Anda di halaman 1dari 8

Ang Basura ng Lipunan

Inspirado sa Bagyong Ondoy at El Filibusterismo Mga Tauhan

TAGPO 1: Madilim. Papasok si TALES sa kumpisalan, kung saan naiinip na naghihintay si FR MANOLING. FR MANOLING: (Titingin sa relos, inip, sa sarili) Anong oras na ba? Natutulog na dapat ako sa kumbento ngayon oras na to e bakit kase ngayon pa kailangang lumuwas si Fr Kiko? TALES: Patawarin ninyo ako pagkat ako y lubhang nagkasala.

DAVID RUIZ, 27 taong gulang, ang padre pamilya ng pamilya Ruiz, kahit mahirap ay masaya at sama sama pa rin ang pamilya JOEL UY, 12 taong gulang, ang panganay na anak ni Romy ROMY UY, 27 taong gulang, lasinggero at sugalero, pinapatrabaho ang kanyang mga anak para sa pera TALES REYES, 30 taong gulang, magnanakaw, ninakawan ng lupain ni Kapitan Perez FR MANOLING, 32 taong gulang, ang kura paroko ng San Lorenzo Ruiz Parish MGA TAGAPAG-USISA

FR MANOLING: Tales? (inis) E lagi ka namang nagsasabi ng iyong saloobin kahit sa labas ng kumpisalan a. TALES: (Katahimikan) Iba itong sasabihin ko ngayon. May nagawa akong kasalanang di ko akalaing makakayanang gawin kahit kailan (hahaplusin ang damit) FR MANOLING: (Gulat) Ay Diyos Panginoon! TALES: Napatay ko (Pipikit) siya

FR MANOLING: Kaawaan ka ng Diyos Panginoon! TALES: (mahina) Nagdilim ang aking paningin. Di ko alam ang aking gagawin! Di ko man lang isinaisip ang maaari kong sapitin! FR MANOLING: Kaawaan ka ng Diyos. Kaawaan nawa ang Diyos! TALES: Pinatay ko siya. Pinatay ko siya. Hindi ko talaga pinatay ko siya

TAGPO 2: Sa dumpsite malapit sa Baranggay San Lorenzo Ruiz DAVID: (Sa sarili) Putik! Basura! Lintik! Maibebenta! Pera! Haaaay! Oo, kawawa naman kaming mahihirap dahil kami ang pinakanaapektuhan ng bagyong dumaan, pero marami rin naming iniwan ang bagyong kabutihan a! Simula pagkabata ay hanapbuhay ko na ang paghalugkat ng basurang puwedeng ibenta sa junkshop, pero ngayon lang ako nakahalugkat ng ganitong karaming puwedeng ibenta! Makakakain na kami nina Cecil at ng mga bata ng burger sa Jolibee! (Pasok Joel) DAVID: Oy, Joel! Bakit ngayong hapon ka lang dumating? E paubos na yung mga basurang puwedeng maibenta sa junk shop! (Mapapansin ang sugat na nasa mukha ng bata) Ano yung nasa mukha mo? JOEL: (Nahihiya) A si tatay po DAVID: (Nag-aalinlangan) Hay naku. Ewan ko ba sa ama mo. Wag mo sana masamain, pero di porket mahihirap tayo ay hindi na tayo magtatrabaho. Siyang ama ang dapat na naghahanapbuhay, hindi kayong mga anak niya! Siya dapat ang bumubuhay sa inyo! Anlaki-laking tao ni Romy, di man lang matrabaho JOEL: (Kinakabahan) Pero Mang Joel, may katuwiran din naman si tatay. Aaa, wala rin naming napag-aralan si tatay. E kahit grade 1, hindi niya natapos. Walang matinong trabahong

