Anda di halaman 1dari 5

ACUTE RESPIRATORY INFECTION (ARI) MODULE

Ang

epiglottitis, laryngitis, laryngotracheitis, bronchitis, bronchiolitis at pneumonia.


Ang

Acute Respiratory Infection (ARI) ang

pneumonia

ang

pangunahing sanhi ng pinsala at pagkamatay sa mga batang edad lima pababa. May tinatayang apat na milyon ang namamatay kada taon sa buong mundo dahil sa sakit na ito. Karaniwang lima hanggang walong beses dumadapo ang ARI sa isang bata sa loob ng isang taon, kung saan 30-40% ang pumupunta sa ospital para kumonsulta. Bagama't ang karamihan ay kusang gumagaling, ito naman ay pangunahing nagdudulot ng komplikasyon tulad ng pagkabingi at mahinang pag-intindi. Mayroon dalawang uri ng ARI base sa kinalalagyan ng impeksyon. Ito ay ang Acute

pinakamalala sa ganitong uri ng impeksyon, subalit maaari namang malunasan ng murang gamot. Kapag ang bata ay nakitaan ng sintomas ng ARI katulad ng ubo na may kasamang mabilis na paghinga, kelangan magbigay ng karampatang lunas sa lalong mabilis na panahon. May apat na paraan sa pagkontrol ng ARI. Ang mga ito ay sa pamamagitan ng bakuna, maagang pagsuri at maagap na paglunas, wastong nutrisyon at ligtas na komunidad.

BAKUNA
Bakuna ang isa sa pinakapraktikal na paraan upang mabawasan ang pagkakaroon ng ARI. Sa mga mauunlad na bansa kung saan laganap ang pagpapabakuna, mapapansin ang pagbaba ng bilang ng mga batang namamatay ng dahil sa ARI.

Upper Respiratory Infection (AURI) at Acute Lower Respiratory Infection (ALRI). Kabilang sa AURI ang nasopharyngitis, pharyngotonsilitis at otitis. Kabilang naman sa ALRI ang

Ang pagpapabakuna ng Streptococcus pneu-

habang nasa sinapupunan at habang sanggol pa lamang ay magdudulot ng mas mababang timbang para sa ina at mas maliit na bata paglaki. Upang maiwasan ang malnutrisyon kaugnay ng impeksyon ang mga sumusunod na kakulangan ay kailangang mapagtuunang pansin: kakulangan sa bitamina A, kakulangan sa iron, zinc, iodine at iba pang mga bitamina at mineral. Ang balanseng pagkain ay naglalaman ng mga pagkaing sagana sa protina, karbohaydreyts, bitamina at mineral. Ang angkop na nutrisyon ay hindi nangangahulugang pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Maaari kang kumain ng marami ngunit hindi pa rin makakuha ng tamang sustansiya. Ang mahalaga ay ang pagkain mo ng tama at sapat para sa iyong katawan. Sa ibaba ay mayroong tatlong uri ng pagkain na kailangan ng iyong katawan. 1. Pagkaing Pang-enerhiya (Go Foods) Ang mga enerhiyang pagkain ay siyang naglalaman ng karbohaydreyts at taba. Ang pangunahing gawain ng karbohaydreyts sa iyong katawan ay ang pagbibigay ng enerhiya. Ang mga pagkaing mayaman sa karbohaydreyts ay ang patatas, tinapay, pasta, mais, kanin at iba pang mga butil. Tulad ng

moniae vaccine ay nakapagpababa ng admisyon sa ospital ng dahil sa pneumonia ng 40%, habang ang imunisasyon laban sa Pertussis gamit ng diphtheriatetanus-pertussis (DTP) series, ay nakapagpababa ng hanggang 78% ng kamatayan. Ang kaalaman ukol sa pagbabakuna ay makakatulong sa pagligtas sa milyun-milyong batang namamatay sa ARI.

MAAGANG PAGSURI AT MAAGAP NA PAGLUNAS


Ang maagap na pagsusuri ukol sa pagkakaroon ng ARI ay mahalaga. Sa indibidwal, makatutulong ito sa pagbibigay ng maagap na lunas. Habang sa komunidad, makatutulong ito sa pag-alam sa maaaring bagong pathogens at sakit habang kaya pa itong kontrolin.

WASTONG NUTRISYON
Ang nutrisyon ay tumutukoy sa proseso ng asimilasyon o pagsipsip ng sustansiya o pagkain ng katawan ng isang organismo na nagdudulot ng paglaki at pananatili ng buhay nito tungo sa isang malusog na indibidwal. Ang hindi sapat na nutrisyon

karbohaydreyts, ang taba ay nagbibigay din sa katawan ng enerhiya. Subalit ang taba ay naglalaman ng mas maraming kaloris kaysa karbohaydreyts. Ang mga pagkaing mayaman sa taba ay ang margarina, mantikilya, mantika ng salad, keso at karne. Kung ikaw ay nababawasan ng timbang o lakas, at ikaw ay madaling makakuha ng sakit, kailangan mong kumain ng maraming pagkaing nagbibigay ng enerhiya. Ang mga pagkaing nagbibigay enerhiya ay tinatawag ding Go Foods sapagkat sila ay pinagkukunan ng enerhiya. Ang mga halimbawa nito ay kamote, mais, mantikilya, kanin at iba pang butil, asukal, margarina, patatas, mantika, asukal at keso. 2.) Pagkaing Panghubog-katawan (Grow Foods) Ang mga pagkaing panghubog-katawan ay tinatawag ding pagkaing mayaman sa protina. Ang pangunahing ginagampanan ng protina ay ang ating pagbuo at pagayos ng cells sa ating katawan. Mahalaga na makakuha ng sapat na protina sa pagkain upang mapanatiling malusog ang ating mga

