral ay ang mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral:

Pagkakaroon ng bukas na isipan ng mga na naghahangad na mabago ang

sistemang ito ng enrollment.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 5


Para sa mga guro:

Mas mapapadali ang paghahati ng bilang ng mga mag-aaral na nag-eenroll sa

bawat kurso. At ganoon din sa paghahawak ng master list.

Para sa kagawaran ng Registrar:

Maging bukas ang kanilang isipan na maraming oportunidad na mas

mapapadali ang kanilang trabaho. Kung ganoon man, ay mas maiiwasan ang

malaking abala lalo na sa paghahawak ng mga rekords ng mga mag-aaral.

Para sa kagawaran ng Accounting:

Maipahayag sa kanila ang hinaing ng mga mag-aaral sa kanilang proseso o

kalakaran sa panahon ng enrollment. Maiwasan ang mahabang pila ng mga

estudyante at gulo.

D. SAKLAW AT LIMITASYON:

Sakop o saklaw ng pagaaral ang mga sumusunod:

1. Mga mag-aaral ng Quezon City Polytechnic University, mga skolar, mga

kagawaran at halaga ng matrikula at iba pang bayaran.

2. Proseso ng enrollment sa Unibersidad ng Quezon City Polytechnic

Sa pag-aaral na ito, nagtala ang mga mananaliksik ng mga limitasyon at ito ay ang

mga sumusunod:

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 6


1. Hindi sakop ng pag-aaral ang mga mag-aaral na hindi nag-enroll sa taong

pampanuruang 2010-2011.

2. Marapat lamang na sa pag-aaral na ito ay walang maganap na sisihan sa bawat

kagawaran na may kaugnayan sa kalakaran ng sistema ng enrollment.

3. Pawang opinyon at katotohanan lamang.

4. Ang unibersidad lamang ng QCPU ang dapat kapanayamin ng may paggalang.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 7


KABANATA II

Rebyu ng Literatura/ Mga Kaugnay na Pag-aaral

A. Banyagang Pag-aaral

Increasing our enrollment (South Carolina)

With record-sized freshmen classes in each of the past several years, USC

enrollment is increased significantly as we fulfill the desire of the state legislature for

increased access to higher education for South Carolinians.

In addition, diversity is a primary focus of our mission. In 2010, enrollment of

African American students in the USC system numbered 7,151 and USC

Columbia’s freshman class experienced a 30% increase in African American

students. While growing in the size of its student body, USC is dedicated to

maintaining its high quality academic programs and to remain a relevant leader in

South Carolina’s economy. To offset the decrease in state appropriations, part of

the University’s funding loss has been mitigated through tuition increase.

The total enrollment for fall 1999 in South Carolina’s Public Schools stood at

666,780. As of fall 2000, there were 178,529 students enrolled in college or

graduate school. In the same year, South Carolina had 62 degree-granting

institutions. In addition, there are four year states collages, as well as four-year and

two-year branches of the University of South Carolina. South Carolina has an

extensive technical education system, supported by both state and local funds.

Tuition grants are offered for needy South Carolina students enrolled in private

colleges in the states.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 8


Tumaas ang bilang ng mga nag-eenroll sa Unibersidad ng South Carolina. Mula

sa pantay na bilang ng mga nag-eenroll noonng nakaraang mga taon ay patuloy

itong tumataas upang makatulong sa pag-unlad ng edukasyon para sa mga taga-

South Carolina na mga kabataan.

Karagdagan, ang pagpapalawak ng sistema sa Unibersidad ng South Carolina

ang pangunahing layunin upang mabigyan ang mga mag-aaral ng sapat na

kaalaman. Noong 2010, ang enrollment ng African American Students sa

unibersidad ay pitong libo isang daan at limamput isa (7,151) at patuloy pa itong

lumaki.

Sa pagdami ng bilang ng mga mag-aaral, ang unibersidad ng South Carolina ay

pinagtitibay na mapanatili pa rin ang magandang sistema ng pagtuturo at

edukasyon upang maging huwaran at karapat-dapat ang mga mag-aaral para sa

kinabukasan na maging lider ng kanilang bansa. Kung kaya’t patuloy nilang

hinihikayat ang mga kabataan na mag-enroll sa kanilang Unibersidad dahil sa

kagandahan ng sistema nito at edukasyong matututunan.

Ang kabuuang bilang ng mga nag-eenroll noong 1999 sa South Carolina ay

umabot sa (666,780). At noong 2000, umabot sa 178,528 na mag-aaral ang nag-

enrol sa kolehiyo.

Bilang dagdag, ay may apat na taong kurso ang mga state colleges, at dalawang

taong kurso sa unibersidad ay nagiging maayos ang proseso kung kaya’t mabilis

silang nakakaenrol.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 9


B. Lokal na Pag-aaral

Katulad sa ibang mga unibersidad, nararanasan din ng mga mag-aaral ang ilang

mga problema tuwing enrollment sa kanilang unbersidad.

 Ayon sa, The Philippine ArtisanJune – November 2009 Investigative Feature ni

Julius T. Costa at Melchor L. Eduarte Jr. Makatapos ng enrollment sa pinakamabilis na

panahon. Ang teorya, metodolohiya at batas sa pag-eenrol. Matutong tumayo at

magtiyaga sa pagpila. 

