Nang kumalampag ang kampana ng simbahan, nabuhayan lalo si Bandong ng loob sa
kabila ng pagbasa niya ng El Fili ni Rizal na natutungkol kay Kabisang Tales, na para bang nagising at namulat sa sigaw ng katotohanan sa bawat hagpas pakaliwa at pakanan ng kampana. Higit na mas matatag at matapang na Bandong ang haharap sa mga makapangyarihang ito at buo na ang pasya na ito'y maglalakas loob na hinding hindi mapapasawalang kamay ang kayamanang minana pa sa kaninu-ninuan: ang lupaing puno ng matatamis na kahapon. Ang bagong Bandong na ito ay iba na ang pananaw sa kanyang kinabukasan kumpara sa dating pananaw na puno ng makukulay at malaparaisong pangarap para sa kinabukasan ng pamilya. Ang bagong Bandong na ito ay likhang mga malapastangang uhaw sa kapangyarihan.
Mas inatubili ni Bandong na 'wag nalang pumaruon sa kabesera; hindi dahil sa siya'y takot, kundi nasisindak na walang mag-aalaga sa mga anak at sa asawa kung makulong ito, dahil siguradong siya'y makukulong sa kanyang galit na tila umaapoy at sumisiklab.
Hangang dumating nalang ang isang masalimuot na araw, nagising nalang ang mag- asawa sa kanilang narinig. Lumabas sila at nalaman nalang na ginigiba na ang parte ng kanilang tahanan. Nawala na ang pinakaaalagaang baboy at manok. Pinutol na rin ang anim na matatandang puno ng mangga, at ilang punong bayabas, tsiko, santol, at atis. "Ang bilis ng pangyayari at mawawala nalang ang lahat ng meron ako," sabi ni Bandong sa sarili. Nang siya'y nagkamulat sa pagkagising, tinulak niya isa't isa ang mga nanggigiba. Ngunit parang bumaliktad ang mundo, siya itong pinaalis sa kanyang tahanan kasama ang mga anak at ang asawa. Sinabihan si Bandong ng opisyal ng kabesera na wala siyang titulo na magpapatunay na siya ang may-ari ng lupa at matagal-tagal na rin siyang hindi nagbabayad ng buwis. Walang magawa si Bandong dahil naparuon din ang pulisya na armado.
'Di alam ng pamilya kung saan pupunta; sumusunod na lamang sila sa kung saan pumupunta ang kanilang paa. Nanlalambot, nanlalamig at namumutla habang naglalakad papalayo ang pamilya sa tirahang kinalikahan ng ama. Palayo ng palayo at paliit ng paliit ang tahanan hangang 'di na nila tuluyang matanaw ito. Sadyang mapuot ang tadhana para sa kanila.
Nang makaluwag-luwag ang pamilya noong nakitira sila sa kapatid ni Ana, ang mag- asawa ay nagsagawa ng isang grupo laban sa mga mayayamang parang nanakop sa kanilang lupain. Ang grupo ay pinanununuan ng mag-asawa at ang mga miyembro ay ang mga kapit-bahay na nakaranas din ng napagdaanan ng mag-asawa. Ang grupo ay matatag na lagi'y napaparuon sa Royal Lanes (Private) upang magrally. Hangang sa isang araw at napuno ang nakaupo sa pinakamataas na posisyon ng korporasyon, nagbanta ito sa mag-asawa na itigil na ang pagrarally kundi hindi nila magugustuhan ang dahas na kaya niyang dalhin.
Lumakas lalo ang loob ni Ana at sinabi sa asawa na huwag matakot sa banta ng korporasyon. sip ni Ana na 'di magbabanta ang korporasyon kung hindi ito nasisindak sa grupo at baka mapilitan na rin korporasyon ibalik ang lupaing dapat ay kanila. Patuloy ang pagrarally ng grupo at ngayon ay mas pinalakas ng paniniwala at katatagan.
sang araw ang dumating nang pumunta si Ana sa talipapa para bumili ng maaaring iluto para sa kanilang pananghalian. Dinakip siya sa daan at dinala sa isang malaking bodega. Madilim, tahimik at kagimbal-gimbal ang nakikita ni Ana sa paligid niya hangang narinig niya ang kalampag ng pinto. Anim na kalalakihan ang lumapit. Nabigla ito nang hawakan ang kanyang paa pataas hangang siya ay hinalay nalang. Diring-diri si Ana sa bawat dikit ng kamay o kung ano mang parte ng anim na kalalakihan sa kanya, ngunit wala itong nagawa. Madungis at walang imik ang nakataling maybahay ni Bandong matapos pagsamantalahan ng mga kalalakihan. Makalipas ang tatlong araw, siya rin ay pinatay ng isa sa mga kalalakihang nanghalay sa kanya. nutusan ang lalaki ng kanang kamay ng nasa pinakamataas na posisyon sa korporasyon na gawin ang lahat ng pangyayari.