nakatutustos sa pangangailangan ng aming pamilya. Labindalawa kaming magkakapatid. DAVID: Kaya pinapahalugkat niya kayo sa basurahan, pinalilimos ng pera sa lansangan, pinawawatsorkar at lahat na, dahil hindi siya nakapag-aral? Pa no naman kayong mga bata? Dahil di siya nakapag-aral, hindi rin niya kayo pag-aaralin? JOEL: Di ko po alam. Bahala na po. Pero kung ako yung tatanungin, nasanay na rin naman ako sa kakahalugkat ditto sa basurahan. Ako, ang pinakamatanda. Pero yung mga nakababata kong kapatid sigurado ako masasanay rin sila baling araw. Wala na rin naman talaga kaming pag-asang umasenso. Sabi nga ni ama, tayong mga mahihirap ay itinakda na umasa na lamang sa canned goods na inaabot sa atin ng mga mayayaman. DAVID: Naaawa ako sa inyong magkakapatid. Pero sa kin lang, hindi ko kailanan matatanggap na patrabahuhin sina Buboy. Tungkulin nila tungkulin ninyong maging bata, hindi mag-hanapbuhay. (Katahimikan. Pero may biglang putok ng baril) JOEL: Narinig niyo ho? DAVID: May nabaril na naman. Lagi na lang may nababaril dito sa Baranggay San Lorenzo Ruiz, pero wala namang pulis na nagseseryosong imbestigahan. Ewan ko ba sa kanila. Di porket mahihirap ang mga tao ditto sa San Lorenzo Ruiz ay hindi na kailangang alagaan.

JOEL: Sabi ni tatay, hindi talaga tayo seseryosohin ng mga pulis. Sabi niya, para sa mga mayayaman lang ang batas. DAVID: (Tahimik nang saglit) Baka nga. JOEL: Totoo naman e. Pinatay si nanay dalawang taon nang nakaraan, wala pa ring asenso sa pag-imbestiga sa kanyang kaso. DAVID: Tara na nga, punta na tayo sa junk shop. Teka, bakit nagkakagulo mga tao doon? JOEL: Baka dahil sa nabaril? DAVID: Hindi naman madalas pinagkakaguluhan yun a? Tingnan nga natin. JOEL: Sige po. (Aalis) TAGPO 3: Sa may damuhan sa Baranggay San Lorenzo Ruiz MGA TAGAPAG-USISA(MTU): (Tumatakbo) Ay diyos panginoon! Patay ni si Baranggay Captain! (Pasok sina JOEL at DAVID) DAVID: Anong nangyayari doon? MTU1: Nakakagulat! MTU2: Nakasisindak!

MTU 3: Hindi inaasahan! MTU 4: Nakagigimbal! MTU 5: Nang malamang MTU: Patay na si Kapitan Perez! DAVID: Pa nong nangyari yun?! MTU 1: Walang ni isang testigo! MTU 2: Pero isang putok ang narinig ko. MTU 3: Kaya t kami y pumunta sa damuhan MTU 4: Ang pinanggalingan ng hiyaw MTU: At doon nakita ang naagnas na bangkay ni Kapitan Perez! (Pasok ang balisang si Tales) TALES: Alis! Alis sa daan!! MTU: Ay diyos panginoon! Bastos! Walang modo! Walang pinag-aralan! TALES: Mga ipokrito! Gayon din kayo! Pare-parehas lang tayo mahirap dito sa Baranggay San Lorenzo Ruiz! MTU 1: Saan ka pupunta? MTU 2: Saan ka nagmula? MTU 3: Bakit parang ika y balisa?

MTU 4: Ang bangkay ni Kapitan ba y iyong nakita? MTU: O di kaya y IKAW na may lihim na poot sa kanya ang maysala? TALES: Mga tsimosa! Mga walang magawa sa buhay! Pakialaman ninyo ang sarili ninyong buhay! Kaya hindi kayo umaasenso! Kaya nanatili kayong naghihirap! Lagi na lang buhay ng iba ang inyong pinakikialaman! Mga tsimosa! DAVID: Teka teka, bakit ba sobrang galit ka ngayon? TALES: Wala akong panahon para makipag-usap sa yo, David! May sarili akong buhay kahit mahirap ako. Hindi tulad ninyong uri ng mga mahihirap. Kayong mga umaasang makawawala sa kahirapan. Trabaho nang trabaho nang marangal, hindi naman nakaaangat. May tatlong uri nga ng mahihirap, at kayo ang uri na pinakatatapakan ng mga mayayaman. DAVID: Ano?! MTU 1: Puweh! Akala mo kung sino. MTU 2: Sira ulo! (Exit Tales) MTU 3: Sige! Layas na! Layas na! MTU 4: Isa ka lang namang basura! TALES: (Pasok ulit) Kayo ang basura ng lipunan! (exit)

