Anda di halaman 1dari 7

ALAMAT NG MAKAHIYA Noong unang panahon ay may mayamang mag-asawa, sina Mang Dondong at Aling Iska.

Mayroon silang labindalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Maria. Mahal na mahal nila ang kanilang anak. Si Maria ay responsible at masuring anak. Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay gusto siya ng lahat. Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria. Dahil sa mahiyain ay ilang sya sa pakikipagusap sa mga tao. Para maiwasan niya ang makita o makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang silid. Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria. Ang mga bulaklak ay magaganda at alam ito ng buong bayan. Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga halaman. Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan. Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa kalapit bayan. Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga residente. Kinabukan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninirahan si Mang Dondong at Aling Iska at ang anak na si Maria. Nakita ni Mang Dondong na parating ang mga bandido, nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaliktasan nito. Nagtago si Aling Iska sa kanilang bahay, nanginginig sa takot habang naririnig niyang pilit binubuksan ng mga bandido ang kanilang tarangkahan. Siya ay nagsambit ng panalangin para sa paghahanda kung ano man ang maaaring mangyari. Aking Panginoon! panalangin ni Aling Iska. Iligtas nyo po ang aking anak. Biglang nabuksan ang pinto. Pumasok ang mga bandido sa bahay at pinalo sa ulo si Mang Dondong. Nawalan ng malay si Mang Dondong at bumagsak sa lapag. Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa ulo. Ginalugad ng mga bandido ang buong bahay. Matapos kuning lahat ang salapi at alahas, hinanap nila si Maria. Pero di nila nakita ito. Umalis na ang mga bandido para nakawan ang ibang pang bayan. Nang matauhan na ang mag-asawa ay nakaalis na ang mga bandido. Nagmadali silang pumunta sa hardin para hanapin si Maria. Pero wala doon si Maria. Muli, ay hinanap nila ang kanilang anak sa lahat ng sulok ng hardin pero wala doon ang kawawang si Maria. Ang anak ko! Tinangay nila ang anak ko! iyak ni Aling Iska Biglang-bigla ay naramdaman ni Mang Dondong na may tumusok sa kanyang mga paa. Nagulat siya dahil may nakita siyang isang maliit na halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon nito. Ito ang unang beses na makakita ng ganitong uri ng halaman. Siya ay lumuhod at tinitigang mabuti ang halaman, ganon din ang ginawa ni Aling Iska. Pagkatapos ng matagal na panahon na tinitigan ang halaman, ang mag-asawa ay naniwalang ang halaman iyong ay si Maria. Ginawang halaman ng Panginoon si Maria para mailigtas sa mga bandido. Hindi mapigilan di mapaiyak si Aling Iska at Mang Dondong, ang bawat luha na pumapatak sa halaman ay nagiging isang maliit, bilog na kulay rosas na bulaklak. Magmula noon ay inalagaan nila ng mabuti ang halaman. Naniniwala sila at alam nila na ang halaman ay ang anak nilang si Maria. Katulad ng kanilang anak, ang halaman ay mahiyain din. Dahil dito ay tinawag nila itong makahiya , dahil nagtataglay ito ng katangian ni Maria pagkamahiyain at tinawag na nga itong makahiya .

