Anda di halaman 1dari 5

Ang Saya at Sakit ng Unang Pag-ibig Sa tuwing tatanungin ako ng aking mga kaibigan noong hayskul kapag nagkikita

kami kung kamusta ang lagay ng aking puso ay walang kakurap-kurap kong sagot ay single ako ngayon. Kasunod ang tanong na, bakit? Nasaktan ako ng sobra sa una ko kaya pag-aaral muna ang aatupagin ko. Ito naman ang laging kasunod kong linya. Hanggang sa halos hindi na matapos ang mga tanong tungkol sa aking lovelife. Hindi kasi sila makapaniwala na umibig na ako at nagkaroon ng girlfriend sa unang pagkakataon. Tahimik at puro pag-aaral lang kasi ako noong nasa hayskul pa ako. Hindi ko iniisip ang pag-ibig. Una kong naramdaman ang umibig ngayon lamang na akoy nasa kolehiyo na. Nasa ikalawang semestre noon ng 2005 nang makilala ko si Maria Alicia mula sa kalapit na unibersidad ng Ateneo. Ipinakilala kami sa isat-isa ng isang kaibigan mula UP. Noong una ay akala ko ay taga-UP din siya dahil sa porma at pananalita. Kabalintunaan nang alam kong konsepto ng mga Atenista na mayabang, maarte at konyo. Handa siya sa anumang gawain. Hindi siya namimili ng kakausapin, kaya niyang makihalubilo sa halos lahat ng uri ng tao. Kahit ano pa ang estado nito sa buhay. Isa iyon sa nagustuhan kong katangian niya. Bukod sa magandang personalidad ay hindi mo maitatanggi na malaanghel ang kanyang mukha. Ang mapupungay niyang mga mata na animoy nangungusap sa tuwing siyay kumukurap. At ang mala-seda niyang mahabang buhok na bagay na bagay sa kanyang mukha. Sa pagdaan ng mga araw sa ikalawang semestre ay unti-unti naming nakilala ang isat-isa. Nalaman ko na pumanaw na ang kanyang ama bago pa siya makatapos ng elementarya at ang kanyang ina namay nasa Amerika, nagtatrabaho bilang isang doktor. Tanging ang kanyang kuya na lamang na may sariling pamilya na rin ang kanyang kasama dito Pilipinas. Sa Las Pias sila naninirahan. Bago matapos ang semestre ay may iba na akong nararamdaman para sa kanya. Gusto ko na lagi siyang nakikita at nakakausap. Hindi ako makakain at makatulog nang maayos kapag hindi pa ako nakakatanggap ng teks mula sa kanya. May mga pagkakataon pa nga na lumiliban ako sa klase para lamang mapuntahan siya sa Ateneo para makita. Magugulat na lamang siya na nasa labas na ako ng kanilang silid-aralan kahit sa oras ng klase. Nagsisinungaling na lamang ako kapag akoy kanyang tinanong kung bakit wala ako sa klase. Sinasabi ko na lamang na hindi dumating ang propesor o kung minsan ay sasabihin ko na lamang na tapos na ang klase ko. Para akong isang asong kalye na hahabol-habol sa isang maganda at may breed na aso. Hindi ko

maintindihan ang nararamdaman ko sapagkat noon lamang ako nakaramdam ng ganoong emosyon. Ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig? Ito ang madalas kong maitanong sa sarili ko ng mga panahong iyon. Nahihiya naman akong magtanong sa iba sapagkat baka mali ang interpretasyon ko ng aking nararamdaman. Baka kulang lamang ako sa tulog kaya ako nagkakaganoon. Dumating ang bakasyon. Halos mabaliw ako sa kakaisip dahil hindi ko siya makikita ng dalawang buwan. Naglakas loob akong tanungin siya kung maari ko ba siyang madalaw sa kanilang tahanan upang magpaturo ng Math, Noon kasiy pangatlong beses ko nang kumukuha ng Math 17 na isa sa mahirap na subject na kinukuha ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Inhinyeriya. Pumayag siyang magkikita kami ngunit sa bahay ng kanyang kamag-aral sa lungsod din ng Las Pias. Halos araw-araw ay sinusuong ko ang mainit at mausok na daan ng EDSA upang makasama ko lamang siya. Sa tuwing nagkakasama kami ay hindi masidlan ang tuwang nararamdaman ko sapagkat kasama ko ang babaeng nagpapatibok ng aking puso. Sa pagtatapos ng bakasyon ay naglakas loob akong magsabi ng aking nararamdaman kay Alice. SInabi ko ang lahat ng nilalaman ng aking puso. May takot na baka magalit siya at hindi niya ako maintindihan. Ngunit kabaligtaran ang nangyari. Maganda ang naging pagtanggap niya ng nararamdaman ko para sa kanya. Hindi daw ako mahirap mahalin sapagkat mabait at masaya daw akong kasama. Ngunit hindi pa daw niya kayang pumasok sa isang relasyon ng mga panahong iyon. Sapagkat natatakot daw siyang masaktan at maiwang nag-iisa sa bandang huli. At natatakot siyang baka malaman ito ng kanyang ina at kuya na ayaw pa siyang magkaroon ng nobyo. Buong puso kong tinanggap ang kanyang kasagutan. Ang tangi ko lamang nasabi sa kanya ay handa akong maghintay kahit gaano katagal. Kahit papaanoy nakahinga na ako nang maluwag sapagkat nasabi ko na ang nilalaman ng aking puso. Pumasok ang unang semestre ng 2006. Patuloy pa rin ako sa panunuyo at panliligaw sa kanya, kahit na alam ko na bawal. At dumating ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko, ang ika-apat ng Hulyo. Inihatid ko siya sa bahay ng kanyang kaibigan sa Las Pias pagkatapos ng klase. Habang nagpapaalam kami sa isat-isa ay sinambit niya ang mga katagang, MAHAL NA DIN KITA. Noong unay nagulat ako sa aking narinig. Hindi ko maintindihan baka nabibingi na ba ako o baka kulang na naman ako sa tulog kaya kung ano-ano na ang naririnig ko. Kaya pinaulit ko ang sinabi niya. Ganoon ulit ang lumabas sa kanyang labi. Mahal na niya din ako! Sa sobrang tuwa koy nabuhat ko siya. Para akong nasa langit sa sobrang kagalakan. Parang tumigil ang mundo sa aming dalawa ni Alice ng mga panahong iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sa wakas ang

