Anda di halaman 1dari 8

2 Ang Pag-asa Balita Abril 2011

Japan donates P60-M fire truck to Muntinlupa


M
untinlupa City will soon have another aerial lad- Lions Club, Muntinlupa Councilor Raul Corro, City Admin-
der fire truck to beef up its capability in respond- istrator Roberto Bunyi and Muntinlupa City fire marshal
ing to fires and other emergencies. Roderick Aguto.
The City of Fujisawa in Kanagawa Prefecture, Ja-
pan has donated a ladder fire truck worth P60 million to
Muntinlupa City.
Fujisawa Mayor Yasunori Ebine led a turnover cer-
emony in Fujisawa recently where he turned over the fire
truck’s symbolic key to Muntinlupa Mayor Aldrin San Pe-
dro.
They were joined by Kanagawa Rep. Makoto Kuni-
matsu, Yoshisuke Yamaji, Kenji Izawa of Fujisawa Shonan
“We are very thankful to Fujisawa City for donating
the fire truck. This will be a big help to our firemen,” San
Pedro said.
The fire truck is a Mercedes Benz brand and weighs
19,950 kg. Its ladder has a maximum length of 40 me-
ters.
The fire truck was scheduled to be shipped to Muntin-
lupa on March 23 but has since been reset due to the earth-
quake and tsunami that devastated Japan.
Muntinlupa currently has a modern fire truck called
Sky Walker, the first Everdigm aerial rescue ladder fire
truck in the country that can reach up to a height equiva-
lent to a 17-storey building.

FIRE AT EARTHQUAKE DRILL PATULOY


Ni Genevieve Francisco

I
sinagawa ang simultaneous fire drill sa TBI, isang malapit Pinatunayan naman ng isang kinatawan mula sa Fire
na gusali nitong ika-23 ng Marso bilang paghahanda sa Department ang bisa at halaga ng paglalagay ng mga fire
sunog at bahagi na din ng Fire Prevention Month na ating extinguishers sa mga establisyimento at ipinakita ang ta-
ipinagdiriwang ngayong buwan din. mang paggamit nito mula sa pagtanggal ng “nozzle”, pag-
Tinipon ang mga kawani ng TBI upang siyang maging tutuk nito ng may tamang distansiya mula sa umaapoy na
pangunahing kalahok sa naturang fire drill kung saan itinuro bahagi o bagay at pag-apula dito.
ng mga kinatawan ng Fire Department at Rescue Depart- “Kahandaan sa pamamagitan ng paglalahad ng tamang
ment ng Lungsod ang nararapat at sunod-sunod na pagkilos impormasyon ang gusto nating ipakita sa ating mga mama-
na gagawin sakaling nasa peligro ng sunog. mayan sa Muntinlupa sa fire drill na ito at mga katulad na
Sa ipinakitang step-by-step action sa gitna ng sunog sa maaaring kaganapan. Hindi lamang dahil fire prevention
pangunguna ni Chief Inspector Roderick Aguto, Fire Marshal month ngayon, at dahil may sapat na gamit ang ating Fire
ng City Fire Department, ang paglabas mula sa kinaroroonang at Rescue Departments at gamay na din nila ang kanilang
nasusunog na gusalli ay dapat maayos at hindi nagpa-panic sa gawain kaya natin ito ginagawa, kung ‘di gusto nating ipak-
simula pa lamang na tumunog ang fire drill, isang Standard ita ang mga nararapat at wastong pamamaraan bilang mga
Operation Procedure sa mga establisyimento. Sunod na dinalu- simpleng mamamayan sa ganitong sitwasyon. Dahil sa mga
han ng mga bumbero ang mga nasusunog na bahagi ng gusali o paghahanda at sapat na kaalaman kaya maiiwasan ang
yaong pinagmumulan ng apoy sa pamamagitan ng tamang pag- mas malaking sakuna at panganib na dala ng sunog,“ wika
aapula gamit ang fire hose hanggang sa mawala nang tuluyan ni Mayor San Pedro.
ang apoy at usok na maaari pang lumaki at maging sunog muli. Inaasahan di lamang ang mas mababa pang bilang ng
Agaran din ang pagresponde ng mga rescuers mula sa mga kaso ng sunog sa ating lungsod kundi ang bilang ng
City Rescue Department sa mga taong naiwan at nakulong mga nasasaktan at nasasawi dahil sa kakulangan sa tamang
sa nasusunog na gusali na nasa marupok o delikadong kaalaman ukol sa tamang pagkilos sa sitwasyon ng sunog
parte gamit ang ating skywalker na may pinakatamataas na sa pamamagitan ng fire drill at fire awareness demonstration
ladder na kayang abutin ang may 17 palapag na gusali. na isinagawa.
Abril 2011 Ang Pag-asa Balita 3