ALAMAT NG SAMPAGUITA Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman ayon sa matanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila. Noo y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay baranggay na magkapit-bahay. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga pinatuyong kawayan , na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang nagpapalit ay ang mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng datu sa Balintawak. Ngunit ang lahat ay gumagawa alinsunod sa utos ng kani-kanilang puno. Ang datu ng Balintawak ay mayroon daw isang anak na dalaga na walang pangalawa sa kagandahan, maging sa mukha at sa pag-uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang ina, datapuwa t mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin; sila ang nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Maraming binatang nagingibig sa kanya, ngunit ang nakabihag ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng datu ng Gagalangin na nangangalang Delfin. Nakapagtataka kung bakit gaong ang kanilang mga ama ay mahigpit na magkaaway ay sila y tinubuan ng pag-ibig sa isa t isa. Marangal ang pag-ibig ni Delfin kay Rosita walang halong pag-iimbot, alang ano mang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hanggahan natatabingan ng malagong halaman, si Delfin ay gumagawa ng isang lihim na lagusan kanayang madaraanan. Kaya t kung gabing maliwanag ang buwan, malimit daw magpasayal sila ni Rosita, kasama ang mga abay na dalaga. Sinasamyo nila ang malinis na simoy ng kabukiran at pinanonood nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigan nilang iyon ay lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang. Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hanggahang bakod ay binubuwag at pinapalitan ng mga tagaBalintawak. Nag-utos siya sa ilan niyang mga tauhan upang magmasid sa ginagawang pagbabakod ng mga tagaBalintawak. Nang sila y magbali, tumanggap siya ng blita na ang bagong bakod na itinatayo ay iniusod nang may limang talampakan sa dako ng Gagalangin, at samakatuwid ay nakakakuha sa kanilang lupa. Agad siyang nagpautos sa datu ng Balintawak. Sabihin ninyo, anya sa mga utusan, na ibalik ang bakod sa dating kintatayuan. Hindi matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka t tunay na isang pagnanakaw. Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at sabihin sa kanya ang biling ng datu roon. Sabihin niyo sa inyong datu, ang wika niya sa mga sugo, na ako y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binbalik ko lamang sa dapat kalgyan ayon sa natuklasan kong mga kasulatan ng aking mga nuno. Ipinag-alab bg loob ng ama ni Delfin ang tinanggap niyang balita. Sa gayung mga alitan, ang karaniwang nagiging hangganan ay digmaan. Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat na panagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo ng Gagalangin. Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya y kinabahan. Si Delfin ay batang-bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samatalang ang kanyang ama ay nahasa na sa maraming pakikilaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag-aalala. Ibig sana niyang magkausap sila ni Delfin upang ito y himuking iurong na ang digmaan at mapayapang pakipag-usapan sa ama niya ang lahat. Datapuwa t wala na silang panahon upang magkausap pa. Kinabukasan noo y lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng isang malaking hukbo. Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat , at dahil sa masaganang dugong nawala sa kanya, siya y nabuwal

na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa tabi ng hanggahang bakod, malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni Rosita, kama ng mga abay nito, ay mapayapang namamasyal sa makapal na damuhan. Hindi nabanggit ng mga matatandang nagkuwento ang sinapit na buhay ng dalawang magsing-ibig, kung ano ang naging hanggan ng labanan. Ang sabi lamang nila ay ganito : nang mabalitaan ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga y nagkasakit sa matinding dalamhati. Nagpatawag ng magagaling na mangagamot ang datung ama niya, ngunit sino man sa kanila y hindi nakapagpagaling sa kaawa-awang dalaga. Unti-unti itong pinanawan ng lakas. Nang sa palagay ni Rosita ay hindi siya magtatagal, hiningi niya sa kanyang ama na ang bangkay niya y doon lamang ilibing sa tabi ng pinaglibingan kay Delfin. Masaklap man sa kalooban ng datu, pinagbigyan niya ang kahilingan ng minamahal niyang anak. Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at dumating na ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo y marami ng tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng ng dalwang nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing daw na parang marahang bulong ng panggabing hanging humahalik sa mga dahon ng halaman. Sumpa kita! Sumpa kita! ang winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, kung minsa t sila y nagbabantay, ay wala namang nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan ng dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan datapuwa t maputi, maraming talulot at ang iwing bango y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao roon kung buwan ng Mayo, taun-taon. Sa di-kawasa y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang matuklasan ang hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga salitang sinasambit. Hindi naman sila gaanong naghirap. Nguni t ang kanilang pagtataka y lalo pang nadagdagan nang makita nilang ang dalwang puno ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay. Ngayo y nanariwa sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng dalawang kapos-palad Si Delfin at si Rosita. Samantala . Ang kuwento y nagkasalin-salin sa maraming bibig, at ang Sumpa kita! na inihahatid ng panggabing simoy sa pandinig ng mga nagmamatyag ay naging Sampaguita , na siyang iningalan na tuloy sa mahalimuyak na bulaklak ng halamang tumutubo sa libing ng magsing-irog.