Habang si Bandong ay puno ng pag-aalala sa pagkawala ng asawa, may dumating na balita mula sa kapit-bahay na ang asawa ay natagpuang patay sa isang damuhan sa malapit na lugar. Para bang pumutok na bomba ang pagsabog ng galit ni Bandong at tumakbo patungo sa damuhan habang naluluha. Puno ng hinagpis at galit ang nararamdaman ni Bandong. Tinandaan niya ang itsura ng asawa sa damuhan at aalalahanin niya ang imaheng ito panghabang-buhay hangat sa mamatay siya. Alam niya ang may pakana ay ang nakaupo sa kapangyarihan ng korporasyon at sinusumpa niya ito.
Gumalaw si Bandong nang 'di nalalaman ng grupo. Kumuha ng impormasyon sa tuwing kailan dumadaan ang nakaupo sa pinakamataas na posisyon sa korporasyon. Walang sinayang na oras si Bandong at siniguradong 'di lilipas ang isang araw na walang nakalap na impormasyon. Hangang sa tuluyan na itong kumilos at gumawa ng hakbang upang maligpit ang puno't dulo ng kalunus-lunos na pangyayari sa asawa. Habang naglalakad ang may kapangyarihan, biglang may lumapit at sinaksak nalang ito sa may tadyang. Mabilis na tumakbo si Bandong matapos gawin ang matagal na ninanais. "Napaghiganti na kita, Ana!" sigaw ni Bandong.
Nakita ng mga tauhan ng korporasyon kung sino ang may sala sa nangyaring pagpatay. Tinuro na si Bandong daw ito. Naging WANTED si Bandong sa buong lugar at malaki ang pinataw na salapi kapalit sa sinumang makakahanap sa kanya. Nagtago-tago si Bandong sa kung saan-saan. Palipat-lipat ng matitirhan habang ang mga anak ay inaaalagaan ng kapatid ni Ana. Ang panganay na nasa bayan ay walang kaalam-alam sa buong pangyayari; di rin alam ang nangyari sa napayapa niyang inay.
Pataas ng pataas ang pataw sa kaso laban kay Bandong at palaki ng palaki ang nakaabang na salapi sa sinumang makakahanap sa kanya. Hangang nakaisip ang kanang kamay ng korporasyon ng paraan upang lumabas ng kusa si Bandong. Pinadakip niya ang tatlong anak nito at pinalabas sa media, radyo at dyaryo baka sakaling masilayan ni Bandong. Nagulat na lamang ang panganay nang idinakip siya hangang nalaman niya ang buong masalimuot na nangyari sa pamilya.
Palipat ng panibagong matataguan si Bandong nang kanyang marinig ang balita tungkol sa pagdakip sa kanyang tatlong anak. Walang magawa si Bandong. Walang malapitan. Ang mga anak ay ipit ang buhay sa kamatayan. Sa walang naiwang pag-asa, inatibuli ni Bandong na sumuko na lamang sa may kapangyarihan ang sarili.
Makalipas ang ilang araw, si Bandong na dati'y nabubuhay lamang sa katahimikan hangang sa bumaliktad ang lahat ng pangyayari, ay tuluyan ng niyakap ang pananahimik. Binitay siya sa salang pagpatay.
Totoong niyakap niya ang pananahimik sa mundong ito, subalit hindi marunong manahimik ang pag-asa. Pag-asang ang bukas ay magiging makulay pa. sinalibro ng panganay ni Bandong na nakapag-aral sa bayan ang istorya ng buhay ng kanyang itay. Sumikat ang isinulat na libro hangang kumalat ito sa buong bansa. Halos lahat ng nakabasa ay nabuhayan ng loob. Sa kadahilanang marami ang nabuhayan ng loob, marami ang naglakas loob kaya marami ang ngayon ay lumalaban upang makamit ang bukas na inaasam-asam ng bawat Pilipino. tong bukas mang ito ay maaaring hustisya sa ilan, edukasyon man sa ilan, o kung ano pa.