Anda di halaman 1dari 4

AMDG Araling Panlipunan Kabihasnang Ehipto, Gresya at Romano!

I.

Kabihasnang Sinaunang Ehipto (Ancient Egypt Civilization) 1. Heograpiya 1. Manipis at mahabang lupain sa tabi ng Ilog Nile 2. Mataba ang lupa dahil sa mineral mula sa pagbaha ng Ilog Nile 2. Ekonomiya 1. Pagsasaka at Irigasyon (dahil sa matabang lupa) 2. Kalakalan (ang ginagamit na daan ay ang Ilog Nile) 3. Kultura 1. Arkitektura: Piramide, Kanal, Irigasyon, Sphynx 2. Hieroglyphics at Book of the Dead 3. Pag-eembalsamo at Heometriya 4. Pulitika 1. Nasa Paraon ang kapangyarihan, dahil pinaniniwalaang apo ng diyos na si Re 5. Kasaysayan 1. Lumang Kaharian 1. Nagsimula nang mapag-isa ng paraon ng Itaas na bahagi ng Ehipto(Upper Egypt) na si Menes ang Itaas at Ibabang Bahagi ng Ehipto(Lower Egypt) 2. Lumaki ang kaharian, umunlad ang kalakalan dahil sa mahusay na pamumuno 3. Itinatag ang Memphis bilang kabisera ng Ehipto 4. Pagsimula ng pagtatayo ng mga paraon ng piramide bilang libingan ng paraon 5. Bumagsak dahil sa sumiklab na digmaang sibil 2. Gitnang Kaharian 1. Ang mga prinsipe mula sa Thebes ang nakapagkaisa muli sa Ehipto 2. Irigasyon ang binibigyang pansin ng paraon kaya't humina ang hukbo 3. Tinatag sa panahong ito ang kanal na kinatatayuan ng kasalukuyang Suez Kanal 4. Dahil sa mahinang hukbo, nasakop ng mga Hyskos ang Ehipto 3. Bagong Kaharian 1. Naitatag nang mataboy na ang mga Hyskos 2. Nasakop ang Palestina, Ethiopia at Syria 3. Nagpatayo ng mga statwa, templo at ang Lambak ng mga Hari 4. Bumagsak sa huli ang Bagong Kaharian at nasakop ng iba't ibang mananakop

II.

Helenikong Gresya (Hellenic Greece) 1. Heograpiya 1. Pinalilibutan ng mga dagat at karagatan 2. Bulubundukin ngunit kaunting depositong mineral 3. Malapit sa maraming mga iba't ibang lupain ng sinaunang kabihasnan 2. Ekonomiya 1. Pangingisda 2. Pangangalakal 3. Paglalakbay at paglalayag 3. Kultura 1. Pagsimula ng kaisipang Demokrasya

2. 3. 4.

Mga istruktura tulad ng Parthenon Nagpasimula ng mga pilosopiya, Paraang Socratiko Mag-aaral ng Socrates si Plato, na guro ni Aristotle, na guro ni Alejandro, ang bubuo ng Helenistikong Gresya

4.

Pulitika 1. Nahahati sa iba't ibang polis 2. Ang polis na Sparta ay may militaristang pamahalaan Ang polis na Athens ay: Monarkiya Aristokrasya Tiraniya Demokratiko. Si Solon at Pericles ang ilang tumulong sa pagsibol ng Athens. 4. Sa Athens, maraming karapatan ang mamamayan Kasaysayan 1. Panahong Mycenaean / Homeriko 1. Unang bahagi ng kasaysayan ng Gresya 2. Batayan ng mga kaalaman sa panahong ito ay ang Illiad at Odysseyni Homer 2.

3.

5.

3. Bumagsak noong panahon ng kadiliman ng Gresya nang salakayin ng Doriano Paglitaw ng mga Polis 1. Dulot ng pagtagal ng panahon ng kadiliman 2. Polis ay nangangahulugang estadong lungsod. May isang nasyon ang mga griyego ngunit may iba't ibang pamahalaan ang bawat pamayanan. 3. Ang Spartano ang magagaling na mangdirigma 4. Ang Athens nama'y kilala sa pagpapahalaga ng demokrasya at karunungan Digmaang Persyano 1. Sinakop ng mga Persyano ang Ionia, kung saan tinulungan ng mga Athenian ang Ioniano. Nanalo sila sa umpisa ngunit nagpadala ng malaking pwersa kaya natalo ang mga griyego. 2. Sa Labanan sa Marathon nagpadala ang Haring Darius ng 20 000 katao ngunit natalo sila. Nagplanong maghiganti ang hari ngunit namatay bago magawa. 3. Sa paglusob ng 200 000 sundalo ng Haring Xerxes, naghanda ang mga Spartano sa pamumuno ni Haring Leonidas at ang 300 sundalo. Lumaban sila hanggang mamatay silang lahat. Ang mgaAthenians naman ay umalis sa Athens upang magdigma gamit ang barkong pandigma. Natalo ng mga Athenian ang Persyano. 4. Dahil dito, ang Athens ang kinilalang pinuno ng mga polis sa Gresya Digmaang Peleponnesia 1. Sumiklab nang mabatid ng Sparta na umaabuso ang Athens 2. Nahati ang Gresya sa dalawang kampo na pinamumunuan ng Athens at Sparta 3. Nanalo sa umpisa ang Athens ngunit bumagsak din dahil sa mga magagaling na pinuno sa Sparta, na tinulungan pa ng mga Persyano Pagbagsak ng Kabihasnang Helenikong Gresya 1. Paghina ng katapatan ng mga Griyego sa kani-kanilang polis 2. Ang katapatan ng mga Griyego ay napunta sa kanilang ideolohiya at partido 3. Humina ang agrikultura ng mahihirap ng mamamayan kaya't binenta sa mayayamang may-ari ng lupa

