Anda di halaman 1dari 7

ANG KATAWAN NI CRISTO

Eph 1:22-23 ABAB (22) At kanyang inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa, at ginawa siyang ulo ng lahat ng mga bagay sa iglesya, (23) na siyang katawan niya, ang kapuspusan niya na pumupuspos ng lahat sa lahat. Eph 1:22-23 KJV (22) And hath put all things under his feet, and gave him to be the head over all things to the church, (23) Which is his body, the fullness of him that filleth all in all. Eph 1:22-23 AMP (22) And He has put all things under His feet and has appointed Him the universal and supreme Head of the church [a headship exercised throughout the church], [Ps. 8:6.] (23) Which is His body, the fullness of Him Who fills all in all [for in that body lives the full measure of Him Who makes everything complete, and Who fills everything everywhere with Himself].

ANG KATAWAN NI KRISTO AT ANG IGLESYA AY IISA AT PAREHO.


CHURCH = IGLESYA G1577, e esia, ek-klay-see'-ah Strong: From a compound of G1537 and a derivative of G2564; a calling out, that is, (concretely) a popular meeting, especially a religious congregation (Jewish synagogue, or Christian community of members on earth or saints in heaven or both): - assembly, church. Thayer Definition: 1) a gathering of citizens called out from their homes into some public place, an assembly 1a) an assembly of the people convened at the public place of the council for the purpose of deliberating 1b) the assembly of the Israelites 1c) any gathering or throng of men assembled by chance, tumultuously 1d) in a Christian sense 1d1) an assembly of Christians gathered for worship in a religious meeting 1d2) a company of Christian, or of those who, hoping for eternal salvation through Jesus Christ, observe their own religious rites, hold their own religious meetings, and manage their own affairs according to regu ations prescribed for the body for orders sa e 1d3) those who anywhere, in a city, village, constitute such a company and are united into one body 1d4) the whole body of Christians scattered throughout the earth 1d5) the assembly of faithful Christians already dead and received into heaven Part of Speech: noun feminine A Related Word by Thayers/Strongs Number: from a compound of G1537 and a derivative of G2564 Citing in TDNT: 3:501, 394 Col 1:13 ABAB (13) Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak,

KATAWAN

Page 1 of 7

Gal 4:6-7 ABAB (6) At sapagkat kayo'y mga anak, isinugo ng Diyos ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, "Abba, Ama!" (7) Kaya't hindi ka na alipin kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana. 1Co 6:19-20 ABAB (19) O hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo mula sa Diyos, at kayo ay hindi sa inyong sarili? (20) Sapagkat kayo'y binili sa isang halaga, kaya't luwalhatiin ninyo ng inyong katawan ang Diyos. 1Co 12:12-14 ABAB (12) Sapagkat kung paanong ang katawan ay iisa at marami ang mga bahagi, at ang lahat ay bahagi ng katawan, bagama't marami ay iisang katawan, gayundin si Cristo. (13) Sapagkat sa pamamagitan ng isang Espiritu ay binautismuhan tayong lahat tungo sa isang katawan, maging Judio o Griyego, mga alipin o mga laya at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. (14) Sapagkat ang katawan ay hindi iisang bahagi, kundi marami.

BAWAT ISA SA ATIN AY KASAMA BILANG ISANG INDIBIDWAL NA BAHAGI NG MARAMING MGA MIYEMBRO NG KATAWAN NI KRISTO NA KUNG SAAN AY SI JESUS ANG ULO.
TAYO AY MGA KASAPI NG UNIBERSAL NA KATAWAN NI KRISTO, NA BINUBUO NG LAHAT NG MANANAMPALATAYA NA NABUHAY O NABUBUHAY, NGUNIT KAILANGAN DIN NATIN NA MAGING TAPAT, MAKAPAGBIGAY NG MGA KONTRIBUSYON BILANG MGA KASAPI NG ISANG LOKAL NA PAGPAPAHAYAG NG KANYANG KATAWAN SA PAMAMAGITAN NG PAGLAHOK SA GAWAIN NG SIMBAHAN.

