Anda di halaman 1dari 1

ATTN: DESK EDITOR

ABIGAEL VINEGAS
May 12, 2011

NAGBABALA ang Lungsod Quezon sa mga delingkwenteng tax payer na hindi


mangingiming i-auction ang kanilang mga ari-arian kung patuloy na
magmamatigas sa di pagbabayad ng buwis.

Ito ang sinabi ni Quezon City Treasurer Ed Villanueva kasabay ng


paghahayag na timaas ng mahigit anim na raang milyon (php
680,000,000.00) ang koleksyon ng Lungsod sa buwis sa unang quarter pa
lamang umano ng taon.

Aniya ngayon 1st quarter, nasa tumataginting na sampung bilyon at 250


milyon piso ang naging kabuaang koleksyon ng lungsod sa mga Real
Property Taxes at iba pang buwis.

Paniwala ng opisyal ang mas pinaigting na pagpapadala ng mga notices at


ang pagseseryoso sa auction sale at maigting na pagbusisi sa mga libro ng
mga delinquent payers ang siyang dahilan ng mataas na koleksyon sa buwis
ng Lungsod Quezon.

Bukod dito, nagtatag din ng mga satellite offices ang treasurer’s office upang
mas mapatatag pa ang tax collection.

Kabilang sa mga nilagyan ng satellite office ang nasa Club House ng West
Triangle sa Lungsod.

Paglilinaw din ng opisyal, ang mga delinquent payer ay maaaring


makipagkompromiso kung talagang masyado malaki at mabigat ang
kanilang bayarin sa buwis. Pumapayag umano ang lungsod sa 6 months
compromise agreement depende sa estado ng bayarin.

Pangunahin umano sa layunin ng lungsod ang makakolekta ng buwis at


mapataas ang target revenue at hindi ang mangumpiska ng mga ari-arian.
ABIGAEL VINEGAS

Anda mungkin juga menyukai