Anda di halaman 1dari 2

FOURTH QUARTER EXAMINATION REVIEWER

Test I. Tama o Mali. M 1. Isinalin ng mga Amerikano ang Pilipinas sa Espanya sa pamamagitan ng kasunduan sa Paris. M 2. Ipinairal ni Presidente William Harding ang pamahalaang militar sa Pilipinas. M 3 Tinatawag na irresistibles ang mga Pilipinong hindi naniniwala sa sinasabi ng mga Amerikano. T 4. Isinalin ng mga Espanyol ang Pilipinas sa Amerika kapalit ng halagang $ 20,000,000. T 5. Itinakda ng Batas Tydings-Mcduffie ang pamahalaang Commonwealth sa Pilipinas. T 6. Ipinagbawal ng mga Amerikano ang paglaladlad ng watawat ng Pilipinas. T 7. Si Pablo Ocampo ay isa sa mga Pilipinong unang komisyoner sa Kongreso ng Amerika. T 8. Binuksan ng mga Amerikano ang edukasyon para sa lahat. T 9. Nagpagawa ng mga daan at tulay ang mga Amerikano upang mapadali ang paghahatid ng mga kalakal. M 10. Ang mga Republican ay sang-ayon sa paglaya ng Pilipinas. T 11. Ang Republika ng Pilipinas ay ang kauna-unahang republika sa buong Asya. T 12. Ang orihinal na pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas ay Himno Marcha Nacional. M 13. Ang misyong pangkalayaan na pinamunuan ni Manuel Quezon ay nagtagumpay. M 14. Ang pangunahing layunin ng batas Jones ay sakupin ang Pilipinas. T 15. Nilinang ng mga Amerika ang sistema ng transportasyon sa Pilipinas. M 16. Ang mga aklat na ginamit sa pagtuturo noong panahon ng Amerika ay nilimbag sa wikang Filipino. T 17. Ang Lapiang Nasyunalista ay naglalayon ng dagliang kalayaan. M 18. Ang Misyong OSROX ay pinamunuan nina Sergio Osmena at Manuel Roxas. T 19. Ang komisyong Taft ay nagkaloob ng pagkakataon sa mga Pilipino na pamunuan ang sariling bansa. T 20. Ang gobernador heneral ang kumakatawan sa pangulo ng Amerika sa Pilipinas. Test II. Tukuyin ang inilalarawan Camp Odonnel - Pook kung saan nagtapos ang malagim na Martsa ng Kamatayan. Gregorio Aglipay - Kataas-taasang Obispo ng Iglesia Independiente.

Fernando Amorsolo - Pilipinong naging tanyag sa larangan ng pagpipinta noong panahon ng mga Amerikano. Marcella Agoncillo- Ang nanguna sa pagtahi ng bandila ng Pilipinas. Democrats - Partidong pulitikal sa Amerika na sang-ayon sa dagliang kalayaan ng Pilipinas. Batas Hare-Hawes Cutting - Ang batas na nagtakda sa paghihiwalay ng Mindanao upang gawing basemilitar. Hulyo 4, 1946 - Petsa ng kalayaan na itinadhana ng Batas Tydings-Mcduffie. Theodore Roosevelt - Pangulo ng Amerika na nagpahayag ng kahandaan ng Pilipinas na magtamo ng kasarinlan. Neoclassical - Disenyong pang-arkitektura na ipinakilala sa atin ng mga Amerikano. Masaharu Homma- Pinuno ng hukbong sandatahan ng Hapon na sumalakay sa Pilipinas. Colonial Mentality - Kaugaliang ipinamana ng mga Amerikano sa mga Pilipino kung saan higit na tinatangkilik ang mga bagay na gawa sa ibang bansa. December 7,1941 - Petsa ng pagsalakay sa Pearl Harbor. Veto -Ang kapangyarihang ipawalang-bisa ang batas na ipinanukala ng Batasan. Francis Burton Harrison- Amerikanong itinalaga ng pamahalaang Amerikano upang tiyakin na higit na nakararami ang mga Pilipinong opisyal sa gobyerno. Barasoain Church - Tanyag na simbahan na pinangyarihan ng Kongreso ng Malolos. Saligang-batas- Pinakamahalagang nagawa ng Kongreso ng Malolos. Woodrow Wilson - Isang democrat na pangulo ng U.S na sumang-ayon sa paglaya ng Pilipinas. William McKinley- Pangulo ng Amerika na nagpa-iral ng pamahalaang militar sa Pilipinas. Batas Cooper- . Ang batas na lumikha ng mga kagawaran sa pamahalaan ng Pilipinas. Masaharu Homma- Pinuno ng hukbong sandatahan ng Hapon na sumalakay sa Pilipinas. Payne-Aldrich Act- Ang batas kung saan lahat ng mga produktong galing sa Pilipinas ay makakapasok sa U.S nang walang buwis ngunit may quota. Douglas MacArthur - Pinuno ng hukbong sandatahan ng Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano. Civil Retirement Act - Batas na nagsasaad na ang sinumang opisyal ng pamahalaan na nakapaglingkod ng anim na taon ay kailangan nang magbitiw. Pascual Poblete- Bantog sa sarsuela o tanghalang pinamagatang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Homestead Law - Batas na nagtadhana ng pagbibigay ng may 25 ektaryang lupain sa mga Pilipinong nais magsaka. George Dewey - Pinuno ng hukbong dagat ng Amerika na nanguna sa pagtungo ng pwersang Amerikano sa Pilipinas. Prosesong Madyik- Sistema ng pagmamanman ng Amerika sa Hapon.

Anda mungkin juga menyukai