Anda di halaman 1dari 5

ALAMAT NG PARU-PARO

May isang maraming bibig.

matandang

kuwentong

nagpasalin-salin

sa

Di umano, si Amparo at si Marcela ay ulilang magkapatid. Sa isang liblib na nayon, sa lalawigan ng Kabite, sila naninirahan. Si Amparo ang nakakatanda. Paro ang kanyang palayaw. Sela naman ang palayaw ng nakababata. Silay kapuwa dalagita na. Ang ikinabubuhay ng magkapatid na maagang nangaulila sa mga magulang ay pagtinda ng mga inaaning gulay at bulaklak. Magkasalungat ang kanilang ugali. Kung ano ang kasipagan ni Marcela ay siya naming katamaran ni Amparo. Ang kinahuhumalingang gawin ng huli ay pagsamyo sa mga bulaklak, paglalaro sa pampang ng ilog, at panonood sa mga nagliliparang ibon. hindi niya iniintindi ang anumang Gawain sa bahay. Ni hindi siya maaasahang magdilig, maggambol, at mag alis ng mga uod at kulisap sa mga halaman. kinayayamutan din niya ang pagsasaing, ang paghuhugas ng pinggan, ang pagpupunas ng sahig, at iba pang gawaing-bahay. Anupat si Marcela ang gumagawa ng lahat. At, tulad ng ibang matigas ang katawan, si Amparo pa ang may ganang magalit kapag nabalam ang kanilang pagkain. Ang bagal-bagal mo namang kumilos! singhal niya kay Marcela. Nakita mo nang gutom na akoy hindi pa naghahain! Pasensiya ka na, Paro, malumanay na itutugon ng mapagpaumanhing si Sela. Pag nakita naman ni Amparo na hindi masarap ang kanilang ulam ay agad nang magbubunganga.

Ang pangit naman n gating ulam! At walang kalasalasa ani Paro. Hamot pagnakabenta ako ng maraming gulay at bulaklak ay ibibili kita ng masarap na pagkain, ani Sela. Sawang-sawa na ko sa ganyang klaseng ulam! Nalagot na ang pisi ng pagpapaumanhin ni Sela. Ikaw kasi, e, masyadong tamad. Kung tumutulong ka ba sa akin, di kikita tayo ng mabuti-buti. At sa gayoy masusunod, at pagkawika nitoy nagtutumuling pumanaog si Amparo. Dumaan siya sa kanilang hardin at pumitas ng isang rosas bago nagpatuloy sa pampang ng ilog. Napaiyak na lamang si Marcela sa inasal ng kapatid. Lumuluha siyang napaluhod sa harap ng kanilang munting altar. Mataimtim siyang nanalangin. Hiniling niya sa Bathala na pagbaguhin ang ugali ng kapatid Samantal, wiling-wili si Amparo sa pananalamin sa malinaw na tubig. Inilagay pa niya sa ulo ang bulaklak ng rosas. Dumukwang siya sa pampang upang Makita ang kanyang anyo. Subalit siyay nawalan ng panimbang. Tuloy-Tuloy siyang nahulog sa malalim na ilog. Nagkataon naming dumarating na noon si Marcela. Sumunod siya sa kapatid upang alamin kung ano ang ginagawa nito sa ilog. Kitang-kita nia ang pagkahulog ni Amparo. Paro! Paro! sigaw niya habang lumalapit. Ngunit hindi na lumitaw si Amparo. Nagpagibik si Sela. At nagdatingan naman ang maraming tao. May sumisid at kumapa sa ilalim ng tubig. Datapwat hindi na nakita ang lumulubog na dalagita.

Habang nagmamasid at naghihintay ng mangyayari, nakita ng mga taong nasa pampang ang isang bulaklak na lumilitaw sa lugar na kinalubuganni amparo. Ang bulaklak ay unti-unting gumalaw at nagbago ng anyo. unti-unti ring nagkapakpak na may sari-saring kulay. At pagkuway lumipad. Sinundan nina Marcela ang mahiwagang bagay na lumilipad. Yaoy tuwirang nagtungo sa kanilang hardin, nagpalipat-lipat sa mga bulaklak, at humahalik sa bawat isa. Kinabahan si Marcela. At wala sa sariliy nabigkas niya ang Paro! Paro!..... Ang Marikit at makulay na insekto at tinatawag ng mga tao na PARU-PARO -ang kasuyo ng mga bulaklak.

ANG ALAMAT NG GUMAMELA


Si Gumamela ay isang pang-karaniwang dalaga na nakatira sa bukid. Masipag siya at masayahin. Mabait rin siya at matulungin. Hindi gaanong kagandahan pero hindi rin masasabing pangit si Gumamela. Tipikal na dalaga ng kanyang panahon, mahinhin siya. Wala sinumang nakababatid na mayroon na siyang itinatangi. Ito ay si Abam, ang matalik niyang kaibigan. Kinilalang magsasaka sa bayan nila si Abam. Bukod kasi sa itinanghal na pinakamahusay na magsasaka, lider din ito ng grupong nagtuturo sa kapwa magbubukid upang mapataas ang ani. Dahil sa popularidad ng lalaki ay marami itong tagahanga. gayunman ay isa lang ang babaing iniibig ng binata. Ang dalaga ay si Milusay, ang mutya ng bayan nila. Kaso lang ay sarado ang puso nito sa ngalan ng pag-ibig. Alam ni Gumamela na mahal na mahal ni Abam si Milusay. Tuwing nakikitang malungkot ang kaibigan ay nagdurugo ang

puso niya. Sa tindi ng awa ay sinabi niya sa lalaki na gagawin ang lahat upang pansinin ni Milusay ang kaibigan kapalit man noon ay ang sariling buhay. Binalewala iyon ni Abam. Isang umaga, bumati sa paningin ni Abam ang isang Halamang may bulaklak na kulay pula sa tarangkahan niya. May kung anong nag-udyok kay Abam upang pitasin ang bulaklak. Dinala niya iyon kay Milusay. Noon ay naghahanap ng palamuti sa buhok ang dalaga. Kinuha nito ang bulaklak at inilagay sa likod ng tenga. Tumingkad ang ganda ni Milusay. Araw-araw nagdala ng bulaklak si Abam sa dalaga. nagulat pa siya dahil ilang kaparehong puno rin ang sumibol sa bakuran at namumulaklak ng ibat ibang kulay. Naibigan ni Milusay ang mga bulaklak. Tuwina ay may nakapalamuting bulaklak sa buhok niya. Hindi nagtagal ay nagkaunawaan sina Abam at Milusay. Noon lang napansin ng binata na sa labis na pagbibigay ng panahon kay Milusay ay hindi na naalala ang kaibigan. Saka lang niya natuklasan na matagal na itong nawawala. Minsang dumating si Abam sa kanila ay napansing nakabuka ang mga bulaklak sa tarangkahan. Hinaplos nito ang mga iyon dahil na rin sa pasasalamat. Paano ay nagging instrument ang mga ito sa pagtanggap ni Milusay sa pag-ibig ng binata. Natigilan siya nang Makita ang panyo ni Gumamela sa tabi ng isang puno. Gumamela, anas nia. Humihip ng malamig kanyang tawag. ang hangin na tila sinagot ang

Naisip ni Abam na ang halaman na sumibol sa may tarangkahan niya ay dili iba at si Gumamela. Natupad ang pangako nitong gagawin niya ang lahat ibigin lang siya ni Milusay. Napaluhod siya at napaluha bilang pasasalamat sa kaibigan.

Anda mungkin juga menyukai