TEORYA AT BATAS MATERYALES:

1. Law of the Early Birds (Pumasok ng maaga at pumila kaagad).

2. Law of Friendship (Makisingit sa kaklase o ka-kilala).

3. Theory of Finger Sucker (Magpalakas ng loob).

4. Theory of Tomorrow (Bukas na lang).

1. Rating Slip or Class cards

2. Old Registration Form

3. Old Receipt

4. Enrollment Payment

5. Connections

Mukha bang laboratory experiment sa Physics o Chemistry ang iyong nababasa?

Dahil ba sa binanggit ang layunin, teorya, batas at dahil sa mga materyales..Nais lang

naming kuhain ang iyong atensyon at sana imulat ang katotohanang bumabalot sa

misteryo ng enrollment system

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 10


Ang Problema:

 Si TEK tuwing enrollment

Habang bumibiyahe papunta sa institusyong pinagkakautangan ng karunungan

ay dala mo ang pangakong pagbubutihin ang pag-aaral. Ang pagkasabik na makita

angmga dating kaklase’t mga kaibigan matapos ang bakasyon. Sa iyong pagpasok ay

maytumawag sa iyong pangalan at ika’y napalingon sa mahabang pila na

kinatatampukanng mga estudyante, hindi mo na alam ang gagawin sapagkat nagising

ka na sa kato-tohanan na enrollment ngayon at dito ay uumpisahan ang isang

mahabang kwento ngpasensya at determinasyon.Masasalamin na ang ating

unibersidad ay sumasailalim sa malaking pagbabago,maraming imprastruktura ang

pinagagawa, pagpapalit ng I.D. system at pagbuo ngbagong enrollment system. Isang

malaking patunay na ang administrasyon ay patuloy na kumikilos upang pataasin ang

antas ng edukasyon at bumuo ng magandang imahesa mata ng mga estudyante at

industriya.Ngunit sa kabila nito ay naging manhid na ang mga estudyante sa paulit-ulit

napangyayari sa enrollment na siyang nag-alis sa kanilang kamalayan ng pakikialam

atpakikipagtulungan. Nakasanayang eksena sa enrollment ang kabi-kabilang

paniniyasat pangungutya, mga naniningit sa pila, mga student leaders sapaligid, mga

kawaning nanindigan sa gitna ng magulo at nakakairitang sitwasyon. ngunit ano nga ba

angtunay na nangyari? Sino ang may kasalanan? At ano ang mangyayari matapos

mong basahin ang artikulong ito?

Hipotisis:

 Ang Planong Pagpapaunlad

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 11


 Sa taong pang-akademiyang 2009-2010 ipinatupad ang bagong sistema ng enrollment.

Tinawag itong Enrollment and Registration System (ERS). Binuo ang sistemang ito ng

University Information Technology Center na nasa ilaim ni Dr. Julian O.Marquez, Vice

President for Planning, Development and Information System.  Taong2004 pa

ipinatutupad ang sistemang ito ngunit hindi pa automated dahil sa kakulangan ng mga

gamit.

“Last semester nag-try si Vice President Marquez   para maging automated

na” pahayag ni Prof. Aida V. Huang ng University Registrar. Ayon kay Prof. Julius A

Sareno, Director ng UITC, isa sa pinakamalaking dagok na dinanas ng sistemang ito ay

kakulangan ng unit ng kompyuter na magagamit. Sa umpisa pa lamang binalak na daw

nilang gawing per college basis ang enrollment kaso hindi dumating ang mga

kompyuter na gagamitin. Ayon na rin sa kanya aanhin pa ba ang pagsasanay ng mga

propesor na maglalagay at magproproseso ng registration form kung wala namang unit

ng kompyuter na magagamit. Sa kasalukuyan, ang mga kompyuter na hinihingi ay

dumating na noong pangalawang linggo ng Enero at ang pagsasanay ng mga faculty ay

sisimulan na daw sa Pebrero. Isang daan at dalawampu’t dalawa ang bilang na

dumating na units at mahahati naman sa bawat kolehiyo. Ang CIE, CIT, COE at COS

ay tatanggap ng 33units bawat isa habang ang CAFA ay 18. Ang library naman ang

magiging tagahawak ng mga units na para sa CLA. Ang 22 units na ito ay gagamitin

para sa assessment at uploading ng mga grado ng mga estudyante. Matapos gamitin

ang mga nasabing units ay gagamitin sana ito para maging computer laboratory. Ang

computer laboratory din ang dahilan kung bakit sa library at hindi sa CLA mapupunta

ang mga kagamitan,ayon kay Prof. Julius A. Sareno.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 12


 

Datos:

Rekonsiderasyon sa mga variables:

Unang Variable:

1.Ang Proseso ng Registrar 

2. Ang Obserbasyon ni Tek 

3. Komento tungkol sa Registrar  

“Ambagal, Sila pang may ganang magreklamo”

– 4th year student 

“Yes, Dahil nakita ko maayos sila”

– 2nd year student 

“Kulang-kulang yung subjects na kukuhain”

