Anda di halaman 1dari 7

PAGSULAT NG BALITA (NEWS WRITING)

Balita- isang ukol sa isang pangyayari na naganap, o magaganap pa lamang na dapat maisiwalat BAHAGI NG BALITA 1.Lead(Pamatnubay)Buod ng pangyayari o balita -1talata 2.Body(Teksto)buong pangyayari ditto binibigyang liwanag ang mga WS na nabanggit sa lead- 5/6 3.Conclusion(Katapusan)detalye na hindi gaanong mahalaga 1talata PARAAN NG PAGSULAT 1. Basahing mabuti ang mga detalyeng ibinigay at alamin ang pinakatampok na WS para sa lead. WHO(sino)- tao/hayop-isa,grupo WHAT(ano)- pangyayari aaksidente,krimen,contest,etc. WHEN(kailan)-oras/petsa WHERE(saan)-lugar WHY(bakit)-dahilan HOW(paano)- paraan 2. Ang pag[ili ng kung anong W angunahing banggitin sa lead ay ibabatay sa kung ano ang higit na makakatawag ng pansin sa mambabasa. (Ang lead ay maaaring isa o dalawang talata.) 3. Sa lead huwag munang banggitin ang pinaga detalye ,generic/general lang muna,sa pangalawang talata ,banggitin ang kumpletong pangalan at iba pang pagkakakilanlan o description. 4. Sa teksto (katawan),isulat ang sunod-sunod na pangyayari, huwag nang isulat ang detalyeng nakalagay sa lead. 5. Sa katapusan, isulat ang mga detalyeng hindi kasama sa katawan.Sa madaling salita, ang pagsulat ng balita ay sinisimulan mula sa pinakamahalagang detalye patungo sa mahalagang detalye at muli ang di-gaanong mahalaga. PAALALA: a.Gumamit ng simpleng salita,maikli lamang ang mga pangungusap. b.Isulat sa pambagong talata ang detalye ng bawat W, maikli lamang ang bawat talata. c. Huwag maglalagay ng opinion/ibang detalye. d. Gumamit ng transitional words/phrases gaya ng : English-meanwhile,on; the other hand ;according to; based on; in related . Filipino- samantala; sa isang banda; kay/sa; batay sa; kaugnay nito e. huwag paulit-ulit sa paggamit ng salita , gumamit ng iba t ibang description. f. kalimitan mayroong hanggang 7 talata. g. hindi na kailangan ang pamagat o headline.

PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS


Balitang isports- isang ulay ukol sa isang laro na naganap na, nagaganap o magaganap pa lamang. BAHAGI NG BALITANG ISPORTS 1. Lead mayroong dalawang talata. a. unang talata- naglalahad kung paano naipanalo ng star/key player ang kanyang team sa kanilang laro. b. Pangalawang talata- nagtataglay ng detalye sa uri ng laro, kalian, at saan ginanap ang laro. 2. Body- mga talata na naglalahad ng mga detalye sa kabuuan ng paglalaro ng 2 koponan o manlalaro. 3. Ending isang talata na nagtataglay ng mga hindi gaanong mahalagang detalye (maaaring ilagay ditto ang box score/ record points. MUNGKAHI gamitin ang 10 paragraph format 1st paragraph answers the questions who, what, why, how 2nd paragraph- explains just how and why ; then answers where and when 3rd paragraph explains the significance of the game results eg. win, lose record. 4th paragraph- contains meaningful quotes from the winning players/coach/team 5th paragraph- describes the highlight of the game , the winning moment, the turning point, the crucial error. 6th paragraph- contains a good quote from the losing player/coach/team 7th paragraph- describes the losing side s best moment during the game. 8th paragraph- highlights the winning team s best player, his statistical play. 9th paragraph- highlights the statistics of the losing team s top player. 10th paragraph- contains play by play description in reverse chronology, i.e. from the start to finish/ may contain box score/points earned. PAALALA: a. pag-aralan ang mga sports language lingo lalo na sa mga sumusunod: basketball, volleyball, boxing, baseball b. huwag lagumin (summarize) c. huwag magbigay ng opinion sa ending d. lagyan ng pamagat/headline format: ________________________ ______________ __________________ _______________ (nagwaging player/team) (pandiwa) natalong player /team (score)