Reproductive Coercion
A
lthough the prevalence of and awareness to a domestic phe- Second, under the guise of merely implementing a clause in the
nomenon termed as “reproductive coercion” is yet to be known Pharmacy Act (RA 5921, 1969), the ordinance requires a medical
to many, the Barangay Council of Ayala Alabang seems to have prescription and listing of the names in a separate register book for
given the phenomenon a whole new mean- abortive and anti-conceptionals to be able
ing when it passed an ordinance requiring a to buy substances and devices capable of
doctor’s prescription for the purchase of con- legally provoking abortion or preventing concep-
tion. The sort of condoms one prefers and
doms within the vicinity of the Barangay.
Expert Elizabeth Miller published a yours how many he needs become information
study in the journal Contraception detailing open to public consumption and topic of
Ni Atty. Byron G. San Pedro, LLM
“reproductive coercion,” that is, when the discussion. What interest does the ba-
male partner pressures the other, through verbal threats, physical ag- rangay officials have in whatever transpires in one’s marital bed-
gression, or birth-control sabotage, to become pregnant. While based room? Although one remains to be free to use condoms, he is
on her definition of “reproductive coercion,” it is the male partner who nevertheless subjected to a very embarrassing situation of having
exerts pressure towards the other for the latter to become pregnant. to reveal information pertinent to his sexual activities.
The advent of the Ayala Alabang ordinance, however, has Perhaps that is the reason why the US Supreme Court has
given the phenomenon a new twist to it- as the barangay govern- considered the issue as the protection, not of sexual liberty, but of
ment takes the forefront of aggression. the privacy of married couples. Raul Pangalangan in his March 3,
A shocker to most, but justified to a few, the Barangay Ordi- 2011 column in the Philippine Daily Inquirer cites the US Supreme
nance requiring prescription for condom is flawed in ways more Court reasoning: “We deal with a right of privacy older than the Bill of
than one. First, the barangay council assumed for itself a power Rights…. Marriage is a coming together for better or for worse, hope-
that belongs to Congress and to agencies in the Executive Branch. fully enduring, and intimate to the degree of being sacred. It is an asso-
A “spring cannot rise above its source,” as some put it. It is a basic ciation that promotes a way of life, not causes; a harmony in living, not
tenet that a local government unit’s power to make law is merely political faiths; a bilateral loyalty, not commercial or social projects.”
delegated. The delegation of such power was made by Congress Full of promises, the Alabang ordinance starts by painstakingly
under the Local Government Code of 1991 (RA 7160). Nowhere affirming its commitment to the “family as a basic autonomous social
to be found in the said delegation of power is any indication that institution.” A perusal of the ordinance would reveal, however, that it
a barangay council is empowered to perform acts reserved to the violates that very autonomy by intruding into the intimate relations be-
Congress, even to specialized agencies of the government. tween husband and wife. Family is not just about the children, before
Another point is the council’s act of defining the term “abortifacients”. the children are the spouses. And the spouses should be left alone
A perusal of the ordinance would reveal that it already defines “abortifa- with their marital affairs. The decision whether to bear or beget a child
cients,” when no such definition was given yet by the Congress. As in should be left alone to the spouses free from unwarranted govern-
fact, the definition thereof remains pending before Congress in the pro- mental intrusion into matters so fundamentally affecting a person.
posed RH law and is yet to be made a subject of debates in the plenary. As pointed out earlier, it seems that the Alabang ordinance is
Moreover, the ordinance has listed abortifacients when some of these forcing itself upon a wife who would rather not be pregnant. If the or-
drugs and devices are certified as safe by the Department of Health’s dinance will be allowed, then we welcome a new face of perpetrators
Food and Drug Administration and by the World Health Organization. of reproductive coercion upon a woman- the barangay councils’.

