Anda di halaman 1dari 2

MENDOZA, Marla Andrea G.

FILDLAR C33 Pinanganak ako bilang Marla Andrea Galang Mendoza noong ika-pito ng Disyembre ng taong 1994 sa Lipa, Batangas sa aking mga magulang na si Maj. Franco Catral Mendoza, isang piloto ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (AFP) at Genevieve Francisco Galang-Mendoza, isang guro. Dahil opisyal ang ama ko sa AFP, lumaki kami ng aking tatlo pang nakatatandang kapatid sa loob ng Fernando Air Base sa Lipa. Dito, nagkaroon ako ng kabataan puno ng laro at saya kasama ang anak ng iba pang mga opisyal. Bilang bata, naging malikhain at ito ay nakita hindi lang sa laro, pero sa matinding hilig ko sa pagguhit. Ang mga paulit-ulit kong pinapanood sa Disney, Cartoon Network, at Nickelodeon, at mga storybook ay madalas kong kinukuhanan inspirasyon. Sa likod ng bahay namin ay ang San Lorenzo Ruiz de Lipa School, isang preschool na tinayo ng magulang ko sa tulong ng lolo ko sa nanay ko isang taon bago ako ipanganak. Dito kami nag-aral ng sinundan kong kapatid ng Nursery hanggang Prep. Sa kasalukuyan, hanggang ika-anim na baitang ang tinuturuan ng San Lorenzo at halos buo na itong nakalipat na sa Sico na nasa tapat ng Air Base. Ito ay dahil umalis na ang tatay ko sa serbisyo ng AFP at lumipat sa Philippine Airlines noong 1996 kaya hindi na kami puwede tumira sa loob ng Air Base. Lumipat din kami noong 2002 sa Base View Homes, isang malapit na subdivision na binilhan na nang magulang ko ng lupa bago pa ako ipanganak. Malapit talaga sa akin itong paaralan namin at lagi ako bumibisita noon hanggang ngayon. Madalas ako sumasama sa nanay ko, sa panganay kong kapatid, o panganay na pinsan (na lahat administrator) kung maaga labas ko o kaya sa summer activities. Mula sa ika-unang baitang hanggang makatapos ng hayskul pumasok ako sa De La Salle Lipa simula noong 2001. Naging mahusay akong estudyante sa sampung taon ko doon at madalas na nasa honor roll. Noong hayskul, napabilang ako sa cream section noong first, third, at fourth year. Madalas pa rin ako gumihit noong elementarya. Sinali ako ng mga guro ko sa ilang paligsahan sa pagguhit sa loob at labas ng eskuwelahan kung saan nakakuha ako ng maraming gantimpala. Naging Art Varsity ako at editorial artist ng magasin ng aming elementarya. Dahil sa hirap ko masanay sa high school, nabitawan ko ang pagguhit. Bilang estudyanteng first at second

year, naranasan kong ma-bully kaya pinili ko na lamang na pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko. Noong third at fourth year, nagpakita naman ako ng potensyal sa pagsulat kaya nakapagambag ako ng balita sa dyaryo ng hayskul namin. Sa huling dalawang taon din na ito ng panahon ko sa hayskul, nalagay ako sa sekyson ng Cream B. Ang mga kaklase ko doon ay ang tunay na mga tumulong sa akin masanay sa hayskul at sila din ang nagbigay sa akin ng pinaka masayasayang alaala bilang estudyante ng hayskul. Sa kasalukuyan, nag-aaral ako ng ikatlong termino ko sa De La Salle University-Manila sa ilalam ng programang Interdisciplinary Business Studies. Binalak ko sanang kunin ang programang Early Childhood Education dahil sa kalapitan ko sa San Lorenzo Ruiz De Lipa School, ngunit nakiusap ang ama kong subukan ang larangan ng bisnes na may pag-asang magustuhan kong mag-Accountancy dahil maaari daw ako maging accountant ng paaralan namin. Kahit mahusay lagi ang mga nakukuhang kong marka sa aking mga kurso, lagi ako naging malungkot sa tatlong mabigat na dahilan habang nakitira dito sa Maynila kasama ang kuya ko na nagaaral ng Electronics and Communications Engineering sa parehong pamantasan: una, hindi ako masaya sa pag-aaral ng bisnes; ikalawa, nalulungkot ako na malayo sa pamilya ko; ikatlo, hindi ko nagustuhan ang Maynila isang paraiso talaga ang Batangas simple, tahimik, at malinis! Sa gitna ng ikalawa kong termino, umuwi ako sa bahay ng isang Sabado at nakapanood ako ng dokyumentaryo tungkol sa Pixar, isang animation studio na gumawa ng mga pelikulang cartoon na hinahangan ko. Pinaalala sa akin nito ang hilig ko sa pagguhit noong bata ako. Naging matapat ako sa sarili at naging sigurado ako na wala na akong ibang gustong gawin sa buhay kundi magtrabaho kasama ang mga bata. Nakikita na rin naman ito ng mga kaklase ko sa pamantasan sapagkat marami sa kanila ang nagpapaturo sa akin at istilo ko raw lagi ay simple at madaling intindihin. Kakapayag lang sa akin ng magulang ko na lumipat sa programang Elementary Education at lumipat sa luma kong eskuwelehan sa Batangas para ipagpatuloy ang mataas ng edukasyon Salamat sa inspirasyon na binigay sa akin ng dokyumentaryo, nagguguhit ako muli at madalas nagsusulat ng mga kuwento at repleksyon. Ito ay nagpapasaya sa akin pag wala akong ginagawa ngayon sa pamantasan. Ginagawa ko din ito sapagkat gusto ko din maging manunulat para sa mga bata at mag-ambag din sa iba pang midya para sa bata.

Anda mungkin juga menyukai