Anda di halaman 1dari 4

Pamagat ng Pelikula:

Anak
Director:

Rory B. Quintos
Iskrip:

Ricky Lee
Sinematograpiya:

Joe Batac
Musika:

Freddie Aguilar
Mga nagsiganap:

Vilma santos … Josie(Nanay)


Claudine Baretto … Carla(Panganay na Anak)
Baron Giesler … Michael(Panagalawang Anak)
Shiela May Alvero … Daday(Bunsong Anak)
Rudy ... Joel Torre(Tatay)
Amy Austria … Lyn(Kumare ni Josie)
Cherry Pie Picache … Mercy(Kumare ni Josie)
BUOD:
Ang istorya ay tungkol sa babaeng hirap na gumawa ng isang mahusay
na buhay para sa kanyang pamilya ay nagsisikap si Josie ngunit naging
sanhi ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kanyang anak na si
Carla. Si Josie ay isang nanay ng tatlong anak mula sa Pilipinas na
kumuha ng trabaho sa Hong Kong, nagtrabaho si Josie sa Hong Kong
bilang katulong sa loob ng ilang taon. Alam ni Josie na makakasahod
siya ng malaking pera sa Hong Kong kaysa nasa Pilipinas siya, ngunit
siya rin ay nagkaroon ng qualms tungkol sa kung paano ito eepekto sa
kanyang mga anak, lalo na nang namatay ang kanyang asawa pag
karaan ng ilang araw matapos siyang umalis. Nung si Josie bumalik sa
bahay, siya ay may mga regalo para sa lahat at may naitago siyang isang
malaking porsyento ng kanyang sahod, nag plano siya upang gamitin ito
upang simulan ang isang negosyo. Ang mga mas bata kay Carla na Si
Daday at Si Michael, ay inaalagaan ni Josie, at habang sa oras na silang
dalawa ay nalalapit na sa ina nila, ang panganay na si Carla ay nag
rerebelde dahil nung namatay ang kanilang tatay ay hindi lamang
umuwi ang kanilang nanay para sa libing ng kanilang tatay at nagsimula
si Carla na makipagdate sa mga lalaki kahit na alam niya na hindi siya
papayagan ng kanyang ina at sinimulan na din gumamit ng droga ni
Carla. Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng
kanyang inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito,
napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa
Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang
alitan ng dalawa hanggang sa binuhos niya ang lahat lahat ng kanyang
nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni
Carla sa katotohanang siya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang
mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili niya dahil sa pagpapalala niya
sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa
kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa
kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie
sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi.

Pagsusuri:
Simple lang ang istorya. Pinatingkad lang ang pelikula ng matitinding
dialogues. Tamang-tama ang pasok ng flashback scenes na
nagpapaliwanag sa ugali ng mga tauhan.Kung tutuusi’y hindi na iba ang
tema ng pelikula, pero ang pagkakaiba nito ay ang mga artistang
nagbibigay buhay sa papel na kanilang ginagampanan. Damangdama
namin ang panonood, naluluha-luha na kami sa mga eksenang
napapanood. Grabeng mga linya, nanggagaling sa puso kaya tumatagos
sa puso.Maganda ang pelikula tungkol ito sa ugnayan ng isang ina at
kanyang mga anak na iniwan niya sa Pilipinas Sa tingin ko ang Anak ay
magandang pamagat akmang akma ito sa palabas. Pinapalabas dito ang
tunay na karanasan ng isang tao, kapupulutan ito ng aral maganda ang
pagkakaayos ng direktor sa pelikula magagaling ang mga gumanap na
artista. Maganda ang sinematograpiya nakatulong ang pag-iilaw sa
pagtatampok ng mga mahahalagang eksena at malikhain ay may
layunin din ang galaw ng camera. Maganda ang iskrip ito ay tungkol sa
isang ina na nag abroad para matustusan ang kanyang tatlong anak.
Maganda ang musika ay orihinalidad ang pag lapat ng tunog nakatulong
ang awitin upang maunawaan ang tema ng pelikula. Magagaling ang
mga nagsipagganap Sa pelikula magaling umarte si Vilma Santos
nagampanan niya ng maayos ang role niya bilang nanay sa pelikula
naging pinakamahusay na aktres si Vilma Santos noong ika-17 Star
Awards. Magaling din si Claudine Baretto nagampanan din niya ng
maayos ang role niya bilang isang anak na nagrerebelde. Naging
pinakamahusay na pelikula ang Anak sa Catholic Mass Media Awards.

Rekomendasyon:
Nirerekomenda ko ito sa mga kabataan na panoorin nila ang Anak dahil
ito ay kapupulutan ng aral pero dapat meron itong gabayan ng kanilang
mga magulang dahil sa mga masasamang salita sa pelikula. Sana
tinanggal na lang yung mga masasamang salita sa pelikula dahil baka
gayahin ito ng mga batang manonood at sana hindi na ipinakita yung
scene na lumaban ang anak sa ina dahil baka gayahin din ito ng mga
manonood na kabataan.

Anda mungkin juga menyukai