Anda di halaman 1dari 9

I.

Panimula A. Pamagat: Dekada 70 B. May akda: Luwalhati Bautista

C. Buod
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada. Nag-umpisa ang nobela sa pagpapakilala sa mga tauhan at nabigyang-pansin na ang nagkukuwento na si Amanda ay isang uri ng asawang alipin ng makalumang paniniwala sa tungkulin ng babae at lalaki. Unay di niya binigyang pansin ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit ng magsimula nang manaig ang damdaming aktibista ni Jules at ang pagka-mapusok ni Gani ay nabahala siya ng lubusan. Unti-unti ay nagkaroon siya ng kuryosidad kung ano nga ba ang dahilan ng ipinaglalabang prinsipyo ni Jules na katagalan ngay tuluyan nang sumapi sa kilusang kalaban ng pamahalaan. Bunga nitoy nagkaroon ng lamat ang relasyonang magpapamilya. Pati na rin ang iba pang anak na sina Em, Jason at Bingo ay nakaranas ng sulinanin bunga ng batas militar.
Kinalaunan, dumaluhong ang ibat ibang pagsubok sa pamilya Bartolome tulad nang pagkakakulong ni Jules, pag-aawat maagang paghihiwalay ni Gani at Evelyn, pagbubulakbol ni Jason sa pag-aaral, pagtatanong ni Bingo sa nagyayari at ang pagiging mapusok manunulat ni Em. Katagalan diy di inaasahang namatay si Jason, biktima ng salvaging kaya nagkaroon ng pagtatalo sina Amanda at Julian na halos umabot pa sa puntong nakikipaghiwalay siya dito. Salamat naman at di natuloy ang binalak gawin ni Amanda at dahil doon ay patuloy na hinarap na magkasama ng mag-asawa ang lahat ng suliraning bunga ng batas military. Sa huli, tagumpay na nalagpasan ng pamilya Bartolome ang mga pagsubok na nananatiling buo ang ugnayat samahan sa isat isa. Nakita natin kung gaano kahalaga ang pagiging matibay ng pundasyon ng isang pamilya upang makayanan ang lahat ng banta ng problema. Nagsilbi ang nobela na magandanag halimbawa ng pamilyang Pinoy na kayang lagpasan ang lahat, na atin pa ring maiuugnay sa kasalukuyang panahon kahit na nangyari ito noong Dekada 70.

III. Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan
Para sa akin ang uri ng panitikan ay maiuugnay sa nobelang Dekada 70 dahil na rin sa layunin nitong unti-unting gisingin ang kamalayan at kaalaman ng mga mambabasa sa bawat kabanata na nagpapakita ng magkakaibang katangian sa bawat isa subalit nananatiling magkakaugnay. Dalawang uri ng Panitikan ang ginamit ng may akda. Una ay ang kathang-isip sapagkat ang mga tauhan pati na ang mga katauhan nito ay mula sa pinagsama-samang mga ugali ng mga taong kilala ni Lualhati Bautista ngunit hindi ang mga lugar at pangyayari na binibigyang pansin ng hindi kathang isip na panitikan sapagkat ang mga lugar ay ayon sa mga toong lugar na mayroon tayo rito sa bansa at ang mga pangyayari ay ayon sa bawat kaganapang nangyari sa ating bansa noong Dekada 70.

B. May talinhaga
Ang talinhaga o parabula y isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Ang talinhagang ibinigay sa atin ng Dekada 70 ay ukol sa ating pagkamulat at pagmamahal sa ating sariling bayan. Aral na nagbibigay sa atin ng lakas upang ipagpatuloy ang bawat nasimulan ng ating mga ninuno at bigyang linaw, ganda at hustisya ang ating kinabukasan.

III. Pagsusuri
C. Puna
1)

Tauhan
Amanda Bartolome: Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mindchatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world.

