Anda di halaman 1dari 5

ANAK NG BAGONG BAYANI (kuwentong monologo ni Joel

Malabanan)
Magandang araw po sa inyo, tuloy po kayo, opo, tuloy po kayo dito nga po ako
nakatira sa bagong bahay na ito. Ipinagawa po ito nidaddy mula sa perang
ipinadala ni mommy. Siyanga po pala, ang mommy ko ay bagong bayani, yun po
ang sabi sa TV at turo sa school ni Miss Ri::a. Bagong bayani daw po ang tawag
sa mga nagtatarabaho sa ibang bansa tulad ni mommy. Si mommy po ay
nasa Taiwan, dalawang taon na siyang nagtatrabaho. Sandali lang po, ayan na
si daddy, baka po magalit na naman, saglit lang po!
Sino na naman ang kausap mo?
Wala po, umalis na po
Sinabi ko na sa iyo na huwag kang makikipag-usap sa iba pag wala ako!
Di ka marunong sumunod, Um!
Daddy, wag po, aray ko po, huwag po, Daddy, tama na po!!!
Alam ninyo, laging ganyan si daddy, mula nang umalis si mommy ay naging
masungit na at sinasaktan ako. Binabatukan niya ako lalo pag lasing siya. Saka
bakit ganun? Lagi niyang isinasama dito yung babae na Anna ang pangalan, sabi
niya ay yun daw ang
bago kong mommy, pero may mommy naman ako na nasa Taiwan. Kung alam
lang sana ni mommy ang ginagawa ni daddy. Naku, saglit lang, dumating na naman
si daddy, kasama yung babaeng Anna ang pangalan!
Ano naman ang ginagawa mo diyan? Di ba sabi ko sa iyo na
pag dumating
kami ng tita Anna mo ay doon ka lang sa kwarto mo? Um!
Daddy, tama na po!
Honey, bakit ba hindi mo pa iwan sa lola niya ang batang iyan? Ayaw ko nang
makita yan dito!
Hayaan mo at sa isang Linggo ay iuuwi ko na iyan sa Laguna
Daddy, huwag po ninyo akong iuwi sa Laguna, paano po ang pag-aaral ko sa Saint
Vincent?
Titigil ka na sa pag-aaral, hindi na kita kayang pag-aralin! Madami kang gastos,
mahal ang matrikula, sobra na. Natututo ka pang mangatwiran sa akin?
Iyan ba ang natututunan mo sa school? Saka abala ka lang sa akin!
Pero nagpapadala naman ng pera palagi si mommy!
Sumasagot ka na sa akin ha, um! Um!
Aray ko po, daddy, huwag po huwag po!
Alam ninyo, lagi niya akong sinasaktan. Bakit kaya hindi ako mahal ni Daddy?
Totoo kaya yung sabi niya na hindi niya ako tunay na anak? Na buntis na
si mommy nang pakasalan niya? Pinikot lang daw siya. Kung alam
lang sana ni mommy ang ginagawa ni daddy. Inuubos niya ang perang
pinaghirapan ni mommy sa Taiwan. Sana umuwi na si mommy. Sana bumalik na
siya..
Tapos, isang araw na wala si daddy, umuwi nga si mommy. Ang
saya-saya ko, para bang ako yung nasa
Kaya lang, kaya lang.. Umuwi si mommy na nasa puting kahon.Tapos
sabi ng kaibigan ni mommy, tumalon daw si mommy sa building. May ginawa daw
na hindi maganda iyong amo niyang Taiwanese. Hindi daw nakayanan
ni mommy ang problema,. Kinausap ko si mommy habang nakahiga sa puting
kahon pero ayaw na niyang magising. Wala na ang mommyko, wala na.Paano na
ang pag-aaral ko? Mommy, gumising ka.. Mommy.. Huwag mo akong
iwan. mommy. Mommy Gising na..Mommy.
Mommy !!!!
Labinlimang taon na ang nakalilipas matapos ang pangyayaring iyon. Kinupkop
at pinag-aral ako ng kapatid ng mommy ko na si Tita Salve. Ngayon ay nakatapos
na ako
ng kursong nursing sa UP Manila. Si daddy? Wala na akong balita sa kanya. Ang
aking mga
karanasan ay nagsilbing aral sa akin para maging matatag. Ang totoo, kagaya ni
mommy,
ay balak ko ding maging OFW sa America. ext week ay aalis na ako
patungong CaliIornia
upang magtrabaho bilang isang nurse. Ayaw ko ding iwan si Tita Salve pero
mahirap ang
buhay sa ating bansa. Babalik din ako sa Pilipinas pagkalipas ng dalawang taon.
Mahal ko ang bansang ito at dito ko nais ialay ang aking paglilingkod.
Siyanga pala, kung magkakapamilya din ako, pipilitin kong huwag sapitin ng
aking magiging anak ang aking naging karanasan. Titiyakin kung magiging buo
ang pamilya namin at hindi ako magmamadali sa pag-aasawa. At siyempre, sa
lahat ng pagsubok,
mahalaga ang pagiging matatag at ang matibay na pananalig sa Diyos. Sana,
ganoon ka din!

MCnCLCCC nC uAPCn
sa gabi,
madalas akong makipagsayaw
sa malungkot na musika ng hangin.
habang tahimik ang lahat,
nagpapayakap ako sa dilim
o kaya`y lumiliyad
upang magpalunod sa liwanag ng buwan

sa umaga,
sinasalubong ko ang sinag ng araw
na tila mga sibat na tumatama sa akin
susubok mangiti habang tinutuyo ako nito
mula sa pagkabasa sa ulan ng nagdaang gabi;
o kaya ay habang muling pinatitingkad
ang aking kulay sa kaniyang taglay na init.

madalas,
nagpapabali ako sa ulan,
yumuyukod sa kaniyang patak
lumalagok
malayang sumasalo,
malayang tumatanggap
sa kaniyang lamig at bigat.

oo, dahil isa akong dahon.isa akong dahon.

nakikisabay, kahit sadyang mag-isa


piping humihiyaw
at lingid sa nakikita ng mata
ay maraming kulay na taglay.
aking pinapanood ang lahat
habang walang nakakapansin.

isang araw,
matatangay rin ako ng malakas na hanging aking kasayaw,
ihihiwalay sa aking tangkay.
tahimik na hahalikan ang buhay na lupa,
at hindi maririnig ang aking paglagapak.
hindi ako manininisi ng sinuman.
malaya akong susunod,
hanggang muling hawakan ng hangin
upang ilipad patungo sa kung saan
at lumaya sa kawalan.

MonoIog su oob ng KuwurLo
-JACK ALVAREZ
Hindi ko na nasisilip ang paglubog ng araw
sa kanluran
Andito ako sa masikip, sa apat na sulok,
hugis-parisukat
Sa kwartong ito, ikukubli ang pangungulila na
nagsayang
Ng alaala, ng luha, ng kirot, ng poot,
ng lahat
Malamig ang hangin na nagpapatahan
sa walang-katapusang
Pagluha tuwing madaling-araw, at pakinggan
ang sariling hikbi
&pang muling salubungin ang bagong umaga
kahit alam kong
Di na magkukurus ang ating daan pauwi sa tahanang
giba at wasak.