3.

4.

5.

III.

Helenistikong Gresya (Hellenistic Greece) 1. Ekonomiya 1. Mas malawak na ang kalakalan dahil mas maraming lugar na sakop 2. Kultura 1. Ilang gawaing asyano o ehipsyano ay ginaya ng Griyego, tulad ng relihiyon 2. Paaralan, silid aklatan, obserbatoryo, at mga lugar ng kaalaman 3. Pagtatag ng Alexandria sa Ehipto 4. Mga pilosopiyang Stoiko (wag pansinin ang ang sakit o kaginhawaan), Siniko (pagkontrol sa mga hilig ng katawan) at Epikurianista (kaligayahan ng tao ay mahalaga). 3. Pulitika 1. Si Alejandro ang tanging pinuno. Siya ay anak ni Hari Felipe ang Dakila, ang nakapag-isa sa Macedonia at nagpabago sa sistema ng pakikipaglaban ng hukbo 2. Nasakop ang Gresya, Persya, Pakistan, Ehipto at Gitnang Asya 3. Nang mamatay si Alejandro, ang mga heneral ang pumalit at naghati sa mga lupa

IV.

Kabihasnang Romano (Roman Civilization) 1. Heograpiya 1. 7 burol sa may Ilog Tiber 2. Ekonomiya 1. Pagsasaka 2. Pag-aalaga ng hayop 3. Kultura 1. Polytheismo ang relihiyon; naniniwala sa maraming diyos. Naimpluwensiyahan ang relihiyon nila ng Griyegong relihiyon 2. Kalendaryo 3. Pagtayo ng Ampitheater at Colosseum 4. Wikang Latin na pinag-usbungan ng mga wikang Inggles Pranses at Italyano 4. Pulitika 1. Monarkiya nang masakop ng mga Etruskano. 2. Aristokratong Republika nang magsimula, kung saan na sa mga mayayaman, ang Patriciano, ang pamumuno at paggawa ng batas.Plebiano ang tawag sa manggagawa at magsasakang Romano. 3. Batas na nagpapapantay pantay sa lahat ng mga tao sa hustisya 5. Kasaysayan 1. Pagdating ng mga Latino 1. Mga Latino ang tribo ng mga Romano 2. Likas sa kanilang angkan ang pagtitiis sa hirap ng buhay at sipag 3. Ito ang dahilan kaya't gumaling sa pakikidigma ang mga Romano 4. Nasakop ng mga Etruskano ang Roma, kung kaya't natuto ang mga Romano tulad ng pagtatayo ng gusali, daan at mga pader sa lungsod 2. Roman Republic 1. Naitatag ng mapalayas ng mga Romano ang mga Etruskano 2. Aristokratikong Republika noong umpisa, ngunit natupad ang nais ng mga Plebiano na lumaki ang kanilang karapatan nang tumangging manilbihan sa hukbong lakas ng Roma. 3. Ilang karapatang nakuha ng mga plebiano ay ang bumoto ngTribuno, ang tagapaglimita sa gawain ng consul at senado, at ang kodipikasyon ng batas. 4. Lumakas ang hukbong lakas ng Roma dahil sa mga mamamayang-sundalo 5. Nang lumaon, lumaki ang Romanong republika, nakasakop ng mga kolonya ng Griyego at mga Gaul sa Italya. 6. Tinuturing nilang romano ang mga nasakop na lupain kaya't nakuha ang suporta 7. Nasakop pa ng Romanong Republika ang Ehipto, Macedonia, Gresya, Syria at Timog Kanlurang Asya 8. Digmaang Puniko 1. Nais ng Roma na makontrol ang Dagat Meditereo, na kontrol ng Carthage, lungsod ng mga Phoenician sa hilagang Afrika 2. Sa Ikalawang Digmaang Puniko, kinuha ng Carthage ang Espanya upang salakayin ang Italya sa pamumuno niHannibal. 3. Hindi matagumpay ang mga Phoeniciano at nakuha pang salakayin ng hukbong Romano ang Carthage. 4. Nagharap ang dalawang puwersa sa Labanan sa Zama, kung saan nanalo ang Roma, nakuha muli ang Espanya at ilang isla ng Carthage. 5. Ang Ikatlong Digmaang Puniko ay sumiklab dahil sa paniniwalang banta sa mga Romano ang Carthage. Sinalaky nila ito at nadurog ang Carthage. 9. Dahil sa mga pagwawagi, lumaganap ang pang-aalipin ng mga Patriciano at nawala ang kaugaliang Romano ng pagtitiis at sipag. Humina rin ang industriya at hukbong romano. Nawala na ang pagkakaisa ng Roma. 3. Digmaang Sibil