ANG ALAMAT NG PINYA

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak. Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak. Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kayat nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin. Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain. Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang. Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata. Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

Ang Alamat ng Papaya Sa isang malayo at liblib na bayan ay may isang Dyosa na naninirahan sa Bundok ng Luntiang Talulot. Siya ay napakaganda, balingkinitan ang katawan, mahaba at maitim ang buhok, mapula ang mga labi at may napakagandang kutis. Siya ay nagngangalang Payan. Malaya siyang nakikisalamuha sa mga normal na nilalang ngunit lingid sa kaalaman ng nakakarami ay isa siyang Diyosa. Isang araw, may isang mayamang lalaki ang napadpad sa bundok kung saan naninirahan si Payan. Siya ay si Panyong may matipunong pangangatawan at makisig ang itsura. Naligaw siya sa kanyang pangangaso at di alam ang daan pabalik ng bayan. Napansin agad siya ni Payan at nabighani sa unang tingin. "Ginoo, anong iyong ginagawasa lugar na ito?", tanong ni Payan. "ako ay naligaw mula sa aking pangangaso," sagot ng binata. "Maari mo ba akong samahan sa daan palabas sa kagubatang ito?", paki-usap ng binata. "Oo, sige sasamahan kita," tugon naman ng dalaga. Sa kanilang paglalakad ay di maiwasan ang sila ay magkatinginan at napansin agad ng binata na lagingnakatingin sa kanya ang dalaga. Matagal din ang oras na lumipas at narating din nila ang bayan. Doon ay naghahanap na ang lahat sa binata lalo na si Maria, ang anak ng Gobernador na namumuno sa bayan. Dahil sa labis na saya ng binata, ay hindi na siya nakapagpasalamat kay Payan at bigla na lang ito nawala sa kaniyang paningin. Hindi alam ni Payan na ikakasal na si Panyong kay Maria. Isang araw ay may lumabas na balita na labis niyang ikinagulat at ikinasama ng loob ng dyosang si Payan. Ikakasal na si Panyong sa susunod na araw. Bago ang araw ng kasal ay naalala ni Panyong na magpasalamat kay Payan sa pagtulong sa kaniya. Pumunta siya sa bundok na tinitirhan nito at lugar kung saan sila unang nagkita ngunit nabigo siyang matagpuan ang dalagang hinahanap. Sa halip tanging naririnig niya ay ang malungkot na tinig na umiiyak. Labis niya itong ikinatakot at umuwi na lamang sa bayan. Mabili na lumipas ang arwa at wala na siyang balita tungkol sa dalagang naninirahan sa bundok kahit ang mga taga-bayan ay nagtaka sa biglang pagkawala ni Payan. Isang araw habang nangangaso si Panyong sa kagubatan, ay may napansin siyang kakaibang puno sa lugar kung saan sila nagkita ni Payan. Pinitas niya ang bunga nito at biglang tumulo ang katas nito na parang lumuluha. Mula noon ay tinawag niya itong PAPAYA at nakilala ito mula sa araw na iyon.