Drug- free workplace, kasado na


Ni Genevieve Francisco

I
nilatag na ang Executive Order No. 6, S-2011 sa Pamahalaang ment and recommendations” ng Drug Abuse prevention and Council
Lokal ng Muntinlupa sa direktiba ni Mayor Aldrin San Pedro at Office (DAPCO). Kinakailangan ding makumpleto nila ang “recom-
inisyatiba ng Civil Service Commission. Layunin ng kautusan mended rehabilitation” mula sa isasagawang assessment sa kanila
na protektahan ang kaligtasan, kalusugan at kabutihan ng mga at sasailalim sa “continuing care” alinsunod sa Sec. 5 ng RA 9165.
opisyales at kawani ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Ang pagsuway ng unang beses sa mga drug screenings na
pagtataguyod ng “drug-free workplace”. isasagawa ay kakaharapin ang suspensyon mula sa serbisyo sa
Inilalahad din sa naturang polisiya ang mga kaparusahan loob ng 30 araw at tuluyang pagkatanggal naman mula sa serbi-
sa sinumang mapatunayang lumabag sa kautusan o yaong mga syo para sa pangalawang paglabag o pagsuway sa drug test.
“positive” sa ginawa at gagawin pang drug tests at mga mahuhu- Sapilitan ang gagawing drug tests ayon sa Memorandum Cir-
ling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Suspension o ter- cular ng Civil Service Commission na ipinakalat na sa lahat ng tang-
mination ang kaparusahan ayon sa kondisyon ng Article 282 ng gapan, pampubliko man o pribado. Bukod sa pangangalagaan nito
Labor Code at ilang probisyon sa Civil Service Law. ang kapakanan ng mga kawani, nagtataguyod din ito ng maayos na
Kabilang ang isinagawang drug tests sa ating mga kawani ni- pagganap sa trabaho o “quality work performance”.
tong nakaraang linggo lamang sa pagtataguyod ng “drug-free work Nagbigay na ng sapat na pondo ang pamahalaang lokat at
place”. Maliban dito ay kinakailangang magsagawa pa ng hiwalay panahon sa mga inatasang bubuo ng Task Force na mangunguna
na “pre-employment test” para sa mga taong papasok pa lamang bi- sa kampanyang ito kaya naman inaasahan pa ang pagdami ng
lang kawani ng pamahalaang lokal upang makaiwas sa pagtanggap ibat-ibang katulad na kampanya laban sa droga sa bawat depar-
ng mga taong maaaring positibo na sa ipinagbabawal na gamot. tamento ng tanggapan ng pamahalaang lokal sa darating pang
Bukod pa sa agarang pagkatanggal sa serbisyo sa pamaha- araw. Lahat ay inaasahang makikilahok at makiisa dito na may
laang lokal ng mga kawaning mapapatunayang positibo sa droga, temang “THIS IS A DRUG-FREE WORKPLACE; LET’S KEEP IT
isasangguni din sila sa “substance abuse professional for assess- THIS WAY!”.
4 Ang Pag-asa Balita Abril 2011

