Anda di halaman 1dari 21

Kabanata 1 Nag-aapurang pumasok si Shania sa classroom ng III-Athena, sa takot na masermonan ng infamous na Terror Teacher in the history of Straw Berry

High School na si Mr. Eddie Malpas ay siniguro niyang makarating ng maaga. Before kasi siya pumunta sa Maynila ay ti-next niya ang best friend niyang si Alex, sabi nito ay pumunta raw siya sa school ng 6:30 para masagip sa isang kagila-gilalas na panganib. At kaya naman dumating nga siya ng maagaPero wala siyang naabutan dun kundi si Alex. Nag-iisa ito sa isang sulok ng classroom, sa kaliwang banda malapit sa black board, nagti-textWala naman siyang makitang Terror Teacher, ang anino lang ng mapaglinlang niyang best friend. Oi, nag-hahangos na tawag niya habang lalong nakakalapit sa kniaroroonan ng binata. Liningon siya ni Alex pero parang wala lang itong nakita kasi imbes na batiin siya ng magandang umaga ay bumalik lamang ito sa naturang puwesto at nag-patuloy sa pagti-text sa celpon niya. Youre early, ha. wika ni Lex, nakatalikod pa rin kay Shania. Hindi sumagot si Shania lumakad lang siya patungo kay Alex. Nang umabot si Shania sa harapan ni Alex ay dahan-dahang iniangat ng binata ang singkit niyang mga mata sa dalaga at ngumiti pa ng pagkatamis-tamis para maging sanhi ng pagkagulat at pamumula ni Shania. Sorry ha kamusta ka na, Shan? Hmph! 6:3o talga, ha. Nasaan na ngayon ang Terror Teacher na iyan, aber? anas ni Shania bago magpakawala ng isang buntong-hininga. Pumuwesto si Shania sa armchair na katabi sa inuupuan ni Alex at sumandal doon. Kelan ka pa ba nakabalik mula sa probinsiya niyo? tanong ni Alex.

Kahapon lang. Napapayag ko na kasi si Lola Incheng na pabalikin ako dito sa Maynila, eh. Nag-sawa na yata siya sa akin. Hindi na niya gustong maalala pa ang mga pinagdaanan niyang pag-hihirap para lang mapapayag ang Lola Incheng niya. Dilat na dilat ang mga mata at napanganga na lamang si Alex, ang rason ay dahil hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Ang pag-kakakilala kasi ng binata ay Terror at Slave-Driver ang Lola Incheng niya. Totoong-totoo at walang halong kasinunaglingan talaga iyon! Eh, kung iisipin mo nga naman sino bang mabait na lola ang gagawin kang labandera, kusinera, care giver, errand girl at estatwa. Malupit itong magpalaba, para daw kasi mabigyan ka ng lahat daw na gustuhin mong gamit ay kailangan mo munang tapusin labhan ang lahaaaaaaaat ng mga kumot, kurtina, at tuwalya. (P.s. mababali lang naman ang beywang mo kung talagang gawin mo yun sa loob ng isang araw. Imagine, isang dosenag kumot, tuwalya, at kurtina ang dapat mong lampasan para magkaroon ng ISA at tanging isang pares ng bagong sapatos at (Omigosh) galing ito sa Ukraine..(Ukayukay bargaine I mean.) Kapag nagiging kusinera si Shania ay puro paso naman ang napapala niya, at madalas rin siyang mag-care giver. Halos mamatay siya sa kaka-asikaso sa Lolang sobra talaga ang ka-artihan at kasosyalan. Part-time job din niya ang pagiging model, nagpopose siya sa mga flower paintings ng Lola

niya na di naman matapos-tapos. Nagkaka-stiff neck at muscle pain lang naman siya pagkatapos maging model. Hard core talaga ang torture ng Lola niya. At kaya naman madalas na napagiisipan ni Shania ang thought na ito: Ano kaya kung naging katulong nalang ako? walang duda mag-susurvive talaga siya, based on her harsh training her resistance and house chores ability are undeniably 100% professional. Sa lahat ng mga pinag-daanan niyang yun matagal na niyang hinangad na makabalik sa Tita niya sa Maynila. Hindi para takasan ang Lola niya kundi para makita uli ang pinaka-espesyal na tao sa buhay niya Astig talaga ang Lola mo, bilib ako sa kanya, Shan. sabi ni Alex habang nakathumbs up sa girl.