DAVID: Sinapian ata. Tara na nga, Joel. At baka magsara na ang junkshop. Lulubog na ang araw. (exit David) JOEL: Tatlong uri ng mga mahihirap? (Exit Joel) MTU 1: Sa tingin mo may kinalaman si Kabesang Tales sa pagkamatay ni Kapitan Perez? MTU 2: Siya lang ang alam kong may motibo. Alam ko, may tanim nag alit si Tales kay kapitan dahil sa pag-angkin ni kapitan sa maliit na lupa ni Tales kalapit lang ng baranggay San Lorenzo Ruiz. MTU 3: Tara na nga. Tingnan natin yung bangkay ni kapitan. Baka may pera sa bulsa niya! MTU 4: Ay tama! Tara! (Exit MTU) TAGPO 3: Sa daan patungo sa Junkshop sa Baranggay San Lorenzo Ruiz TALES: Mga tsimosa. Diyan lang sila magaling. Sa paninisi at pag-uusap sa buhay ng ibang tao. Hindi muna asikasuhin ang sarili nila. Kaya hindi umaasenso. (Maglalabas ng baril) Patay na si kapitan. Ang taong nagnakaw ng aking ari-arian. Pero bakit parang wala pa rin akong nararamdamang pagkamit ng hustisya? Kailangan nang puntahan ang bahay niya sana matagumpay ang misyon

(Exit)

Napapakain ko naman sila at lahat. Kaya kahit mahirap, kontento at masaya naman kami. JOEL: (May nakita sa di kalayuan) Naku po. (Pasok si Romy) JOEL: (Takot) Tatay?! ROMY: HOY! Buong araw kang wala sa bahay! Dapat limampung piso ang dala mo! Wala na akong pang-mahjong at pang-alak! DAVID: Romy! JOEL: T-tay e di ko pa nabebenta sa junk shop yung basura

TAGPO 4: Sa daan patungo sa Junkshop sa Baranggay San Lorenzo Ruiz DAVID: Oy, parang andaming nagsisimba ngayon sa simbahan a. JOEL: Matagal na rin akong hindi nakasisimba. DAVID: Talaga? (Sa sarili) Masamang impluwensiya naman kase yang ama mo. JOEL: Ayaw ni tatay magsimba kase kahit ilang beses daw siya magdasal, kahit bigay na bigay niya ang kanyang puso, hindi naman daw dinidinig ng Diyos yung panalangin niyang maging mayaman kami e. DAVID: E kahit ilang beses kang magsimba, hindi ka talaga aasenso kung buong magdamag kang naglalaklak at nagsusugal sa bahay! JOEL: (Medyo nasaktan) E bakit kayo? Relihiyoso nga ho kayo, pero mahirap pa rin naman kayo. DAVID: (Nahabag) A, pagpasensiyahan mo na ako, pero wag mo sana masamain ang sinasabi ko. Ang sa akin lang naman, kahit mahirap ang pamilya ko, kahit mahirap kami nina Buboy, Masaya pa rin naman kami. Oo, hindi maginhawa ang buhay naming. Mahirap kami. Pero nakapag-aaral naman sina Buboy.

ROMY: (makikita ang basura ni Joel) Bakit ang-unti lang niyan? HAH?! Talo ka pa ng mga nakababata mong kapatid sa pag-uwi ng basura a! DAVID: Ginawa niya ang nakakaya niya! Sa katunayan, dapat nga hindi nagtatraROMY: Hoy pangit! Wag ka ngang makialam! Pare-parehas lang tayong mga mahihirap, may mga sari-sariling buhay! Pakialaman mo kaya ang buhay mo bago pakialaman ang buhay namin? Dati mo pa nilalason ang utak ng mga anak ko a, gago ka! At ikaw namang bata ka, di ba sabi ko wag kang sumama sa batugang iyan?! Hindi ka talaga marunong sumunod sa iyong magulang! Walang kuwenta! (Bubugbugin si Joel habang inaawat ni David) (Pasok, Fr Manoling)