PAGGUHIT NG EDITORIAL CARTOON


Editorial Cartoon- larawang guhit na nagpapahayag ng opinion at pakahulugan. KATANGIAN NG EDITORIAL CARTOON 1.Technical value- tumutukoy kung iginuhit ang mga simbolong ginamit, may dimension- i.e. kapal, tiyak na hugis, kilos, shading, makatotohanan ang pagkaguhit. -bawat simbolong ginuhit ay may silbi o nakakatulong upang maintindihan ang mensaheng cartoon. 2. editorial (cartoon)value- tumutukoy sa mensahe / kahulugan na makikita sa pamamagitan ng mga simbolong ginamit. PAALALA: a. iba ito kaysa poster, black at gray ang kulay b. may pokus ang catoon, isang paksa lamang dapat ang paksa c. ang simbolong iguguhit ay dapat angkop sa paksa at may universal meaning (madaling maintindihan d. magkaroon ng sariling style maging orihinal e. limitado lamang ang salita / label f. sa isang tingin lamang ay kita na agad ang mensahe / kahulugan MGA GAMIT NG CARTOONIST (1 hour only) 1. lapis, eraser 5. ruler 2. pantasa (sharpener) 6. pentel pen (black) 3. black ballpen 7. cotton 4. sign pen/technical pen 8. charcoal (optional) MGA KARANIWANG SIMBOLONG GINAGAMIT 1. pagsisiyasat- magnifying glass 2. kapayapaan- kalapati 3. pera P, $ 4. Filipino- Juan dela Cruz (nakasalakot) 5. hustisya- timbangan (pantay) 6. corruption- buwaya 7. mabagal- pagong (lawit ang dila) 8. mabilis- kuneho (mabilis na tumatakbo

9. injustice- (hindi pantay ang timbangan) 10. increase- arrow up 11. decrease- arrow down 12. rebelled- baril 13. death- kalansay 14. hunger (gutom) tinik ng isda 15. government- taong kagalang galang 16. church, school

DIGITAL PHOTOJOURNALISM
Photojournalism- pagkuha ng litrato at paggawa ng layout nito. PAMANTAYAN SA PAGKUHA NG LITRATO 1. technical value- malinaw na litrato , walang dumi /mantsa, nasa gitna ang subject , may tamang light at dark spaces. 2. editorial value- may kabuluhan ang litrato,may istorya o kuwento,may aksyon. PAALALA: 1. batay sa contest theme, planuhin ang subject na kukunan ng litrato; gumamit ng iba t ibang frame (landscape, portrait) 2. may action kung tao/hayop ang kukunan ng litrato, hangga t maaari isang tao lamang o kaya hanggang 3. 3. dapat stolen shot (natural), makatawag pansin, may eksena/tagpo. 4. iwasan ang posed shot /crowded picture 5. magkakaugnay ang mga litratong ilalay-out 6. iapply ang 3G s a. get closed (close up b. go action c. go not against the light CAPTION paliwanag ukol sa litrato. sa pagsulat nito: 1. iugnay ang mood ng litrato sa caption 2. sumulat ng talata/maikling sanaysay na makikita sa litrato upang mapalutang ang tema 3. umisip ng akmang pamagat na kaugnay pa rin sa tema. 4. iwasan ang sumusunod: ( ..makikita sa larawan) ( ipinakikita na ..) LAY OUT/PAG AAYOS NG LITRATO 1. ang litrato na may subject na nakaharap sa kaliwa ay dapat ilagay sa kanang panig; kung nakaharap sa kanan, ilagay sa kaliwang panig 2. ang subject na nakayuko o nakatingin pababa ay ilagay sa gawing itaas ang nakatingala ay ilagay sa bandang ibaba 3. idikit ang mga litrato ng balance /maayos;hindi tradisyunal (gamitin ang digital camera)

PAGSULAT NG TANGING LATHALAIN -isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari o katotohanan. Pangunahing layunin nito ang libangin ang mambabasa, pumukaw ng damdamin o magpabatid. MGA BAHAGI: 1. Panimula- isang talata na nagpapakilala sa paksa upang mahikayat ang mambabasa na ipagpatuloy ang pagbasa, kailangang ginamit ng magandang istilo. Maaaring gamitin ng panimula ang mga ss.: a. pangungusap na patanong b. pahayag mula sa dakilang tao bayani, pahayag mula sa bibliya c. isang dayalog o pagbibigay ng halimbawa sa pamamagitan ng salawikain , kasabihan, sawikain, bugtong, at iba pa. 2. Katawan- mga talata na naglalahad ng katangian, detalye tungkol sa paksa. Kailangang masalamin ang kabuuan ng paksa sa pamamagitan nito. TANDAAN: -Kailangang mapaigting ang interes ng na nalikha sa simula. -magkaroon ng pataas na pataas na kapanabikan. -kailangangang makaantig ng damdamin. -kailangang magkaroon ng kaisahan (unity) -dapat uminog lamang sa isang paksa ang tinatalakay -dapat malinaw na magkakahanay at magkakaugnay ang mga pangyayari at kabit kabit ang kaisipan katulad ng isang kadena. -magkaroon ng diin, sikaping gumamit ng maikling pangungusap ng tiyak ang diwang ipinahahayag. 3. Wakas- isang talata na nag iwan ng impresyon (twist) sa mambabasa. Maaaring gamitin ang mga ss.: a. isang hamon para sa mambabasa b. buod na tinalakay c. katangian o palaisipan d. mungkahing solusyon e. pag uulit ng panimula f. isang pahayag PAALALA: 1. Gumamit ng tiyak ng point of view maging consistent sa paggamit nito. e.g. ako,-ko, -akin (I, me, mine, myself) ikaw, ka, iyo ( you, your, yours) siya, niya, sila, nila (He, she, it, they, their, them, theirs) 2. maging malinaw sa mga detalye o paglalarawan. kailangang angkop ang pang uring gagamitin. 3. huwag magbibigay ng opinion o puna. 4. ang pamagat nito ay label lamang 5. gamitin ang imahinasyon 6. maglagay ng values para kapulutan ng aral 7. Malaya ang talakayan (free style, parang nagsasalaysay o nagkukwento) 8. magkaroon ng lima o higit pang mga talata 9. mas mahaba ang talata kung ihahambing sa balita