Julian Bartolome Sr. : Mapapansin na sa umpisa ng nobela ay tila makagobyerno, partikular na sa Amerikano, na sa tuwinay kadebatehan ni Jules ukol sa panlipunang isyu sa kadahilanang pilit niyang inilalayo ang kanyang mga anak sa mga subersibong paniniwala na maaaring makapagpahamak sa kanila
Julian Bartolome Jr. (Jules): Si Jules ay ang pinakamatandang anak ni Amanda na namulat sa mga usapin at masasamang pangyayari sa ating gobyerno. Siya ay isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay. Isagana Bartolome (Gani) : - Maagang namulat ang isipan hindi sa kalagayan ng lipunan kundi sa mga bagay na may kaugnayan sa pakikipagrelasyon sa opposite sex kaya naman maituturing na mapusok at marupok si Gani sa kadahilanang di pa man siya nakakapagtapos ng pag-aaral ay nakadisgrasya na siya. Bunga nito, kinailangan niyang pakasalan ang babae upang di makasuhan at masabihang nang-aagrabyado.

III. Pagsusuri

Emmanuel Bartolome (Em): Ibig sabihin ng pangalan ay tagapagligtas; nanalo sa spelling bee contest; nagkuwento kay Elizabeth na anak ni Aling Dora kung paano nabuntis ang pusa na si Rose; pinakamatalino sa limang ng magkakapatid; maraming seminar na ang nadaluhan. Ipinapabatid lamang na siya ay may kamulatan na rin at may pagkakatulad sila ni Jules ng paniniwala sa aspetong pulitikal subalit siya ay sa paraang-Rizal ang ginamit na estilo samantalang si Jules ay paraang-Bonifacio Jason: Siya ang mabuting anak ni Amanda na kahit hindi gaanong kagalingan sa eskwela, binawi naman niya ito sa kagalingan sa loob ng bahay. Ngunit, sa isang hindi inaasahang pangyayari, dahil sa pagkakaroon ng masamang ipluwensiya na kaibigan, nalululong ito sa marijuana. at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC. Benjamin Bartolome (Bingo): Habang lumalakit nagkakaisip ay nabubuksan na rin ang kamalayan sa nangyayari sa kanyang mga magulang at kuya; pilit na inuunawa na lamang sa tahimik na pamamaraan ang mga bagay na tila banyaga pa sa kanya Evelyn: Isang babaing hindi nagpapa-under sa asawa, yan si Evelyn na kabiyak ni Gani; bagamat nasa bahay sila ng mga Bartolome nakatira ay hindi yun naging hadlang upang kanyang salungatin si Gani sa mga ninanais nito; batid naman nating nag-aaway sila sa tuwina na nagpapakita ng kanyang katapangan at paninindigan bilang isang babae sa makabagong panahon Rev: Anak nina Jules at Mara; kailanmay di nakita ng pamilya Bartolome dahil ito ay nasa piling ng ina na nanatili sa kilusan kasabay ng pag-aaruga sa kanya.

III. Pagsusuri
2) Tagpuan
1.

Sa Bahay ng Pamilya Bartolome


Sa Sala- Dito naghintay si Amanda sa pagdating ni Jules minsan nang binalak niya itong kausapin. Sa Library- Dito sinabi ni Em kay Julian ang balitang patay na si Jason; offlimits ditto si Amanda. Sa Kuwarto nina Amandat Julian- Dito nagaganap ang pribadong paguusap ng dalawa ukol sa kanilang mga anak.

a.

b.

c.

2.

Sa Presinto- Dito minsang naganap ang pagkakabugbog kay Jules nang siyay mahuli at dito rin naman nagapa ang Masaya niyang pagkakalaya.

3) Istilo ng may-akda

Si Lualhati Bautista bilang manunulat ay gumamit ng Tagalog at English na mga salita o ating tinatawag ngayong Taglish. Kanyang binigyang pansin din ang bawat oras o panahon ng bawat pangyayari sa bawat kabanata upang itoy ating maiugnay ng maayos sa pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa ating kasaysayan.

