Anda di halaman 1dari 1

Ang Lawin At Ang Paglikha Sa Daigdig

The Tagalog Myth of Creation

NUONG simula ng daigdig, wala pang lupa. Ang dagat lamang at ang langit ang naruruon, at sa pagitan nila ay isang lawin. Walang tigil ang lipad ng lawin at dumating ang isang araw nang napagod siya. Matagal siyang humanap ng malalapagan subalit walang nakita kaya naisip niyang galitin ang dagat. Sa puot ng dagat, pinaghahagis niya ng tubig ang lawin hanggang umabot sa langit ang taas ng mga alon. Nagimbal naman ang langit at, upang mapahupa ang mga alon, binagsakan ng maraming bato ang dagat. Sa dami ng bato, nagtumpoktumpok ito at nabuo ang ibat ibang pulo sa ibabaw ng dagat. Sa wakas, tumigil ang talon ng mga alon. Inutos ng langit sa lawin na lumapag sa isa sa mga pulo at duon mag-pugad. At huwag nang gambalain ang dagat at ang langit. Mula nuon, tahimik na namuhay ang lawin, at iba pang mga ibon, sa mga pulo sa pagitan ng dagat at langit.
Si Malakas, Si Maganda, At Ang Pagdami Ng Tao NANGYARI naman na mag-asawa nuon ang hangin dagat at ang hangin lupa, at may anak sila,
si kawayan. Isang araw, lumulutang si kawayan sa tabi ng dagat nang nabangga niya ang paa ng lawin. Nagulat, nasaktan at nagalit, pinagtutuka ng lawin ang kawayan hanggang nabiyak ito. Kaginsa-ginsa, lumitaw sa isang piraso ang isang lalaki, si Malakas. Sa kabilang bahagi, lumabas naman ang isang babae, si Maganda. Sila ang 2 Unang Tao sa daigdig.

Anda mungkin juga menyukai