– 1st year student

Resulta: Paliwanag ng Registrar

Ang mga komento at iba pang pasalita sa itaas ang mga pinupukol ng mgaestudyante

sa Registrar. Aming kinapanayam si Prof. Aida V. Huang, University Reg-istrar, upang

mapaliwanagan sa mga reklamo ng mga enrollees.Matatandaan ng huling enrollment,

maraming mga estudyante ang nagpabalik-balik sa Registrar na umaasang

makukumpleto na nila ang pag-eenrol sa mga asig-naturang hindi makuha dahil ito ay

may kinakailangang pre-requisite. Ayon sa kanya dahil daw ito sa ilang guro na

nahuling magpasa ng mga grado kaya nagkaroon ito ng hindi kasiya-siyang epekto

lalong-lalo na sa mga 1st year.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 13


“Nag-set kami ng deadlinepara macheck ng program kaya kung kulang yung data

(grades) hindi makakaproceed,” paliwanag niya.“

Walang mabubuo, hindi naiimplement, kung hindi magcocontribute ang lahat ng sektor.

Kahit janitor,” pahayag niya na suportahan ang ginagawa nila. “There is always a

loophole in every system. Wala namang perpektong sistema. Laging mayproblemang

kadikit yan,”ang pinakapahayag ni Prof. Huang tungkol sa mga problemang idinudulot

ng bagong sistema ng enrollment.

Ang mga ito ay mga pag-aaral na nagpapakita ng kalagayan tuwing enrollment sa

mga unibersidad ng ating bansa.

C. Banyagang Literatura

Blue Cross and Blue Shield of South Carolina Adds Online

Enrollment for 8,000 Small Groups

South Carolina-Owned and Operated Insurance Carrier

Blue Cross and Blue Shield of South Carolina (BCBSSC) is the sole South Carolina

owned and operated health insurance carrier. Serving nearly one million South

Carolinians, BCBSSC consistently ranks as one of the best Blue Cross plans in the

nation. Earning honors as a top employer for the state, BCBSSC has more than 12,000

employees in offices throughout South Carolina, as well as in Virginia and Texas. In

order to stay competitive in the market, BCBSSC sought an automated solution for

managing benefits enrollment for its nearly 8,000 employer groups.

BCBSSC Wanted Online Tools to Eliminate Data Entry Challenges

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 14


Previously, BCBSSC used a complex internal mainframe for benefits data. As a result, it

was difficult and time consuming to adequately train the representatives who used the

system to upload the benefits information provided by BCBSSC’s employer clients.

Additionally, BCBSSC was experiencing challenges with data entry errors and

increased lag time for changes and deletions made using this system.

Because of these problems, the carrier wanted a solution that would reduce the amount

of mistakes while saving the company valuable time for other strategic initiatives.

BCBSSC also wanted a Web-based system that would provide them with an online

presence in order to stay competitive in the small group market.

“There was a big push from our brokers to get our benefits administration online,” said

Terry Peace, vice president of group and individual operations for Blue Cross and Blue

Shield of South Carolina. “We knew we would have to make the switch eventually if we

wanted to attract and retain new clients while moving more aggressively into our target

markets.”

BCBSSC’s venture toward an online enrollment system led them to a partnership with

Benefitfocus. In fact, Blue Cross and Blue Shield of South Carolina was the first carrier

to partner with Benefitfocus.

Online Enrollment System Implemented for All Small Groups

BCBSSC chose the Benefitfocus Platform™, privately-labeled BluesEnroll, as their

online enrollment system delivered via the Internet. The Platform educates BCBSSC

employees throughout the enrollment process, leading them to make more informed

choices. It is equipped with all their business rules and the capability to be personalized

for each employer.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 15


Delivered through a One-to-Many database design, BluesEnroll easily integrates with

BCBSSC’s employer groups’ payroll and HR systems as well as other insurance

carriers for ancillary benefits.

Benefitfocus Platform Reduces Processing Time and Increases Customer Satisfaction

Since going live with the Platform in December of 2007, BluesEnroll has greatly reduced

the number of errors made in the system. The Web-based system has also decreased

the turnaround time for entries, changes and deletions. “Previously, it took us 42-78

hours to process enrollment applications,” said Peace. “With BluesEnroll, the same

procedure takes less than 24 hours and the information entered can be viewed in real-

time.”

The Platform has led to increased satisfaction for BCBSSC employer groups and their

employees as well. Benefit administrators using the technology have greater control

over the enrollment process and access to information on demand. “The

BluesEnroll system is clear and intuitive,” said Peace. “The reports are especially

beneficial, as they allow us to track activity in the system in a concise manner.”

