Anda di halaman 1dari 1

Aurelio Tolentino

Si Aurelio Tolentino (13 Oktubre 1867 5 Hulyo 1915) ay mandudula, nobelista, at orador sa wikang Espanyol, Tagalog, at Pampango, bukod sa pagiging katipunero. Si Tolentino ang nagtatag ng Filipinas, at El Parnaso Filipino.

Buhay
Kasamang ni Tolentino si Andres Bonifacio sa paghahanap ng kanilang mga lihim na kuta sa kabundukan ng Montalban at San Mateo, Rizal. Napili nila ang Kuweba Pamitinan na maging himpilan, hanggang matuklasan ito ng mga Espanyol noong 12 Abril 1895. Nadakip at ikinulong si Tolentino ng mga Espanyol, noong magsimula ang himagsikan sa Filipinas. At nang dumating ang mga Amerikano, bumuo siya ng samahan ng mga dating katipunero, na ang pangunahing layunin ay patalsikin ang mga Amerikano. Tinawag niya ang samahan na Junta de Amigos. Pagkatapos ng digmaan, ibinaling ni Tolentino ang pansin sa pagsulat ng literatura, at lumikha ng mga dakilang akda, gaya ng Kahapon, Ngayon at Bukas (1902); Bagong Cristo (1907); Maring (1908); Buhay (1909); Buhok ni Ester (1914). Siya ay kinilala bilang Ama ng Tagalog Drama dahil sa kanyang obra maestrang Kahapon, Ngayon at Bukas. Bilang pagkilala sa kanya ay pinangalanang Tanghalang Aurelio V. Tolentino (Little Theater) ang isa sa mga teatro sa Cultural Center of the Philippines.

Anda mungkin juga menyukai