LAHAT AY MAY LUGAR O MAY BAHAGI


Rom 12:4-5 ABAB (4) Sapagkat kung paanong sa isang katawan ay mayroon tayong maraming mga bahagi, at ang mga bahagi ay hindi magkakatulad ang gawain; (5) kaya't tayo na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga bahagi na sama-sama sa isa't isa.

ANG BAWAT-ISA AY MAY KANYA-KANYANG MGA TALENTO, MGA KAKAYAHAN, AT MGA MINISTERYO, NGUNIT ANG LAHAT AY KAILANGAN AT MAHALAGA SA IGLESYA.
1Co 12:12-18 ABAB (12) Sapagkat kung paanong ang katawan ay iisa at marami ang mga bahagi, at ang lahat ay bahagi ng katawan, bagama't marami ay iisang katawan, gayundin si Cristo. (13) Sapagkat sa pamamagitan ng isang Espiritu ay binautismuhan tayong lahat tungo sa isang katawan, maging Judio o Griyego, mga alipin o mga laya at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. (14) Sapagkat ang katawan ay hindi iisang bahagi, kundi marami. (15) Kung sasabihin ng paa, "Sapagkat hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan." Hindi sa kadahilanang ito, ay hindi na ito bahagi ng katawan. (16) At kung sasabihin ng tainga, "Sapagkat hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan." Hindi sa kadahilanang ito, ay hindi na ito bahagi ng katawan. (17) Kung ang buong katawan ay mata, saan naroroon ang pandinig? Kung ang lahat ay pandinig, saan naroroon ang pang-amoy. (18) Subalit ngayon ay inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan, ang bawat isa sa kanila ayon sa kanyang ipinasiya.

KATAWAN

Page 2 of 7

ANG PAGHAHANAP SA ATING LUGAR SA KATAWAN AY NANGANGAILANGAN NA KINIKILALA NATIN ANG KATUNAYAN NA ANG BAWAT ISA AY MAY ISANG ESPESYAL NA LUGAR AT DAPAT NA TAYO AY HANDA UPANG TANGGAPIN ANG MGA NATATANGING POSISYON NA DIYOS ANG SIYANG NAGBIGAY SA ATIN.

MGA HUMAHADLANG SA PAGKAKAISA AT TUNGKULIN NG KATAWAN NI KRISTO: 1. KAWALAN NG KAPANATAGAN


1Co 12:15 ABAB (15) Kung sasabihin ng paa, "Sapagkat hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan." Hindi sa kadahilanang ito, ay hindi na ito bahagi ng katawan.

ANG ITINUTURO O ARAL AY MALINAW: ANG PAA AY MAY KAKULANGAN SA PAGIGING HAYAG, PAGKAMALIKHAIN, AT KARANGALAN KUMPARA SA KAYANG GAWIN NG KAMAY AT SAMAKATUWID AY MAAARING MAGING DAHILAN NG KAWALAN NG KAPANATAGAN. ANG MGA BANAL NA MAY KAKULANGAN SA NATATANGING MGA KALOOB O MGA PAMPUBLIKONG MINISTERYO AY NATUTULAD SA PAREHONG REAKSYON. HINDI NATIN DAPAT PAYAGAN O BIGYAN ANG KAWALAN NG KAPANATAGAN O PANINIBUGHO DAHIL SA PAGHAHAMBING NA MAGING SANHI UPANG MAGING WALANG HALAGA ANG ATING MGA GAWAIN O MAGING DAHILAN UPANG HUWAG TANGGAPIN ANG ATING LUGAR SA KATAWAN. 2. PAGMAMATAAS
1Co 12:21 ABAB (21) Ang mata ay hindi makapagsasabi sa kamay, "Hindi kita kailangan," at hindi rin makapagsasabi ang ulo sa mga paa, "Hindi ko kayo kailangan."

