Anda di halaman 1dari 8

ANG KAPANGYARIHAN NG KRISTIYANO KAY KRISTO

John 16:23-26 NKJV (23) And in that day you will ask Me nothing. Most assuredly, I say to you, whatever you ask the Father in My name He will give you. (24) Until now you have asked nothing in My name. Ask, and you will receive, that your joy may be full. (25) "These things I have spoken to you in figurative language; but the time is coming when I will no longer speak to you in figurative language, but I will tell you plainly about the Father. (26) In that day you will ask in My name, and I do not say to you that I shall pray the Father for you; TALATA 23 Sa araw na iyon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anuman. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung kayo'y hihingi ng anuman sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya ito sa inyo. (ABAB) Sa araw na iyon ay hindi kayo hihingi sa akin ng anuman. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang inyong hingin sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo. (ASND) Hindi na kayo kailangang magtanong sa akin sa araw na iyon. Tandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo. (TPV) ASK G2065, o o Thayer Definition: 1) to question 2) to ask 2a) to request, entreat, beg, beseech Part of Speech: verb A Related Word by Thayers/Strongs Number: apparently from G2046 compare G2045 Citing in TDNT: 2:685, 262

1. ANG BANAL NA ESPIRITU ANG SIYANG GAGABAY SA INYO. Juan 16:13 ABAB (13) Subalit kapag dumating na ang Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan. Sapagkat hindi siya magsasalita nang mula sa kanyang sarili, kundi ang anumang bagay na kanyang marinig, iyon ang kanyang sasabihin at kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na darating. 2. SA NGAYON NA ANG PANGINOON AY KASAMA NA ANG AMA AY HINDI NA TAYO HIHINGI SA KANYA NGUNIT HIHINGI TAYO SA AMA SA KANYANG PANGALAN. Juan 14:19-20 ABAB (19) Kaunti pang panahon at hindi na ako makikita ng sanlibutan, ngunit makikita ninyo ako; sapagkat ako'y nabubuhay ay mabubuhay rin kayo. (20) Sa araw na iyon ay malalaman ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo. 3. WALANG LIMITASYON ANG MGA KAHILINGANG PUWEDE NATIN HINGIN AT MATANGGAP MULA SA DIYOS AMA HANGGAT ITO AY NAAYON SA KANYANG KALOOBAN AT MGA PANGAKO SA ATIN. ANG KAPANGYARIHAN NG KRISTIYANO pahina 1 ng 8

