Anda di halaman 1dari 13

SA NGALAN NI ALLAAH ANG MAAWAIN, ANG MAHABAGIN

Ano ang kahulugan ng At tathaaoob?

Ang At tathaaoob ay salitang arabe na binigyang kahulugan sa wikang tagalog bilang paghikab.

: .

Sinabi sa aklat ng Lisaanul Arab ang salitang At Tathaaoob ay nangangahulugan ng pagkain ng isang tao ng bagay (pagkain) o pag-inom ng bagay na ikinabunga ng pagbigat ng kanyang pakiramdam (e.g. pagkabusog) at nagnanais na matulog (magpahinga).

: , .

Ayon naman sa pagpapaliwanag ng islaam ang salitang At tathaaoob ay binanggit sa mga ahaadeeth na nagmula sa shaytaan kaya ito ay tinuring na makrooh ayon pa sa nagpapaliwanag na ito ay bunga ng pagbigat ng tiyan na nagbubunga ng pagkatamad at pagtulog, na siyang pumipigil sa isa na gumawa ng mabuting gawain.

Ayon sa mufassiroon o mga nagpapaliwanag ng islaam:

:
At katunayan na binalitaan tayo ng Propeta (ang dasal nawa ay sumakanya nawa ang kapayapaan) na ang paghikab ay mula sa shaytaan, at inutusan niya tayo na kung nais nating maghikab pigilan natin ito sa abot ng ating makakaya, kung datnan man tayo ng paghikab (hindi napigilan o nakalimot) tunay na tayo ay inutusan niya na takpan ang ating bibig sa pamamagitan ng ating kamay. At ito ang pagpapaliwanag ng islaam patungkol sa salaysay na naiulat: Batay sa isang salaysay (hadeeth):

: : ( )2995( [ : ] )

Si Abee Saeed Al Khudree (kalugdan nawa siya ni Allaah) ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) kung maghikab ang isa sa inyo ay pigilan ito sa abot ng inyong makakaya, dahil tunay na ang shaytaan ay papasok. Iniulat ni Imaam Muslim 2995. At sa ibang
2995.

salaysay na kung ito ay dumating sa inyo sa pagdarasal ay pigilan ninyo ito sa abot ng inyong makakaya.

Batay muli sa isang salaysay (hadeeth):

: ( : " . )2994( ) (5113)


At si Abee Hurayrah (kalugdan nawa siya ni Allaah) ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ni Allaah (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan) ang paghikab ay mula sa shaytaan, kapag naghikab ang isa sa inyo ay iwasan ito sa abot ng inyong kakayahan, kapag ang isa sa inyo ay naghikab ng may tunog haaaa . . . ay tumatawa ang shaytaan. Iniulat ni
2994.

Imaam Al Bukhaaree 3115 at Imaam Muslim, 2994.

: : , : .
Sinabi ni Al Haafid ibnu Hajar (kaawaan nawa siya ni Allaah): Na sinabi ni Ibnu Battaal (kaawaan nawa siya ni Allaah): Ikinabit ang paghikab sa shaytaan ang kahulugan nito ay kagustuhan at nalulugod siya sa gawaing ito (nalulugod si shaytaan na makita ang isang tao na naghihikab), dahil sa paghihikab ay nagbabago ang hitsura ng tao at pinagtatawanan niya ito, ngunit ito ay hindi nangangahulugan na siya ang may dahilan ng paghikab.

, : , : , .
At sinabi ni Ibnu Al Arabee (kaawaan nawa siya ni Allaah): Tunay na pinaliwanag namin na ang lahat ng gawaing makrooh (hindi kaibig-ibig), sa pananaw ng islaam na ang nasa likod nito ay ang shaytaan, dahil tunay na ang lahat ng gawaing maganda (mahusay) ang nasa likod nito ay mga anghel. Sinabi: At ang paghihikab (ang isa sa dahilan nito) ay ang sobrang pagkain na ang bunga nito ay pagkatamad, at dito umaayon si shaytaan, at ang pagbahing naman (ang isa sa dahilan nito) ay ang kakulangan ng pagkain, na siya namang nagdudulot ng lakas, at dito umaayon ang mga anghel.

, , : , . ...
At siniguro sa atin na ang lahat ng makrooh ang nasa likod nito ay ang shaytaan, ito ay nilinaw sa atin ni An Nawawee, Ibnu Al Arabee (kaawaan nawa sila ni Allaah): Ang paghihikab ay dapat pigilan sa lahat ng panahon, at lalo na sa oras ng pagdarasal, dahil ang gawaing ito ay hindi naaangkop (sa oras ng pagdarasal).

At si Allaah pa din ang mas nakakaalam


Ang Kapayapaan ay sumainyo at Awa ni Allaah at Kanyang Biyaya.

Anda mungkin juga menyukai