Anda di halaman 1dari 4

Ang Alamat ng Makopa

Sa malayong bayan ng San Rafael ay may isang simbahan. Ang simbahang ito ay kilalang-kilala sa mataginting na tunog ng kanyang kampana. Kapag narinig mo raw ang dupikal ng kampana ay para mo nang naring ang boses ng mga anghel sa kalangitan. Dahilan dito ay pinagdarayo ang simbahan ng San Rafael. Gustong-gusto ng mga tao ang taginting ng tunog ng kampana. Isang araw ay isang barko ng mga pirata ang namataang dumarating sa may dalampasigan ng San Rafael. Nagkagulo ang mga tao. Kilalang-kilala ang kilabot na piratang si Tagudin. Ang kanilang ginaway kani-kanyang hablot ng ilang mahahalagang ari-arian at patalilis na tumakas patungo sa karatig na bundok. Ang ilang kalalakihan ay umakyat sa kampanaryo. Marahil ay nabalitaan ni Tagudin ang sikat na kampana. Baka ito pag-interesan ng mga pirata. Tulong-tulong na binaklas ng mga kalalakihan ang kampana mula sa kinakabitan nito. Mabilis nila itong naibaba, ngunit saan nila ito itatago? Hindi nila madadala ang kampana sa kabubdukan. Mabigat ito. Nag-isip ang kura-paroko. Mayamayay sinabi niya, Ibaon natin ang kampana sa may likuran ng simbahan. Dali, madali tayo. Nagtulong-tulong ang mga kalalakihan. Tumulong din ang ilang mga babae, mga bata at matatanda. Mahal ng mga taga-San Rafael ang mataginting na kampana. Dahil sa mabilis na pagkilos ng lahat ay madaling naibaon ang kampana. Pagkatapos ay mabilis ring tumalilis ang mga tao patungo sa kabundukukan. At lumunsad ang mga tauhan ng mabangis na piratang si Tagudin. Una nitong sinugod ang simbahan. Ang pakay pala nilang talaga ay makuha ang mataginting nitong kampana. Ngunit wala silang makita.

Galit na galit si Tagundin. Niligid niya ang baryong wala ni isa mang tao. Dahil wala siyang makitay ipinag-utos niang sunugin ang buong baryo. Pagkatapos nooy poot na poot itong umalis sakay ang kanyang barko. Hindi kaagad bumalik ang mga taga San Rafael. Natatakot silang pagbalikan ni Tagudin. Nang makaraan ang ilang buwan ay saka lamang nagkalakas ng loob ang mga mamamayan na bumalik sa baryo. Natagalan din bago unti-unting naibalik ng mga mamamayan ng San Rafael ang kanilang munting pamayanan. Matapos nilang maitayong muli ang kanilang mga bahay ay naalala nila ang kampana. Hangos ang ilang kalalakihan sa bakuran ng simbahan. Hinanap nila ang lugar na pinagbaunan sa kampana. Ngunit hindi nila ito makita. Nakakailang hukay na sila ngunit hindi pa rin matunton ang tiyak na lugar na kinababaunan nito. Nang mapagod sila sa kahuhukay a pansamantalang namahinga ang mga kalalakihan sa ilalim ng isang mayabong na puno. Napansin ng isa, Anong puno ito? Dati na ba ito rito? Isat isay napatingin. Hindi nila kilala ang malaking puno. Pagtingala nilay nakita nila ang mga bunga nitong kulay rosas. Umakyat ang ilan upang usisain ang bunga. Aba, kampana, pag-ulat na sabi nila. Oo nga, korteng kampana, ayon ng isa pa. Iyan ang ating kampana! Dito natin ibinaon ang kampana sa lugar na ito, hindi ba? Oo nga, kaya pala hindi natin makita-kita ang ating hinahanap. At ito ang nagging simula ng punong may mga bungang hugis kampana. Ito ay tinawag nilang makopa.

A. Sabihin kung SINO. _______________ 1. kilabot na pirata _______________ 2. nag-utos na ibaon ang kampana _______________ 3. nagbaon sa kampana _______________ 4. tumalilis sa patungong kabundukan _______________ 5. lumusob sa bayan ng San Rafael B. Sabihin kung ANO. _______________ 1. pakay ni Tagudin sa vayan ng san Rafael _______________ 2. sinakyan ni Tagudin _______________ 3. tumubo sa lugar na pinagbaunan ng kampana _______________ 4. bungang hugis kampana C. Sabihin kung PAANO. _______________ 1. binaklas ng mga kalalakihan ang kampana buhat sa kinakabitan nito _______________ 2. tumalilis ang mga tao patungo sa kabundukan _______________ 3. umalis ng San Rafael si Tagudin _______________ 4. naibalik ng mga taga-San Rafael ang kanilang pamayanan D. sagutin ang mga sumusunod. 1. Bakit mahal ng mga tao ang kampana?

2. Bakit ibinaon nila ang kampana?

3. Bakit ipinasunog ni Tagudin ang buong baryo?

Anda mungkin juga menyukai