Editoryal
Sunog...sunog!!!
Tila bumaba ang bilang ng sunog sa Kalakhang Maynila Kapabayaan sapagkat hindi lamang minsang naganap na
at sa buong kapuluan ngayong 2011. nakaligtaang isara ang LPG tank bago matulog o gaserang
Tumimo na kaya sa kaisipan ng mamamayan na ang Mar- natumba habang ang sambahayan ay naghihilik.
so ay itinakdang buwan para maging maingat ang tao laluna Pagtitipid naman dahil sa maglalatag ng below or sub-
sa panahong ito na sinasabing simula ng tag-araw bagama’t standard electrical wires. Karaniwang finding ng BFD [Bureau
ating nararamdaman ang kakaibang pabago-bagong tem- of Fire Protection] ay faulty wiring. Abot-sisi ngunit huli na.
peratura? Yaong bang maalinsangan sa buong maghapon, Tupok na ang buong kabahayan. Nilamon na ng mainit na
ngunit medyo malamig sa hapon at madaling araw. apoy ang mga ipinundar kung hindi man may naiwan sa loob
Sa lindol na naganap sa bansang Hapon na naging ka- ng bahay habang tarantang-taranta sa paglikas.
lamidad na dahil sa mga sumunod na mga pangyayari, halim- Marami pang dahilan ang maiisip na sanhi ng sunog.
bawa ay ang tsunami at pagsabog ng ilang nuclear reactors, Hindi na natin ito iisaisahin. Ngunit sa bandang huli ay itanim
ay tila isang batingaw ito na nagbadya ng matinding paalaala natin sa ating kaisipan ang kasabihang “mas mabuti na ng
sa ating bansa at sa buong mundo. manakawan kaysa masunugan.” A choice between 2 evils, ika
Tubig at apoy. Lamig at init ang naramdaman. Gumamit na ng nga, ngunit nasasambit ito tanda ng isang pagsisisi.
seawater para palamigin ang uminit na reactors. Habang sinusulat Ipinauubaya ko na sa mga mambabasa ang susunod na
ito ay unti-unting naibalik ang kuryente sa control room ng isa sa eksena.
anim na reactors. Pasalamatan natin ito bilang nakikidalamhating Buwan ng Marso ang Fire Prevention Month. Mag-ingat
bansa. po at gawin nating lahat na ang labing-isa pang buwan ng
Iba’t ibang dahilan ang pagkakaroon ng isang sunog. taon ay Marso sa larangan ng pag-iingat sa sunog.
Ngunit kapuna-puna sa ating pananaw ang dalawa dito – ang Ingat po, bayan!
kapabayaan at pagtitipid.

From the Board


Kalamidad!!! Chair’s Desk

M
uli na namang nagulantang ang sandaigdigan. Kahindik- Inaasahan na ang mga bansang kaanib sa United Nations
hindik ang nakita sa mga TV sets at napakinggang balita ay buhos-loob ang pagtulong na ginagawa.
mula sa ibang bansa. Bahay at mga sasakyang tila sinisik- Mayroon din namang nagpaparating ng kanilang pangamba
lot-sikot at parang mga laruang tinangay ng biglang dumating at sa Pamahalaang Lungsod. Maaaring walang batayan ang mga
rumaragasang tubig mula sa dagat. Kamangha-mangha pero tutoo. ito sa kasalukuyan. Ngunit hindi rin maiiwasang magtanong ng
Makaraan ang isang lindol na may lakas na 8.9 sa Richter papaano kung may kalamidad na dumating sa buhay ng mga taga
Scale ay sinundan ito ng tsunami. Malalaking along tila tinipon lunsod. Sapat ang ating kakayahan at kaalaman para hindi ito
at biglaang rumagasa mula sa dagat at bumulaga sa mga tao. maganap. At kung maganap man sa dahilang hindi natin kontrola-
Tinatayang habang sinusulat ito ay libu-libong tao ang do ang situwasyon, halimbawa ay unos at baha, malawakang su-
nawawala at malamang ay hindi na makita pang buhay. At nog at ilan pang disgrasyang hindi mapipigilan ninuman sapagkat
patuloy ang pagtaas ng bilang na ito sapagkat unti-unting ib- mula sa kalikasan, sapat ba ang preparasyon ng tao, ng bayan?
inabalik sa dalampasigan ang mga nasawi at nahuhukay sa Pagmamatyag at paghahanda ang kailangan sa anumang
mga bunton ng mga nasirang kagamitan at basura. natural at man-made disaster o calamity ang hinihingi ng pa-
Tinatayang umabot na sa humigit kumulang na US$200B nahon. Ang kawalan nito ay posibleng maging sanhi ng pag-
ang halaga ng pinsalang idinulot na nasabing kalamidad ha- kawala ng ipinundar, ng buhay ng mga mahal sa buhay.
bang isinusulat ang pitak na ito. Malaking tulong din kung huwag makinig sa mga balitang
Tatlong nuclear reactor plant na ang sumabog. Kung mata- walang basehan o bunga ng mga haka-haka. Huwag sumakay
tawag mang kabutihan ay may pahayag ang bansang Hapon na sa mga biglaang pumuputok na tsismis. Magtanong ng detalye
walang dapat ipag-alala ang mga bansang karatig sapagkat kon- at alamin ang kabuuan at pinagmulan ng sapantaha.
trolado ang situwasyon. Sa madaling salita, ayon sa kanila, walang Huwag mag-panic. Kalmado lang, kabayan. Relaks lang. At sun-
radiation fallout na makakaapekto sa tao, mga hayop at halaman. dan natin ang pang-araw-araw na kaganapan sa bansang Hapon.
Hindi tulad noong 1986 nang sumabog ang kahalintulad na Sa isang banda, ano kaya ang ipinahihiwatig ni Inang Ka-
planta sa Chernobyl bansang Ukraine. likasan? Nagagalit na ba siya sa tao? Ano sa palagay ninyo?
Magkagayun man, hindi maiiwasan na ang katulad natin
ay mag-alala. Kahit manawari ay walang fallout na maganap
sapagkat kung mangyari ito lalong lalala ang pinsala. At mara-
ramdaman ang anumang pinsala sa mahabang panahon.
OMAR M. ACOSTA
Abril 2011 Ang Pag-asa Balita 5

