Anda di halaman 1dari 3

Regine Velasquez on having a baby with hubby Ogie Alcasid: "We're doing it!

"

Noel Orsal

 
"If it's gonna happen, if God's
willing, He'll give us a child,
it would be wonderful. Kung
hindi, e, di okay lang din. We
should be happy, just the two
of us. Kasi, mahirap yung
nakadepende ang happiness
mo sa pagkakaroon ng anak,"
says Regine Velasquez-
Alcasid about having a baby.

Kagagaling lang sa sakit ng


Asia's Songbird na si Regine
Velasquez-Alcasid kaya ilang araw rin siyang hindi nakapag-taping ng kanyang pinagbibidahang
primetime series sa GMA-7 na I ♥ You Pare.

Ang biglang pagtaba ng kanyang mukha dahil sa steroid ang una raw naging effect ng
pagkakasakit ni Regine. Sinabi niya ito nang dalawin siya ng PEP (Philippine Entertainment
Portal) at iba pang press sa taping ng I ♥ You Pare sa The Block SM North Edsa noong Biyernes,
March 11.

"Magaling na ako ngayon, pero ang taba ko. Ang laki ng mukha ko dahil sa steroid, nasa mukha
kong lahat. 

"Three days din ako sa hospital at kung ano-anong drugs ang ibinigay sa akin. So, I'm on drugs!"
biro ni Regine.

 
Matatandaang na-confine si Regine dahil sa sakit na bronchitis. One week siyang pinagpahinga
at hindi siya pinayagang magtrabaho.

Kuwento ni Regine, "Yung sakit ko na yun, I got that before ako ma-hospitalize. Before I got
married, I had this coughing... Ang dami namang nagkakaganun, pero taken for granted. Kasi
parang feeling mo, ubo lang naman, weh!

"E, ako, tamad na tamad akong magpa-check-up. Tapos, hanggang ang tagal ko na palang may
ubo, three months na!

"Minsan mawawala. Kapag nakapahinga ka, mawawala for a while. Tapos biglang, 'O, bakit may
ubo na naman ako?'

"Tapos, hirap na akong kumanta, nawala na ang boses ko. Kasi pala, sobrang barado na yung
mga pipes ko, lungs ko."

IDENTITY CRISIS. Sa I ♥ You Pare, mula sa pagiging tunay na babae ay ginawang bading si
Regine bilang si Tonette. Ngayon naman, pilit siyang ginagawang tunay na lalaki ng leading man
niya rito na si Dingdong Dantes. 

Ayon kay Regine, nakakapagod daw ang ginagawa niya.

"First of all, to play a character is already tiring. Di ba, to act like somebody else, it's already
tiring because it's not you?

"E, this one, I'm pretending to be Tonya, who's not you, and then, pretending to be gay. And
now, you're pretending to be a boy.

 
"Right now kasi, yung characterization, hindi na ako nako-confuse. Ang importante kasi sa akin
was to create the main character, which is the Tonya character. 

"Kapag alam ko na yun, alam ko na kung ano siya, kaya ko nang laruin. Kasi, nagpapanggap na
lang naman yung dalawa, especially kapag nanggagaling ako sa bakla na naiuuwi ko pa. Minsan
nga, nagpa-Party Pilipinas na ako, bakla pa rin ako, e!" natatawa niyang sabi.

Kumusta naman si Dingdong? Naiilang pa rin ba itong batuk-batukan siya?

"A, hindi, sanay na siya ngayon!" tawa ulit ni Regine. "Pero minsan, sinasabi niya sa akin, 'Ate,
gaganituhin kita.'"

NO DRAMA QUEEN. Aminado naman si Regine na hindi niya "keri" ang straight drama.

"Hindi ako pang-drama, 'teh!" sabi niya. "Comedy lang ako. Sasakit ang ulo ko. It's really not my
thing. 

"Unless siguro sobrang ibang-iba ang character. Yung before, light-light lang naman yun, hindi
talaga straight drama. Mas gusto ko yung main body, comedy, tapos nilalagyan lang nila ng
drama.

Anda mungkin juga menyukai