TAYO AY MGA BAHAGI NG BAWAT ISA AT DAPAT NATING KILALANIN ANG HALAGA NG BAWAT PUWESTO O LUGAR NG BAWAT ISA. ITO AY LALONG MAHALAGANG MAUNAWAAN NG MGA MAY MAS MALINAW MINISTERYONG KALOOB.
Rom 12:4-8 ABAB (4) Sapagkat kung paanong sa isang katawan ay mayroon tayong maraming mga bahagi, at ang mga bahagi ay hindi magkakatulad ang gawain; (5) kaya't tayo na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga bahagi na sama-sama sa isa't isa. (6) Tayo ay may mga kaloob na magkakaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin: kung propesiya ay gamitin ito ayon sa sukat ng pananampalataya; (7) kung paglilingkod ay sa paglilingkod, o ang nagtuturo ay sa pagtuturo; (8) o ang nangangaral ay sa pangangaral; ang nagbibigay ay magbigay na may magandang-loob; ang namumuno ay may pagsisikap; ang mahabagin ay may kasiglahan.

ANG BAWAT ISA AY MAYROONG KALOOB


Mat 25:14-30 ABAB (14) "Sapagkat tulad sa isang tao na maglalakbay, tinawag niya ang kanyang sariling mga alipin, at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang mga ari-arian. (15) Ang isa ay binigyan niya ng limang talento, ang isa ay dalawa, at ang isa ay isa; sa bawat isa'y ayon sa kanyang kakayahan. Pagkatapos ay humayo na siya sa paglalakbay. (16) Ang tumanggap ng limang talento ay umalis kaagad at ipinangalakal niya ang mga iyon, at nakinabang siya ng lima pang talento. (17) Gayundin, ang tumanggap ng dalawa ay nakinabang pa ng dalawa.
KATAWAN Page 3 of 7

(18) Subalit ang tumanggap ng isa ay umalis at humukay sa lupa, at itinago ang salapi ng kanyang panginoon. (19) Pagkalipas ng mahabang panahon, dumating ang panginoon ng mga aliping iyon, at nakipag-ayos sa kanila. (20) Ang tumanggap ng limang talento ay lumapit at nagdala ng lima pang talento, na nagsasabi, 'Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento. Heto, ako'y nakinabang ng lima pang talento.' (21) Sinabi sa kanya ng panginoon niya, 'Magaling! Mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.' (22) At lumapit din ang tumanggap ng dalawang talento at sinabi niya, 'Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento. Heto, ako'y nakinabang ng dalawa pang talento.' (23) Sinabi sa kanya ng panginoon niya, 'Magaling! Mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.' (24) At lumapit din ang tumanggap ng isang talento at sinabi niya, 'Panginoon, alam kong ikaw ay taong malupit, na gumagapas ka roon sa hindi mo hinasikan, at nagtitipon ka roon sa hindi mo kinalatan ng binhi. (25) Kaya ako'y natakot at ako'y umalis at itinago ko sa lupa ang talento mo. Heto, iyo na ang sa iyo.' (26) Ngunit sumagot ang kanyang panginoon at sinabi sa kanya, 'Ikaw na masama at tamad na alipin! Alam mo palang ako'y gumagapas sa hindi ko hinasikan, at nagtitipon sa hindi ko kinalatan ng binhi. (27) Dapat sana'y inilagak mo ang aking salapi sa mga mangangalakal ng salapi, at nang sa aking pagdating ay matanggap ko kung ano ang akin pati na ang pakinabang. (28) Kaya't kunin ninyo sa kanya ang talento, at ibigay ninyo sa kanya na may sampung talento. (29) Sapagkat ang bawat mayroon ay bibigyan at siya'y magkakaroon ng kasaganaan, ngunit ang wala, pati ang nasa kanya ay kukunin. (30) At ang aliping walang pakinabang ay itapon ninyo sa kadiliman sa labas. Doon ay magkakaroon ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.'

