Anda di halaman 1dari 5

ANG ALAMAT NG LANSONES

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.

Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin. Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo. At nawala ang babae.

Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wariy lalong nagpalinamnam sa lansones.

ALAMAT NG MACOPA

Noong mga unang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sinasabing tahimik at maligayang namumuhay ang mga tao sa isang nayon sa Kailokohan. Madaling naihasik ng mga Kastila ang Kritiyanismo sa nayong yaon sapagkat ang mga mamamayan ay mababait at masunurin. Kilala rin sila sa kasipagan at pagkamadasalin.

Ganyan na lamang ang pagmamahal at pag-iingat ng mga tao roon sa gintong kampana sapagkat nananalig silang sa kampanang yaon nakasalalay ang takbo ng kanilang pamumuhay. Nagsisilbi yaong inspirasyon nila sa buhay. Lalo silang nagsisikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Ang kampanang ginto ay naging sagrado at napakahalaga sa mga mamamayan, naging laging usap-usapan hanggang mabalitaan ng masasamang loob sa isang malayong pook. Nais din nila ang kasaganaan, kaya't hinangad nilang mapasakanila ang kampana. Lihim silang bumalangkas ng kaparaanan. Nalaman nilang sa itaas ng simbahan nakalagay ang kampana. Isang gabing madilim ay nagsipaghanda sila at sandatahang tinungo ang pook ng simbahan. Mangyari na ang mangyari, pilit nilang kukunin ang kampana.

Sa kabutihang-palad, may nakapagbalita naman sa mga pari sa napipintong panloloob sa simbahan. Nalaman nilang ang kampana ay nanakawin kaya't buong ingat nila iton ibinaba at lihim na ibinaon. Ipagsasanggalang nila ito anuman ang kanilang sapitin!

Nang dumating ang masasamang loob ay hindi na nila nakita ang kampanang ginto. Laking galit nila! Dahil sa pagkabigo, pinagpapatay nilang lahat ang nasa simbahan sapagkat ayaw magtapat sa kinaroroonan ng kampana.

Anong lungkot sa taong bayan kinabukasan! Patay lahat ang mga tao sa simbahan ang mga pari, sakristan at ilang mga tauhan ! Wala ang kampana at walang nakakaalam kung saan ito naroroon.

Inasikaso ng taong bayan ang mga bangkay ng nasawi at inilibing ang mga iyon nang buong dangal.

Mula noon, ang tagingting ng kampana ay hindi na narinig sa nayong naturan. Nalungkot na ang mga tao at nawalan na sila ng sigla at pag-asa. Tinamad na rin sila at natuyo ang kanilang pananim. Umunti na ng umunti ang kanilang ani at mga alagang hayop.

Lumipas ang maraming taon at ang tungkol sa kampana ay nalimot na ng mga tao. Nangamatay na ang matatandang nakakaalam sa kasaysayan ng kampanang ginto at ang mga kabataan nama'y wala nang nalalaman tungkol doon.

Sa loob ng bakuran ng simbahan ay may tumubong isang punong di pa kilala ng mga tao. Ito'y nagbunga ng hugis kampana, makikislap na pula ang labas at maputing parang bulak ang laman. Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang mga bunga'y sa gintong kopa sa simbahan naihambing ng mga tao.

"Parang kopa!" ang sabi ng ilan. "Maraming kopa!" ang bulalas naman ng marami.

Simula noon, kung tawagin ng mga tao ang pook simbahan ay sinasabing, :Doon sa maraming kopa, doon sa makopa."

Nang matagalan, ang puno ay nakilala na sa tawag na makopa.

ANG ALAMAT NG BULKANG KANLAON Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok na humahati sa Silangan at Kanluran. Ito ang bundok Kanlaon. Noong unang panahon ay may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay ang ulupong na may pitong ulo. Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad. Waring walang makakagapi sa ulopong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang napatay dahil sa pagbubuga ng apoy apag nagagalit. Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May mang-gagamot na nagmungkahing mag-alay sila sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa pamiminsala. Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga kababaihan na baka sila ang ialay ay pinintahan nila ang kanilang mga mukha. Pumangit ang mga hitsura nila dahil sa mga pinta. Malipas ang isang buwan,bigong bumali ang pari. "Wala na pong natitirang magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang mukha nang abutin sila ng binugang apoy ng ulupong." Isang araw may isang binatang nagngangalang Laon ang dumating sa kaharian at nagsabi sa hari na kaya niyang patayin ang ulupong. "Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At ipakakasal ko sa iyo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa Talisay,"may paghangang wika ng hari. Naglakbay si Laon ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya papuntang bundok ay nakasalubong niya ang isang langgam. "Hoy langgam, ako si Laon. Pakisabi ninyo kay haring langgam na may utos ang panginoon ninyong si Laon.Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin n'yo sa bundok. Papatayin natin ang namiminsalang salot na ulopong.Ito ay para na rin sa ating kapayapaan." Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog at kay Haring Lawin na handa ng tumulong. Lahat sila ay nagtungo sa bundok. Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulopong sa rami ng umaatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulopong. Tinusok naman ng bubuyog ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy ng ulopong. Patuloy sila sa laban nila. Samantala sa kaharian ay hindi mapalagay si ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. HUmingi siya ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na sundan si Laon upang pigilan ito sa iba pang binabalak. Ipinasisigawan naman ng mga tao na si Prisesa Talisay ang ialay sa ulupong kapag nabigo si Laon sa labanan. Nakarating sa bundok si

Datu Sagay at ang kanyang mga kawal. Kitang-kita nila na dinudukot ng Lawin ang mga mata ng halimaw at pinag tatagpas ni Laon ang mga ulo ng ulupong. Tuwang-tuwa ng bumalik sa kaharian si Laon at ang kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Laon. "Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala po ang aking mga kaibigan,Mahal na Hari. Kaya ang hiling ko lamang ay wag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na nilikha ng Dios,"pakiusap ni Laon. Agad naman ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinakasal din niya ang anak na prinsesa kay Laon. Mula roon ay masayang nagsama ang mag-asawa. Tinawag nila ang bundok na Kanlaon na nangangahulugang Dakilang Laon bilang pagkilala sa kabayanihan ni Laon. Pinaniniwalaan din na naging bulkan ito dahil sa espiritu ng ulupong na nagbubuga ng apoy.

Anda mungkin juga menyukai