Juan 10:10 ABAB (10) Ang magnanakaw ay dumarating lamang upang magnakaw, pumatay, at pumuksa. Ako'y pumarito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang may kasaganaan. 2Pedro 1:3-4 ABAB (3) Ipinagkaloob sa atin ng kanyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na kailangan sa buhay at pagiging maka-Diyos, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kanya na tumawag sa atin sa kanyang sariling kaluwalhatian at kabutihan. (4) Gayon niya ipinagkaloob sa atin ang kanyang mahahalaga at mga dakilang pangako upang sa pamamagitan ng mga ito ay makatakas kayo sa kabulukang nasa sanlibutan dahil sa masamang pagnanasa, at maging kabahagi kayo sa likas ng Diyos. 2Corinto 1:20 ABAB (20) Sapagkat ang lahat ng mga pangako ng Diyos sa kanya ay "Oo." Kaya't sa pamamagitan niya ay aming sinasambit ang "Amen," sa ikaluluwalhati ng Diyos. 4. ANG LAHAT NG MGA MANANAMPALATAYA AY MAYROONG GANAP, LEGAL, DAHIL SA KATUBUSAN, NAAYON SA BIBLIA, DAHIL SA DUGO NG PANGINOON, SA MGA PANGAKO, AT KARAPATAN BILANG PAMILYA NG DIYOS NA GUMAMIT NG PANGALAN NG PANGINOON. Juan 14:12-14 (12) Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sumasampalataya sa akin ay gagawin din ang mga gawang aking ginagawa, at lalong dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin niya, sapagkat ako'y pupunta sa Ama. (13) At anumang hingin ninyo sa aking pangalan ay aking gagawin, upang ang Ama ay maluwalhati sa Anak. (14) Kung kayo'y humingi ng anuman sa pangalan ko ay gagawin ko. Hebreo 9:13-15 ABAB (13) Sapagkat kung ang dugo ng mga kambing at ng mga toro, at ang abo ng dumalagang baka na iwiniwisik sa mga nadungisan ay makapagpapabanal sa ikalilinis ng laman, (14) gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inihandog ang kanyang sarili na walang dungis sa Diyos, ay maglilinis ng ating budhi mula sa mga gawang patay upang maglingkod sa Diyos na buhay? (15) Kayat siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang ang mga tinawag ay tumanggap ng pangako na pamanang buhay na walang hanggan. Yamang naganap ang isang kamatayan na tumutubos sa kanila mula sa mga pagsalangsang sa ilalim ng unang tipan. TALATA 24 Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anuman sa pangalan ko. (ABAB) Hanggang ngayon ay wala pa kayong hiningi sa pangalan ko. (ASND) H ngg ng ng yoy w l pa kayong hinihingi sa kanya sa pangalan ko; (TPV) ANO PO BA ANG NAISIN NG MGA PUSO NATIN? Kayo'y humingi at kayo'y tatanggap, (ABAB) Humingi kayo at tatanggap (ASND) humingi k yo k yoy ngg p (TPV) HINDI TAYO DAPAT MATAKOT HUMINGI SA ATING AMA. DAPAT TAYONG HUMINGI NG MAY PANANAMPALATAYA. Santiago 1:5-8 ABAB ANG KAPANGYARIHAN NG KRISTIYANO pahina 2 ng 8

(5) Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos na nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat, at iyon ay ibibigay sa kanya. (6) Ngunit humingi siyang may pananampalataya na walang pag-aalinlangan, sapagkat ang nagaalinlangan ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at ipinapadpad ng hangin. (7) Sapagkat ang taong iyon ay hindi dapat mag-akala na siya'y tatanggap ng anumang bagay mula sa Panginoon. (8) Siya ay isang taong nagdadalawang isip, di matatag sa lahat ng kanyang mga lakad. upang malubos ang inyong kagalakan. (ABAB) kayo upang malubos ang inyong kagalakan. (ASND) upang malubos ang inyong kagalakan. (TPV) ANG KAGALAKAN NATIN AY NALULUBOS SA KASAGUTAN NG ATING MGA PANALANGIN AT ATING NAPAPATUNAYAN ANG KATAPAN NG ATING AMA. Lucas 11:9-13 ABAB (9) At sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo, at kayo'y makakakita; tumuktok kayo at kayo'y pagbubuksan. (10) Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap, at ang humahanap ay nakakatagpo, at ang tumutuktok ay pinagbubuksan. (11) Mayroon ba sa inyong isang ama, na kung humingi ang kanyang anak ng isda ay ahas ang ibibigay sa halip na isda? (12) O kung siya'y humingi ng itlog, bibigyan kaya niya ng alakdan? (13) Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya?" Santiago 1:16-17 ABAB (16) Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid. (17) Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na nanggagaling sa Ama ng mga ilaw, na sa kanya ay walang pag-iiba, o anino man ng pagbabago. TALATA 25 & 26 25 "Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito sa paraang patalinghaga. Darating ang oras, na hindi na ako magsasalita sa inyo nang patalinghaga, kundi maliwanag na sa inyo'y sasabihin ko ang tungkol sa Ama. 26 Sa araw na iyon ay hihingi kayo sa aking pangalan, at hindi ko sinasabi sa inyo na ako'y hihingi sa Ama para sa inyo. (ABAB) 25 Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo sa pamamagitan ng mga talinghaga. Darating ang oras na hindi na ako magsasalita sa inyo sa pamamagitan ng mga talinghaga. Subalit maliwanag kong ipapahayag sa inyo ang patungkol sa Ama. 26 Sa araw na iyon ay hihingi kayo sa pangalan ko. Hindi ko sinasabi sa inyo na dadalangin ako sa Ama para sa inyo. (ASND) 25 Ang mg i oy sin bi ko s inyo n ng p lingh g . Sub li d ing ang panahon na hindi na ako magsasalita sa inyo nang gayon; tuwiran ko nang sasabihin sa inyo ang tungkol sa Ama. 26 S w n y oy hihingi k yo s k ny s king p ng l n; hindi ko sin s bi s inyo n d d l ngin ko sa Ama para sa inyo, (TPV)

