Anda di halaman 1dari 1

ANG PALABIRONG PASTOL

Isang gabi habang natutulog ang mga pastol ay nabulabog ang kanilang mahimbing na tulog dahil sa isang napakalakas na sigaw at humihingi ng tulong na ang kanyang tupa ay kakainin ng lobo. Kaya dali-dali nilang pinuntahan ang sumisigaw at nagulat sila dahil ito ay nagbibiro lamang. Galit na galit ang mga pastol at umalis na lang, baka kung ano pa ang magagawa nila sa palabirong pastol. Isang araw, nagulat siya ng makita ang mga lobo na akmang kakainin ang kanyang mga tupa. Sumigaw siya ng malakas at narinig ulit ng mga kasamahan niyang pastol. Akala ng mga ito ay nagbibiro pa rin siya kaya ay pinabayaan nila ang sumisigaw na pastol. Dahil doon, kinain ng mga Lobo ang kanyang mga tupa. Umiyak at malungkot ang pastol dahil naubos lahat ng kanyang tupa.

Magandang Aral: ANG PAGBIBIRO AY DAPAT ILAGAY SA TAMANG LUGAR.

Anda mungkin juga menyukai