PAGSULAT NG EDITORYAL
Editoryal -Tungkol sa isang balita o isyu. MGA BAHAGI: 1. Introduction (panimula)- isang talata na nagtataglay ng: a. newspeg- isyu; ito ang batayang balita o paksa b. reaksyon- ito ang pangunahing puna o reaksyon tungkol sa isyu. 2. Body (katawan)- mga talata na naglalahad ng tala , ideya at dahilan kung bakit nasabi ang ganoong puna/reaksyon. Dito kailangang mapanindigan ang panig o stand sa isyu. 3. Ending (pangwakas)- isang talata na nagpapatibay sa kuro kuro, nagbibigay tagubilin o mungkahi. PARAAN NG PAGSULAT: 1. Suriin ang paksa o isyung ibinigay 2. Isulat ang panimula, maikli lamang pero kawili wili, taglay ang newspeg o reaksyon Hal. (paksa- pagtaas ng presyo ng langis ) Lubhang nakababahalana ang sunud-sunod na pagtaas na presyo ng petrolyo sa ating bansa. reaksyon newspeg 3. sa katawan/teksto, maglaan ng isang talata para ipakilala ang balita/magbigay ng background tungkol sa balita. Sa iba pang mga talata ilahad ang mga dahilan/katibayan/pruweba na magpapatingkad sa reaksyon/stand na binanggit sa panimula. 4. Sa ending, sumulat ng isang talata na humihikayat sa mambabasa na gumaea ng sariling pagpapasya. PAALALA: a. gumamit ng pormal /seryosong salita b. gamitin ang editorial we (tayo, natin bawal ang ako, akin, ko, ikaw) c. huwag mangaral o magsermon d. magkakaugnay dapat ang mga talata e. maglagay ng angkop at tumpak na statistics o pruweba f. malinaw dapat ang stand ng sumulat/writer g. ang pamagat ay dapat nasa anyo ng imperative sentence h. mayroong pito o mahigit pang talata (medyo mahaba ang talata kung ihahambing sa talata ng balita) hal. ng paksa Reproductive Health (RH Bill)

COPYREADING O HEADLINING WRITING (Pagwawasto ng sipi at Pag uulo ng balita)


-Ito ang pagwawasto sa mga mali sa teksto gamit ang angkop na simbolo. PAALALA: 1. Pag aralan ang mga coyreading symbols, alamin kung kalian at paano gagamitin. 2. basahin mabuti ang artikulo at alamin ang diwa nito. 3. hanapin ang mga MALI ang mga ito ay makikita sa: a. spelling e. abbreviation b. grammar f. capitalization c. indention g. paragraph arrangement d. bantas h. senseless words/phrases/sentences 4. lagyan ng # or 30 sa pagtatapos ng artikulo 5. lagyan ng / or pa (more) sa unang pahina PAALALA: sa headline writing (hanapin ang lead at kailangang ito ay may 4w s) 1. hanapin ang lead, ditto ibatay ang headline 2. sa lead, hanapin ang subject (simuno) verb(pandiwa) at direct object w/ synonyms 3. sa English, maaaring gamitin ang dalawang istilo a. active voice subject + verb +direct object b. passive voice object + verb + subject 4. may 3 paraan kung paano isusulat : a. all caps PRES. NOYNOY VISITS TYPHOON VICTIMS b. downstyle Pres. Noynoy visits typhoon victims c. CLC (capital lower case)- Pres. Noynoy Visits Typhoon Victims 5. tipo ng headline (haba) a. one- line headline b. two-line headline6. pag-aralan ang unit counts a. lahat ng maliliit na titik (maliban sa j, l, i, f, t, w, m, n)= 1 yunit b. maliit na titik j, l, I, f, t = yunit c. titik m, w = 1 yunit d. malalaking titik maliban sa I, M, W = 1 yunit e. titik I = yunit f. titik M, W = 2 yunit g. lahat ng bantas (maliban sa gatlang (_) , pananong, simbolo ng dolyar, bahagdan)= yunit h. gatlang , pananong, simbolong dolyar, bahagdan= 1 yunit i. bilang o hanggang a = 1 yunit j. bilang I = yunit k. espasyo = 1 yunit