Anda di halaman 1dari 2

AOCG DepCom: Bagong hepe ng CDAS NOON pa pinoproblema ng Bureau of Customs ang mga inabandona at matagal na nakaimbak na kargamento

at kontrabando sa kawanihan kaya pinasigla ni Commissioner Ruffy Biazon ang Committee for the Disposal of Abandoned and Overstaying Shipments (CDAS) para ayusin ang suliraning ito. Napatunayang epektibo ang CDAS sa paglutas sa problemang ito na unang itinatag noong Setyembre 2000 sa bisa ng CMO 11-2000, at muling inaktibo noong 20042005. Muling pinatindi ang kabuuan ng komite na ito, at sa bisa ng CSO 12-2012, itinalaga ni Biazon na maging bagong hepe ng CDAS si Deputy Commissioner for AOCG Dr. Prudencio M. Reyes, Jr.. Kasama sa komite si OIC-Director for Port Operations Service Atty. Noemi B. Alcala, bilang Vice-Chairman at mga kasapi ang mga Deputy Collectors for Operations of Port of Manila, ng MICP at ng NAIA; mga hepe ng Auction, Law Division, Port Operations Coordinating Division, Auction Monitoring and Cargo Disposal Division at MISTG. Huling naging hepe ng CDAS ay si Congressman Reynaldo V. Umali na noong 2005 ay naitalagang Deputy Commissioner, at sa panahon niya, mahigit sa kalahati ng iniwanan at napabayaang mga abandanadong kargamento at container van, ang marami ay nakatengga sa PoM at MICP. Marami sa container na ito ay nakaimbak sa pantalan sa loob ng mahigit na 20 o higit pang mga taon. Buo ang pag-asa ni Commissioner Biazon na maisasaayos ni DepCom Reyes ang problemang ito bilang bagong hepe ng CDAS. Nabatid na may sanlibong nakaimbak na container ang natingnan na ng komite na nasa PoM at MICP, at kung ang mga ito ay maibebenta sa gagawing subasta, inaasahang kikita ang BoC ng mahigit sa P300 milyon.

Batay sa alituntunin ng CSO 12-2012, ang mga ito ang magiging trabaho ng CDAS: Gumawa ng regular na monitoring ng mga abandonado at matagal nang nakaimbak na shipments/containers sa PoM at MICP; at pabilisin ang pag-aalis o pagsusubasta sa mga ito, ayon sa sinusunod na proseso, mga regulasyon, sa layuning mapangalagaan ang interes ng gobyerno. Umaasa rin si Depcom Reyes na sa pakikiisa at koordinasyon ng iba pang opisina ng BoC at iba pang ahensiya ng gobyerno, malulutas ang sobrang dami ng nakaimbak na kargamento at mga inabandonang shipment sa mga pantalan sa Aduana. Malaki ang maidaragdag sa koleksiyon ng BoC kung maisusubasta ang mga nabanggit na kargamento, ayon kay Reyes.

Send

Anda mungkin juga menyukai