Anda di halaman 1dari 4

Francisco Sevilla 1A24 KASANAYAN 2 GAWAIN A. pp. 44-45 1.

Ang talumpati ay tungkol sa karanasan sa buhay, negosyo, at mga pananaw para sa ating bansa ni G. John Gokongwei, Jr. 2. G. John Gokongwei ay isang business taipan dito sa Pilipinas na nagsikap na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya mula sa kahirapan na dulot ng maagang pagkamatay ng kanyang ama. Siya ay nagsikap, nagtrabaho ng mabuti, at nagtayo ng iba t-ibang negosyo upang guminhawa ang buhay ng kanyang pamilya na nagind dahilan upang hirangin siya bilang isa sa mga pinakahinahangaang negosyante sa ating bansa. 3. Ang pananaw niya sa buhay ay kungmay mga problema sa buhay ay tayo lamang sa ating sarili ang makakalutas at makakahanap ng paraan upang solusyunan ito at kung ano mang hamon sa atin ay kayang kaya natin gawin ang lahat upang malampasan ito. Ang pananaw niya naman sa negosyo ay maniwala sa bisa ng pagsisikap at patuloy na maniwala sa mga taong may parehong prinsipyo kaugnay sa tagumpay na tinatamasa ng ibat -ibang mga bansa na nagtagumpay dahil sa pagsisikap tulad ng Singapore, Korea, China, at Japan na kilalang-kilala dahil sa matagumpay na ekonomiya at mga negosyo. 4. Bilang isang accounting student, masasabi ko na malaki ang uganayan ng napili kong propesyon sa prinsipyo ng entrepeneurship dahil konektado and dalawang ito sa isa t isa. Kailangan din ang pagsisikap, tiwala sa sarili, at isang hangarin na magdadala sa atin sa tagumpay na ating ninanais. Kaugnay naman nito sa konsepto ni G. Gokongwei tungkol sa word class brands ay dapat wag natin lagyan ng harang an gating potensyal na maipapamahagi natin, hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo na makakatulong upang magkaisa para sa isang layunin- ang pagkakaroon ng maayos na buhay ang bawat isa. 5. Hangarin niya na tayo y magsikap, maniwala sa ating sarili, at mabuhay sa potensyal na kinaloob sa atin ng Diyos upang tayo y magtagumpay sa kung anumang nais natin tahakin sa ating buhay. Ako ay ayon sa kanyang mga nais para sa lipunang Pilipino dahil walang hindi nakakamit kung tayo ay magsisikap, magtitiwala sa sarili at sa Diyos, at gawin ang mga bagay na naayon sa ating sarili, mga talento, at potensyal na napatunayan ko na rin ayon sa mga nagging karanasan ko sa buhay. 6. Oo, ako ay naniniwala sa kanyang mga sinabi. Ang mga ginagawa ko sa kanyang mga sinabi ay ang pagsisikap at pagtitiwala sa aking sari. Ang tinatangka ko naming gawin ay ang pagtitiwala sa aking sariling potensyal na makakaya ko ang lahat ng hamon na tatahakin ko sa aking buhay. 7. Gaya nga ng aking sinabi sa #4 bilang isang accounting student, masasabi ko na malaki ang uganayan ng napili kong propesyon sa prinsipyo ng entrepeneurship dahil konektado and

dalawang ito sa isa t isa. Kailangan din ang pagsisikap, tiwala sa sarili, at isang hangarin na magdadala sa atin sa tagumpay na ating ninanais. 8. Isang halimbawa na patunay na may mararating na tagumpay sa pagsisikap, pagtitiyaga, at lakas ng loob ay hango sa sarili kong karanasan. Noong ako y nasa elementarya pa ay napakatamad kong mag-aral na halos lahat ng grado ko ay pabagsak na pero nung ako y tumuntong sa ikaunang taon ko bilang isang hayskul student ay binago ko ang dati kong gawi at naging masipag ako, matiyaga, at naging matatag ang aking loob upang makakuha ng mga magagandang marka na nagdulot nga ng higit sa aking inaasahan. Naging isa ako sa mga honor students at naging konsistent ako hanggang ika-apat ng taon ko sa hayskul at pati ngayong kolehiyo ay dala-dala ko pa rin ang gawing ito kaya ang mga marka ko nung nakaraang semester ay pang-dean s lister. 9. Ang mga isyu sa globalisasyon na maari kong maiugnay na maaring makaapekto sa aking napiling propesyon ay ang kahirapan, pagbaba ng ekonomiya, at mga dayaan na umiiral sa global na mundo. Kahirapan dahil mas kokonti ang mga taong magkakaroon ng kakayahan na bumili ng mga produkto, pagbaba ng ekonomiya dahil mas maghihigpit ang mga tao pagdating sa mga produktong nais nila bilhin at bababa ang mga alok sa trabaho, at mga dayaan sa pagtutuos na hindi magdudulot ng kapayapaan ng loob at patas na laban pagdating sa mga negosyo. 10. Semantic Mapping
Paraankungpaanomasosolusy unanangkahirapansaatingban sa Paanopinapaunladngnegosyo angisangbuhayngtao.

