Anda di halaman 1dari 4

ALAMAT NG BULKAN MAYON Noong unang dako, sa Kabikulan ay may isang Raha na may napakagandang anak na dalaga na ang

pangalay Daraga. Mahal na Mahal sa Raha ang kaisa-isa nyang anak na, halos ay ayaw pahipan sa hangin. Maraming nanunuyo at nangingibig kay Daraga at kabilang dito si Kawil na anak din ng isang Raha sa kaibayong pook ng lupaing yaon. Si Kawil ay nagpapakamatay sa kagandahan ni Daraga at bilang panunuyo ay hinahandugan niya ang dalaga ng mga mahal na hiyas at mahalagang kasangkapan. Subalit hindi rin mapaibig ng binata si Daraga. Gayon man, si Kawil ay hindi nawawalan ng pag-asa, kayat patuloy siya sa panunuyo sa dalaga. Naisumpa ni Kawil sa kaniyang sarili, na anuman ang mangyari ay hindi siya papaya na mapasa-bang kamay si Daraga sukdang ibuwis niya ang kanyang buhay. Ang karitang ni Daraga ay napabantog din sa mga lupain ng Katagalugan. Kabilang sa mga binatang nakabalita sa karilagan ni Daraga ay ang matapang na si Mayon na anak ng isang mataas na lipi sa Katagalugan. Naglakbay si Mayon sa Kabikulan upang paghanapin ang napabantog na dilag na hindi pa man niya nakikita ay bumagabag na sa kanyang puso. Sa loob ng maraming araw ng kanyang ginawang pagtatanungtanong, ay nabatid niya hindi lamang ang tirahang palasyo ni Daraga kundi pati ang kaayaayang paliguang batis nito. Isang umaga, nagulat na lamang at sukat si Daraga nang makarinig siya ng isang malambing na awit habang siya ay naliligo sa batis. Nang lingunin niya ang pinagmulan ng tinig ay natanaw niya ang isang makisig na binatang noon lamang niya nakita. Hinagisan siya ng binata ng isang pumpon ng bulaklak at napilitan siyang saluhin iyon. Daraga, - anang binata, - ako ay si Mayon na buhat pa sa lupain ng Katagalugan. Naparito ako upang hangaan at suyuin ang iyong kagandahan. Nabighani agad si Daraga sa kakisigan ng binata sa katangisang mangusap nito. Kaya magiliw na inanyayahan ng dalaga sa kanilang palasyo si Mayon. Madling nagkaunawaan ang kanilang mga puso at hindi naman palaon ay ipinagtapat nila ang kanilang pagmamahalansa Raha na hindi naman tumutol. Kayat si Mayon ay nagpaalam kay Daraga at sa Raha upang ipagbigay-alam naman sa kaniyang mga magulang ang pag-iibigan nila ng dalaga. Nang malaman ni Kawil ang lahat ay sinamantala niya ang pag-alis ni Mayon. Buong dahas na kinausap niya ang dalaga- Daraga, alam ko na ang ginawa mong pang-api sa akin. Kaya, kapag hindi ka napakasal sa akin ay lilipulin ko ang iyong lipi at papatayin ko ang iyong ama. Dahil sa malaking takot ni Daraga ay sumang-ayon siya sa kagustuhan ni Kawil. Humingi lamang siya ng ilang araw bago mairaos ang kanilang kasal, pagkat alam niya kung kalian babalik si Mayon. Bago dumating ang takdang araw ng kasalan ay nabalitaan na ni Mayon ang kalapastanganang ginawa ni Kawil. Kayat naghanda siya ng mga kawal. Nang ikakasal na lamang sina Daraga at Kawil ay biglang lumusob si Mayon. Nagkaharap ang dalawang lakas hanggang halos nalipol ang mga kampon ni Kawil. Sa gayon, si Mayon at si Kawil ang nagtagis ng kanilang sandata. Nailugmok at napatay ni Mayon ang kalaban, ngunit nakita naman niyang si Daraga at tinamaan ng isang ligaw na palaso. Sinaklolohan niya ang kaniyang dating katipan, ngunit pagtalikod ni Mayon, isang balaraw naman mula sa kampon ni Kawil ang umutas sa kaniyang buhay. Kayat magkayakap na namatay ang magkasintahan Dahil sa gayong pangyayari, ay ipinasya ng Raha na, magkayakap ding ilibing sina Daraga at Mayon. Pagkaraan ng ilang araw, nakita ng madla na ang lupa sa pook ng pinaglibingan ng magkasintahan ay tumaas at lumaki nang lumaki hanggang sa maging mataas na bundok. Bilang alaala sa katapangan ng binata at sa katapatan ng kaniyang kasintahan, ang bundok na iyon ay tinawag nilang BULKANG MAYON.

