Anda di halaman 1dari 3

PANGANGATWIRAN Ang pangangatwiran o pagmmamatuwid ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitbay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga

katwiran o rason, kalakip ang mga ebidensya sa diretsahang (harapan) at diretso (tuwid) na paglalahad. Layunin: Makapagpahayag ng matitinong kaisipan o kaalaman bilang pagpapatunay sa isang katotohanan sa maayos, efektibo at lohikal na pamamaraan para makapagpaniwala ng kapwa sa kahalagahan ng pinaninindigang panig ng isang isyu o proposisyon. Kahalagahan: 1. Sa pamamagitan nito nililikha ang paniniwala. 2. Ito ay pangkalahatan o pang-unibersal. 3. Itos kailangang-kailangan ng tao bilang anyo o paraan ng pakikipag-komunikasyon sa bawat isa.

Dalawang Pamamaraan ng Pangangatwiran: 1. Pangangatwirang Pabuod o Inductive Method- nagsissimula sa mga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.

2. Pangangatwirang Pasaklaw o Deductive Method - sinisimulan ang pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.

Dalawang Bagay na Dapat Isaalang-alang Para Mapagtagumpayan ang Pangangatwiran 1. Matibay na pagpapaniwala 2. Mahatak na panghihikayat Ang panghihikayat ay lalakas kung isasaalang-alang naman ang koordinasyon ng tatlong mahahalagang bagay: 1. Ang Tagapagsalita 2. Ang Paksa 3. Ang Tagapakinig

Ang mga Kasangkapan ng Efektibong Pagmamatwid para Makahikayat


1. Sapat at tunay na katibayan. 2. Ibinatay sa opinyon ng eksperto. 3. Katiyakan sa katwiran. Mga Halimbawa: A. Pasyahan na ang Tagumpay ng nga Anak sa Kinabukasan ay Nakasalalay sa Pagpapalaki sa Kanila ng Kanilang mga Magulang B. Pasyahan na ang Kababaihan ay Dapat Magkaroon ng Pantay na Karapatan o Ekwalidad sa Kalalakihan sa Lahat ng Aspekto ng Buhay

Ang Paglalahad ng Proposisyon 1. Ang proposisyon ay ipinahahayag ng kategorikal, paturol at positibo, hindi patanong, maliban na lamang kung pangkasanayang pangklase. 2. Ang proposisyon ay naghahayag ng isang problema lamang. 3. Ang proposisyon ay inihahayag nang malinaw na tanging isang kahulugan lamang ang mainterpreta. 4. Ang proposisyon ay inihahayag ng tiyak. 5. Ang proposisyon ay payak lamang na inihahayag. 6. Ang proposisyon ay dapat ihayag ng maikli lamang ngunit maalaman. 7. Kawili-wili dapat ang proposisyon. 8. Inihahayag ang proposisyon nang walang paunang paghatol o prejudice, nang walang paninisi, nang walang pagpupuri. 9. Kailangan sa proposisyon ay maipahayag na mapagtattalunan. 10.Inihahayaag ang proposisyon na ang afirmado o afermatibong panig ang diskontento kaya naghahaangad na baguhin ang sitwasyon.

Ang Mga Hakbangin o Prosesong Dapat Isaalang-alang sa Pakikipangatwiran


Isaalang-alang ang mga sumusunod na proseso kapag lalaahok sa gawang pangangatwiran o pagtatalo: 1. Imbensyon pangunahin ang prosesong ito sapagkat dito nadiditermina kung talagang may kahalagahan, kabuluhan o pertinente ang isang paksa o usapin para pag-aksyahan ng panahong paglabanang-katwiran. 2. Imbestigasyon ang proseo naming ito ang nagdiditermina sa kalakasan o kahinaan ng panig na pangangatwiran. 3. Pananaliksik kaaakibat ng ikalawang proseso ang hakbanging ito dahil sa pamamagitan nito masasagot ang mga katanungan.

Dapat lahat ng anggulo at aspekto ay mapag-aralan para mapagtagumpayan ang pakikipag-argumento. Sa paanong paraan ito napangyayari? Una, konsultahin ang diksyonaryo . Pangalawa, basahin ang mga aklat na isinulat nig mga kilalang aworidad sa paksa. Pangatlo, makapanayam sa mga dalubhasa sa paksa. Pang-apat, magmasid nang mataman. Panglima, italang mabuti ang data nang hindi makalimutan. 4. Organisayon ng material ito ang proseso ng pagsasaayos ng mga nakuhang impormasyon. Sinop ang kailangan dito. 5. Presentasyon ang prosesong ito ay maaring isagawang pasalita o pasulat.

Inihanda ni: ANGELA E. ERMINO BEED II

Anda mungkin juga menyukai