Anda di halaman 1dari 1

ANG BUNDOK NG CORDILLERA

Noong araw, sinasabing payapa at maligayang namumuhay ang mga Ilokano. Maraming bungangkahoy, halamang-gamot at hayop na matatagpuan sa mga bundok sa kanilang lalawigan. Ang mga naninirahan sa paanan ng bundok na ito ay tila nasa paraiso sapagkat dalisay ang hangin at sagana sa palay-bundok. Isang maganda at kagalang-galang na babae na nagngangalang Concordia ang nakatira sa pook na pinakamalapit sa bundok. Mahilig si Cording sa kalikasan at sa kanyang pagpapala, nagiging lalong kapaki-pakinabang ang bundok. Ngunit dumating ang panahon na ang mga tao ay natutong maghangad sa mga kabuhayang nakukuha sa bundok. Nagpuputol sila ng mga punongkahoy na ginagawa nilang bahay. Nang lumaon pa ay natuklasan ng mga ito na madaling pagkakitaan ng salapi ang pagpuputol at pagbibili ng kahoy. Mayroon nang nagtayo ng lagarian sa paanan ng bundok. Wala nang inisip ang mga tao kundi ang magpayaman nang magpayaman. Putol sila nang putol sa mga puno. Lungkot na lungkot si Cording. Hindi siya nagkulang sa pagpapayo sa mga tao. Huwag naman kayong labis na magputol ng mga punongkahoy. Maaari kayong magsisi! Kung tunay na kailangang- kailangan ninyo ang pumutol, magtanim kayo ng kapalit, ang payo ni Cording sa mga tao. Ngunit ang mga tao ay nahahaling na sa pagpapayaman. Nakalimutan na nila ang babaing kanilang iginagalang. Pinagtatawanan pa nila ang mga payo nito. Isang gabi, biglang bumagyo at kinabukasan, nagkaroon ng malaking baha. Apat na araw na lumubog sa tubig ang lalawigan ng Ilocos at mga katabing lalawigan. Nasirang lahat ang pananim, nalunod ang mga alagang hayop at maraming tao ang tinangay ng agos. Noon lamang nagsisi ang mga tao. Noon nila naunawaan na ang mga kahoy pala sa bundok ang nakapipigil sa baha. Noon nila napag- isip na dapat nga palang magtanim ng kapalit sa bawat punong pinuputol. Natutuhan din nilang ang malabis na paghahangad ng kayamanan sa ikapipinsala ng marami ay pinarurusahan ng langit. Nang humupa ang baha, wala na si Cording. Hindi naman masasabing tinangay siya ng baha sapagkat naroon pa rin ang bahay niya at di man lamang nagalaw. Nagtampo si Cording! Nagtampo si Concordia! ang sabi ng mga tao. Mula noon, ang bundok ay tinawag na nilang Bundok ng Cordillera bilang paggunita kay Cording o Concordia at sa kanyang mabubuting pangaral.

Anda mungkin juga menyukai