Anda di halaman 1dari 15

PROYEKTO SA FILIPINO

IPINASA NI: Ma. Mikaela Ongkiko

IPINASA KAY: Gng. Milen Borja

II-Innovation

PBA # 1 Talambuhay ni Francisco Balagtas

Mga Tala: Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Tinatawag rin siyang Kikong at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Mariano Pilapil.

Reference: http://tl.wikipedia.org/wiki/Francisco_Balagtas

Ito si Francisco Balagtas, kilala rin siya bilang Kiko ito ang napili kong larawan sapagkat Ito ang litrato ng prinsiper ng balagtasang Filipino at ipinapakita rin nito kung sino si Francisco Balagtas.

Repleksiyon
Prinsipe ng Balagtasang Filipino. Isang dalubhasa sa larangan ng panulaan.

Sa panahon ngayon nauuso muli ang balagtasan, ngunit mas kilala sa tag-uring flip-top o rap battle.

Marami itong pagkakapareho sa balagtasan noo, kagaya ng pagtutunggali ng dalawang panig,

Ngunit isa sa pinagkaiba nito ay ang mga paksang pinagtatalunan.

Noon, mas malalim at makabayn ang mga paksa, tungkol sa problema sa lipunan at iba pa.

Ngunit ngayon, malimit na ang mga paksa ay tungkol sa panglalait at panunukso.

Noong ako ay nasa iak-limang baiting naranasan kong makipag-balagtasan sa makalumang paraan.

Nakakamangha ang karanasang ito, natutunan ko ang makasaysayang paraan ng kanilang pag tatalo.

Natutunan ko rin na tunay ngang nakakabilib an gating mga ninuno sapagkat napakahirap

Makipagbalagtasan sa kanilang pamamaraan.

Sana lamang ay mas marami pang mag-aaral ag makaranas ng makalumang paraan ng pakikipag-

Balagtasan. Saludo ako sayo Francisco ! Tunay ngang ikaw ay isang utak Pilipino.

PBA # 2 Pag-gawa ng poster at slogan

Tala: 1. 2. 3. Kami ay pinangkat n gaming guro sa mga grupo na may tig-3 miyembro. Sina Antonio Caparros at Orlando Velayo ang aking mga ka-grupo. Ang aming slogan ay Ang pangalan ay Francisco, kilala rin bilang kiko, lagi siyang nabibigo,

Ngunit hindi sumusuko.

1.

Pinagtulungan naming ito kaya natapos naming ito sa takdang oras.

Ito ay larawan ng isang preso. Ito ang aking napili sapagkat sinisimbolo nito ang pagkabigo sa Buhay ni Francisco. Ngunit sa kabila ng kanyang mga kabiguan, hindi pumasok sa isip niya na Sumuko nalang.

Repleksiyon

Hindi kailanman tanda ng kahinaan ang paghingi ng tulong sa iba sa panahon ng Pangangailanagan. Nararapat lamang na tayo ay magtulungan sapagkat ikalulugod ito nga ating Panginoon.

Natutunan ko sa Gawain naming ito ang halaga ng pagtutulungan at pagkakaisa. Marahil kung kamiy hindi nagka-isa ng aking mmga ka-grupo ay hindi namain ito matatapos. Natutunan ko din na kailangan magkaroon ng mahabang pasensya kapag may mga pangkatan. Naging madali para samin na gawin ang poster. Sapagkat nasa grupo naming an gaming kamag-aral na bihasa na sa pag-guhit. Samantalang tinulungan ko si Orlando sa pag-gawa ng paliwanag sa aming poster.

Minsan kahit kaya ng isang tao na gawin ang isang bagay na magisa, malaking tulong pa in kung may mga katulong siya sa pag-gawa. Mas magiging kaaya-aya ang kalalabasan ng Gawain.

PBA # 3 Ama ng Kasarinlan

Iyan ang mga bandila ng ilan sa mga bansang Malaya na ngayon. Natamo nila ang kalayaang ito Dahil na din sa mga Ama ng Kasarinlan na inalay ang kanilang buhay para sa kanilang mga bansa.

Repleksiyon

Mahatma Gandhi, Tunku Abdul Rahman, Sukarno, Sun Yat-Sen, Ho Chi Minh, at Jose Rizal, mga kinikilalang ama ng kasarinlan. Sila rin ang nagging susi upang makamit ng kanilang bansa ang kalayaang kanilang inaasam.

Ang mga nabanggit na panagalan ay ang mga ama na kinikilala bilang ama ng kasarinlan. Inubos nila ang kanilang oras at buhay para sa kapakanan ng nakararami. Naglakas-loob sila, di tulad ng iba na ipaglaban ang kalayaan ng kanilang bansa. Para sa akin nararapat lamang na ipagmalaki natin sila. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya, hindi nila inalintana ang sasabihin ng iba,kahit buhay pa nila ang maging kapalit.

Kaya sa mga ama ng kasarinlan, ipinagmamalaki ko kayo. Maraming salamat dahil sa inyo Malaya kami ngayon.

PBA # 4 Mga Pagbabago

Ito ang aking napailing larawan sapagkat sa unang litrato , makikita niyo ang makalumang paraan Ng pagsasayaw ng mga Pilipino. Samantalang sa pangalawang litrato naman pinakikita ang Pagsasayaw ng hiphop o makabagong paraan ng pagsasayaw. Nagpapakita ito ng pagbabago.

Repleksiyon

Nauuso na ang ibat-ibang high-tech na gadgets ngayon. Umuunlad na din an gating teknolohiya Maging sa ibang bansa.

Laganap na laganap ang pagbabago. Makikita natin ito sa ating paligid, sa mga bagay na ating ginagamit , maging sa mga taong ating nakakasalamuha. Noon hindi pa uso ang TV. Noon hindi pa rin uso ang internet at facebook. Maraming epekto angmga pagbabago satin, may nakabubuti at nakasasama. Nasa satin nalang kung sa paanong paraan natin ito gagamitin.

Mabuti na lamang at mayroong mga pagbabago,mas napadali nito ang buhay nating lahat. May kasabihan nga, ang tanging permanenteng bagay sa mundo ay ang pagbabago

Anda mungkin juga menyukai