Anda di halaman 1dari 3

Tigkalasan Talaandig

Kasaysayan Walang matatag na ebidensya kung saan nagmula ang Tigkalasan dahil wala itong talaan na magpapatunay dito. Pero kung ang pagbabasehan ay kung kailan ito nadiskubre, nangyari ito noong taong 1975, may mga grupo ng mga mananaliksik na nakarating sa teritoryo ng Tigkalasan. Kahit wala silang solidong ebidensya na maipapakita, meron naman silang mga alamat at kwento (folkore) na pwedeng pagbabasehan kunsa saan sila nagmula. Pero hindi lahat ng impormasyon ay kayang maalala sa utak ng isang tao, kaya pwedeng makunan o magdagdagan ang impormasyon. Dahil dito ang tunay na impormasyon ay nagiging alamat o kwentong gawa gawa na lamang dahil sa eksaherasyon. Sa ibang dako naman, ang impormasyon naman ay magiging hindi kumpleto dahil pwede hindi isama ng tagapagsalita and ibang kaalaman na sa tingin nila ay hindi na mahalaga. Dahil walang nakasulat na talaan sa kasaysayan, ang kanilang kwento at alamat ay maaring magbigay ng pananaw tungkiol sa kanilang pinanggalingan. Maari ring maging batayan ang kagamitan at ari-arian ng kanilang kultura. Ang tirahan ng mga ito ay makapagpapaliwanag din kung bakit ang kanilang kalapit bayan ay hindi makapagbibigay ng importanteng impormasyon tungkol sa kanila na makapagtibay sa kanilang alamat at kwento. Ang kasaysayan ng Pilipinas ay nagsimula ng nakarating si Magellan sa Leyte at nadiskubre ang bansa, tulad din ito sa nangyari sa kasaysayan ng Tigkalasan. Noong taong 1975 merong mga grupo ng mananaliksik na nakarating sa kanilang teritoryo at ditto sila nakilala. Ayon sa mga Tigkalasan, sila ang unang tao na nakarating sa kanilang lugar. Sa kabilang dako naman ay sinasabi ni Pahagno na siya at ang kanyang ama ay nakarating sa lugar ng mga ito. Pero itinanggi naman ito ng mga katutubo. Merong 70 tao sa kanilang tribo. Naghiwahiwalay sila sa 4-5 limang bahagi sa bulubundukan ng Pantaron. Dahil sa kakulangang pinansyal, 2 bayan lamang ng tigkalasan ang narating ni Briones. Ang kanilang kasaysayan ay na nahati sa 4 na panahom. Ang una ay noong lumipat sila sa paligid ng bulubundukin ng Pantaron-Kabutbutungan-Sumapay. Ang pangalawa ay noong taong 1975-1976. Ang pangatlo ay noong 1976 hanggang nagkaroon sila ng relokasyon sa kabilang bayan dahil namagitan sila sa labanan ng NPA at militar. At ang pang-apat ay kung saan sila ngayon. Talaandig Ang mga Talaandig ay isa sa grupo ng mga katutubo sa Bukidnon na nagpapatuloy pa rin sa pananatili sa kanilang kultura, kaugalian at paniniwala sa kabila ng malakas na pagdagsa ng modernisasyon at pagbabago. Ang populasyon ng mga Talaandig ay tinatayang 100, 000 tao o higit pa. Ang kanilang grupo ay makikita sa barangay at munisipalidad sa paligid ng bundok ng Kitanglad, ang sinasabing lupain ng mga Talaandig. Ang Kanilang Paniniwala