Over the years, Blue Cross Blue Shield has expanded its partnership with Benefitfocus

to include Benefitfocus eBilling™ and additional data exchange services for employers

who have their own online enrollment system. The combination of the Platform and

eBilling allows the insurance carrier to provide a seamless online experience for its

customers. eBilling users view their bills and enrollment data from one portal.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 16


D. Lokal na Literatura

 Pambansang Adyenda sa Edukasyon ni Benigno “Noynoy” S. Aquino III

Ipinaskil noong Marso 21, 2010 ni Roberto Añonuevo

SAMPUNG BAGAY NA AKING AAYUSIN SA BATAYANG EDUKASYON


NG FILIPINAS
ni Sen. BENIGNO “NOYNOY” S. AQUINO III

Si Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III ay kandidato sa pagkapangulo ng bansa sa


Halalan sa Mayo.
Nasa yugto ng krisis ang edukasyon at hindi na dapat ipaliwanag iyon. Alam ng lahat
ang katotohanan. Mataas ang antas ng enrolment sa unang araw ng pasukan, ngunit
hindi tayo kumakayod nang husto upang mapanatili ang mga bata sa paaralan hangga’t
makapagtapos sila. Sa bawat 100 batang tumuntong sa Unang Grado, 86 lamang ang
nakaaabot sa Ikalawang Grado; at pagsapit ng Ikaapat na Grado, halos sangkapat ng
nasabing pangkat ay tumigil na sa pag-aaral (24 porsiyento ang umaalis; 76 porsiyento
ang nananatili sa paaralan). At sa dulo ng Ikaanim na Grado, 70 porsiyento na lamang
ang natitira para magmartsa at tanggapin ang kanilang diploma.
Sa mga nagtapos ng elementarya, tanging 90 porsiyento ang makapapasok sa mataas
na paaralan, at wala pang kalahati ng orihinal na grupo na pumasok sa Unang Grado
ang makapagtatapos sa Ikaapat na Taon ng hay-iskul (46 porsiyento).
Ang pangkat na iyan ang karapat-dapat o kalipikadong tumungo sa unibersidad.
Gayunman, marami sa naturang pangkat ang hindi makapasa sa mga pagsusulit sa
pagpasok sa unibersidad dahil sa kahinaan sa paggamit ng wika sa komunikasyon,
mababa ang kakayahan sa matematika at agham, at napakahina ang kasanayan sa
pagsusuri.  Nakapaloob sa lahat ng ito ang iba pang kritikal na katotohanang dapat
tugunin.
Kailangan natin ang pangulo na mag-aalis sa atin sa ganitong gulo, at maglalatag ng
adyenda sa edukasyong handang magpasiya nang lubos. Hayaan ninyo akong
maghain ng sampung mahalagang bagay na pagtutuunan ko para malutas ang
problema sa batayang edukasyon. Ito ang mga patakaran na kinakailangang maitakda
sa susunod na anim na taon upang maisaayos ang sistema ng batayang edukasyon,
kung nais nating baguhin ang edukasyon sa bansang ito.
1. Siklo ng 12-taóng Batayang Edukasyon
Kailangan nating magdagdag ng dalawang taon sa ating siklo ng batayang edukasyon
upang makahabol sa iba pang bansa. Sa ating bansa, ang sinumang maykaya ay
nagbabayad ng hanggang labing-apat na taon ng pag-aaral para sa kanilang mga anak

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 17


bago sumapit sa unibersidad (kabilang na rito ang pre-school, prep, kindergarten, Mga
Grado 1–7 at hay-iskul I-IV). Kaya nakapapasok ang kanilang mga anak sa
pinakamahuhusay na unibersidad at pinakamahuhusay na trabaho kapag
nagsipagtapos.
Hindi ganito ang kaso sa ating publikong paaralan at panlalawigang pribadong paaralan
ng mga bata. Doon, may maiikli silang sampung taóng siklo (Mga Grado 1–6, HS I–IV)
na makukuha. Kaya sa ating bansa, may dalawa tayong uri ng sistema ng batayang
edukasyon, na ang mayayaman ay gumugugol nang malaki para sa maraming taon ng
pag-aaral samantalang ang iba’y nakahinto sa sampung taong siklo ng batayang
edukasyon.
Nais ko, hangga’t maaari, ang 12 taon para sa ating publikong paaralan upang
mabigyan ng pagkakataong magtagumpay ang mga bata. Ang koponan ko sa
edukasyon ay nagdisenyo ng paraan na lumihis mula sa kasalukuyang 10 taon (6 sa
elementarya, 4 sa hay-iskul) tungo sa preschool hanggang Grado 12 na sistema (na
tinatawag ding K hanggang 12 sa iba pang panig ng mundo) sa loob ng limang taon
simula sa taunang pasok 2011–2012.
Palalawakin ko ang batayang edukasyon sa bansang ito mula sa 10 taóng siklo tungo
sa maihahambing sa pandaigdigang kalakarang 12 taon bago ang wakas ng susunod
na administrasyon (2016).
Magkano ang magagastos dito? Sa loob ng susunod na anim na taon (hanggang sa
Taunang Badyet 2017), mangangailangan ito ng pamumuhunang aabot sa P100 bilyon
o P20 bilyon kada taon sa limang taon upang makapagtayo ng karagdagang paaralan
at silid-aralan, makaupa ng maraming guro, makabili ng maraming teksbuk, suplay, at
kasangkapan, at makapaglaan ng gastusin sa pagpapanatili at operasyon para sa
karagdagang dalawang taon.
2. Unibersal na pre-school para sa lahat
Sa buong mundo, dumadalo ang mga bata sa pre-school bilang unang taon ng kanilang
pag-aaral, at nakabatay sa saliksik na ang mga batang nakapasok sa pre-school ay
higit na magaling sa mahahalagang palatandaan ng edukasyon, kabilang na ang
mababang antas ng paghinto sa pag-aaral, mataas na pagpapanatili at pagtatapos, at
higit na mahusay na abilidad na matuto. Sa Filipinas, tanging 20 porsiyento ng lahat ng
anim na taong gulang na pumapasok sa Unang Grado ang nakatitikim ng isang taon ng
pre-school.
Nagpasiya ang Administrasyong Arroyo na padaliin ang lahat sa pamamagitan ng
pagpapalit ng pangalan ng mga arugaan (day-care center) bilang pre-school upang
maitaas ang pigura (iniulat nila ang hanggang 80 porsiyento na may pre-school kung
isasama ang mga arugaan bilang pre-school). Hindi natin malulutas ang nasabing
kakulangan kung tatalikuran ang problema. Kailangan nating magtatag ng tumpak na
sistema ng pre-school at ibukas ito sa lahat ng bata anuman ang antas ng kabuhayang
pinagmulan nila.
Lahat ng bata sa publikong paaralan (at lahat ng publikong paaralan) ay magkakaroon
ng ganap na taon ng pagpasok sa pre-school bilang panimula sa kanilang pormal na
pag-aaral pagsapit ng 2016.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 18


