Anda di halaman 1dari 2

Ang Dimensyong Labas, Loob, at Lalim sa Wil Time Bigtime Ang Wil Time Bigtime ni Willie Revillame ay isa

sa mga palabas sa telebisyon na nagpapatunay ng pagiging masayahin at mapagtawa ng mga Filipino. Malakas ang hatak ng palabas na ito lalo pat makikita rito ang pagtulong sa kapwa Filipino. Mula umpisa hanggang dulo ng programa ay nagbibigay ito ng kasiyahan at aliw sa mga manonood, sa loob man o labas ng studio, sa ibat ibang paraan na patok na patok sa mga Filipino. Hindi nga maikakaila na nahuli ng programang ito ang kiliti ng mga Filipino lalo na sa panahong ito. Ayon kay Prospero Covar, ang pagpapatawa ay may tatlong bahagi: ang loob, labas, at lalim. Ang tatlong bahaging ito ay makikita rin sa mga paksa ng tawanan sa palabas na Wil Time Bigtime kung saan ang bawat pagpapatawa ay may pinanghuhugutan na dahilan at layunin at nagbibigay ng halaga kaugnay na rin sa pagkataong Filipino. Ang bawat pagpapatawa sa Wil Time Bigtime ay may ibat ibang anyo o paksa at pahiwatig na pumapaloob sa bahaging labas nito. Ang mga paksa ng tawanan ay karaniwang dulot ng mga kalahok sa mga laro kung saan ang kanilang pagiging game at tila walang kahiyaan kahit na kahiya-hiya ang kanilang ginagawa, pati na rin ang kanilang pisikal na anyo na pangit sa paningin ng karamihan (e. g. pagka-jologs, pagkabungal, katabaan, etc.), sabayan pa ng paraan nila ng pananalita (e.g. pagkakaroon ng punto o pagka-Bisaya) at pagkilos (e.g. pagiging malambot para sa mga lalaki) ay lubos na nakapagbibigay aliw sa mga manonood. Halimbawa na lamang ay sa larong Family Apir, Putukan Na kung saan ang simpleng pagputok ng lobo gamit likuran ay ginawang katuwa-tuwa ng mga matatabang kalahok na sa kabila ng kanilang timbang ay hindi magawa ito, at sa larong Tarantanong kung saan pinagtatawanan ang pagpapakita ng talento ng mga walang talentong kalahok o kaya naman ang kanilang sagot na out-of-this-world kahit pa ang simple na ng kanta. Bukod pa rito,

nakabagbibigay saya rin ang mga hosts tulad ni Willie Revillame na madalas magbiro at magbitiw ng mga salitang may parinig lalo na sa ibang mga istasyon ng telebisyon, o kaya namay may padaplis o panunudyo sa mga taong tumutuligsa sa kanya. Nariyan din sina Shalani Soledad na kinagigiliwan ng mga manunuod dahil sa kanyang pag-host nang walang enerhiya na hindi naman karapat-dapat sa isang game show at ang mga bigtime girls na nagbibigay aliw dahil sa kanilang maalindog na pagsayaw at pag-ekstra. Kung susuriin naman ang bahaging loob ng Wil Time Bigtime, makikita ang layunin ng katatawanan at kasiyahan. Ilan sa mga ito ay kaugnay na rin sa mga layunin na masisipat sa mga akda ni Bob Ong tulad ng mga sumusunod: (1) Magbigay ng talakay sa ibat ibang usaping Filipino at ipakita ang ibat ibang kulay ng buhay-Pinoy sa pamamagitan ng mga paksa hinggil sa ating karanasan at pamumuhay na karaniwang dalahin ng mga kalahok; at, (2) Bigyan ng pagkilala ang anumang mabuti, wasto, at naaangkop na pagkilos sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa mga mali at hindi kanais-nais na mga gawain. Sa dimensyong lalim naman makikita ang pahiwatig at halaga ng mga pagpapatawang ito na simple lamang: Ang pagbubuklod sa sambayanang Filipino bilang isang lahi na patuloy na lumalaban, ngumingiti at nananatiling matibay kahit pa anong hirap at pagsubok ang daanan. Kung paghahambingin ang palabas na Wil Time Bigtime sa akda ni Jayson Petras tungkol kay Bob Ong, makikita na wala itong pagkakaiba sapagkat pareho itong tumatalakay sa pagkataong Filipino sa ating lahi at kultura. Sa mga pahiwatig ng katatawanan makikita ang ating mga pamantayan at sa kabuuan, ang mga programang gaya ng Wil Time Bigtime ay sumasalamin sa paggiit natin bilang nagiisang lahing Filipino.

Anda mungkin juga menyukai