Makontrobersyal na panukalang batas


M
arso 19, 2011, mapalad akong nakapanuod ng 2nd pub- pati na din ang karapatang pantao ng mga mag-asawa sa kanilang ma-
lic hearing tungkol sa nakabinbing ordinansang lokal na layang pagpili.
“an ordinance providing for the safety and protection of the Hindi rin nararapat
unborn child within the territorial jurisdiction of barangay Ayala Ala- para sa isang barang-
bang”. Tila sinadyang mangyari ito upang mabigyan ko ng sapat gay na magsagawa ng
na pagtalakay sa kolum na ito ang naturang ordinansa dahil sa isang panukalang may
marami at direktang epekto nito sa kabataan na katulad ko, matu- mga layunin na sadyang
loy man ang pagsasabatas o tuluyang pagbabasura dito. taliwas sa mga pangunahing karapatang pantao at taliwas din sa
Binigyang-diin ang iilan ngunit kapansin-pansing kapintasan ng pambansang batas--- ang isa sa mismong nilalabag ng barangay
ordinansa. Pamagat pa lamang ay mali na ayon sa diyalogo ng isang ordinance sa panghihimasok nito sa karapatan ng mga pharma-
attorney/professor sa University of the Philippines na dumalo bilang pan- ceutical firms na gumawa at mamahagi ng mga contraceptives na
elista sa naturang hearing. Ayon sa kanya’y walang “unborn child” ang legal ayon sa batas.
mabibigyan proteksiyon sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga con- Gayunman, higit pa sa pagpapahalaga sa kanilang nasasaku-
doms at iba pang contraceptives. Dahilan sa walang batang mabubuo pan ang pangunahing layunin ng konseho sa likod ng naturang or-
sa simula pa lamang ng pakikipagtalik kung gagamit ng mga contracep- dinansa. Pagpapahalaga sa buhay ng kababaihan at ng sanggol sa
tives na ito, walang buhay ang nalalagay sa bingit ng kapahamakan. kanilang nasasakupan ang isinaalang-alang sa simula pa lamang
Nilabag din ng naturang ordinansa ang ilang bahagi ng family ng pagsasatitik para mabuo ang ordinansang lokal. At bagaman
planning program ng Department of Health na nagbigay legalidad ilang bahagi nito ang taliwas sa mga direktiba o bahaging nakalaan
sa mga ibinibentang contraceptives ng mga drug stores na apruba- na sa Saligang Batas ng Pilipinas, hindi ang bawat probisyon ng
do din ng Bureau of Food and Drugs. Sa ilang bahagi ng ordinan- naturang barangay ordinance ang inaasahang magbibigay diwa
sang binuo ng konseho ng barangay, itinuring na “abortifacient” sa naturang panukala, kundi ang mas malalim na diwa nito - ang
ang condom at iba pang contraceptives---mga gamit at gamot na siyang “spirit of the ordinance” o ang magiging epekto nito para sa
pangunahing ginagamit sa “abortion”. Tila pinangunahan din ng ba- ikabubuti ng nakararami sakaling maisabatas na ito ng tuluyan.
rangay ordinance ang tungkulin ng Kongreso sa pagbibigay ng ka- Ang resulta ng idinadaos na public hearing sa Barangay Ayala-Al-
hulugan sa salitang “abortifacient” na magpasahanggang ngayon abang ang magiging batayan ng Sangguniang Barangay para isantabi
ay “undefined” pa din sa Reproductive Health Bill. o itulak ang nasabing ordinansa. Kung magaganap ang huli, papasok
Sinusuway din ng naturang ordinansa ang karapatan ng mga mag- ito sa Sangguniang Panglungsod at kung ang resulta nito ay positibo
asawa sa pag-aari, pagbili at paggamit ng mga contraceptives na kaloob saka pa lamang ito ihahain kay Mayor San Pedro para sa kanyang ap-
sa programa ng family planning method na pinagtibay ng Kagawaran proval. Maaari ring i–exercise niya ang kanyang veto power.
ng Kalusugan na naaayon sa pangangailangan ng pamilyang Pilipino. Anuman ang kahihinatnan, abangan na lamang po natin ang susunod
Samakatuwid, nilabag nito di lamang ang atas na iniatang sa DOH kundi na kaganapan tungkol sa naging makontrobersyal na ordinansang ito.

