Anda di halaman 1dari 2

Joseph Luis Ejercito G.

Cuepo 4C Alamat ng Adik Isang araw na umaapoy sa kainitan, limandaan at apatnapu't walong taon na ang nakalipas, naglakbay ang dalawang magkasintahan sa gubat ng San Pablo. Mar ang palayaw ng lalaki samantalang Juana ang sa babae. Sa kanilang paglalakbay, silay ay marahas na dinakip ng mga tulisan. Huwag po, huwag po! sigaw ni Juana. Kunin niyo na lang lahat, huwag niyo lang sasaktan ang aking mahal, sinabi ni Mar na ginapos ng mga tulisan. Kinuha ng mga tulisan ang mga gamit ng magkasintahan, kasama na ang pagkain, inumin, damit at tulugan (tent). Kinahinaan ng loob nina Mar at Juana ang pangyayari kaya minarapat muna nina Mar at Juana na magpahinga sa ilalim ng punong Acacia. Kinagabihan, silay naghanap ng kung anu-anong makakain. Mahal, tayo muna ay maghiwalay. Maghanap tayo ng pwede nating kainin pang hapunan. sabi ni Mar. Pagkalipas ng dalawang oras at dalawamput-tatlong minuto, bumalik at nagkaharap na ang magkasintahan. Parehong silang nagulat sa nasilayan sapagkat parehong walang dalang pagkain. Ipagpaumanhin mo mahal at wala akong nahanap. ani Juana. Ganoon din ako. Ipagpaumanhin mo. malungkot na sinabi ni Mar. Dahil sa matinding gutom, pati ang mga halaman ay pinatulan na ni Mar, at inayayahan pa si Juana na tumikim nito. Juana, Juana, mahal, tikman mo to. Wala siyang lasa pero pwede na ring pagtiisan! masayang sinabi ni Mar. Dinikdik niya muna ito upang mas madaling kainin, at pinatikim kay Juana. Ano ba ito?! Nakakadiri! sabi ng nadismayang babae. Iniluwa ni Juana ang pagkaing halaman. Pagkatapos ng ilang sandali, biglang kinapkap ni Juana ang kanyang bulsa. Mar, may posporo ako sa bulsa! tuwang-tuwang ibinalita ni Juana. Hindi umimik si Mar. Walang laman ang tiyan ni Juana, ngunit mas naisipan niyang magsaya at aliwin ang sarili. Dahil dito, ginamit ni Juana ang posporo at sinindihan ang mga halaman para malibang. Sa ginawa ni Juana, umusok ang mga halaman. Dahil sa bisyo ni Juana na manigarilyo,

naisip niyang subukang higupin ang mga halaman at maaliw. Ilang sandali lang, itoy nahilo at kung anu-ano na ang pinagsasabi. Mahal, nasaan ako? wika ni Juana na tilay lasing. Nagulat si Mar. Sinubukan din niyang higupin ang halaman dahil sa pagtataka sa sinapit ni Juana. Pareho silang nahilo. Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ni Mar, agad niyang ginising si Juana at tinanong kung ano ang nangyari noong nakalipas na gabi. Aaah, eeeh, ewan ko! sagat ni Juana na tila walang kaalam-alam sa nangyari noong gabi. Ganun din si Mar, at walang matandaan ang dalawang magkasintahan. Naisipan nanaman ni Juana na maglaro ng apoy. Alam niyang ginawa niya ito kahapon ngunit hindi niya maalala ang nangyari pagkatapos. Gutom man, mas pinili niyang aliwin ang sarili sa pagsindi muli ng mga halaman. Hinigop niya ang mga abo. Nawala nanaman sa sarili si Juana. Napansin ito ni Mar. Maaaring dahil nga ito sa mga halaman. Mukhang napakasaya ni Juana at parang walang problema! Mukhang hindi rin siya gutom! gulat na winika ni Mar. Ginaya ni Mar si Juana at pareho silang nalibang sa kinasapitan nila. Walang ni isang problema ang pumasok sa isipan nila. Napakasaya ng mga oras na iyon. Dahil sa kanilang karanasan at pagkawala ng kanilang mga problema, patuloy silang naghakot at nagputol ng mga halaman. Nangayayat ang dalawa ngunit bakas sa kanilang mga mukha ang umaapaw na kasiyahan. Sa tuwing may taong makikita o dadaan sa kanila, tinatawag nila ang mga ito at binibigyan ng mga pinausukang halaman. Araw gabi nila itong ginawa, at dito nagsimula ang mga adik.

Anda mungkin juga menyukai