III. Pagsusuri
3)Galaw ng mga pangyayari

Ang galaw ng pangyayari ay umuusad ng katamtaman na nababase sa mga kaganapang nangyari noong Dekada 70. Ito ay naisaayos ayon sa kung ano ang pinakakamahalagang nangyari na kung saan tayo, ay maaaring makakakuha ng mabuting aral at inspirasyon na makatutulong sa ating pang-araw-araw na buhay.

D. Glosari/ Talahulugan

Hamo Maikling salita para sa haayan mo na ngangahulugang huwag ng isipin pa o huwag nang alalahanin. LABAN Laban ng Demokratikong Pilipino; ito ang kalabang partido ni Marcos. Piyudal batay sa pagkakagamit sa nobela ni Lualhati, ito ay nangangahulugang Diyos ang kalalakihan at ang kababaihan ay sadyang alipin niya lamang; ito ang sinabi ni Amanda na nasa dugo na ni Julian sapagkat siya ay walang karapatang kumibo sa mga isyung pulitikal at negosyo. KBL Kilusan ng Bagong Lipunan; ang partidong kinabibilangan ni Marcos.

Subersibo - ito ay radikal o nagpapahayag ng kasalungat na paniniwala o bagay laban sa pamahalaan.


BLISS Bagong Lipunan Indigent Settlement Services, programang pabahay ni Marcos noong Batas Militar. PR Public Relation; ito yung sinabi ni Pareng Daniel kay Amanda nang magtanong siya dito ukol sa anunsyong trabaho sa diyaryo na nangangailangan ng tao sa advertising; dapat din daw ay mahusay sa Inggles; nang sabihin niya to kay Julian ay nagalit ito ng sobra, grabe.

III. Pagsusuri

UG Under Ground o yung sikretong tagpuan ng mga NPA, mga lugar na sila lang ang nakakaalam. Ang Bayan opisyal na pahayagan ng Communist Party of the Philippines; ito yung ginawang saranggola ni Bingo na nakuha umano niya sa kuwarto ng kanyang Kuya Jules; sa pagpapatupad ng Batas Militar, ito ay itinuturing na subersibo kaya ikinukulong ang sinumang mahulihan nito Writ of Habeas Corpus - Ang habeas corpus [bigkas: /hey-bi-yes kor-pus/], mula sa Latin: literal na "[Iniaatas namin] na mapasaiyo ang katawan" o "nasa iyo ang katawan" ay isang salitang nangangahulugang atas o utos ng hukuman sa kinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang ipaliwanag kung bakit ipinipiit ang isang tao. Isa sa mga karapatan ng isang tao ang makahingi ng tinatawag na "kasulatan ng utos ng hukuman o kinauukulan," ang writ of habeas corpus sa Ingles, bilang pananggalang laban sa ilegal o hindi makatarungang pagkakakulong sa bilangguan. Kaya, sa larangan ng Batas, isang kasulatan ang habeas corpus na nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang dahilan kung bakit ipiniit ang isang tao.

IV - Sariling Reaksyon
Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar. ng panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamayang Pilipino. Isang di-makatao at di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa daing ng mamayan. Laganap sa bansa ang iba?t ibang klaseng krimen gaya ng salvaging. Magkabila ang mga rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga estudyanteng imbis na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan. Sa huli, kung tutuusin ay pulitikal din naman ang mensahe ng Dekada '70. Binibigyang-diin nitong mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad ng kalayaan o karapatang pantao o peminismo at marami pang iba. At sa kahihinatnan, makikita nating ganito rin kahalaga ang papel na gagampanan ng isang pamilya magulang at anak sa paghubog ng isang tunay na malaya at mapagpalayang lipunan

~Wakas ~
Maraming Salamat po sa inyong pagbabasa!
Sources: Tagalog-Tagalog diksyunaryo

Anda mungkin juga menyukai