“Earthquake Preparedness” Higit Pang Pinaigting


H
indi na maisasantabi ang ng ating Lungsod ang panganib damit at kumot l Magsagawa at sumali sa mga “earthquake drills” l Laging
mula sa mga kalamidad, partikular ang sa lindol kaya’t magdala ng sipol
puspusan ang iba’t ibang Tanggapan sa pagsasagawa
ng mga paghahanda dito. Ang Tanggapang Pangkalusugan, sa SA PANAHON NG
pamumuno ng inyong lingkod ay patuloy sa implementasyon ng KALAMIDAD:
mga gawaing nakasaad sa binuong plano para sa kahandaan sa l Manatiling mapanatag kung
kalamidad lalo na sa lindol (Disaster Preparedness Plan). Ang ikaw ay nasa loob ng isang ma-
mga kawani ng aming Tanggapan ay may mga kabatiran na sa tibay na bahay o gusali l Mabilis na buksan ang pintuan at lumabas kung
mga tungkuling gagampanan para sa mga panahong- BAGO DU- makakayanan l Magtago sa ilalaim ng matibay na lamesa at bigyang pro-
MATING ANG KALAMIDAD (PRE), PANAHON NG KALAMIDAD teksyon ng mga kamay ang ulo l Lumayo sa mga babasaging-bagay, cabinet
(DURING) at PAGAKATAPOS NG KALAMIDAD (POST). Higit at iba pang mabibigat na bagay l Mag-ingat sa mga bagay na maaaring
ang kasanayang ibinigay kaugnay sa pagganap sa tungkulin sa pa- bumagsak, maging alerto at laging nakamasid l Kung ikaw ay nasa labas,
nahon ng pagbibigay ng atensyon at serbisyong pangkalusugan sa manatili sa isang “open area”
mga nadaluhan at nailigtas ng “RESCUE TEAM” na kung saan l Lumayo sa mga poste, linya ng kuryente, puno at iba pang konkretong
ipatutupad nila ang “triaging” o ang proseso sa pagpili ng dapat gusali l Umalis at lumayo sa matatarik na lugar na maaaring maapektuhan
unang bigyang atensyon base sa kondisyon at/o tinamong pinsala. ng “landslides” l Kung ikaw ay nasa tumatakbong sasakyan, itigil ito at
MGA DAPAT GAWIN KAUGNAY SA KALAMIDAD bumaba. Huwag tangkaing tumawid sa alin mang tulay, “overpass”, o “fly-
PARTIKULAR ANG LINDOL: overs”, maaaring ito ay apektdo na ng kalamidad
MATAPOS ANG KALAMIDAD:
BAGO MANGYARI ANG KALAMIDAD: l Maging handa sa mga kasunod na pagyanig (Aftershocks).
l Itali o iturnilyo ang mabibigat na kagamitan/kasangkapan sa pader Kung tumigil na ang pagyanig, mabilis na lumabas ng gusali
l Alamin at tiyakin na maayos at matibay ang pagkakakabit ng mga nakabiting l HUWAG GAWIN ang mga sumusunod:
kagamitan tulad ng “ceiling fans” at “chandeliers” l Alamin at kabisaduhin ang o Paggamit ng “elevator” o Pagpasok sa mga sinalantang gusali
mga lagusan palabas ng bahay o gusali l Alamin ang paraan ng paggamit o Paggamit ng telepono maliban kung lubhang kinakailangan
at kung saan nakalagay ang “fire extinguishers”, “first aid kits”, “alarms”, at o Ang mag-panic
mga kagamitan sa komunikasyon tulad ng telepono l Maghanda ng maaa- l Suriin ang sarili at iba pang kasama sa maaaring tinamong pinsala
ring mabitbit na radyong de-baterya, “flashlights”, “extra batteries”, “emergency l Laging alamin sa pamamagitan ng telebisyon at radio ang mga
supply kit” na naglalaman ng “first aid kit”, canned foods, can opener, tubig, tagubilin ukol sa kalamidad
6 Ang Pag-asa Balita Abril 2011
Abril 2011 Ang Pag-asa Balita 7