Magkano ang magagastos sa unibersal na sistema ng pre-school? Ang koponan ko ay
sinuri ito at tinantiyang aabot sa P41.4 bilyon. Kung isasagawa nang paunti-unti sa loob
ng apat na taon, makagagastos tayo mulang P9.6 bilyon hanggang P11.1 bilyon kada
taon.
3. Edukasyong Madaris bilang sub-sistema sa loob ng sistema ng Edukasyon.
Ang mga kapatid nating Muslim ay humihiling ng sistema ng edukasyong gumagalang
sa kanilang kultura samantalang naglalaan ng mahuhusay na kurikulum sa Ingles,
Filipino, agham, at matematika. Ang antas ng pagpasok sa mga paaralan sa maraming
Filipinong Muslim na komunidad, sa Metro Manila, Mindanao, o Autonomous Region in
Muslim Mindanao, ay mababa kompara sa ibang pook. May kahawig tayong dalawang
uri ng sistema ng edukasyon, na ang ating mga kapatid na Filipinong Muslim ay
naninirahan nang bukod sa iba pa nilang kababayan.
Solusyon sa problemang ito ang edukasyong Madaris na ang Wikang Arabe at
Islamikong Halagahang Edukasyon ay inihahain bilang karagdagang aralin sa regular
na kurikulum na inihahain ng ating mga publikong paaralan.
Hangad ko ang ganap na batayang edukasyon para sa Lahat ng Filipinong Muslim
saanmang dako ng Filipinas sila naroroon.
4. Ibalik ang edukasyong teknikal bokasyonal sa mataas na paaralan.
Kalahati ng mga nagtapos ng hay-iskul ay ibig magtrabaho imbes na pumasok sa
unibersidad. At sa nasabing bilang, ang malaking mayorya ay mga lalaki. Noong 1992,
nang biyakin ang batayang edukasyon sa basiko, teknikal bokasyonal, at tersiyaryong
edukasyon, inalis natin ang teknikal bokasyonal na edukasyon (na tinawag ding “tech-
voc”) mula sa hay-iskul at nag-iwan ng kurikulum sa paghahanda tungo sa unibersidad.
Kailangan nating maglaan ng alternatibong edukasyong teknikal bokasyonal upang
maihanda ang ating mga estudyante sa daigdig ng trabaho.
Ipakikilala kong muli ang edukasyong teknikal-bokasyonal sa ating matataas na
paaralan upang maikawing ang pag-aaral sa mga pangangailangan at trabaho ng
panloob na industriya.
5. “Bawat Bata, Mambabasa” sa Unang Grado
Nasa ubod ng mga problema sa pagkatuto ng mga bata ang kahinaan sa tumpak na
pagbabasa. Ipinakikita ng mga saliksik na ang kahinaan sa mga pagsusulit ay hinggil sa
kawalang kakayahan na magbasa at unawain ang mga pagsusulit.
Sa pagwawakas ng ikalawang administrasyon (SY 2015-16), bawat batang nakapasa
sa pre-school ay dapat marunong bumasa pagsapit ng Unang Grado. Kailangan nating
magtatag ng mga impraestruktura ng aklatan sa ating mga paaralan, bumili ng mga
aklat mula sa industriya ng lathalaan ng Filipinas upang suportahan ang mga lokal na
awtor, at sanayin ang ating mga guro kung paano ituro ang pagbabasa.
Sa pagwawakas ng ikalawang administrasyon, ang bawat bata’y dapat nakababasa
pagsapit ng Unang Grado.
6. Kahusayan sa Agham at Matematika
Kailangan natin ang malakas na agham at matematikang kurikulum na magsisimula sa
Unang Grado at taglay ang mga gamit sa pagtuturo at mga gurong hinubog nang
tumpak. Upang makapagtayo ng kultura para sa agham at matematika sa ating mga