Astig na kung astig, pero tingnan mo nga ako ang payat-payat ko na, o, wika pa ni Shan habang inilalantad ang maiksing waist niya. Payat ba ang tawag diyan, mukhang may layers pa nga, eh. Natatawang komento nito. Tumaray na lang si Shania at bumalik sa pagde-day dreaming. Pero bigla niyang naalala ang love-life ni Alex kaya bigla niya itong tinanong. Siyanga pala, uhmmmay girlfriend ka ba ngayon? bulalas ni Shania kay Lex, na nakayuko ang ulo para maitago ang pamumula ng pisngi. Kahit na mag-bestfriend sila ni Lex ay di parin mapigilan ng dalaga na maakit sa charming face at nakakalokong smile ng binata Cute kasi ito kahit nagagalit na, at alam niyang kahit anong gawin niyang pagpapapansin ay di siya nito basta-bastang mapapansin. Mahilig kasi siya sa mga challenging pursue for her own beloved prince charming, may

thrill daw kasi, eh. Anyway, crush lang naman niya si Lex, at nag-promise siya sa self niya na hanggang dun lang iyon. Ngumiti siya at nag-wika. Hmmmmagkakaroon pa lang, Shan. Sa loob -loob ni Shania ay, tsk*tsk*tsk* alam ko na kong sino yang tinutukoy mo. Si Lyka na naman ba? bored niyang tugon. Hindi, no, ang cheap kaya ng babaeng yun.HUH?!!!!!Eh, akala ko ba SiNatigilan siya at natameme. Walang reaksiyon dun si Lex. Pero atapos ang ilang sandali ay nag-tanong ulit si Shania. Pero kung hindi si Lyka, eh di sino? Ngumiti sa kaniya si Lex at kumindat pa. Makikilala mo rin siya, anito sa kanya.

Nanigkit ang mga mata ni Shania at nagpatango-tango nalang sa sarili niya habang tinatanong ang sarili sa kung sino ang posibleng babae na magustuhan ng best friend niya. Nabara ang utak niya sa isang wierd na ideya at dahil dun awtomatikong napayuko ang ulo niya para matago ang biglaang pamumula ng pisngi at upang mapatahimik rin ang malakas na pagkabog ng didbdib...

Kabanata 2 Sabihin mo na nga kung sinoPinahihirapan mo lang ako sa kahuhula. ani ni Shania kay Alex habang naglalakad sila sa narrow corridors ng Straw Berry High School. Papunta ang dalawa sa Cafeteria para mag-lunch. Dalawa lang sila ngayon sa kadahilanang absent si Carl. Si Carl ang isa pang kabarkada nina Shania at Alex, mahinhin lamang ito, half-japanese at certified heart throb. Fourth year si Carl habang third year naman ang mag-best friend na sina Lex at Shan. DOTA lang naman ang dahilan kong bakit nagkakilala silang tatlo pero mula ng maging mag-kakaibigan na sila ay naging mag-close at inseparable na ang pagsasamahan nila. Pag-kapasok nina Lex at Shania sa loob ng Cafeteria ay nakakita agad sila ng mapu-pwestuhan, dun habang nag-papakabusog ang dalawa ay masaya rin silang nag-kukuwentuhan. Matapos silang kumain ay may sinabing nakakagulat si Lex. Siyanga pala, Shan. Alam mo ba kung ano ang magandang ibigay na regalo para sa liniligawan ko? Tinitigan ni Shania si Alex ng masinsinan sa loob ng mahabang panahon at nagsimulang mag-salita. Itinaas ni Shania ang index finger as to indicate na dapat tandaan ng lalake ang mga sasabihin niya. Kung gusto mo siyang bigyan ng gift, dapat mo munang alamin ang mga bagay na kinahihiligan niya. O di kaya kung hindi ka makakuwa ng information na ganoon ay mag-alay ka na lang ng mga karaniwang ibinibigay ng mga suitors sa kanilang sinasamba. Inginuso ni Alex ang mapupulang labi at tumangu-tango na lamang sa kaibigan. Hmmmnow that you mention it may nasagap ako nun na mahilig daw siya sa mga cute na teddy bears.Napangiti ang lalake sa sarili niya. His smile was victorious at na-captivate talaga ang puso ni Shania. Animong walang malay na nadadala si Shania sa mga ngiti ni Lex, akala kasi ng dalaga ay immune na siya. Pero