Kung ikaw ay may sirang ngipin, madali kang mapagod, o ang iyong balat ay madaling mamaga, kailangan mong kumain ng maraming pagkain panghubog-katawan. Ang mga halimbawa nito ay gatas, itlog, mani at bins, pinatuyong isda, isda at manok. 3.) Pagkaing Taga-ayos (Glow Foods) Ang mga pagkaing taga-ayos o Glow Foods ay mayaman sa mga bitamina at mineral. Ang mga nutriyents na ito ay tumutulong na panatiliing normal ang gawain ng ibat ibang bahagi ng katawan. Kailangan lamang natin ng kaunting bilang ng bitamina at minerals mula sa ating kinakain, ngunit sila ay may malaking ginagampanan sa pagpapanatili ng ating pangkalahatang kalusugan. Kung ang mga bitamina at mineral ay wala sa pagkain, mga seryosong problema ang maaaring maidulot nito. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na deficiency diseases. Halimbawa, ang mga tao ay nagkakaroon ng scurvy kung sila ay walang sapat na bitamina C sa mahabang panahon. Ang kanilang mga gilagid ay namamaga at nagdurugo. Ang kanilang mga ngipin ay natatanggal at ang kanilang mga kasukasuhan ay namamaga. Kai-

cells. Ang mga pagkaing mayaman sa protina ay ang


karne, gatas, manok, isda, itlog at mga bins. Sila ay nakapagpapatangkad at nagpapabuo ng cells, kung kayat tinatawag silang mga Grow Foods.

langan mong kumain ng ibat ibang uri ng prutas at gulay, sapagkat kailangan sila ng katawan upang labanan ang mga sakit. Ang ilan sa mga mahahalagang bitamina ay kinabibilangan ng A,B,C,D,E at K. Ang ilan sa mga mahahalagang mineral ay ang iron, Ang pagkakaroon ng ligtas na komunidad ay isang layunin upang palakasin ang kaalaman at kamalayan ng lokal tungo sa isang malusog at malayo sa mga sakit na dulot ng ARI. Ang problemang pangkominidad ay maisasakatuparan lamang kapag binigyang pansin ang kalinisan. Maraming mga sakit ang naikakalat ng mga mikrobiyo na dumadaan mula sa isang tao papunta sa iba. Narito ang ilan sa pinakamadalas na paraan ng pagkalat ng mikrobiyo. Paghawak sa isang taong may impeksyon. Sa hangin halimbawa, kapag may umubo, puwedeng kumalat sa ibang tao o bagay ang mga mikrobiyo na nasa maliliit na patak ng laway. Pagkain ng kontaminadong pagkain. Sa kagat ng insekto at hayop.

LIGTAS NA KOMUNIDAD

calcium, potassium, phosphorus at magnesium. Ang


mga halimbawa nito ay kamatis, labanos, pipino, sibuyas, kalabas, papaya, manga,karot, repolyo, pakwan, at iba mga berdeng gulay. Para sa lahat, iwasan ang pagkain ng mga

junkfoods tulad ng tsips, kendi, softdrinks, at iba pa.


Ang mga pagkaing ito ay masyadong matamis, maalat at may kasamang artipisyal na sangkap. Kalimitan lamang sila naglalaman ng nutriyents. Maliban sa pagkakaroon ng malakas at malusog na katawan, kailangan mo ring uminom ng maraming tubig at katas ng prutas at magpatingin sa doktor ng regular. Kailangan mo ring malaman kung paano makitungo sa pagkain ng wasto. Ang pagkain ng mga kontaminadong pagkain ay maaaring magdulot ng pagtatae at pagkalason. Siguraduhin na ang lugar kung saan ka kumakain ay laging malinis, subukang huwag bumili ng pagkain mula sa mga tindero sa lansangan, laging takpan ang iyong pagkain, at itago ang iyong pagkain sa loob ng palamigan upang maiwasan ang pagkapanis nito.

Mahalaga ang kalinisan o sanitasyon ng komunidad, kalinisan sa bahay, at personal na kalinisan

para mapigilan ang mga sakit sa pamamagitan ng pagpigil ng mga mikrobiyo. Ang mga sumusunod ay mga hakbang upang magkaroon ng malinis na kapaligiran: Kailangan mong itapon ang iyong mga

limang minuto o magkaroon ng tubig na may klorin anumang oras upang maiwasan ang sakit dulot ng mga baktirya. Kung ang tubig ay may pinaghihinalaang kulay, amoy, lasa at mga sedimento, hindi ito dapat gamitin bilang inumin ngunit para lamang sa paglilinis at paghuhugas na gawain.

basura araw-araw, paglibing sa lupa o pagbigay sa kanila sa mga kolektor ng basura. Ang mga lamok at langaw na tagadala ng ilang sakit ay maaaring tumira kung saan mayroong basura at dumi. Ugaliing maglinis ng bahay araw-araw. Siguraduhin na ang lugar kung saan ka kumakain ay malinis at malayo sa mikrobyo. Palitan ang mga kumot at punda ng madalas. Ang mga mikrobyo ay matatagpuan kahit saan. Ang mga hayop tulad ng aso ay maaaring magdala ng mikrobyo. Panatilihin sila sa isang lugar sa abot ng iyong makakaya. Kinakailangan din silang pabakunahan ng anti-rabis. Siguraduhin na ang iyong pinagkukunan ng tubig ay ligtas. Ang maduming tubig ay naglalaman ng maraming mikrobyo. Ang tubig ay dapat ilagay sa isang malinis na lalagyan na may takip. Upang magkaroon ng ligtas na inuming tubig, pakuluan ito ng

Maraming salamat po! Naway maging malusog ang inyong mga anak! :)

Anda mungkin juga menyukai