ANG PANGINOON ANG ATING TAGAPAMAGITAN SA ATING DIYOS AMA. 1Timothy 2:5-6 KJVR (5) For there is one God, and one mediator between God and men, the man Christ Jesus; ANG KAPANGYARIHAN NG KRISTIYANO pahina 3 ng 8

(6) Who gave himself a ransom for all, to be testified in due time. 1Timoteo 2:5-6 ABAB (5) Sapagkat may isang Diyos at may isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, (6) na ibinigay ang kanyang sarili na pantubos sa lahat; na siyang patotoo sa tamang panahon. MEDIATOR G3316, , m si s Thayer Definition: 1) one who intervenes between two, either in order to make or restore peace and friendship, or form a compact, or for ratifying a covenant 2) a medium of communication, arbitrator Part of Speech: noun masculine A Related Word by Thayers/Strongs Number: from G3319 Citing in TDNT: 4:598, 585

ANG ATING PANGINOON ANG SIYA NATING: 1) TAGAPAMAGITAN SA AMA, ALINMAN PARA MAGAWA O MAIBALIK ANG KAPAYAPAAN AT PAGKAKAIBIGAN, O SA PAGGAWA NG ISANG KASUNDUAN, O PARA SA PAGPAPATIBAY NG ISANG KASUNDUAN. 2) DALUYAN NG KOMUNIKASYON ANG PAGGAMIT SA PANGALAN NG ATING PANGINOON AY MAYROONG KAUGNAYAN SA: 1. KALIGTASAN, Mat 1:21 ABAB (21) Siya'y manganganak ng isang lalaki, at ang pangalang itatawag mo sa kanya ay Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan." Act 4:12 ABAB (12) Walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ating ikaliligtas." 2. BAUTISMO, Mat 28:19 ABAB (19) Kaya't sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Act 8:16 ABAB (16) sapagkat hindi pa ito dumarating sa kaninuman sa kanila, kundi sila'y nabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. 3. PAGSASAMA-SAMA, Mat 18:5 ABAB (5) At sinumang tumanggap sa isang batang ganito sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin. ANG KAPANGYARIHAN NG KRISTIYANO pahina 4 ng 8

Luk 9:48 ABAB (48) At sinabi sa kanila, "Sinumang tumanggap sa maliit na batang ito sa aking pangalan ay tinatanggap ako, at ang sinumang tumanggap sa akin, ay tinatanggap ang nagsugo sa akin, sapagkat ang pinakahamak sa inyong lahat ay siyang dakila." 4. PAGSAMBA, Mat 18:20 ABAB (20) Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila." 1Co 1:10 ABAB (10) Mga kapatid, ngayon ay nananawagan ako sa inyo sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kayong lahat ay magsalita ng isang bagay lamang, at huwag magkaroon sa inyo ng mga pagkakabaha-bahagi, kundi kayo'y magkaisa sa isang pag-iisip at layunin lamang. 5. MABUBUTING GAWA, Mar 9:41 ABAB (41) Sapagkat tunay na sinasabi ko sa inyo, ang sinumang magpainom sa inyo ng isang tasang tubig dahil sa kayo'y kay Cristo, ay hindi mawawalan ng kanyang gantimpala. 6. PAKIKI-PAGLABAN, Mar 16:17 ABAB (17) At ang mga tandang ito ay tataglayin ng mga nananampalataya: sa paggamit ng aking pangalan ay magpapalayas sila ng mga demonyo, magsasalita sila ng mga bagong wika; Luk 10:17 ABAB (17) Bumalik ang pitumpu na may kagalakan na nagsabi, "Panginoon, maging ang mga demonyo ay nagpapasakop sa amin sa iyong pangalan!" 7. PANGANGARAL, Luk 24:47 ABAB (47) at ipangaral ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa kanyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem. Act 8:12 ABAB (12) Ngunit nang naniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos at sa pangalan ni Jesu-Cristo, sila ay nabautismuhan, mga lalaki at mga babae. 8. PAG-GALING SA KARAMDAMAN, Mar 16:18 ABAB (18) sila'y hahawak ng mga ahas, at kung makainom sila ng bagay na nakamamatay, hindi ito makakasama sa kanila, ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit, at sila'y gagaling." Act 3:6 ABAB (6) Ngunit sinabi ni Pedro, "Wala akong pilak at ginto, ngunit ang nasa akin ay siya kong ibinibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad." Act 3:16 ABAB (16) At sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanyang pangalan, ang kanyang pangalan ang nagpalakas sa taong ito na inyong nakikita at nakikilala. Ang pananampalataya sa pamamagitan ni Jesus ang nagkaloob sa taong ito ng ganitong sakdal na kalusugan sa harapan ninyong lahat. ANG KAPANGYARIHAN NG KRISTIYANO pahina 5 ng 8

