Anda di halaman 1dari 3

Si Amomongo at si Iput Iput Ang Gorilya at ang Alitaptap

Ang pabulang ito ay isa lamang sa kalipunan ng mga Bisaya na naglalarawan ng paglalaban sa pagitan ng maliliit na insekto at malalaking hayop.

Huwag maliitin ang maliliit dahil may magagawa silang di magagawa ng malalaki Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan.Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito. Hoy, Iput-Iput,bakit lagi kang may dala-dalang ilaw? Sumagot si Iput-Iput. Dahil natatakot ako sa mga lamok. Ah, duwag ka pala, ang pang-uuyam ni Amomongo. Hindi ako duwag! , ang nagagalit na sagot ni Iput-Iput. Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?, ang pang-aasar ni Amomongo. Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko sila kaagad at nang sa gayoy maipagtanggol ko ang aking sarili., ang tugon ni Iput-Iput. Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga utong gumising at ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita. Nang mabalitaan ito ni Iput-Iput, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising. Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sayong hindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod na Linggo ng hapon. Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya. Mayroon ka bang mga kasama? Wala!, ang sigaw ni Iput-Iput. Pupunta akong mag-isa. Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dilit isang maliit na insekto ang humahamon sa kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap. Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!

Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas malalaki pa sa akin. Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan ng ulo. Ngunit sumagot si Iput-Iput: Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa! Paalam! Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila. Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o pagdarasal. Iminungkahi ni Iput-Iput sa mga gorilya ma magdasal muna sila. Pagkatapos magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo ang kanyang mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ng mga ito. Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ni Amomongo at inilawan niya ito. Hinampas ng kasunod na gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang ilong ni Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong ng pangalawang gorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya ang nahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad. Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kay IputIput na patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.

Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti


Pabula ng Maranao
Batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura madale)

Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. May dalawa

siyang asawa, sina Odang (hipon) at si Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na magsasaka kundi isang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa. Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid. Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni Lalapindigwa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain. Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba hanggang itoy mahulog sa kaserola at naging pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kayat ipinaghele niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at itoy naluto rin. Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa. Pagkaraan ng ilang oras ng paghihitay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan nakita ng gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at ang mga asawa niyang naluto. Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.Gutum na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit nang lumiit dahil batid niyang wala nang mga asawang magluluto para sa kanya.

Anda mungkin juga menyukai