Anda di halaman 1dari 1

ANG BANTA NI SATANAS Hindi mo ba ako nakikilala? Tingnan mo akong mabuti.

Ako siyang naghari ng buong kapangyarihan at kamahalan, sinasambat kinatatakutan, ang kataastaasang Diyos ng mga Pilipino. Habang ang iyong bayay tapat sa aking banal na pagpipitagan at patuloy ang kanilang panalangin sa akin, iniligtas ko sila sa isang libong pagkakataon sa kamatayan, gutom at takot. Ang inyong mga bukid ay namumutok sa mabangong kaluntian; ang ginintuang mga butil ay magaang sumisibol sa lupang pinaging banal at nooy hindi pa nadungisan. Ang uwak, sa kanyang pag-iisa sa pugad, ay di pa nananaghoy ng malulungkot na pangitain ng mga nakapangingilabot na kapahamakan. Ngunit ang iyong mayamang lupain ay malungkot at nahihirapan, naghihinagpis sa ilalim ng pananakop ng isang banyagang lahi, at unti-unting pinapatay ng walang dinidiyos na mananakop. Ngunit palalayain ko sila, kung luluhod kat sasamba sa aking dambanang patuloy pa ring nagniningning.Napakamakapangyarihan ako, kung sa sandaling itoy may anuman kang maiibigan, maibibigay ko, kung sasambahin mo ako. Ngunit sumpain kayo kung kayoy bulag at walang-tiwala, sapagkat pangangangahin ko ang lupa sa iyong paanat ibubulid ka sa bangin. Oo! Ang bulkan ang maghahatid ng mga kapahamakang inilaan ko sa iyong lahi, mga kapahamakang kasunod ng kasumpa-sumpang relihiyong katoliko; mga masasaklap na kapahamakan, salot, digmaan, malulupit na pananalakay ng mga banyaga sa panahong darating. Didiligin ng dugot luha ng iyong bayan ang tigang na buhangin ng iyong lupang tinubuan. Sa aking paghihigantiy, pakakawalang ko ang mga mababangis at napopoot na hangin upang magwalat lamunin sa kanyang galit ang marupok na bangkang naglalayag na sawin-palad. Susunugin ko ang kanilang mga luntiang bukiring hitik sa palay. Ibubuhos ko ang nagbabagang ilog ng kumukulong putik mula sa itoktok na mapagtaas na bundok upang maulila ang mga bayan-bayan tulad ng pagpalis ng nagngangalit na baha sa dimabilang na punong kahoy. Tingnan mo! Ako si satanas ang anghel na datiy nakaluklok sa trono at napakaningning. Ako siyang pook na nakikipaghamok sa Panginoon ng Langit. Nagahis sa labanay kinaladkad ko ang iyong mga ninuno sa kanilang kamatayan. Ngunit kung ang pananampalataya ng kristiyanoy nagtagumpay laban sa aking matinding galit, sa iyo ako maghihiganti. Ako ang higit na malakas at kung hindi mo ibig mamatay, dumapa kat sambahin ako!

Anda mungkin juga menyukai