bakit ganito ang reaksiyon niya? Kagagawan ba ito ni Kupido o malakas lang talaga ang appeal ng best friend niya? Well, she should find out sooner or later dahil pag magkaroon na ng girlfriend si Lex at siguradong manganganib ang pusong pinagkakaingat-ingatan niya. Ngumiti naman si Shania, hindi ipinahalata ang matinding tama sa big innocent heart niya. (ooouch!!!) Eh, di teddy bear ang bilhin mo kung Teddy Bear. Basta ibigay mo sa kaniya personally, mas mabuti yun para malaman mo kung tunay nga bang karapat-dapt siya...uhmmwell, Good luck nalang sa iyo. Salamat, Shan! Samahan mo ako mamaya, okay? Bibili tayo ng pinaka-cute na Teddy bear. Anito na parang sigurado na tiradong-tirado niya ang gustong ikapanalo. OKay ba sa iyo? nakangiting pangungulit nito. Nahulog na naman siya sa kagimbal-gimbal na ngiti na iyon. Sumuko na lamang siya at pumayag sa hinihinging pabor ng binata. Sige na nga. Walang humpay sa katititig si Shania sa itaas ng black board kung nasaan nakasablay ang wall clock, naiirita na siya sa Shop Class niya ngayon. Date pa naman nila ngayon ng crush niyaay, este best friend niya pero kahit naman dahil sa isang heartbreaking reason ang pag-labas nila together ay excited pa rin si Shania. Napabuntong-hininga si Shania at ipinatong ang baba sa palad niya habang tinitingnan pa rin ang orasan. Sa wakas 4:30 na rin. Makakalabas na rin ako dito. Okay, class. Ang hindi Sweepers ngayon pwede ng makalabas. Sabi ng teacher nila. Hindi na siya makapaghintay, dali-dali niyang iniligpit ang mga libro at dinampot ang bag. Ng na-confirm na niyang ok na ang looks niya ay kumaripas siya palabas ng room. Naaubutan niya sa labas si Lex, nakasandal ito sa corridors wall at hindi maipinta ang mukha.

Linapitan ni Shania si Alex para tanungin kung ano ang problema. O, ano bat parang masayang-masaya ka? Pagalit siyang inirapan nito. Sorry, kung nag-hintay ka pa ng matagal. Pag-hingi niya ng dispensa. Pag-katapos niyang mag-sorry ay ngumiti si Alex sa kanya, linapitan siya, at yinakap ng mahigpit. Natigilan talaga si Shania at muntik na talaga siyang mahimatay sa sobrang happiness. Sa loob-loob ni Shania ay (Ako pala amg tinutukoy mo, Lex. I love you na talaga, to the highest level!) Nang kumawala na sa pagkakayakap sa kanya si Alex, ay maluwag na maluwag pa rin ang pagkakangiti nito sa kanya. Salamat, Alex. madamdamin wika ni Shania habang walang kurap na nakatitig sa mga mata ni Alex. Sa loob-loob naman ni Shania ay parang lumiwanag ang buong pagilid ng mga sandaling iyon.(Lord, Allelujah, I thank you!) Umiling naman si Alex at seryosong nagsalita sa kanya ng:Hindi ako ang dapat magpasalamat, Shan.Lumuwag pa ang pagkakangiti ng binata at kumikislap effect pa ang eyes nito. Eheepero akala ko ba, ehNaputol ang mga sasabihin ni Shania ng biglang May babaeng nag-emerge sa likuran ni Lex, nginitian at kinawayan siya nito. Hello, Im Leona! bati nito, lumingon si Lex at lumapit ang best friend niya kay Leona. Tumabi ito sa dalaga at inakbayan ito. Napakunot-noo na lamang si Shania.

UhmmShan, siya ang bagong girlfriend ko. Wika ni Lex sa kanya. At binalingan naman agad ni Lex ang girlfriend niya. Leona, best friend ko, si Shania. Napangiwi nalang si Shania habang nakikipag-shake hands kay Leona. Nice to meet you, Leona. wika niya. Salamat, nice to meet you din. Sana ay maging mas close pa tayo. Oo, sana nga. Sagot ni Shania, kumukulo na talaga ang dugo. Sumingit naman agad si Lex. Uhmm mabuti nga kung magiging mag-close kayo, at least, palagi ko ng makakasama si Leona. Inalis ni Lex ang brasong naka-akbay sa balikat ni Leona at kinuha ang kamay ni Shania. Shan, may date kami ni Leona, okay lang ba kung umalis na kami ngayon? tanong ni Lex sa kanya, nag-papacute na naman. Ah, naku, sorry. Sige mauna na kayo, magsi-sweep pa kasi ako, eh.At maingat ngunit marahas na binawi ni Shania ang kamay niya sa pagkakahawak ni Lex at kumawala naman agad ang lalake. Lingid sa kaalaman ni Shania at ni Lex na hindi pala nakatakas ang scene na iyon sa matatalim na mata ni Leona. At mula dun kung ano-ano na ang napag-iisip ng bagong nobya ni Lex. At kaya naging aktibo ang babae. Lexhalika na. Bahala ka madali lang magbago ang isip ko. Bye, Shan. sabi ni Alex. Kumaway naman si Leona at tinuonan ng isang taray si Shania at sabay hila kay Lex papalayo sa kaniya, ngunit bago pa man makalayo ang dalawang love birds ay nagpahabol pa ang bruha. Bye, Shania, it was truly nice meeting you. Anas ni Leona, with a deceptive smile na puno ng kahulugan.