ALAMAT NG MANGGA Noong araw ang mga punong manggang tanim ni Tandang Isko ay pare-pareho lamang ang bunga. Ito y maliliit at ang tawag dito ay pahutan . Matamis kapag hinog, kaya gustong-gusto ng mga bata ang pahutan. Marami ang natutuwa kapag panahon ng pamumunga, dahil ang matandang may-ari ay hindi maramot. Minsan, may magandang dalagang sa manggahan ni Tandang Isko ay dumaan. Kusang loob na inalok ito ng mga hinog na mangga ni Tandang Isko. Sa kasiyahan ng binibini ay itinanim nito ang mga buto ng pahutan sa bukid at sa paanan ng bundok. Agad tumubo ang dalawang buto at pagkaraan lang ng ilang araw ay ganap na itong isang puno. Labis na nagtaka si Tandang Isko sa pagkakaroon ng punong mangga sa hangganan ng bukid at sa ibaba ng batuhang bundok. Balak sanang putulin ng matanda ang dalawang puno, subalit sa tuwing siya ay lumalapit, wari y may bumubulong ng

HUWAG PO! HUWAG MO AKONG PATAYIN. Dala rin ng panghihinayang kaya hinayaan na lang nitong lumaki at lalong lumago ang dalawang puno ng mangga. Malaking pakinabang tuloy ito sa mga magsasaka at kalabaw na roon ay sumisilong. Ang madalas magpahinga sa punong manggang nasa bukid ay si Kalabaw, kaya nagkaroon sila ng pagkakataong magkausap palagi ng puno. Hulog ka ng langit sa akin, punong mangga. Dati-rati y init sa katanghaliang tapat ay aking tinitiis, subalit nang ikaw ay sumibol, pagal kong katawan ay binigyan mo ng ginhawa. Kaya kapag sa iyo ay may nagtangkang pumutol, humanda sila sa sungay kong matutulis. Salamat sa iy, Kalabaw at ako ay iyong ipagtatanggol. Noon pa man ay hinahangaan ko na ang iyong kasipagan, kasisigan at kalakasan, nahihiyang wika ng mangga. Hindi nagtagal, sa dalas ng kanilang pag-uusap ay nagkaintindihan ang kalabaw at ang punong mangga. Samantala, nagkaroon na rin ng kagustuhan ang punong manggang nasa paanan ng bundok at ito ay si manggang pahutan na malapit sa kanyang kinatutubuan. Sa panahon ng paglilihi ni Pahutan ay palaging sumisilong sa lilim niya ang isang magsasakang may dalang piko at ewan kung bakit gustong-gusto ng mangga na titigan ang piko. Sumapit ang araw ng pamumulaklak at pamumunga parehong pinausukan at inalagaan ni Tandang Isko ang magkahiwalay na puno. Ang lahat ng mga punong mangga ay pawang nagbunga. Nang bumalik ang matanda upang anihin ang mga bunga ng mangga, ito ay lubhang nagulat. Ang dalawang puno na hiwalay sa karamihan ay magkaiba ng hugis at laki ng kanilang mga bunga. Hindi maisip ni Tandang Isko kung bakit nagkaganoon. Muli, ang magandang dalaga ay nagbalik, at Sapagkat ang malalaking mangga ay bunga ng pagkakaunawaan nina Kalabaw at Pahutan kaya tatawagin itong Manggang Kalabaw. Bagama t magkawangis sa laki ang mga bunga nila ng kabilang puno ay may pagkakaiba pa rin sa hugis at sa anilang sukat. Dahil ipinaglihi ito sa piko, kaya makikilala ito sa tawag na Manggang Piko.

Binibini, paano mo nasabi ang bagay na iyan? SAPAGKAT AKO ANG DIWATA NG MGA PRUTAS , ngumiti ang dilag at biglang nawala. Ang sinabi ng diwata ay paulit-ulit ding ikinukuwento ni Tandang Isko sa mga namimili ng mangga. Datapuwa t hindi na mahalaga iyon kahit pahutan, manggang kalabaw o manggang piko basta ag mga ito ay pare-parehong mangga: Pusong bibitin-bitin mabangong amuyin, Masarap kainin, lalo na t hinog.

Anda mungkin juga menyukai