Ang Alamat ng Marinduque Noong unang panahon, maraming taon na ang nakalilipas, ang mga lalawigan ng Camarines, Mindoro at Timog Kanlurang bahagi ng Laguna ay nasasakop ng barangay ng Batangas. Ang namumuno sa barangay na ito ay si Datu Batumbakal. Ang Datu ay may napakagandang anak na dalaga, si Mutya Maria. Si Mutya Maria ay itinuturing na Reyna ng Katagalugan, sapagkat taglay niya ang mga katangian ng isang reyna.

Maraming manliligaw si Mutya Maria. Kabilang na rito ang mayamang Datu ng Mindoro, Laguna at Camarines. Ngunit sinuman sa tatlong ito ay walang damdamin si Mutya. Ang kanyang napupusuan ay isang hamak na lalaki, si Garduke na kilala sa tawag na Duke. Si Duke ay mahilig umawit at kumatha ng mga tula. Isa siyang mangingisda. Ang tatlong datu ay malayang nakakadalaw kay Mutya samantalang si Duke ay maraming ulit na pinagbawalan ni Datu Batumbakal. Minsang nakita ng Datu si Duke sa palasyo, ito ay kanyang kinagalitan at ipinagtabuyang palabas. Kahit pa sinabi niyang kagustuhan ng Mutya ang kanyang pagtuntong sa palasyo upang makinig ng kanyang mga tula ay hindi pa rin siya pinahintulutan ni Datu Batumbakal. Magmula noon ay hindi na nakita si Duke. Labis na nalungkot at nangulila si Mutya Maria. Naglalakad-lakad siya sa bukirin sa pag-asang baka makita niya doon si Duke. At sa dulot ng tadhana, ang dalawa ay nagkita sa baybayin ng ilog Pansipit. Kung sadyang akoy mahal mo, ipaglalaban mo ito sa anumang paraan. Hamon ni Mutya kay Duke. Bago naghiwalay ay napagkasunduan sa dalawa na magkita sa hardin ng palasyo sa pagsapit ng dilim. Hindi nalingid kay Datu Batumbakal ang pagtatagpo ng dalawa. Kinagalitan niya ang anak at pinagbawalang makipagkita kay Duke. Isang kautusan ng kanilang barangay na ang mga dugong maharlika ay nababagay lamang sa kapwa dugong maharlika. Ang kautusang ito ay nilabag nina Maria at Duke. Ipinahuli ni Datu Batumbakal si Duke at ito ay pinapugutan ng ulo. Labis itong ikinalungkot ni Mutya Maria. Ang pag-iibigan nina Maria at Duke ay naging bukambibig sa buong barangay at dito rin hinango ang pangalan ng isang lugar na ngayon ay kilala sa tawag na lalawigan ng Maringduque.

Alamat ng Sampung Datu ng Borneo


Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya. Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay sultan Makatunao. Nagusap-usap silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel. Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban. Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan. Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga katulong. Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel. Ang mag-asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay. Ang mga tag-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ng Palawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo. Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay. Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong oyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan. Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay masaya, masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa. Dumating ang takdang araw ng pagkikta ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin. Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya. Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw pandigma, ang sinurog. Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan. Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani). Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok. Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-

aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao. Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga Taga-ilog. Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.

Anda mungkin juga menyukai