Angkwentongpamilya, pagkabata,paghihirap, negosyo, pag-unlad, at pagsisikapni G. Gokongwei Mgapolisiya at batassaibangbansaukolsapag papaunladnito.

Mgaopportunidadnamaaring makuhasapagnenegosyo

Mgahirap at hamonsapagnenegosyoni G. John Gokongwei, Jr.

Punongideya: Angkwentongtagumpaysabu hay at negosyoni G. John Gokongwei, Jr.

Angpagtalakayni G. Gokongweisamgakapitbansangnagsikapupangmagkaroonngpagbaba go at pag-unladsakanilanglipunan.

Mgapanganib at patibongnamaaringmakahara pnatinsapagnenegosyo

Angpagkilalani G. GokongweiangmgamalalakingkumpanyasaPili pinasnanagpakitangpotensyal at nagpakitangkalakasansaibangbansa.

Mgahakbanginnggobyerno at taosaisangbansaupangmaka mitangkaunlaran

Mgaposisyonngmgakompany asaPilipinassa market

Paanopnasisigurongmgakompanyaang pagkakaibaibangkanilangmgaproduktosabawatisa .

B. G. Henry Sy: Mula Sa Pagiging Sapatero Naging Isa Sa Pinakamayaman Na Tao Sa Pilipinas Sino nga ba si Henry Sy? Siya lang naman ang isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas na nagmamay-ari ng tatlumput-tatlong (33) SM branches sa Pilipinas at sa China, Banco de Oro, at may malaking share sa China Bank. Lingid sa kaalaman ng nakararami, si G. Sy ay nagmula sa hirap bago niya matamo ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon. Ito ang kanyang storya: Si G. Sy ay pumunta sa Pilipinas sa edad na labing-dalawa (12) at nagtrabaho sa kanyang amang maliit na tindahan sa Quiapo labing-dalawang (12) oras araw-araw para tulungan ito. Doon, nag-isip siya ng mga paraan upang palakihin ang kanyang kinikita sa pamamagitan ng paggawa ng mga maliliit na porsyon ng mga produkto gaya ng mga sachets na makikita natin sa mga supermarkets ngayon. Nagbenta siya ng marami upang magkaroon ng extrang kita sa pamamagitan ng paglagi niya ng matagal sa tindahan na wala na siyang panahon na makipag-laro sa kanyang mga kaibigan. Hindi nagtagal, ay napagtanto niya na marami siyang magagawa sa mundo ng pagtitinda. Dumating ang ikalawang pandaigdigang digmaan at ang kanilang tindahan ay sinunog. Gumawa siya ng paraan sa pamamagitan ng pagbenta at pagbili ng mga bagay-bagay upang makaligtas at masustentuhan ang kanyang pamilya. Ito marahil ang nagdulot sa kanya upang mas maging tutok sa tibay niya sa mundo ng komersyo. Isang beses, timaan siya sa ulo ng isang shrapnel habang nagtitinda, at dinala sa ospital ng kanyang kaibigan sakay-sakay ng kariton. Kung wala siguro ang kanyang kaibigan, marahil siya y namatay na. Pinahalagahan at inalagaan niya ang pagkakaibigan na ito at pinasalamatan niya ito pagkatapos ng gera sa pamamagitan ng pag-partner nito sa kanya sa pagtayo ng shoe store. Ang pagtutulungang ito ay nagtagal ng mahigit na apatnaput (40) taon. Pagkatapos ng gera noong 1945, sinubok niya ang pagbebenta ng mga sapatos pang-Amerikano na galling sa Gis enterprising. Kinaukulan nakita niya ang pagkakataon na magtayo ng isang tindahan ng sapatos, at hindi nagtagal ay tatlong (3) tindahan na ng sapatos ang kanyang pinapatakbo sa pakikipagtulungan niya sa kanyang mga kaibigan. Habang lumalaki ang pamilya niya ay pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa FEU noong dekada 50, at nag-isip pa ng iba pang mga paraan para mapalago ang kita. Pinagaralan niya ang market at nagdesisyon na maging iba. Samantalang ang ibang mga binatang lalaki ay pumunta sa Amerika para mag-aral, siya naman ay nagtungo sa isangmahabang business trip sa Silangan at bumalik dala-dala ang iba t ibang mga ideya sa pagtitinda. Iba t ibang prinsipyo at pananaw ang kanyang nakuha doon na nakadagdag pa sa iba pa niyang mga pananaw at ito ay ang pagsisikap at pagiging matiyaga sa pagnenegosyo, pagkuha ng mga magagandang oportunidad at pagkakataon, at sumabak sa iba t ibang sitwasyon na maaring magpalago o sumira ng negosyo.

