• Sa unang absent na valid ang dahilan ay abswelto sa multa kapalit na gagawin ang take-
home na trabaho sa deadline na ibinigay. Ang pagkaleyt ng deadline ay katumbas ng
multa sa nakasulat sa taas. Pag pinabukas ang pagsubmit ng take-home assignment ay
magmumulta ng 200 piso sa anumang dahilan nito.
• Sa pangalawang absent ay nangangailangan ng ebidensya sa anumang paraan pwera ang
pagpunta at pagtawag ng magulang sa kanino mang miyembro ng grupo. Halimbawa
nang ebidensya ay letrato ng event na pinuntahan or anumang valid na kasulatan tulad
ng hospital bill, medical certificate ay maaari.
• Sa pangatlong pag-absent ay ikukunsulta na sa adviser at level coordinator para sa
anumang paglilitis.
• Sa pang apat na hindi pagpunta sa meeting ay tanggal na sa grupo
• Be honest at all times
4. Ang komunikasyon sa bawat isa ay importante. Ang pag off ng cellphone at hindi pagsagot ng
tawag sa oras ng meeting ay malalagay sa log-book at marereport sa adviser.
5. Ang Rules and Regulations na ito ay final at susundan. Anumang revisions ay pagdedesiyunan
nang majority ng grupo
6. Iwasan ang pagmamanipula sa buong grupo para sa pansariling interes
7. Iwasan ang anumang hindi thesis-related na gawain at pagdamay sa ibang grupo na
nakakaapekto sa ginagawa sa oras ng paggawa ng thesis
8. Bago magtapos ang araw ay mgseschedule para sa susunod na araw
9. Ang oras ng break at thesis work ay pagkakasunduan sa mismong pagkikita bago magsimula ng
trabaho
10. Ang agreement na ito ay sa atin atin lamang
11. Walang gagawa ng dahilan para magsiraan ang bawat miyembro ng grupo sa ibang grupo.
Pagtatanggol natin ang bawat isa kung may inaagrabyado man sa atin.
12. Pag oras ng trabaho- trabaho lamang – Maaaring magkwentuhan basta matapos ang trabaho sa
tinakdang oras
13. WALANG MAGPAPABUKAS NG TRABAHO
14. walang gagawa ng ibang requirement tulad ng case report at case study sa oras ng paggawa
ng thesis
15. Iwasan ang sumimangot at pagrereklamo habang nagtatrabaho sapagkat nakakahawa ito ng
kabadtripan sa buhay. Ienjoy natin ito at magng professional lamang
16. Lahat ng meeting schedules simula ng March 31, 2011 ay hindi na itetext kundi pinaguusapan
nalang bago mgdismiss sa meeting. Obligasyon ng nagabsent na magtanong sa kahit kanino
mang miyembro ng grupo tungkol sa araw ng susunod na meeting.
Lagda:
Petsa: