Anda di halaman 1dari 1

Ang Buhay ay Mahalaga

Sa panahon ngayon, marami na ang nangyayari sa buhay ng isang tao. Mga buhay na nailigtas galing sa kapahamakan ni Hesu Kristo. Nagtataka parin ako kung bakit gumagawa pa rin ng mga kasalanan ang tao kahit alam nila na ibinuwis ni Hesu Kristo, ang Anak ng Panginoon, ang Kanyang buhay para sa atin. Tayo ang nagkasala ngunit iba ang nagdusa dahil dito. Isang pangyayari na mahirap paniwalaan ngunit totoo. Si Hesu Kristo, isang nilalang na walang kasalanan, ang nagsakripisyo sa sarili niyang buhay upang mapatawad tayo ng Diyos dahil tayo ay nagkasala. Ngunit binibigyan ba nating halaga ang buhay natin at ng iba? Binigyan ba nating halaga ang sakripisyo ni Hesu Kristo? Nagawa ba nating bayaran ang pagkukulang natin sa Kanya at sa sarili natin? Para sa akin, ang mga kasagutan doon ay hindi. Sa halip na pahalagahan natin ang buhay na ibinigay sa atin ng Panginoon, sinisira at inaabuso natin ito. May iba pa nga na pumapatay ng ibang tao at pumapatay sa sarili nila. Sa mata ng Diyos, masama iyon at may mabigat na parusa ngunit dahil sa sakripisyo ng Kanyang Anak, napapatawad ang mga kasalanan natin. Nagdadasal at humihingi ng patawad ang tao para sa kanilang nagawa na mga kasalanan. Mahalaga naman talaga ang buhay ah. Ito ang nagbibigay sa atin ng pagkakataon na maabot ang ating mga pangarap. Nakapagbibigay ito ng pagmamahal at kasayahan sa ating sarili at sa ibang buhay ng tao. Nagagawa natin ang mga gusto at nais nating gawin nangdahil dito. Mayroon tayong pera, pagkain, tahanan, at kagamitan ngunit minsan mararamdaman natin na may kulang. Kung mag-isa ka lang, parang may butas sa kaluluwa at puso mo. Kulang kasi eh. May kulang na kulang. Pamilya? Anak? Nanay? Tatay? Kasintahan? Silang lahat ay may buhay. Buhay na kailangan ng tao hindi lamang para sa kanyang sarili ngunit para rin sa iba. Hindi ko naman sinasabi na hindi dapat sinakripisyo ni Hesu Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Ang ibig ko lang ipaabot ay yung matuto naman tayo na magkaroon ng utang na loob sa Kanya at sakripisyong ginawa niya. Hindi naman mahirap yun. Unang-una, pahalagahan lang natin ang mga buhay na iniligtas niya at mahalin natin ang isa t isa gaya ng pagmamahal niya sa atin. Kahit na ako y isang Saksi ni Jehovah, kinikilala pa rin namin ang Anak niyang si Hesu Kristo. Nirerespeto at pinagdarasal namin silang dalawa. Pinapahalagahan namin ang kanilang mga ginagawa. Binigyan nila tayo ng buhay. Sila ang nagbigay nito kaya wala tayong karapatan na sirain at kunin ito. Wala tayong karapatan na pumatay at magparusa. Ngunit, ano ba ang ating magagawa kung may taong pumatay ng tao? Wala nga tayong karapatang magparusa ng iba ngunit hindi rin naman tayo pwedeng kumuha ng buhay ng iba? Pananaw ko lang ito at maaaring iba rin ang opinyon niyo. Para sa yo, may karapatan ba tayong magparusa sa taong pumatay?

Anda mungkin juga menyukai