INIUGNAY NG PANGINOONG JESUCRISTO ANG PARABULA NG TALENTO PARA KUMBINSIHIN ANG BAWAT ISA SA ATIN NA TAYO AY MAY MGA REGALO, TALENTO, AT KAKAYAHAN. ANG PARABOLA AY MAY MGA MAHAHALANG MGA PUNTOS: 1. MAYROON TAYONG LAHAT NG LIKAS NA KAKAYAHAN NILIKHA NG DIYOS ANG BAWAT ISA SA ATIN BILANG ISANG KAKAIBANG TAO. TAYO AY IPINANGANAK NA MAY ILANG MGA NATURAL NA MGA INTERES AT KAKAYAHAN. ANG ATING MGA LIKAS NA KAKAYAHAN AT MGA HILIG O INTEREST AY HINDI PAGKAKATAON LAMANG KUNDI PARTIKULAR NA TAYO AY NAKA-DISENYO PARA SA MGA LAYUNIN NG DIYOS.
Eph 2:10 ABAB (10) Sapagkat tayo'y kanyang pinakamahusay na gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos nang una pa upang siya nating lakaran.

ANG PANGINOON ANG NAGBIGAY AT NAGHANDA SA ATIN PARA SA ATING MGA GAGAWING SERBISYO AT PAGKATAWAG AYON SA ATING SARILING KAKAYAHAN.
Mat 25:15 ABAB (15) Ang isa ay binigyan niya ng limang talento, ang isa ay dalawa, at ang isa ay isa; sa bawat isa'y ayon sa kanyang kakayahan...

2. GALLING SA BIYAYA NG DIYOS ANG ATING MGA LIKAS NA KAKAYAHAN SA PARABULA NG MGA TALENTO NA IPINAHAYAG NG PANGINOONG JESUKRISTO, ANG MGA TALENTO AY KUMAKATAWAN SA BIYAYA NG DIYOS (NATATANGING NA MGA KAALAMAN O KATANGIAN O KAALAMAN O TALINO NA NAKALAAN PARA SA SERBISYO SA IGLESYA) AY IBINIGAY SA ATIN BILANG
KATAWAN Page 4 of 7

MGA LIKAS NA KAKAYAHAN. ANG MGA LIKAS NA KAKAYAHANG ITO AY PINALAKAS O PINAIGTING SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU NG DIYOS AY NAGING MGA REGALO PARA SA KATAWAN NI KRISTO.
Rom 12:4-8 ABAB (4) Sapagkat kung paanong sa isang katawan ay mayroon tayong maraming mga bahagi, at ang mga bahagi ay hindi magkakatulad ang gawain; (5) kaya't tayo na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga bahagi na sama-sama sa isa't isa. (6) Tayo ay may mga kaloob na magkakaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin: kung propesiya ay gamitin ito ayon sa sukat ng pananampalataya; (7) kung paglilingkod ay sa paglilingkod, o ang nagtuturo ay sa pagtuturo; (8) o ang nangangaral ay sa pangangaral; ang nagbibigay ay magbigay na may magandang-loob; ang namumuno ay may pagsisikap; ang mahabagin ay may kasiglahan.

KUNG WALANG ANG NATATANGING PAGPAPAIGTING O PAGPAPALAKAS NG ESPIRITU NG DIYOS SA BIYAYA NA RIN NG DIYOS SA ATING LIKAS NA MGA KAKAYAHAN AY HINDI NATIN MAKIKITA O MAKAKAMTAN ANG KANYANG MGA LAYUNIN.
Joh 15:5 ABAB (5) Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako'y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami. Sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.

3. KAILANGAN NATING MAGING MATAPAT ANG MAHALAGANG PUNTOS O KATURUAN NG MGA TALENTO AY HINIHINGI NG DIYOS ANG ATING KATAPATAN SA ATING MGA KALOOB AT MGA PAGKATAWAG.
1Co 4:2 ABAB (2) Bukod dito, kailangan sa mga katiwala na sila ay matagpuang tapat.

ANG MGA MATATALINONG GINAMIT NG MAHUSAY ANG KANILANG TALENTO AY PINARANGALAN.


Mat 25:21 ABAB (21) Sinabi sa kanya ng panginoon niya, 'Magaling! Mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.'

