Anda di halaman 1dari 3

I. Pamagat ng Aklat/Babasahin: Binhi II. Pamagat ng kwento: Si Haring Bruce at ang Gagamba III. May-akda: Ester V. RAflores IV.

Tagpuan: Sa Eskosya V. Tauhan: Robert Bruce hari ng Eskosya Ang gagamba VI. Buod: Matagal ng panahon ang nakalipas, ang hari noon ng Eskosya na nagngangalang Robert Bruce ay labis na nababalisa sa pagkakasangkot ng kanyang bayan sa isang digmaan. Ang Eskosya ay nakikipagdigmaan sa Inglatera. Sa kasawiang palad, nagwagi sa laban ang mga Ingles. Napilitang umurong ang mga kawal ng Eskosya dahil sa sunud-sunod na pagkatalo at wala na silang kakayahang ipagtanggol pa ang kanilang bayan. Hanggang pati si Haring Bruce ay napilitang magtago sa kabundukan upang mailigtas ang sarili. Matinding pagod, gutom at ginaw ang nararamdaman ng hari sa kanyang pagtakas. Mabuti naman at nakakita siya ng isang bahay-kubo kanyang kinanlungan. Humimlay siya sa sahig na ang pusoy puno ng kawalang pag-asa. Anim na ulit silang tinalo ng kaaway. Habang nagmumuni si Haring Bruce, isang maliit na abuhing gagambang naghahabi ng mahabang sinulid sa isa sa mga pamakuan sa kisame ang napagtuunan ng kanyang pansin. Pinagsisikapan ng gagambang makatulay sa sinulid upang maikabit ang dulo nito sa isa pang pamakuan. Subalit napatid ang sinulid at ang gagamba ay nahulog sa sahig. Bagaman nahilo nang bahagya, walang pag-aatubiling umakyat ang gagamba sa dingding at naghabing muli. Matiyaga siyang gumawa hanggang humaba ang sinulid at muli itong naglambitin sa dulo at pinagsikapang maikabit iyon sa kabilang pamakuan. Subalit muling napatid ang sinulid at bumagsak na naman sa sahig. Muli itong umakyat at nagsimula na naman. Anim na beses na napatid ang sinulid ng gagamba. Anim na beses itong nalaglag sa sahig. Anim na beses itong muling nagsimula. At anim na beses itong nabigo. Nahalina sa panonood si Haring Bruce. Nabuhos nang husto ang kanyang pag-iisip sa pagpupunyagi ng gagamba. Kung kaya nalimutan niya ang kanyang mga suliranin. Hindi sumuko ang gagamba bagaman nabigo ito hanggang sa ikaanim na pagkakataon. Muli itong sumubok at ngayon, sa ikapitong pagkakataon, itoy nagtagumpay. Tumindig si Haring Bruce at yumuko sa maliit na abuhing gagamba. Tinuruan siya ng gagamba ng isang kahanga-hangang leksyon. Kaya bagaman si Haring Bruce ay nakakaramdam ng pagod, hindi ito nawalan ng pag-asa. Ang pagsisikap ng gagamba ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang lumaban ulit. At sa halimbawang pinakita ng

gagambang nag bigay sigla sa kanya, pinangunahan niya ang kanyang mga nasasakupan sa pagtatagumpay sa ikapitong pagsubok. VII. Gintong Aral: Ang bawat tao ay may pangarap. Pangarap na nais maabot o marating. Subalit hindi madaling makuha ang hinahahangad. May mga pagsubok na kailangang malampasan. At para pagtagumpay, Ang isang tao ay kailangang maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok. Kaya huwag kang padadaig sa pagsubok at sa bandang huli, tiyak na ikaw ay magwawagi. VII. Talasalitaan: Humimlay humiga Pagpupunyagi pagsisikap Kinanlungan sinilungan Napatid naputol Nagwagi nanalo IX. Suliranin. Nawalan ng pag-asa si Haring Bruce na makipag laban muli dahil sa sunudsunod na nilang pagkatalo. X. Tunggalian: Tumindig si Haring Bruce at yumuko sa maliit na abuhing gagamba. Tinuruan siya ng gagamba ng isang kahanga-hangang leksyon. Kaya bagaman si Haring Bruce ay nakakaramdam ng pagod, hindi ito nawalan ng pag-asa. Ang pagsisikap ng gagamba ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang lumaban ulit. At sa halimbawang pinakita ng gagambang nag bigay sigla sa kanya, pinangunahan niya ang kanyang mga nasasakupan sa pagtatagumpay sa ikapitong pagsubok.

Ipinasa ni: Judea S. Tomajin II Narra

Ipinasa kay: Mrs. Lourdes M. Torres ( Guro )

Anda mungkin juga menyukai