MNHS Batch 88 bowling tournament matagumpay

I
dinaos ng Muntinlupa National High School Batch
1988 ang kanilang 2nd Bowling Tournament noong
Marso 19 sa AMF-Puyat Astrobowl sa Starmall Ala-
bang.
May siyam na grupo na binubuo ng apat na kalahok
ang naglaban-laban para sa mga tropeo at cash prizes
na gantimpala.
Ang mga nagwagi ay sina: Champion – Team 4
– Maureen Dela Cuesta-Parajas, Cherry Militsala, Leslie
Navarro at Alfredo Dela Calzado; 1st runner-up – Team 6
– Jessie Camcam, Joel Resurrecion, Ramil Batan at Marife
Tibay-Pondoc; 2nd runner-up – Cynthia Gotladera-Dizon,
Badeth Vinalon, Maribeth Delos Santos-Guevarra at Jas-
per Alan Bok; at 3rd runner-up – Team 9 – Hazel Torres,
Bong Porteo, Jonathan Conde at Fe Emocling.
Sa individual awards naman, nakuha ni Ed Bali-
sacan ang high game score award samantalang nakamit
ni Leslie Navarro ang high average award.
Sa women’s division, parehong nakamit ni Badeth
Vinalon ang high game score at high average award.
Nabigyan din ng parangal sina Lalyn Ferrer-Busta-
mante dahil sa kanyang magkasunod na tirang strike sa-
mantalang si Eric Geronimo ay sa split conversion.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng MNHS Batch Konsehal Elmer Espeleta.
88 sa mga donor at sponsor na tumulong upang maging matagumpay Ang mga lumahok sa bowling tournament ay nag-uwi din ng mga
ang proyekto. produkto ng Unilever Philippines.
Ang mga naging sponsor ng torneo ay sina Mayor Aldrin San Pedro, Nagpapasalamat din ang pamunuan sa mga miyembro ng MNHS
Globe Telecom, Majority Floorleader at Konsehal Raul Corro, Konsehal Batch 88 na nasa ibang bansa na nagpadala ng kanilang tulong para sa
Amy Patdu-Labios, Konsehal Vergel Ulanday, Konsehal Ringo Teves at proyekto. (Kontribusyon ni Miraflor Oliveros, kalihim, MNHS Batch 88)

JOB OPPORTUNITIES.
HELP WANTED.
OMAR M. ACOSTA l CAD SPECIALIST
Chairman, Editorial Board l CADET ENGINEER
l UHT PRODUCTION FOREMAN
DOM PEREÑA GENEVIEVE FRANCISCO
Managing Editor
l FOREMAN (CAN PLANT)
Editor
l REFRIGERATION & AIR-CONDITIONING TECHNICIANS
ALVIN MOTILLA JOSE ALBERTO MONTANO l CP PRESS MECHANIC
Assistant Editor Art Director l INSTRUMENTATION TECHNICIANS
l WORKSHOP MECHANIC ( MACHINIST)
ELGENE BAUTISTA LLOYD SILVESTRE
l TETRA FILLER MACHANIC
Graphic & Layout Artist Circulation Manager
l TETRA MACHINE FILLER OPERATOR
l CP SEAMER MECHANIC