pinakamamahal kong babae ay mahal na rin ako! Parang musika sa aking pandinig ang mga katangang kanyang sinambit. Mula ng araw na iyon ay ipinangako ko na sa sarili ko na mamahalin ko siya ng tapat at aalagaan sa abot ng aking makakaya. Lagi kaming masaya sa tuwing kamiy magkasama. Halos hindi mo kami mapapaghihiwalay. Kulang na lamang ay tumira kami sa iisang bahay. Ngunit sa kabila ng mga ngiti at saya na aming nadararama sa tuwing kamiy magkasama ay hindi maiwawaksi ang takot na baka malaman ng kanyang kuya at ina ang aming relasyon. Napakahigpit ng kanyang kuya pagdating sa kanya. Hindi maaari sa kanyang kuya na magkaroon siya ng nobyo hanggat hindi siya nakakatapos ng kolehiyo. Marinig lamang na may kausap siya sa telepono na lalaki ay tinatanong na daw siya ng mga kung ano-ano na para bang sila ay nasa korte. Naaawa ako kay Alice. Gusto kong gumawa ng paraan upang mawala na ang takot namin. Ninais kong kausapin ng personal ang kanyang kuya ngunit tumutol siya dito. Baka paghiwalayin daw niya kaming dalawa. Wala akong magawa kundi sundin ang kanyang sinabi. Kahit hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka ito ang maging dahilan ng aming paghihiwalay sa banding huli. Pinagpatuloy namin ang aming relasyon sa kabila ng mga kumplikasyon na pumapalibot sa aming pagmamahalan. Ngunit ang inakala kong perpektong pagmamahalan ay hindi rin pala naiiba sa ibang mga relasyon. Paglipas ng dalawang buwan ng aming relasyon ay napapadalas na ang aming pag-aaway. Ang simpleg mga bagay na tulad ng hindi pagsagot sa teks at tawag ay umaabot sa ilang araw na di paguusap. Kaya bilang lalaki ay dapat gumawa ako ng paraan upang matigil na ito dahil alam ko na ito ang isa sa maaring maging dahilan nang pagkasira ng mga relasyon. Niyaya ko siya sa simbahan sa Parokya ni San Jose na kung saan matatagpuan ang sikat na Bamboo Organ upang makapag-usap kami ng maayos. Nilinaw ko sa kanya na hindi dapat naming maging gawi ang laging mag-away sa mga bagay na simple. Naintindihan naman niya at susubukan niyang maging mas mahinahon pagdating sa mga bagay na ito. Dumaan ang mga araw at nanumbalik ang dati naming pagsasama. Naging mas maintindihin na kami sa isat-isa at mas iniisip na namin nang mabuti ang mga bagay na aming sinasasambit upang hindi na namin masaktan ang damdamin nang bawat isa. Subalit may isang pangyayari na labis kong ikinasama ng loob. Isang araw napagdesisyunan niyang ipakilala na niya ako sa kanyang kuya Marco. Magkahalong kaba at tuwa ang aking nadama pagkarinig ko ng balitang iyon mula sa kanya. Kaba dahil sa malalaman na ng kanyang kuya ang aming relasyon at baka hindi niya ito matanggap at paghiwalayin niya kami. Ngunit sa kabilang banda nakadama

