Anda di halaman 1dari 2

April 25, 2012 Human Resource Department Super Value Inc.

San Lazaro Branch Administration Office SM Corporate Offices Bldg E, J.W Diokno Blvd., Mall of Asia, Pasay City 1308

Sa Kinauukulan, Magandang Araw! Ako po si Jonna Liza Jimenez Silvestre regular na empleyado ng SVI San Lazaro Branch at nakatalaga bilang Treasury Assistant. Ako po ay nagnanais na kumuha ng kopya ng Termination Paper na kung saan nakasaad na ang aking kontrata bilang regular na empleyado sa SM Supermarket ay hanggang April 24,2012 na lamang. Ang nasabing kasulatan ay binasa sa aking harapan noong gabi ng Ika-23 ng Abril 2012 kung saan tapos na rin ang aking oras sa pagtatrabaho. Si Ms. Marie Vel Arcenal, Assistant HRD Manager ang nagbasa ng naturang dokumento kaharap sina Ms. Hazel Delos Reyes, HRD Supervisor at Assistant Treasury Manager s na sina Ms. Laliza Albo at Ms. Aurea Plaza. Noong gabi din po na iyon ay kinuha po nila sa akin ang aking company I.D bilang katunayan na noong araw ding iyon ang huling araw ko sa kumpanya ng SM. Matapos ko pong mabasa ang kasulatan ako ay humingi ng kopya ngunit sinabi sa akin na iisa lamang ang kopya at hindi maaaring ibigay sa akin. Sa kabila nito ay pinilit ako ni Ms. Arcenal na pirmahan ang sulat ngunit ito po ay aking hindi

ginawa sa kabila na ayaw nman nila akong bigyan ng kopya. Isa po sa magpapatunay na hindi ko lumagda sa nasabing kasulatan ay si Mr. Eric Cervantes. Nais ko rin po na kumuha ng kopya ng Company Policy/ Rules and Regulation for Employee para sa aking susunod na mga hakbang. Aking pong hinihiling ang inyong kasagutan saloob ng limang araw matapos matanggap ang sulat na ito. Maraming Salamat.

Lubos na Gumagalang,

Jonna Liza J. Silvestre Treasury Assistant SVI San Lazaro Branch

Anda mungkin juga menyukai