MANOLING: Panginoong Hesukristo! DAVID: TAMA NA! MANOLING: Romy! Bakit mo binubugbog si Joel? ROMY: Dinidisiplina ko lang. Hindi sumusunod sa magulang niya e. MANOLING: Kung disiplina ang gusto mong ituro, hindi pambubugbog ang paraan upang ituro yan! DAVID: Paano ka magiging guro ng disiplina ng iyong mga anak? Kung ikaw mismo ay hindi nakapagtapos ng grade 1! ROMY: Gago rin ito a! (Bubugbugin si DAVID, pero aawatin ni MANOLING. Kakalat ang basura) DAVID: TAMA NA! PERA para sa sarili mo lang ang lagi mong iniisip! Ayan! Sa yo na yung basurang ibebenta ko sana para sa pamilya ko! Isaksak mo yan sa baga mo! ROMY: (Pupulutin ang mga basura) Halika na, Joel! JOEL: Tatay (Exit ROMY at JOEL) MANOLING: Teka lang! DAVID: Bakit ba gano n ang iba sa ting mga mahihirap. Lagi na lang umaasa sa iba para mabuhay. MANOLING: Gano n talaga. Lalo na t hindi nakakakuha ng tamang edukasyon ang karamihan sa ating mga mahihirap.

DAVID: E bakit ako? Talo pa nga ako ni Romy e. Siya, nakapasok pa kahit hindi nakapagtapos. E ako, hindi man lang kahit kailan nakapasok sa isang silid-aralan. MANOLING: (Ngiti) May mga tao lang talagang sadyang may tuwid na kalooban. Mauna na ako a. Pagabi na nang pagabi, baka naiinip na yung mga magpapakumpisal. (exit MANOLING) DAVID: Haaay. Buong araw kong pinaghirapang maghalugkat ng basurang pambenta, tapos ibibigay ko lang sa iba sa huli. Ano bang nangyayari sa kin? Wala tuloy akong mauwing pangkain kina Cecil. Baka sana nagtira sila ng tinapa kaninang tanghali. Nakagugutom MTU: (Mula sa malayo) MAGNANAKAW! (Putok ng baril) DAVID: Anong nangyayari? MTU: (Mula sa malayo) TUMATAKAS ANG MAGNANAKAW! (Pasok TALES) TALES: (tumatakbo, hindi nakatingin kay David, nakataas ang baril at hawak ay sako ng kayamanan ng kapitan Perez) PUNYETA! ITONG KAYAMANG ITO AY BUNGA NG PAGNANAKAW NI PEREZ SA AKING LUPAIN!! MAGNANAKAW! (Paputok si Tales, matatamaan si DAVID) TALES: David?! (Ibabagsak ang sako at baril) TALES: Hala. Hindi. Hindi ko sinasadya naku po. Nagdilim ang aking paningin. Hindi kita nakita gising ka. Wag kang mamatay. Maaaring kasapi ka sa tinatapakang uri ng mahirap,

pero nagpapatapak ka dahil may pamilya kang binubuhay. Naku po. Hindi ko sinasadya. Hindi ko akalain MTU: (Sa malayo) Hayun si Kabesang Tales! Hulihin!! (Paputok ng baril. Tatayo si Tales at tatakbo) TAGPO 5: Madilim. Papasok si TALES sa kumpisalan, kung sana matamlay na naghihintay si FR MANOLING. FR MANOLING: (Sa sarili) Ika-10 na ng gabi. Dapat nasa kumbento ako ngayon, naglilinis ng mga santo, pero diyos ko naman, bakit kailangan pang magkasakit ni Padre Kiko ngayon? Ako pa tuloy ang naatasang mangumpisal ngayong gabi. TALES: Patawarin ninyo ako pagkat ako y lubhang nagkasala. FR MANOLING: (Sa sarili) Si Tales? (Kay TALES) Tales? Lagi kang nagsasabi ng iyong saloobin kahit sa labas ng kumpisalan a. TALES: (Katahimikan) Iba itong sasabihin ko ngayon. May nagawa akong isang gawang akala ko y hindi makakayanang gawin kahit kailan FR MANOLING: (Gulat) Diyos ko po! TALES: Napatay ko siya FR MANOLING: Kaawaan ka ng Diyos! TALES: Nagdilim ang aking paningin! Di ko alam ang aking gagawin! Di ko man lang isinaisip ang maaari kong sapitin!