Bye sa inyong dalawa. Enjoy your date! Sa isip naman ni Shania ayAno kaya ang problema nun? Abnormal! Paranghaaaaaay naku! Ngayon ko lang nalamang may katangahan din pala ang best friend ko.Tsk*Tsk*Tsk* At nagsimula na siyang lumakad pauwiwala siyang pakialam kung pagalitan siya ng leader nila sa sweeping schedules o sermonan siya ng tita pag-uwi niya dahil alam niyang hindi oobra ang hurt na mapapala niya mula dun kaysa sa nararamdamn niya ngayon. Walang duda loser talaga siya pagdating sa Love life. At kaya nga noong hapon na yun umuwi siyang broken-hearted. At sa mga oras din niyon ay nasagot na niya ang mga nakakalokang tanong batid sa tunay na nararamdaman niya para sa pinakamalapit na kaibigang si Alex Andrio.

Kabanata 3 Kinabukasan ay balik sa dati si Shania, trinato rin niya ng normal si Alex at nag-panggap siya na gusto niyang kaibigan ang gf ng best friend niya. Masinisinan niya kasing pinag-isipan noong nakaraang gabi kung ano ang mas makakabuting gawin sa kinalalagyan niyang sitwasyon. Malaking tulong talaga ang Scientific steps para sa mga emotional problemsit was soooo EPEKTIB! If youre wondering naman kung paano nito natulungan si Shaniawell, this is it how it works: # 1 State the Problem. Answer: Mag-aact normal lang ba ako ng parang wala lang sa akin ang pakikipagrelasyon niya sa bruhang babaeng yun o hindi? (may iba pa naman kasing alternatives, eh) #2 Make a hypothesis. Answer: Kung dedmahin ko sila, well, super na mahuhurt talaga ang damdamin ko butits good for Alex naman who is important to me and my no.1 priority, at the time At #3Draw a conclusion. Answer: Therefore, I concludekung Masaya si Alex sa piling ng impukritang bruhang iyon, eh, di magsama sila, sabi pa nga ni Lola Incheng tuwing nakakita ng mga sweet couples sa Madonna of Japan dun sa probinsiya naminMagbubulag geap kamo!, magbi-break sila. Kasi lahat raw ng may simula meron ring daw wakas or katapusan. Just to clearly explain my conclusion, pababayaan ko nalang silang mag-sawa sa isat-isa. Actually, hindi ko alam kung nasunod ko ng tama yung mga scientific steps pero kahit tatlo lang sa kanila ang napakinabangan ko ay sobra pa ang naitulong ng mga ito sa akin. Anyway, hindi naman ako mag-aantay sa kanila foreversapagkat maliban sa ipinangako kong churva na nasa #3, ay nag-promise rin ako sa self ko na pag may dumating pa na tao na mag-patibok ng aking puso ay iaalay ko talaga sa kanya ng buong-buo ang love ko ng todo-todo. Pagkatapos lumipas ang two months ay nag-break nga ang dalawa pero wala rin namang naging intimate improvement sa kanila ni Lexobviously she was far far more disappointed of herself, lalo pat inakala niya na mabi-bingwit na ang sariling best friend kung maging single na uli ito. Nagkakamali pala siya dahil matapos ng break-up ni Leona at ng bff niya ay nag-announce ito sa kanilang dalawa ni Carl na

hindi raw muna siya makikipagrelasyon sa ibang babae hanggang hindi pa niya maging nobya uli si Leona. At lumaon na rin ang anim na buwan sa kahihintay ni Shaniakaya naman naging motto na niya ang Patience is a virtue. ...Ganun na rin si Alex na on and off na ang panliligaw sa ex niya. As it goesFebruary na ngayon at maraming pangyayari ang masiglang inaabangan ni Shania .Pero may isa palang pangyayari na dumating sa buhay niya na di naman niya inaasahan. Lunes nung araw na yun, ala-sais ng umaga dumangat sa kanya ang nakakagulat na balitaakala pa nga niya ay pag dumating na ang araw na ito ay magiging masaya pa siya pero hindi palakahit papaano ay naging espesyal rin naman siya at mahirap man aminin ay siya nga talaga ang unang taong nagmahal at nag-alaga sa kanya mula ng isilang siya Walang namang naiba sa araw niyaganun pa rin ang class schedule pero bakit parang malungkot? Bakit parag madilim at hindi siya masigla Habang nananghalian naman siya, ay ganoon pa rin naman ang sistemakasabay pa rin niya ang mga kabarkadang sina Carl at Lex. Masayang nagkukwentuhan ang dalawang kaibigan niya habang tulala siya at malumanay na isinusubo ang pagkain. Maya-maya pa ay napansin na ng dalawa ang unusual behavior niya at tinanong siya ng mga ito. O, bat ba ganyan ang mukha mo, Shania. May problema ka ba? nag-aalalang pangu-ngusisa ni Carl. Oo nga, parang kaninang umaga pa iyang facial expression mo, naku, eh baka bangungutin pa ako niyan mamaya. Dugtong pa ni Lex. Hindi sumagot si Shania nakatingala lang ito sa kanila ng mahigit sampung segundo. Nanahimik rin ang dalawang lalaki at mukhang nagulat talaga sila ng narinig nila ang mahinhing boses ni Shania. Isang talent ni Shania ang mag-salita ng super nakaka-awa at ang talent naman niyang yun ay ang weakpoint ng dalawang binata na nasa harapan niya.

