Anda di halaman 1dari 2

MGA URI NG PANGULONG TUDLING

 Pangulong Tudling na Nagpapabatid(Editorial of Information)Ipinaaalam ang isang pangyayari sa layuning mabigyang-diin ang kahalagahan niyon o mabigyang linaw ang ilang kalituhang bunga ng pangyayari. Itoy naiiba sa pangulong tudling na nagpapakahulugan, sapagkat hindi hayagang nagbibigay ng pangwakas na pasya o kuru-kuro. Hindi ito tumutuligsa, hindi nakikipagtalo. Ang tanging layunin ay upang mabigyan ng kabatiran. STRUCTURE: *Introduction (newspeg+reaction) *Body (infos about the topic) *Conclusion (sum-up of the body and/or suggestions)  Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan(Editorial of Interpretation)- Nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng isang pangyayaring napabalita o ng isang kasalukuyang ideya, kalagayan o katayuan. Dito binibigyan ng katuturan ang mga isyu at ipinapakita ang mga taong may kaugnayan sa pangyayari at ng kanilang layunin. Kung minsay ito ay nagbibigay ng mungkahing tungkol sa maaaring kahihinatnan. STRUCTURE: *Introduction (newspeg+reaction) *Body (advantages and disadvantages) *Conclusion (suggestion)  Pangulong Tudling na Nakikipagtalo(Editorial of Argumentation)- Bagamat nagbibigay rin ng impormasyon at interpretasyon ang editorial na ito, ang tanging layunin ay ang hikayatin ang mambabasa upng pumanig sa kanyang ideya o paniniwala. STRUCTURE: *Introduction (reaction must be either YES/NO only) *Body (at least 3 reasons to support your stand) *Conclusion (justify your stand)  Pangulong Tudling na Namumuna(Editorial of Criticism)- Itoy hawig sa pangulong tudling na nakikipagtalo. Subalit ditto, kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang katangian ng isang isyu. Tinatalakay niya ang magkabilang panig sa kabila ng katotohanang ipinagtatanggol niya ang isa sa mga ito. STRUCTURE: *Introduction (reaction must have both the positive and the negative side) *Body a) Positive b) Negative *Conclusion (suggestion)

 Pangulong Tudling na Naghihikayat (Editorial of Persuasion)- Itoy nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo at namumuna. Subalit ang binibigyang-diin ay ang mabisang panghihikayat. STRUCTURE: *Introduction (newspeg+reaction) *Body (reasons to persuade readers) *Conclusion (Justification)  Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay-puri(Editorial of Commendation)Pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa: nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang taong namayapa, na may nagawang pambihirang kabutihan o sa isang bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.  Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw(Editorial of Special Occasion)- Bagamat ang uring ito ay may kalakip ding pagpapakahulugan , itoy ibinubukod bilang isang tanging uri. Dito ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon tulad ng Pasko, Araw ng Kalayaan, Araw ng mga Bayani, Buwan ng Wika, atbp.

Anda mungkin juga menyukai