FR MANOLING: Kaawaan ka ng Diyos. Kaawaan nawa ang Diyos! TALES: Pinatay ko siya. Pinatay ko siya. Hindi ko talaga pinatay ko siya FR MANOLING: Pinatay mo si Kapitan Perez pero maaasahan mong hindi ko sasabihin kaninoman. TALES: Hindi po. Hindi po siya ang napatay ko. FR MANOLING: Ano? E de sino? TALES: Si David Ruiz po. FR MANOLING: (Sobrang gulat) HA?! E kasama ko lang siya kanina a TALES: Aksidente lang po ang pagpatay ko sa kanya. Galing ako sa pagnanakaw. Alam niyong kanina lang ay napatay si Kapitan Perez. Ako ang pinakapinagbibintangang maysala, pero hindi ako ang pumatay sa kanya. Pero aaminin ko rin, papatayin ko dapat siya, naunahan lang ako ng kung sinuman ang pumatay sa kanya. Ngayong patay na siya, biglang lumakas ang loob ko na nakawan siya. FR MANOLING: Pa no mo napatay si David? TALES: Nang nakapasok ako t nanakaw ang kayamanan niya sa bahay niya, nahuli ako ng mga tanod. Nagpaputok ang mga tanod kaya t nabalisa ako. Nilabas ko ang baril na nakuha ko mula sa pinagtatrabahuhan ko, at nagpaputok ako, para lang takutin ang mga humahabol sa akin. Hindi ko intensyong makapatay. Hindi talaga FR MANOLING: Bakit mo ninakawan si Kapitan Perez?

TALES: Kase iyon ang aking trabaho. Ang magnakaw. FR MANOLING: (Gulat) Kailan ka pa nagnanakaw? TALES: Ipinanganak ako sa ikatlong uri ng mga mahihirap. FR MANOLING: Ikatlong uri? Hindi kita maintindihan TALES: May tatlong uri ng mahihirap, padre. Ang unang uri ay ang pinakakinasusuklaman ko. Ang tulad ng lasenggong si Romy. Ang mga mahihirap na umaasa na lamang sa tulong ng iba. Hindi man lang gumalaw at tulungan ang sarili. Ang ikalawang uri ay ang uring kinabibilangan ng aking napatay. Ang mga mahihirap na natatapakan ng mayayaman, ang mga mahihirap na pinagsasamantalahan, ang mga mahihirap na marangal na nagtatrabaho para mabuhay ang sarili at ang kanyang pamilya. Lubos kong nirerespeto ang mga tulad ni David, pero mayroon pa ring mga kabilang sa uring ito na wala pa ring modo. Ang mga nakikialam sa buhay ng iba. Tulad na lamang ng mga tsimosong nadatnan ko kaninang hapon. At ang huling uri, ang uring kinabibilangan ko, ang pinakakinasusuklaman ng lipunan, ang uring itinuturing basura ng lipunan, ay ang mahihirap na natutulak gumawa ng gawaing labag sa batas ng lipunan upang umunlad ang sarili. Ang mga mamamatay tao. Ang mga pokpok. Ang mga kurakot na pulitikong tulad ni Kapitad Perez. At ang mga magnanakaw tulad ko. FR MANOLING: (Walang masabi) Kaawaan ka ng Diyos. TALES: Kaawaan tayo ng Diyos. Kaawaan tayo ng mga taong labas sa kahit anong uri ng mahihirap. Kaawaan natin ang ating sarili. FR MANOLING: Sumuko ka na sa mga pulis. Nang mabigyang hustisya ang pagkamatay ni David a

TALES: (tawa) Ako? Susuko sa kanila? Basura lang naman ako ng lipunan sa mga mata nila. Ang pinakakinasusuklaman. Susuko ako. Pero hindi sa mga ipokritong tulad nila. FR MANOLING: Anong sinasabi mo?! TALES: Kaawaan natin ang ating sarili (Putok ng baril) PATAY ANG ILAW

Anda mungkin juga menyukai