Jas 5:14-16 ABAB (14) May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng iglesya, at kanilang ipanalangin siya, at siya'y pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon. (15) Ang panalangin na may pananampalataya ay magliligtas sa maysakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung siya ay nagkasala, siya ay patatawarin. (16) Kaya't ipahayag ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Ang panalangin ng taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa. 9. KAHATULAN, 1Co 5:1-5 ABAB (1) Sa katunayan ay nababalita na may pakikiapid sa inyo, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga pagano; sapagkat ang isang lalaki ay nakikipisan sa asawa ng kanyang ama. (2) At kayo ay nagmamalaki pa! Hindi ba dapat kayong malumbay, upang maalis sa gitna ninyo ang gumagawa nito? (3) Sapagkat bagaman ako ay wala sa katawan, ako'y nasa harapan ninyo sa espiritu. Kaya't tulad sa isang nasa harapan ninyo, hinahatulan ko na ang gumawa ng bagay na ito, (4) sa pangalan ng ating Panginoong Jesus. Kapag kayo ay nagkakatipon kasama ang aking espiritu na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus, (5) ay ibigay ang ganyang tao kay Satanas sa ikawawasak ng laman, upang ang kanyang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus. Act 13:6-11 ABAB (6) Nang kanilang mapuntahan na ang buong pulo hanggang sa Pafos, nakatagpo sila ng isang salamangkero, isang bulaang propetang Judio, na ang pangalan ay Bar-Jesus. (7) Kasama siya ng proconsul na si Sergio Paulo na isang lalaking matalino. Kanyang ipinatawag sina Bernabe at Saulo at nais na mapakinggan ang salita ng Diyos. (8) Ngunit si Elimas na salamangkero (sapagkat iyon ang kahulugan ng kanyang pangalan) ay humadlang sa kanila na pinagsisikapang ilayo sa pananampalataya ang proconsul. (9) Subalit si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na puspos ng Espiritu Santo ay tumitig sa kanya nang mabuti, (10) at sinabi niya, "Ikaw na anak ng diyablo, at kaaway ng lahat ng katuwiran, punung-puno ng lahat ng pandaraya at panlilinlang, hindi ka ba titigil sa pagbaluktot sa matutuwid na daan ng Panginoon? (11) At ngayon, laban sa iyo ang kamay ng Panginoon, mabubulag ka, at hindi mo makikita ang araw ng ilang panahon." May ulap at kadiliman na agad nahulog sa kanya at siya'y lumibot na humahanap ng sa kanya'y aakay sa kamay. 2Th 3:6 ABAB (6) Aming ipinag-uutos ngayon sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kayo'y lumayo sa bawat kapatid na namumuhay sa katamaran, at hindi ayon sa tradisyon na tinanggap nila sa amin. 10. PANALANGIN, Joh 14:13-15 ABAB (13) At anumang hingin ninyo sa aking pangalan ay aking gagawin, upang ang Ama ay maluwalhati sa Anak. (14) Kung kayo'y humingi ng anuman sa pangalan ko ay gagawin ko. (15) "Kung ako'y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. Joh 15:16 ABAB (16) Ako'y hindi ninyo pinili, ngunit kayo'y pinili ko, at itinalaga ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga, at ang mga bunga ninyo'y mananatili, upang ang anumang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan ay ibigay niya sa inyo. ANG KAPANGYARIHAN NG KRISTIYANO pahina 6 ng 8

