Anda di halaman 1dari 1

AUGUST 22, 2011

NR # 2503

P500 singil sa entrance exams, kinondena


Kung wala kang pera, hindi ka makakakuha ng entrance examination, ang sabi ni Rep. Sigfredo Tinga (2nd District, Taguig City) na komondina sa ilang pribadong eskwelahan na sumisingil ng entrance examination fee. Ang sabi ni Tinga ang sistemang ito ang nagpababa sa ekonomiya at nagiging hadlang sa maraming estudyante sa pampublikong paaralan na pumasok sa kolehiyo. Parang inalisan sila ng karapatan kahit sa panaginip lang. Idinagdag pa ni Tinga na nagging negosyo ng ilang pribadong eskwelahan ang entrance exams hindi tulad ng maraming paaralan na tinatrato at tanggap nila ang mas maraming estudyante na gusto pumasok sa kanilang paaralan. Tinukoy ni Tinga ang eskwelahan na sumisingil ng entrance exam sa minimum na p500 mula sa mga estudyante ay ang DeLa Salle University, University of Sto. Tomas, Far Eastern University, Ateneo de Manila University, College of Don Bosco, Polytechnic Universsity of the Philippines at ang University of the Philippines. Maaring maliit na halaga pero para doon sa pamilya na abot-kaya lamang ang kinikita, ito ay malaking halaga na para sa kanila, sabi ni Tinga. (30) eag

Anda mungkin juga menyukai