Anda di halaman 1dari 1

AUGUST 15, 2011

NR # 2496

Sasakyan dumarami, kalye sumisikip


Kapuna-puna ang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan na bumibyahe saanmang dako ng bansa. Mula noong 2008, tumaas ito mula 5,891,272 registered vehicles sa 6,220,433 taong 2009 at naging 6,634,855 sa taong 2010 para sa average increase na 6.2 kada taon. Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro) sobra na ang dami ng mga sasakyan na bumibyahe sa mga lansangan ngunit hindi naman nadaragdagan ang mga kalsada na siyang nagiging sanhi ng pagsisikip ng trapiko na nagbibigay ng negatibong epekto sa buhay ng mga Filipino. Ang lahat ng behikulo ay nagbibigay ng air pollution na makakasama sa kalusugan ng tao. Ang sabi ng World Health Organization 65 percent ng pollutants sa ating bansa ay galing sa usok ng mga sasakyan, paliwanag ni Rodriguez. Binangggit ng kongresista ang estatistika ng WHO na nagpapakita na ang carbon monoxide ang siyang pinakamalaking kontribusyon ng pollution load na 50prosiyento, dahil na rin sa gasoline ng mga behikulo, kabilang na ang kotse na may 13.58 percent at motorcycles at tricycles na may 47.88 percent. Dahil dito, papatawan ng karagdagang bayad ang sinumang may-ari na lalampas sa isa ang sasakyan na naka-rehistro sa kanyang rin pangalan batay sa House Bill no. 4950 na inihain ni Rodriguez. (30) eag

Anda mungkin juga menyukai