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 19


paaralan, kailangan natin ang mga kapisanan ng mga agham/matematika, at
pagtitipong pang-agham at pangmatematika sa matataas na paaralan.
Ititindig kong muli ang impraestruktura sa agham at matematika sa mga paaralan para
makalikha tayo ng maraming siyentipiko, inhinyero, tekniko, teknologo, at guro sa ating
mga unibersidad, nang sa gayon ang bansang ito ay higit na maging palaban sa
pandaigdigang antas ng industriya at paggawa.
7. Tulong sa mga pribadong paaralan bilang katuwang sa batayang edukasyon
Dapat maging katuwang ang pribadong edukasyon sa paglikha ng de-kalidad na
edukasyon sa bansa. Ang matatag na sistema ng pribadong edukasyon ay
makapagpapalakas ng ating mga publikong paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay
ng alternatibo sa mga magulang at nang mabawasan ang pagsisikip ng mga paaralang
pinatatakbo ng pamahalaan.
Palalawakin ko ang Tulong ng Pamahalaan sa mga Estudyante at Guro sa Programang
Pribadong Edukasyon (Government Assistance to Students and Teachers in Private
Education Program/GASTPE) nang umabot sa 1 milyong pribadong estudyante sa hay-
iskul kada taon sa pamamagitan ng education service contracting (ESC/pagkontratang
serbisyong edukasyon), habang isinasantabi ang magastos na education voucher
system (EVS/sistemang botser edukasyon) ng administrasyong ito.
8. Makatwirang Midyum ng Pagtuturo
Pinatunayan ng UNESCO na matututo nang mahusay at mabilis ang mga bata kapag
ginamit ang wikang kinamulatan nila bago dumako sa pag-aaral ng Ingles sa matataas
na grado. Ito ang patakarang sinusunod ng DepEd nang maging kalihim ng DepEd si
Brother Andrew Gonzalez.
Mulang pre-school hanggang Ikatlong Grado, gagamitin natin ang unang wika bilang
midyum ng pagtuturo samantalang itinuturo ang Filipino at Ingles bilang mga aralin.
Mulang Ikaapat hanggang Ikaanim na Grado, daragdagan ang paggamit ng Ingles
bilang midyum ng pagtuturo para sa agham at matematika, at ng Filipino sa Araling
Panlipunan. Sa hay-iskul, ang Ingles ang magiging midyum ng pagtuturo sa agham,
matematika, at Ingles; at ang Filipino para sa Araling Panlipunan, Filipino, at
edukasyong teknikal-bokasyonal.
Lampas sa silid-aralan ang aking pananaw hinggil dito. Dapat tayong maging bihasa sa
tatlong wika bilang bansa:

 Matuto ng Ingles at umugnay sa Daigdig.


 Matuto ng Filipino at umugnay sa ating bansa.
 Panatilihin ang sariling wika at at umugnay sa pamana ng lahi.

9. De-kalidad na Batayang Aklat


Walang puwang sa ating mga paaralan ang mahihinang uri ng mga batayang aklat o
teksbuk, ngunit sa nakalipas na tatlong taon, may mga ulat at pagbubunyag ng
mahihina sa saliksik at bara-barang pagkakasulat ng mga batayang aklat.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 20


Hindi ko palalampasin ang mahinang kalidad ng batayang aklat sa ating mga paaralan.
Ang mga batayang aklat ay susuriin sa tatlong pamantayan: may kalidad, mahusay na
kalidad, at sukdulang kalidad.
10. Kasunduan sa Pamahalaang Lokal na magtayo ng maraming paaralan
Pangwakas, matindi ang kakulangan natin sa mga silid-aralan, at hindi na natin
kailangan ang siksikang paaralan. Kailangan natin ang maraming paaralan na may
maliliit na populasyon upang ang mga guro, estudyante, at magulang ay makabubuo ng
tunay na komunidad ng karunungan. Kung kinakailangan nating magtayo ng maraming
silid-aralan, isaayos natin ito bilang bago at maluwag na paaralan.
Magtatayo ako ng higit na maraming paaralan sa mga pook na walang publiko o
pribadong paaralan sa pakikipagkasundo sa mga pamahalaang lokal upang makamit
natin ang tunay na edukasyon para sa lahat.
Ito ang posisyon ng Partido Liberal hinggil sa Batayang Edukasyon. Kapag naisaayos
natin ang sampung bagay na ito, maisasaayos natin ang karamihan sa mga problema
ng ating sistema ng edukasyon.
Kapag naisaayos natin ang batayang edukasyon, maisasaayos din natin ang
pangmatagalang mga problema ng ating bansa.
At kapag naisaayos natin ang mga problema ng bansa, makapagtatatag tayo ng tunay
na malakas na lipunang maipagmamalaki nating Filipinas.
Samahan ninyo ako na maganap ito.
[Si Senador Benigno “Noynoy” S. Aquino III ng Partido Liberal ay kandidato sa
pagkapangulo ng bansa. Salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo]

E. Kahalagahan ng mga kaugnay na Pag-aaral at LIteratura

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang alamin ang

sistema ng kalakaran ng enrollment sa Quezon City Polytechnic University sa mga

mag-aaral ng taong pampanuruang 2010-2011. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,

maaaring makahanap ng mga mabisang paraan upang maging masyos ang sistema ng

kalakaran ng enrollment sa QCPU. Makapagbiibgay kaalaman din ang pamanahong

papel na ito sa mga kagawaran ng Accounting at Registrar gayundin sa mga mag-aaral.