Inginuso niya ang labi at mangiyak-ngiyak niyang sinimulan ang pag-sasalaysay ng masaklap na balita. Eh kasihindi na akonaputol nga lang dahil sa pagpapa-cute niya. Kasi??? chorus naman nina Lex at Carl kay Shania. Uhmm.eh hindi kasi ako makakapag-attend ng promenade dahil may masamang nagyari nag-papatuloy pa sana sa pag-papacute si Shania pero nalusaw na talaga ang puso niya sa sobrang lungkot at napaiyak na talaga siya. Sus, naku naman, Shan. Para ka namang bata para dun lang iiyak ka na agad. Alam mo ba ng parang sinasaksak mo na rin kami sa puso tuwing iiyak ka sa harapan namin taposhaaaayyyypapatayin mo ba talaga kami?, sabay hug sa best friend niya. Lumapit rin naman si Carl at maingat na pinahid ang luha sa mga mata at pisngi ng dalaga. Maya-maya na ay napatahan na rin ng dalawa ang pag-iyak ni Shania. Bumalik na ito sa normal (hindi nag-papacute mode) niyang sarili at nakahinga na rin ng maluwag sina Carl at Lex. Sabay silang nginitian ni Shania at ng nakompirma na nilang safe na uli silang mag-interrogate ay tinanong na nila ito uli. Alam niyopatay na si Lola Incheng kokaninang umaga ay nakatanggap kami ng tawag galing Tacloban, sabi ni Tito Francis ay inatake raw sa puso si Lola at... Ano?! sabay na hiyaw ni Lex at ni Carllubos ang pag-kagulantang dahil hindi sila makapaniwala sa mga sinabi ni Shania. Oo, sana ay maintindihan niyong kinakailangan ko munang mapagisasapagkat sabi pa nga ni Lex ay baka mamatay kayo dahil hindi ko talaga mapigilang umiyak. Pasensiya na, mauuna na ako sa inyong dalawa. Nag-handa si Shania, inligpit niya ang mga gamit niya at agad na kinuha ang bag. Bago pa man siya umalis ay nag-paalam rin siya sa dalawang nanahimik na mga binata. Bye. At lumakad na ito papalayo sa kanila.

Kabanata 4 O, bat di ka pumasok, ano, scholar ka na? pagsesermon ni Lex habang nasa beywang ang dalawang kamay, natatawa siya sa hitsura ng bestfriend niya, naaalala niya tuloy ang ermat niya nung bata pa siya. Napuyat si Shania noong nakaraang gabi kaya alas-dos na ng hapon siya nagising. Mabuti na lang nag-over night ang tita niya sa Insomnia club house dahil nag-paparty daw ang boss nila at sa ngayon ay di pa ito nasa bahay. Wala na rin siyang magagawa dahil hindi na siya makakapasok sa ganoong oras kaya naisipan niyang magpakabait na lamang. Naglaba siya at naglinis ng buong bahay. Sa ngayon ay nasa ikalimang planggana na si Shanianagulat nga siya ng biglang dumating si Lex at mula ng pinapasok niya ito sa bahay ay wala na itong ginawa kundi mag-sermon. Sa bakuran siya nag-lalaba kung saan mayroong bombahan ng tubig. Nagku-kwento si Lex tungkol sa mga hindi niya na-witness sa school ng lumiban siya. Ano ka ba namankung ganoon na nag-aalala kung anong iisipin ng mga teacher natin sa unusual at first time na pag-absent ko ay dapat sinabi mo nalang na umabsent ako dahil namatay ang Lola Incheng. At pumunta ako sa burol niya. Wika niya kay Lex habang naka-upo sa isang mababang bangko at hag-babanlaw ng mga Tshirt. Ayoko no, baka multuhin pa ko nun. Ngunit matapos yun sabihin ni Lex ay naging seryoso ang boses at tono niya. Pero alam mo nag-alala talaga ako sa iyopati na rin si Carlah, hindi nga pala siya nakasama dahil may pinuntahan siyang importante, pero gusto talagang sumama nunSayang nga, eh. Natigilan si Shania ng sinabing yun ni Lex, at hindi niya mapigilang kiligin at mamula. Sinikap niyang di mag-pahalata at ipinatuloy ang ginagawa. Maya-maya pa ay nag-salita uli si Shania. Alam mo sa totoo lang masaya akong andito ka. Puno ng damdamin niyang sinabi kay Lex at nag-pahabol pa ng dahil matutulungan mo akong labhan ang lahat ng ito! Ano?!!!!! Nagulantang si Lex at sumunod ang malakas na halakhakan.