Sa ngayon, lumaki na ang kanyang negosyo. Nakapagpatayo siya ng 33 SM malls, maraming BDO branches, at China Bank. Tunay na ngang kahanga-hanga ang mga narating niya sa buhay dahil mula sa hirap ay nakabangon siya at naging isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas.

KASANAYAN 3 GAWAIN p. 49 1. Ang pangunahing paksa ng teksto ay tungkol sa feminism. 2. Noong bago pa sumibol ang feminismo noong rebolusyon sa Pransya noong 1789, ang pagkapantay-pantay ng mga lalaki t babae ay hindi makikita. Nagsimula ang feminismo noong rebolusyon sa Pransya at simula nun ay nagkaroon na ng boses ang mga babae. Sa modernong feminismo, mas lalo nagkaroon ng boses ang mga kababaihan at di lamang ang mga lalaki ang may kapangyarihan ngayon, mayroon na rin ang mga kababaihan. 3. Ang mga usapin ay na ang kasarian ay likhang cultural, ang mga katagang lalaki at babae ay totoong mga sagisag o simbolo lamang kung kaya t ang mga ito y lubusang hungkag sa katuturan, hanggang sa ang mga ito y lagakan ng kahulugan ng lipunan, at ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig na pinangingibabawan ng mga kalalakihan sa pagganap ng mga gawaing pagsamba ay matatas na nagpapakita ng pagpakahulugan ng lalaki sa kung ano ang ibig sabihin ng maging lalaki o babae. 4. Sa palagay ko ang ilan sa mga ito tulad na lamang ng sa relihiyon. Dahil nahahati pa rin ito sa lalaki at babae tulad na lamang ng mga pari at madre. Ang mga pari lamang ang namumuno sa atin sa ating pananampalataya sa Diyos samantalang ang mga madre ay tila mga taga-suporta lamang sa kanila. Sa lipunan naman, hindi masyado dahil may nakikita na rin tayong mga babaeng namumuno sa lipunan. Pinapahalagahan ngayon ang mga babae kumpara noong unang panahon. Ang kalagayan nito ay lubhang Prostitusyon 5. malala dahil laganap na ngayon
ang prostitusyon sa bansa.

Pagmomolestya

Ang kalagayan nito ay lubha ring malala dahil marami sa mga kababaihan ngaun ay sexual na inaabuso. Malala rin ang kalagayan nito dahil sa maagang pagbubuntis ng mga dalagita na nagdudulot sa kanila ng takot at nagagawa nila ito. Malala rin ito dahil sa dami ng mga babaeng binubugbog ng kanilang mga asawa o kaya y kasintahan.

Mga Isyu Tungkol sa Kababaihan

Aborsyon

Pagbubugbog

Maagang pagbubuntis ng mga kababaihan

Ito ay lubhang malala lalo na sa mga dalagita at dalaga na maagang sinasabak ang sarili sa seks at sa huli ay aborsyon din ang naidudulot.

Anda mungkin juga menyukai