ANG HINDI GINAMIT ANG KANYANG TALENTO AT ITO AY ITINAGO AY PINAGSABIHAN AT IBINIGAY SA IBA ANG KANYANG TALENTO.
Mat 25:26-28 ABAB (26) Ngunit sumagot ang kanyang panginoon at sinabi sa kanya, 'Ikaw na masama at tamad na alipin! Alam mo palang ako'y gumagapas sa hindi ko hinasikan, at nagtitipon sa hindi ko kinalatan ng binhi. (27) Dapat sana'y inilagak mo ang aking salapi sa mga mangangalakal ng salapi, at nang sa aking pagdating ay matanggap ko kung ano ang akin pati na ang pakinabang. (28) Kaya't kunin ninyo sa kanya ang talento, at ibigay ninyo sa kanya na may sampung talento.

NINANAIS NG DIYOS ANG ATING PAGLAGO AT PAMUMUNGA SA PAGIGING MATAPAT.

ANG ATING MGA TINANGGAP NA KALOOB AY SINUSUKAT


Eph 4:7 ABAB (7) Subalit sa bawat isa sa atin ay ibinigay ang biyaya ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo.
KATAWAN Page 5 of 7

ANG BANAL NA ESPIRITU AY IBINIGAY NG BUONG KAPUSPUSAN SA ATING PANGINOONG JESUCRISTO.


Col 2:9-10 ABAB (9) Sapagkat sa kanya'y naninirahan ang buong kapuspusan ng pagka-Diyos sa katawan, (10) at kayo'y napuspos sa kanya, na siyang ulo ng lahat ng pamunuan at kapangyarihan. Joh 1:16 ABAB (16) At mula sa kanyang kapuspusan ay tumanggap tayong lahat, biyaya na sinundan pa ng ibang biyaya.

ANG KATAWAN NG PANGINOONG JESUKRISTO AY BINUBUO NG MARAMING MIYEMBRO, ANG BAWAT ISA AY MAYROONG MGA KALOOB AT MGA TALENTO NA SINUSUKAT PARA SA KANILA. KAILANGAN NATING MAHANAP ANG ATING LUGAR, KAILANGAN NATING PAGYAMANIN ANG ATING MGA KALOOB, AT TANGGAPIN ANG MINISTERYO O GAWAIN NG BAWAT ISA.
Eph 4:11-13 ABAB (11) Pinagkalooban niya ang iba na maging mga apostol, ang iba'y propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at mga guro; (12) upang ihanda ang mga banal sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, (13) hanggang makarating tayong lahat sa pagkakaisa ng pananampalataya, at sa ganap na pagkakilala sa Anak ng Diyos, hanggang maging taong may sapat na gulang, hanggang sa sukat ng ganap na kapuspusan ni Cristo.

ANG SUKATAN NG ATING MGA KALOOB AY MAKIKITA SA KALIDAD, SAKLAW AT PAGIGING EPEKTIBO NG MGA ITO SA ATING RELASYON O GAWAIN SA MGA LAYUNIN NG DIYOS. ANG MGA SUMUSUNOD AY MAY KAUGNAYAN SA PAGSASAALANG-ALANG SA PAGTATASA O PAG-ALAM O PAGSUSUKAT NG ATING MGA KALOOB:
1. PAG-UUGNAY SA ATING KALOOB NG MAY KATOTOHANAN Rom 12:3 ABAB (3) Sapagkat sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na ibinigay sa akin, na ang bawat isa sa inyo ay huwag mag-isip sa kanyang sarili nang higit kaysa nararapat niyang isipin; kundi mag-isip nang may katinuan, ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinamahagi ng Diyos sa bawat isa. 2. ANG ATING MGA KAKAYAHANG MGA KALOOB AY MAAARING LUMAGO Luk 19:11-26 ABAB (11) Samantalang pinapakinggan nila ang mga bagay na ito, nagpatuloy siya at nagsalaysay ng isang talinghaga, sapagkat siya'y malapit na sa Jerusalem, at sapagkat kanilang inakala na ang kaharian ng Diyos ay mahahayag na kaagad. (12) Sinabi nga niya, "Isang maharlikang tao ang pumunta sa isang malayong lupain, upang tumanggap ng isang kaharian at pagkatapos ay bumalik. (13) Tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin at binigyan sila ng sampung mina, at sinabi sa kanila, 'Ipangalakal ninyo ito hanggang sa ako'y dumating.' (14) Subalit kinapootan siya ng kanyang mga mamamayan at nagsugo sila sa kanya ng kinatawan na nagsasabi, Ayaw namin na ang taong ito'y maghari sa amin.' (15) Nang siya'y bumalik, pagkatapos matanggap ang kaharian, sinabi niyang tawagin ang mga aliping binigyan niya ng salapi, upang malaman niya kung ano ang kanilang tinubo sa pangangalakal. (16) Dumating ang una, na nagsasabi, 'Panginoon, tumubo ang iyong mina ng sampung mina pa.' (17) At sinabi niya sa kanya, 'Magaling, mabuting alipin. Sapagkat naging tapat ka sa kakaunti, mamahala ka sa sampung lunsod.' (18) Dumating ang ikalawa, na nagsasabi, 'Panginoon, tumubo ang iyong mina ng limang mina.' (19) Sinabi niya sa kanya, 'Ikaw ay mamamahala sa limang lunsod.'
KATAWAN Page 6 of 7