Ng matahimik na uli sila ay narinig nila ang marahang pag-bukas at pag-sara ng gate Nag-tinginan silang dalawaMagtago ka dali! sabi ni Shania, natataranta na si Lex kaya di alam kung anong direksyon kakaripas. SaanSaan ako mag-tatago. tanong ni Lex. Wala ng oras na sinayang si Shania, binunot niya agad ang braso ni Lex patungo sa bahay at marahas na itinulak sa isang masikip na kwarto ang lalaki. Mabuti nalang at nasalo siya ng kama kaya wala siyang injury na napala. Mula sa kwarto ay naririnig ni Lex ang mga boses ng mag-tita. Nag-uusap sila tungkol sa party. Umupo ng maayos si Lex at napansin niyang nag-kalat pala ang mga unan sa kama ng itinulak siya ng raskal niyang kaibigan dun. Dahil naman ay na-aawa raw siya sa mga unan ay kusang inayos niya ang mga ito. Habang inaayos niya ito ay nakakita siya nang isang notebook sa ibabaw ng kama. Kinuha niya ito at binuksan, sa first page ng notebook ay nakita niya ang isang envelope na nakadikit sa unang pahina ng notebok, may nakasulat sa sobre TO: ALEX ANDRIA. Hmmmang sweet naman ng bestfriend ko. Napangiti na lamang si Lex matapos yung mabasa. Sulat pala ito para sa kaniya. Binuksan niya ang sobre. Buti na lang hindi nakadikit. pag-papasalamat ni Lex. Inungkat niya ang papel na laman ng sobre at binuksan niya ito Maya-maya pa ay nabasa na lahat ni Lex ang mga nilalaman ng sulat ni Shania na para sa kanya. Ibinagsak niya ang katawan sa kama at nag-pakawala ng isang malalim na hininga. Nang-hina siyaatnagulat ng marinig niya ang mabibigat na footsteps na papalapit sa kwarto ni Shania. NAbuhay muli siya pero sa ngayon ay hindi na niya alam ang gagawinpinagpapawisan na siya, at sinulyapan niya muna ang mga nag-kakalat na unan sa kama, ang notebook, na diary pala ni Shania at higit sa lahat ang hawak-hawak niyang mysterious na sulat ng best friend niya. Palakas ng palakas ang sikdo ng diddib niya Pagbukas ng pinto ay si Shania ang bumungad sa kanya. O, bat ganyan ang mukha mo? Para kang

UhmmShan hindi ako pwedeng gabihin, andyan pa rin ba ang tita mo? tanong ni Lex habang iniyuyuko ang ulo. Ah..si tita ba ang prinoproblema mo? Sus, may naiwan raw siya sa bahay ng kaibigan niya, uhmmcelpon niya yata yun. Kaya ayun umalis. Naka-isming wika ni Shania. O, okay diba. Youre as lucky as ever, talaga, bheztie! dugtong pa niya ng naka-thumbs-up. Ngumiti na lamang si Lex habang kinakamot ang ulohabang si Shania naman ay nag-aakmang uupo sa tabi niya. Kinabahan siya ng todo-todo kaya ng maka-upo si Shania ay bigla naman tumayo si Lex. Ahhnaala kong may gagawin pa pala ako ngayon...Kaya u-uuwi na ako. Sabi ni Lex. H-huh?... nabigla si Shania sa sinabing yun ni Lex pero naka-recover naman agad siya kaya hindi na lamang niya ito pinigilan na umalis ito. O, sige gusto mo samahan pa kita sa Ahmokay lang ako, kailangan mo pa dibang tapusin yung linalabhan mo? Gawin mo na. Ngumiti si Shania at pareho silang tumayo at lumakad palabas ng kwarto. Ng nasa labas na silang dalawa ay Babay, Lex. Monday pa ako papasok, sabihin mo kay Carl okay lang ako at ikimusta mo na rin ako sa kanya. Sige, BYe! kumaway ito kay Shania ng halos 1 meter na layo at tumalikod agad. Na-confuse si Shania sa ginawang yun nui Lex pero naisip niya nab aka nagmamadali lang talaga ang bestfriend niya. Haaayyyymakapag-sain na nga at pumasok na siya sa bahay.