Joh 16:23-26 ABAB (23) Sa araw na iyon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anuman. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung kayo'y hihingi ng anuman sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya ito sa inyo. (24) Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anuman sa pangalan ko. Kayo'y humingi at kayo'y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan. (25) "Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito sa paraang patalinghaga. Darating ang oras, na hindi na ako magsasalita sa inyo nang patalinghaga, kundi maliwanag na sa inyo'y sasabihin ko ang tungkol sa Ama. (26) Sa araw na iyon ay hihingi kayo sa aking pangalan, at hindi ko sinasabi sa inyo na ako'y hihingi sa Ama para sa inyo. 11. PAGPUPURI, Eph 5:19-20 ABAB (19) Kayo'y magsalita sa isa't isa sa mga awit at mga himno at mga awiting espirituwal, na sa inyong mga puso ay nag-aawitan at gumagawa ng himig sa Panginoon, (20) laging nagpapasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa Diyos na ating Ama. Heb 13:15 ABAB (15) Kaya't sa pamamagitan niya ay maghandog tayong patuloy ng alay ng pagpupuri sa Diyos, samakatuwid ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kanyang pangalan. 12. LAHAT NG BAGAY, Col 3:17 ABAB (17) At anumang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Diyos Ama sa pamamagitan niya. 13. PAGTANGGAP SA BANAL NA ESPIRITU, Luk 11:13 ABAB (13) Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya?" Joh 14:26 ABAB (26) Subalit ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng aking sinabi sa inyo. 14. PAGGAWA SA MGA GAWA NI KRISTO. Mar 16:17-20 ABAB (17) At ang mga tandang ito ay tataglayin ng mga nananampalataya: sa paggamit ng aking pangalan ay magpapalayas sila ng mga demonyo, magsasalita sila ng mga bagong wika; (18) sila'y hahawak ng mga ahas, at kung makainom sila ng bagay na nakamamatay, hindi ito makakasama sa kanila, ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit, at sila'y gagaling." (19) Kaya't ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na siya'y magsalita sa kanila ay iniakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. (20) At humayo sila at nangaral sa lahat ng dako, habang gumagawang kasama nila ang Panginoon at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip nito.] Joh 14:12-15 ABAB (12) Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sumasampalataya sa akin ay gagawin din ang mga gawang aking ginagawa, at lalong dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin niya, sapagkat ako'y pupunta sa Ama. ANG KAPANGYARIHAN NG KRISTIYANO pahina 7 ng 8

(13) At anumang hingin ninyo sa aking pangalan ay aking gagawin, upang ang Ama ay maluwalhati sa Anak. (14) Kung kayo'y humingi ng anuman sa pangalan ko ay gagawin ko. (15) "Kung ako'y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. Jas 1:5-8 ABAB (5) Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos na nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat, at iyon ay ibibigay sa kanya. (6) Ngunit humingi siyang may pananampalataya na walang pag-aalinlangan, sapagkat ang nagaalinlangan ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at ipinapadpad ng hangin. (7) Sapagkat ang taong iyon ay hindi dapat mag-akala na siya'y tatanggap ng anumang bagay mula sa Panginoon. (8) Siya ay isang taong nagdadalawang isip, di matatag sa lahat ng kanyang mga lakad.

ANG KAPANGYARIHAN NG KRISTIYANO

pahina 8 ng 8

Anda mungkin juga menyukai