Ang paniniwala nila sa kanilang diyos na si Magbabaya at mga espiritu na nagbabantay at nagpoprotekta sa kalikasan ay nagpapakita sa sosyal, political, at kabuhayang aspeto sa buhay ng mga Talaandig. Meron silang iba t ibang ritwal sa mgkaibang okasyon tulad ng Talabugta ( pagbuo ng isang sakahan), Ibabasuk (pagkatapos ng ani), Pamamuhandi (pasasalamat), Panagulambung (magandang pamumuno), Punaliket (pangangaso), at Palayag (para sa mataas na anyo ng kabukayan at politikal na gawain). Ang kanilang paniniwala sa kanilang diyos ay makikita rin sa kanilang tirahan. Ito ay ang Dadagunan hu Suguy (tagapagbantay sa bakuran), Anilaw ha Sumagda(pintuan), Sinyuda Kahibunan (bulwagan), Diwata ha Manilib ( nagtatala sa mga ginagawa ng tao sa loob ng bahay), at Diwata Pinatanlay ( sa bubungan). Naniniwala din ang mga Talaandig sa mga kaluluwa tulad ng Gimukad o Makatu kung saan sinasamba sa seremonya para sa pagbubuntis na tinatawag na Panlang. Sa seremonyang ito, pinapakiusapan ang diyosa sa pagbubuntis na proteksyonan ang bata sa sinapupunan an ang ina nito laban sa kasamaan. Ginagawa naman ang seremonya na tinatawag na Kagmakatu para sa pormal na pagtanggap sa sanggol bilang bagong myembro ng pamilya. Pamilya Ang kasal ay ang pinakamakabuluhang batayan sa pakakamag-anak ng mga Talaandig. Bago isaayos ang kasal, dapat magkaroon pagsang-ayon ng parehong partido ng ikakasal para maging batayan ito sa maayos pagpapamilya. Bago iksal, dadaan muna sila sa mtinding pagpapayo para mapanatili ang pagsasama sa hinaharap. Meron silang kaugalian na tinatawg na Bayluwa kung saan ang mag asawa ay magsasabi lamang sa kanilang problema sa kanilang pinagbyanan para magkaroon din ng magandang relasyon sa kanilang bagong pamilya. Tiantawag nilang Amay ang kanilang ama, Inay naman sa kanilang ina. Suled sa kapatid na lalaki at Atubay sa kapatid na babae. Aba o Abang sa tawag sa kanilang tiyuhin at Ida o Idang naman sa kanilang Tiyahin. Apu naman sa kanilang lolo o lola. Ugang ang tawag sa byanan.Tinatawag nilang Makaamong ang Pinagbyanan na lalaki at Lagambay naman sa babae. Panitikan Meron ding ibat iabng panitikan ang mga Talaandig. Nanangen (narratives), Ulaging (epiko), Sala (tula) at awit na tinatawag na Idangdang Limbay na tungkol sa mga hayop. Meron silang makasayasayang kwento (narrative) na tinatawg na Gugud. Ito sinasabing sagrado dahil tungkol ito sa kanilang diyos at espirito. Merong kwentong Barbat (recall stories) at Sampitan (reference story). Meron din silang mga kasabihan na tinatawag na Basahan, kaugalian batas na tinatawag na Batasan. Meron silang palaisipan at bugtong na tinatawag na Antuka.

Pamumuno Ang Talaandig ay may kaugaliang batas na tinatawag na Batasan. Ang batasan ay sagradong Kaugalian, tradisyon at patakaran na pinagtibay sa pamamagitan ng kanilang paniniwala at kaugalian sa kanilang tribo. Dahil ito ay sagrado sa kanila, ang mga pinuno at ang batas ay talagang iginagalang ng tribo. Sa pagtatag ng isang pamumuno, meron silang ritwal na ginagawa na tinatawag na Panagulambung. Ginagawa ito sa presensya ng iba t ibang pinuno bilang pagproklama at pagtanggap sa bagong pinuno na tinatawag na Datu. Ang Datu ay ang namamagitan sa away o hindi pagkakaunawaan upang mapanatili ang kapayaan sa kanilang komunidad. Handa ang Datu na harapin ang kanyang pananagutan lalo na sa panahon ng krisis. Panggagamot Merong dalawang pamamaraan sa panggagamot ang mga Talaandig. Meron silang relihiyosong seremonya. Meron din silang pangagamot na ginagamitan ng tradisyonal na herbal na gamot. Merong silang ritwal sa pangagamot na ginawa ng Mananambal (healer), na kadalasan ay isang baylan, sa paniniwalang ang sanhi ng sakit ay dahil sa masamang espiritu. Gumagamit naman sila ng herbal na gamot sa mga natural na sakit. Ginagawa lamang ang ritwal kung hindi naging epektibo ang herbal na gamot. Ekonomiya Ang ikinabubuhay ng mga Talandig ay pagsasaka. Nagtatanim sila ng mais, bigas, halamang ugat, abaka at saging. Nagtatanim lang sila para sa kanilang pang araw araw na konsumo. Nag aalaga din sila ng manok, baboy, at iba pa. Ginagamit nila ang manok at baboy para sa mga ritwal, habang ang alaga nilang kabayo at kalabaw ay ginagawang pambayad sa kanilang utang. Nagpapanday, nananahi, nagbuburda, nangangaso at nag iimbak din sila ng pagkain.

Anda mungkin juga menyukai