Kabanata 5 Hello! Good Morning, Lex! bati ni Shania sa binatang nakatunganga. Sa kasalukuyan, ay Lunes na ng umuga at nasa classroom si Shania, late na nga siyang pumasok eh, dahil katatapos lang ng first subject nila. Ang early early niya para sa ikalawang subject.tsk*tsk*tsk*Magalingmagaling. Hindi sumagot si Lex sa pagbati niya kaya umupo na si Shania at hindi na lamang ininda ang behavior ng BFF niya. Maya-maya pa ay pumasok na si Teacher Eddie, ang tinaguriang FAVORITE teacher ng lahat ng estudyante sa Straw Beryy High School. Automatic na parang robot na nag-sit erect ang lahat sa pag-karinig ng mala-roaring thunder niyang pagubo. Good Morning, Teacher chorus ng lahat. Whatever, class. Just get a one whole sheet of paper and we will have a quiz. Ani nito habang naka-upo at hinahalukay ang mga papel sa folders niya. Ah, teka, teka, Sir. Hindi ko ho alam na may quiz po pala ngayon! At tiyaka po mag-rereport ako, andito na nga ho itong visual aid ko, eh. Singit ni pa ni Shania at iwinawagayway ang Manila Paper sa teacher niya. Hindi umimik ang teacher patuloy pa rin sa kakukusikot sa mga papel niya. Teacher ulit pa ni Shania. O sige na nga, MissAno nga ba yung apelyido mo? Alvarez po, sir. Agad niyang sagot. O siya, siya, Miss Alvarez mag-report ka na lang dahil hindi ko makita yung papel na may questions para sa quiz niyo. UhmmAno ba ang topic mo? Todays Technology po. Chapter 69 po sa libro. Hindi na siya nag-sayang pa ng oras, kinuha ang visual aid at nagpatulong sa isa sa mga kaklase para ayusin ito sa Blackboard. Matapos niyang maisaiayos ang lahat ay nag-simula na siyang mag-ulat. Sa pagkahaba-haba ng report niya ay parang di na ma-take ng mga kaklase niya ang pag-kaboring kaya ang iba imbes na makinig ay nagti-text na lamang, ang

mga adik sa novel ay pasimple namang nag-babasa, yung iba umiidlip, at ang mga lalake sa may unahan ay walang sawa sa kadadaldal na parang mga babae. At sa wakas natapos na rin Tapos na po. pag-aanounce niya at umayos agad ang lahat, ang mga nagtitext dali-daling tinago ang celpon, ang mga tagalog novels naman ay nag-evaporate agad sa ilalim ng notebook at mga libro, at tiyaka nagsitigil rin ang mga lalaking nagdadaldalan kanina. Peronasa dream land pa rin ang tatlong estudyante. Kasama sa tatlong yun si Lex at siya ang na-bisto ni Teacher Eddie. O, Andrio, tinutulogan mo na lang ba tong si Alvarez. pangungutya ng guro habang naka-ngiti sa kanya. Nakakagulat na sumagot naman si Lex. Boring kasi, sir, eh. NO comment si Sir Eddie dun. HmmmOkay class, Pass. Nakalabas na ang lahat ng estudyante pati na rin ang teaher nilaat ang akala n Shania nag-iisa na lamng siyang nag-liligpit ng visual aid niya. Lumingon siya at nakita niyang nakatingala pala si Lex sa kanya. Hindi pa pala ito bumababa. Lex sabi ni Shania na lumalakad papalapit kay Lex. Shanpwede bang hindi ka lang muna lumapit at maki-pagusap sa kin. Wag mo nalang itanong kung bakit basta gawin mo na lang. walang kaemo-emosyon na tugon ni Lex sa dalaga at iniripan pa ito. Nagulat dun si Shania, nanlaki ang mga mata niya at ang mga hawak niyang manila paper ay bigla na lamang dumulas mula sa mga kamay niya. Fine, sige kung yun ang gusto mo. Hindi na ako lalapit sa iyo kahit kailan. At dinampot na niya ang bag at lumabas na agad. AhSha----pero nag-iisa na lamang siya, wala ng Shania sa classroom tanging siya na lamang.*Kaasar! Nasaan na ba yung sulat na yun? *