Sa tama at maayos na proseso, metodolohiya at batas sa pag-eenrol. Makatutulong

ang pag-aaral na ito upang magkaisa ang mga kagawaran at mag-aaral.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 21


KABANATA III

Pamamaraang Ginamit

A. Metodolohiya ng pananaliksik

Ang naisagawang pag-aaral ng mga mananliksik ay gumamit ng deskriptibong o

palarawang metodolohiya ng pananaliksik. Ginamit ito ng mga mananaliksik ang

upang makalikom ng ng mga datos at impormasyon na kailangan at makatutulong

sa pag-aaral. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para

sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos.

B. Respondente

  Ang mga napiling sabjek sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Quezon City

Polytechnic University sa taong pampanuruang 2010-2011. Na kung saan ay nag-enroll

sa taong nabanggit. Pinili ang mga respondente ayon sa ilang mga espesyal na

konsiderasyon ayon sa kanilang taon ng pag-eenroll sa unibersidad. Kinapanayam ng

mga mananaliksik ang mga naturang mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga

talatanungan na kanilang sasagutan ayon sa kanilang prospektibo at opinyon. ayon sa

itinakdang oras at panahong naaangkop sa oras na mga sabjek. Sa kabuoan,

mayroong limampung (50) respondente ang pag-aaral ng mga mananaliksik.

Ayon sa kanila, masasabi na sila ay naniniwala na maari pang mabago ang sistema ng

kalakaran ng enrollment sa unibersidad. Nagtitiwala at naniniwala sila na sa mga

kagawaran ng unibersidad.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 22


C. Paraan ng pangangalap ng datos

Ang paraan ng pangangalap ng datos na isinagasawa ng mga mananaliksik ay

pa-sarbey. Nagbigay ng limampung talatanungan ang mga mananaliksik sa mag-

aaral ng QCPU sa taong pampanuruang 2010-2011. Sa limampung (50)

talatanungan, lahat ay naibalik. Ang talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng ng

mag-aaral kung kuntento ba sila sa sistema ng enrollment sa QCPU. Tinanong din

kung nais ba nila na mabago ang sistema ng enrollment at kung may nagagawa

ba ang mga organisasyon ukol sa enrollment. Sinukat din ng talatanungan kung

ano ang mga palaga ng mag-aaral sa kalagayan ng sistema ng enrollment sa

QCPU. Gumamit din ng internet ang mga mananaliksik upang makakalap ng datos

at impormasyon na makatutulong sa pag-aaral.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 23


Kabanata IV

Paglalahad ng mga datos

A. Pagsusuri ng datos

Mga tanong Sumagot ng Oo Sumagot ng Hindi


1. Kuntento ka na ba sistema ng
50 0
enrollment sa QCPU?
2. Sang-ayon ka ba kung

sakaling mabago ang sistema 50 0

ng enrollment?
3. Sa iyong palagay, kung

manantili pa rin ang ganitong

sistemamarami pa kaya ang 9 41

mahihikayat na mag-enroll sa

QCPU?

4. Sa iyong palagay, may

pag-asa pa bang mabago ang

sistema ng enrollment sa 49 1

QCPU?

5. Malaki ba ang epekto ng

sistema ng enrollment sa iyo? 50 0

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 24


6. Nakikita mo bang

nagkakaisaang bawat

kagawaran ng registrar at 22 28

accounting sa kalakaran ng

sistema ng enrollment?

7. Sa iyong palagay,

nakatutulong ba ang mga

organisasyon ng paaralan 29 21

tulad ng Supreme Student

Council ukol sa isyung ito?

8. Nasisiyahan ka ba sa
1 49
sistema tuwing enrollment?

B. Pagbibigay kahulugan sa datos

1. Kuntento ka na ba sa sistema ng enrollment sa QCPU?

Oo
Hindi

100%

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 25


Isang daang porsiyento (100%) ang nagsabi na hindi sila kuntento sa sistema ng

enrollment sa QCPU. Sa limampung respondente, limampu ang sumagot ng hindi.

2. Sang-ayon ka ba kung sakaling mabago ang sistema ng enrollment?

Oo
Hindi

100%

Isang daang porsiyento ang sumasang-ayon na mabago ang ganitong kalakaran

ng enrollment sa QCPU.

3. Sa iyong palagay, kung mananatili ang pa rin ang ang ganitong sistema, marami

pa kaya nag mahihikayat na mag-enroll sa QCPU?

18%

Oo
Hindi

82%

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 26


18% ang nagsabi na kahit manatili ang ganitong sistema, mahihikayat parin ang

mga mga-aaral na mag-enroll sa QCPU. At mas malaking porsiyento naman ang

nagsabi na kung mananatiliang ganitong kalakaran sa QCPU, hindi mahihikayat

ang mga bagong mag-aaral na mag-enroll dito. 82% ng mga respondente ang

nag sabi.

4. Sa iyong palagay, may pag-asa pa bang mabago ang sistema ng enrollment sa

QCPU?

2%

Oo
Hindi

98%

98% porsiyento ang naniniwala na may pag-asa pang mabago ang sistema ng

enrollment sa QCPU. At 2% naman ang nagsabi na wala ng pag-asa na mabago

ito.

