Anda di halaman 1dari 1

Pagkat Lalaki Ka ni Mike Coroza I. Pagkat lalaki ka, Anak, Matuto kang umiyak.

Mapait langgasin ng luha ang gunita O ang bagong sugat ng huling pagkadapa Subalit malinis at subok ang bisa Ng luha sa pagtanggal ng mga mikrobyo Sa isip, puso at buong pagkatao. Pagkat ikaw ay lalaki, Matuto kang magsisi. Dagok sa dangal ang pag-amin sa kasalanan Ngunit sadyang walang may monopolyo ng katwiran, Hayaan mong ikaw ay usigin, husgahan, Sa ganyan mo mahahanap ang angkop na sangkap Upang ang iyong pagkataoy maganap. II. Minana mo, Anak, Ang laksang pribilehiyo Na pinagpasasaan Ng mga nagtindig Ng Tore ng Babel, Piramide, Koliseo, Ziggurat, Templo At mga imperyo. Iyo rin ang luwalhating Tinatamasa nila Sa mga maskuladong Pahina ng historya. Ngunit, Anak, dumadaloy rin Sa iyong katauhan Ang mga mapagmalupit Nilang lohikat pangalan Na nandarahas, gumagahis, Nagpipiit sa iyong inat Sa lahat ng inat babae sa daigdig. Iluha mo, Anak, Ang kanilang nakaraan. Pagsisihan mo, Anak, Ang kanilang kamalian. III. Ang babaeng kakambal At altar ng lupang Nagluwal, kumandilit

Nagpalaki sa lahat At siya ring hantungan, Aangkin sa labi Ng lahat sa wakas Ay binabaha-bahagi, Inari, inararo, Ginawang pundasyon Ng lahat ng epedisyo Subalit nasadlak Sa mantsa ng dugo Sa kumot ang halaga, Ang silbi sa kasaysayay Winalang-saysay at binura. Tayo ngayo;y nabubuhay Na may huwad na malay Na moral, lohikal, at legal Na nagpapairal ng lisyang katarungan: Sa pedestal n gating Mga pagpapahalaga, Walang gantimpala Sa sakit ng panganganak, Wala ring pabuya Sa pagod ng pagmumulat Ang babaeng matapos Magbigay ng sarili Sa anak ay naiiwang Basyong walang silbi. IV. Pagkat ikaw ay lalaki, Matuto kang pumatay. Kitlin mo sa iyong ugat Ang huwad ng malay. Sa akademya mo na lang Ipatistis ang laman At dugo ng huwad Na malay mong pinaslang Durugin mot ilibing Ang mga kalansay Pagkat lalaki kang Magbabago ng kulay.

Anda mungkin juga menyukai