Tumakbo si Shania papalayo sa class room naumiiyak. Galit na galit pala siya sa kinpero bakit? Nasa Cafeteria si Shania kasama ang ibang kaklase niya. Nakisabay siyang kumain kina Criscel at Joanna dahil wala pa siyang planong makipag-usap muna kay Lex. Habang kumakain naman sila ay nakita niyang papalapit si Carl. Nang nakita niya ang kaibgan ay mistulang tinakpan agad ang tupperware, ipinasok sa bag niya tumayo at Hoy, Shania, saan ka na ba pupunta? tanong ni Criscel na tila nagtataka kung bakit biglaan ang pag-alis ni Shania. Oo, nga at bakit ka nga ba aalis? dugtong pa ni Joanna. Nakatayo pa rin si Shania, papalapit na ng husto si Carl kaya dali-dali siyang nag-paliwanag. Ahmkailangan ko palang umuwi ngayonMay nakalimutan kasi akongahm para mamaya sa experiment natin sa Science nag-aalala ako at baka pagalitan na naman ako ni Kiki. Sige Bye! Okay, babay. Chorus pa ng dalawa at kumaripas agad siya para na makalayo sa posibkeng pag-iinteroga na naman sa kanya. Akala ni Shania ay wala ng sumusunod sa kanyaat totoo nga. Para masiguro na wala na talagang sumusunod ay lumingon-lingon siya sa may likuran at pag-harap niya. Shania, iniiwasan m oba ako? nagulantang si Shania sa gwapong mukha ni Carl. at siyaka alam mo bang na-miss talaga kita? at walang pag-aalinlangang yinakap siya ni Carl. A-ahCarl hindi ako makahinga. Mahinhing wika ni Shania. Pinakawalan siya nito at humarap sa kanyang mukha at pagkatapos ay ngumiti. Sorry, ha. Na-miss lang talaga kita.

Ahhhokay. Nginitian na rin niya ang kaibigan. Shanmay gusto lang sana akong itanong sa iyo. Batid sa hitsura at ekspresyon ng mukha ng binata ang kaba at in the same time confidence... Kumikinang ang mga mata nito at walang kaeffort-effort na pinalalambot ng ngiti nito ang puso niya. Naku, parang hihimatayin ka ma-upo nga muna tayo rito. Mabuti nalang at inalok siya nito dahil totoong mahihimatay na nga siya. Bakit ka ba nag-papa-cute ng ganyanteka! Wait lang, haikaw na ba ang hinihintay ko? Ikaw ba yung isa pang mag-papatibok sa puso ko? Naka-upo na sila, sa wakas. ShaniaPwede ba a-akong m-man naputol ang sasabihin ni Carl ng biglang dmating si Lex. Carl, kulang ang camada namin, sama ka naman, o. Sayang malaki pa naman ang pustahan. yaya ni Lex na nakapukol ang mata kay Shania. Ahmsige Carl, bukas mo nalang ituloy yung tinatanong mo...Bye! nagaapurang wika ni Shania. Ahhihintayin kita pag-uwian, hamamaya. Si Carl na nak-ngiti kay Shania. Babay! Pag-kaalis ni Shania ay nag-simula namang magtanong si Lex. Ano ba yung tinatanong mo sa kanya. Ahkung pwede ko siyang ligawan. Agad na sagot ni Carl kay Lexnagulantang si Lex pero pasimple lang siyayung parang so what na reaction. Kailan ka pa ba nagkaroon ng lakas ng loob na mag-tapat, ha? panginginsina niya sa kaibigan. Ng makita ko yung sulat. S-sulat? Yung alin? natigilan siya

Alam kong alam mo kung aling sulat ang tinutukoy ko. Nung Friday dumaan ka sa bahay namin para humiram ng mga lumang libro, di ba? Ng ibalik mo yun kanina nakita ko to. Sabay ipinakita yung sulat ni Shania sa kanya. Huh? Nasa iyo lang palayan. Ani ni Lex at tumigil sa pag-lalakad. Sa ngayon, ay nakatayo lang ito pero nakayuko ang ulo. O, bakit? ani pa ni Carl. Nakayuko pa rin si Lex at hindi niya pinansin si CarlNaguguluhan siya. Peromaya-maya pa ay nag-salita na siya. Ibalik mo sa kin yan, Carl. At bakit ko naman gagawin yun, Lex. Agad na sagot ni Carl. Basta. Ibigay mo na lang. Sigeibabalik ko to sa iyosa isang kondisyon. Anas ni Carl Iniangat niya ang mukha niya kay Carl at mahinang nag-usal Anong kundisyon?

Anda mungkin juga menyukai