5. Malaki ba ang epekto ng sistema ng enrollment sa iyo?

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 27


Oo
Hindi

100%

100% ang nagsabi na sila ay apektado sa sistema ng kalakaran ng enrollment sa

QCPU. Lahat ng respondente ay sumagot ng Oo.

6. Nakikita mo bang nagkakaisa ang bawat kagawaran ng Registrar at Accounting

sa kalakaran ng sistema ng enrollment?

44%
Oo
Hindi
56%

56% ang nagsabi na nakikita nilang nagkakaisaang kagawaran ng registrar at

accounting sa kalakarang ito. At 44% ang nagsabi na hindi naman nila nakikita

na nagkakaisa ang mga kagawarang ito.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 28


7. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga organisasyon ng paaralan tulad ng

Supreme Student Council ukol sa isyung ito?

42%
Oo
Hindi
58%

58% ang nagtitiwala sa mga organisasyon ng unibersidad na ang mga ito ay

nakatutulong sa isyu ng sistema ng enrollment. Samantalang, 42% ang nagsabi

na hindi nakakatutulong ang mga ito.

8. nasisiyahan ka ba sa sistema tuwing enrollment?

2%

Oo
Hindi

98%

2% ang nag sabi na sila ay nasisiyahan sa sistema tuwing enrollment at 98%

naman ang nagsabi na hindi sila nasisiyahan sa sistemang ito.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 29


Kabanata V

Pagbubuod

A.Natuklasan sa pananaliksik

Natuklasan sa pananaliksik na maraming mga mag-aaral ang hindi kuntento sa

sistema ng enrollment sa Quezon City Polytechnic University. Marami ring mag-

aaral ang sumasang-ayon sa pagbabago ng sistema ng kalakaran ng enrollment.

Natuklasan din ng mga mananaliksik na kung mananatili pa rin ang ganitong

sistema, mawawalan na ng gana ang mga bagong henerasyon na gusto ring mag-

enroll sa QCPU. Marami ring mga mag-aaral ang naniniwala na maaaring mabago

ang ganitong sistema. Nalaman ng mga mananaliksik na malaki ang nagiging

epekto sa mga mag-aaral ng ganitong sistema. Tulad ng nasasayang na oras,

sobrang pagod at abala, sakit, gutom at pagkakaroon ng kaaway. Natuklasan din sa

pananliksik na marami ang mag-aaral ang humihiling ng online system enrollment.

Para mabawasan ang kaguluhan atb maging mabilis ang proseso tuwing enrollment.

B. Konklusyon

Mula sa pag-aaral, masasabi na malaking bahagdan ng mga mag-aaral ng

Quezon City Polytechnic University ang naglalayon na mabago ang sistema ng

enrollment. Naniniwala at nagtitiwala sila sa bawat kagawaran na sila ang

magiging susi sa pagbabago. Kung magkakaisa at magtutulungan ang bawat

kagawaran, malaki ang posibilidad na mabago ang ganitong kalakaran ng

enrollment. Masasabi rin na dala ng modernong panahon, ang mga mag-aaral ng

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 30


QCPU ay nagmumungkahi na gawing online enrollment ang kalakaran ng

enrollment upang maging magaan ang trabaho ng bawat kagawaran at ganun

din sa mga mag-aaral. At masasabi rin na naniniwala ang mga mag-aaral na

maaari pang mabago ang sistema ng kalakaran ng enrollment at kapag nangyari

ito, marami ang g\darating na mga bagog estudyante sa Quezon City Polytechnic

University.

C. Rekomendasyon

Binibigyang puna ng mga mananaliksik ang pampanahunang papel na nararapat na

magkaroon ng pagkakaisa vang mga kagawaran at sila’y makipagtulungan sa mga

mag-aaral upang maging maayos ang sistema ng kalakaran ng enrollment sa

Quezon City Polytechnic University. Maaari ring na maging online enrollment system

upang maging mabilis at mapadali ang kalakaran. Higit itong makatutulong sa mga

mag-aaral lalo na, na sa panahon ngayon ay wala ng imposible sa information

technology. Maaari rin na humingi ng tulong ang mga mag-aaral sa mga

kinauukulan tulad ng Supreme Student Council upang mapakinggan ang kanilang

hinaing sa tuwing sasapit ang enrollment at mabigyan ito ng aksyon. Sa pagkakaisa

at pakikipagtulungan ay magiging posible ang lahat ng bagay at magiging maayos

ang sistema ng kalakaran ng enrollment.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 31


APPENDISE

Talaaklatan (Bibliography)

http://alimbukad.com/2010/03/21/pambansang-adyenda-sa-edukasyon-ni-benigno-
noynoy-s-aquino-iii/

http://www.benefitfocus.com/examples/case-studies/bcbssc-bluesenroll/

http://scribd.asterpix.com/cy/2437661/?q=Enrollment+system+lokal+na+pag-aaral

http://www.scribd.com/doc/47794318/Broadsheet-B-Jun-Nova-09

http://scribd.asterpix.com/cy/244262/?q=Enrollment+system+lokal+ng+pag-aaral.

http://www.city.data.com/states/South-Carolina-Education.htmlcarolina.

http://www.sc.edu/caseforcarolina/enrollment.php.

Pag-aaral sa sistema ng kalakaran ng enrolment sa QCPU Ph. 32

Anda mungkin juga menyukai