(20) Dumating ang isa pa, na nagsasabi, 'Panginoon, narito ang iyong mina na aking itinago sa isang panyo; (21) ako'y natakot sa iyo, sapagkat ikaw ay taong mahigpit, kinukuha mo ang hindi mo itinabi, at ginagapas mo ang hindi mo inihasik.' (22) Sinabi niya sa kanya, 'Hinahatulan kita mula sa sarili mong bibig, ikaw na masamang alipin. Alam mo na ako'y taong mahigpit, na kumukuha ng hindi ko itinabi, at gumagapas ng hindi ko inihasik. (23) Kung gayon, bakit hindi mo inilagay ang aking salapi sa bangko at nang sa aking pagbalik ay makuha ko iyon pati ng tinubo?' (24) At sinabi niya sa mga nakatayo, 'Kunin ninyo sa kanya ang mina, at ibigay ninyo sa may sampung mina.' (25) Sinabi nila sa kanya, 'Panginoon, siya'y mayroong sampung mina.' (26) 'Sinasabi ko sa inyo na sa bawat mayroon ay higit pang marami ang ibibigay; subalit ang wala, pati ang nasa kanya ay kukunin. 3. HUWAG HUMAKBANG NG LAMPAS SA ATING MGA KALOOB O GAWAIN 2Co 10:13 ABAB (13) Subalit hindi kami magmamalaki ng lampas sa sukatan, kundi ayon sa hangganan ng panukat na itinakda ng Diyos sa amin, upang umabot hanggang sa inyo.

4. HUWAG NATING SUKATIN ANG ATING SARILI SA PAMAMAGITAN NG ATING SARILI 2Co 10:12 ABAB (12) Hindi kami nangangahas na ibilang o ihambing ang aming sarili sa ilan sa mga nagmamalaki sa kanilang sarili. Subalit silang sumusukat sa kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang sarili, at inihahambing ang kanilang sarili sa isa't isa, sila ay hindi nakakaunawa.

ANG ATING MGA KALOOB AY PARA SA PAGLILINGKOD


Luk 22:24-27 ABAB (24) Nagkaroon ng isang pagtatalutalo sa gitna nila, kung sino kaya sa kanila ang ituturing na pinaka dakila. (25) At kanyang sinabi sa kanila, "Ang mga hari ng mga Hentil ay nagpapapanginoon sa kanila; at ang mga may awtoridad sa kanila'y tinatawag na mga tagapagpala. (26) Subalit sa inyo'y hindi gayon. Sa halip, ang pinakadakila sa inyo ang maging pinakabata at ang pinuno ang siyang naglilingkod. (27) Sapagkat alin ang higit na dakila, ang nakaupo ba sa hapag, o ang naglilingkod? Hindi ba ang nakaupo sa hapag? Subalit ako'y kasama ninyo na gaya ng isang naglilingkod.

KATAWAN

Page 7 of 7

Anda mungkin juga menyukai