Cover
Sa patuloy na maigting na mga MAYNILAD
disaster preparedness drills ng NEEDS ZONE SPECIALIST
Pamahalaang Lungsod ay ipi-
nararating sa mamamayan ang QUALIFICATION AND RESPONSIBILITIES:
kahalagahan ng pagiging handa l GRADUATE OF ANY 4 YEAR BUSINESS COURSE
sa kalamidad. Ang larawan ay l RESPONSIBLE IN THE MANAGEMENT OF ACCOUNTS;
isang simulated demonstration l ENSURES THE EFFICIENT RESOLUTION OF ALL
ng pagliligtas sa “biktima” COMMERCIAL AND TECHNICAL CONCERNS WITH THE ZONE;
gamit ang Skywalker. l ESTABLISHES,MAINTAINS AND BUILDS
l STRONG PARTNERSHIP WITH THE COMMUNITY
WHILE FULFILLING CORPORATE RESPONSIBILITY;

SEND RESUME @,
Ang Pag-asa ay isang libreng babasahin ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamamagitan ng PESO, 4/f ANNEX BUILDING MUNTINLUPA CITY HALL
Public Information Office (PIO) 2nd Floor Muntinlupa City Hall Annex, Putatan, Muntinlupa City
Telefax: 862-4926 E-mail: pio_muntinlupa@yahoo.com or call 861-41-33 & 09063100704
MARSO 26, SABADO
8:30 - 9:30 NG GABI

GLOBAL EARTH
TOMO 2 BLG. 4 l Abril 2011 l
HOUR 2011

FIRE TRUCK DONATION FROM JAPAN. Isang araw bago lumindol sa Japan, dumalo si Mayor Aldrin San Pedro -- kasama sina Muntinlupa City Fire Chief Major
Roderick Aguto, City Administrator Roberto Bunyi, at Councilor Raul Corro--sa turn-over ceremony ng isang ladderized fire truck na donasyon ng Siyudad ng
Fujisawa Japan sa Lungsod ng Muntinlupa. Tinanggap ni Mayor San Pedro mula kay Fujisawa City Mayor Yasunori Ebine ang nasabing donasyon.

“MASP Medal of Excellence”


para sa pinakamahuhusay na mag-aaral
Ni Alvin Motilla

“Striving for excellence motivates you; striving for perfection is de- “Our city is in great fate having these young men and women
moralizing.” - Harriet Braiker who are more than willing to contribute their
Kasabay ng pagtatapos ng mga mag- knowledge, values and skills for the develop-
aaral sa iba’t-ibang paaralan sa Lungsod ng ment of our communities as we cultivate an en-
Muntinlupa ay ang pagkilala ng Pamahalaang vironment centered on excellence for our future
Lokal sa pinakamahuhusay na mag-aaral sa generation,” ang mensahe ni Mayor San Pedro
bawat paaralan sa siyudad, mula elementarya sa mga magsisipagtapos.
hanggang kolehiyo, pibrado at pampubliko. Matatandaang ang nasabing medalya ay
Ipinagkakaloob ang “Mayor Aldrin San nagsimulang isabit sa bawat “most outstanding
Pedro Medal of Excellence” sa isang graduat- graduate” noon pang 2007 kung kailan namuno
ing student na kinakitaan ng pinakamataas na sa ating lungsod si Mayor San Pedro.
antas ng kasipagan at dedikasyon sa pag-aaral. Ang pagiging mahusay ay hindi ang kawa-
Inaasahan na ang parangal na ito, bagamat lan ng pagkukulang at pagkakamali. Ito ay ang
tatanggapin lamang ng mga kinauukulan, ay magsisilbing inspirasyon sa iba pang pagbibigay ng buong makakaya upang mas pabutihin ang ating mga
mga mag-aaral na nagsisikap ding abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay. pagkatao. Layout by Jose Alberto Montano
and Elgene Bautista

Anda mungkin juga menyukai