ako ng tuwa sapagkat makakausap ko na ang kanyang kuya ng masinsinan upang sabihin ang malinis kong intensiyon sa kanyang nakababatang kapatid. At kung gaano ko siya kamahal. Napagkasunduan naming gawing linggo ang araw ng aming pagkikita pagkatapos ng misa sa Parokya ni San Jose sa Las Pias. Dumiretso na ako sa simabahan at doon na lamang kami nagkita. Sa buong misa ay magkalayo kami ng upuan sapagkat may konting takot pa daw siyang nadarama. Naintindihan ko ito at pinagbigyan siya. Pagkatapos ng misa ay nilapitan ko sila. Pinagpapawisan ako ng matindi at sobra ang bilis ng pintig ng aking puso habang papalapit sa kanila. Paglapit ko sa kanila ay kagyat kong nginitian si Alice at ang kanyang kuya. Inabot ko ang aking kamay upang makipagkamay sa kanyang kuya. Malugod naman niya akong tinanggap. Ngunit ang mga sumunod na pangyayari ay para bang nagpatigil muli ng aking mundo. Narinig kong sinambit ni Alice ang mga katagang. Kuya si Jan Paul, KAIBIGAN ko. Gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko pagkarinig ko ng mga salitang iyon. Agad akong tumingin kay Alice ngunit hindi siya makatingin nang diretso sa akin. Gusto kong ibahin ang pagpapakilala niya sa akin at sabihin na ako ang kanyang nobyo ngunit nanaig pa rin ang pag-aalala ko sa kanya. Magalang na lamang akong nagpaalam sa kanila sabay labas ng simbahan. Hindi ko alam kung saan ako tutungo pagkatapos ng eksenang iyon. Gusto kong umiyak at magwala ng mga panahong iyon. Sobra ang sakit ang nadama ko. Mas mabuti pang sinampal na lamang niya ako nang kung ilang ulit kaysa saktan niya ako sa ganoong paraan. Galit na galit ako sa kanya! Ngunit kapag tunay mong mahal ang isang tao ay magagawa mo siyang patawarin kahit sobra ang sakit na naramdaman mo. Lumipas ang 1 linggo na hindi ko siya kinakausap at sinasagot sa teks. Hanggang sa nakatanggap ako ng tawag mula sa kanyang kaibigan. May sakit daw si Alice. Dalawang araw na daw may lagnat at hindi nakakapasok. Dali-dali akong nagpasama sa kanya upang dalawin sa kanilang bahay. Binalewala ko na lamang ang galit ko. Ang mahalaga ngayon ay makita ko siya at kahit papaano ay maalagaan. Pagdating namin sa kanilang bahay ay wala ang kuya Marco ni Alice. Naiwan upang magbantay ang kanyang hipag na kung saan alam na ang relasyon naming dalawa at tanggap niya ito. Hinayaan niya kaming makapag-usap ni Alice. Habang naguusap kami ay hindi niya naiwasang maiyak habang humihingi ng kapatawaran. Kahit sobra ang galit na nararamdaman ko ay nanaig pa rin ang pagmamamahal ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at pinatahan sa pag-iyak. Pagkalipas ng ilang araw ay

nanumbalik ang lakas ni Alice. At sa muli naming pagkikita ay hindi ko na muling inungkat ang mga nangyari. Hinayaan ko na lamang na para bang walang nangyari. Nagpatuloy ang aming relasyon ngunit hindi ko na maibalik ang dati. Sa tuwing magkasama kami ay nagkakaroon na ng ilangan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na lang ito pinansin at hinayaan na lamang. Ngunit may mga bagay talaga na kahit anong pilit nating iwasan ay hindi natin kayang takbuhan. Nararamdaman kong nanlalamig na ang pakikitungo ni Alice sa akin. Hindi na katulad ng dati na nararamdaman ko na mahal na mahal niya ako. Hanggang isang araw niyaya niya ako na mag-usap muli kami sa simbahan ng Parokya ng San Jose. May mahalaga daw siyang sasabihin sa akin. Agad akong pumunta upang siya ay kausapin. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Hindi na niya pinaligoy-ligoy pa ang usapan. Sinabi niya sa akin na isang linggo na lamang ay pupunta na siya ng Amerika. Pinapupunta na daw siya ng kanyang ina doon. Nabigla ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Ang tanging nasambit ko na lamang sa kanya ay ang katanungan kung babalik pa siya. Hindi siya makasagot. Tanging iyak at yakap na lamang ang kanyang naisagot sa akin. Mahal na mahal daw niya ako at ayaw daw niyang umalis. Subalit kapag nagpatuloy pa itong aming relasyon ay pareho lang kaming masasaktan. Ang pagmamahal ko sa kanya ay napalitan ng galit. Ilang beses ko na siyang pinagbigyan ngunit hindi niya akong kayang ipaglaban. Iniwan ko siyang umiiyak sa simbahan. Iyon na ang huli naming pagkikita. Hindi na akong nagpaalam sa kanya nang siya ay umalis patungong Amerika. Hindi ko alam kung bakit ngunit kahit mahigit isang taon na simula ng kamiy maghiwalay ay hindi ko pa rin siya kayang patawarin. Kahit na ngayoy may bago nang nilalaman ang aking puso ay hindi ko pa rin siya kayang kalimutan. Marahil siguro dahil siya ang nagparamdaman sa akin ng unang karanasan ko sa pag-ibig. . .

Anda mungkin juga menyukai