4.

5.

Pakikipaglaban ng magkapatid Gracchi. Bilang mga tribuno, pinasa nila ang mga batas na magbabalik ng mga lupain sa mga mahihirap na romano, ngunit sila'y pinapatay ng mga patricianong ayaw ibalik ang mga lupa. 2. Ang digmaan ni Marius, ang nangakong tutulong sa mahihirap na romano, at ang pinunong romano na si Sulla ay nagtapos sa pagwagi ng pinuno. Ginawa niyang sarili niya bilang diktador at ipinapatay ang lahat ng kanyang kalaban. 3. Ang First Triumvirate nakinabibilangan nina Julius Caesar, Pompey at Crassus ay naglayong pigilan ang mga ginagawa ng ambisyosong heneral. Lumao'y nag-away para sa kapangyarihan ang tatlo, at si Julius Caesar ang nanalo. Ang Imperyong Romano 1. Sa pamumuno ni Julius Caesar, nakuha nila ang Gaul at Britanya 2. Ang natirang myembro ng Triumvirate, si Pompey at ang senado ay nakidigma laban kay Caesar, kung saan nanalo ang huli. 3. Inayos ni Caesar ang Roma sa pagbaba ng buwis, pagbigay ng sakahan at lupain at pagbigay ng pagkamamamayang romano sa mga di-romano na nakatutulong sa roma 4. Pinatay si Caesar ng mga taong natatakot sa kanyang kapangyarihan 5. Sa pagkamatay ni Caesar, sumiklab ang digmaang sibil sa pagitan ng hukbo nina Brutus at Crassus AT ang Second Triumvirate na binubuo nina Mark Anthony, Octavian at Lepidus. Nanalo ang Second Triumvirate. 6. Nag-away ang Second Triumvirate para sa kapangyarihan, natalo niOctavian ang hukbo ni Mark Anthony, at ipinatalsik sa puwesto si Lepidus. 7. Itinatag ni Octavius, ang anak ni Julius Caesar, ang Imperyo ng Roma. Pinalitan ang pangalan niya at naging Augustus Caesar. 8. Sa pamumuno niya, nagsimula ang kapayapaan at kaunlaran na tinawag na Pax Romana. 9. Sumunod kay Caesar ay iba't ibang emperador sa iba't ibang dinastiya. Si Nerva lang ang nagsimula ng sistemang pagpili ng susunod na emperador sa pamamagitan ng kagalingan. 10. Simulang humina ang Imperyong Romano nang mamatay ang huling mabuting emperador, si Marc Aurelius. 11. Pagkamatay ni Marc Aurelius, marami pang mga emperador na mahihina ang sumunod. Hanggang si Diocletian ang naging emperador... Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano 1. Si Diocletian ang emperador na naghati sa Imperyo sa dalawang bahagi: ang Silangan at Kanlurang Romanong Imperyo. NagingTetrarkiya ang uri ng pamunuan, kung saan dalawa ang emperador at may tig-isang pangalawang emperador. 2. Roma ang kabisera ng Kanlurang Imperyo samantalang Byzantiumang kabisera ng silangan. 3. Si Constantine ang sumunod na emperador kung saan ipinag-isa niya muli ang dalawang imperyo. Kilala si Constantine sa pagtupad ng Ediko ng Milan na nagtitigil sa pag-uusig sa mga kristiyano. 4. Mga salik ng pagbagsak ng Roman Empire: 1. Mahihinang pinuno sa kabila ng malaking imperyo 2. Pagbagsak ng ekonomiya dahil sa luho nakatuon ang interes ng mamamayan 3. Hindi na mga mamamayang romano ang naninilbihan bilang sundalo kundi mga Germanikong mandirigma 4. Pagsalakay ng mga tribong Germaniko dahil hindi nabigyan pansin ng mga nag-aagawang pinuno ang pagbantay sa hangganan ng imperyo. Pinabagsak ng mga sundalong Germaniko ang huling emperador na si Romulus Augustusna pinamumuan ni Odoacer.

1.

Anda mungkin juga menyukai