Anda di halaman 1dari 1

Ang Kasaysayan ng Coron,Palawan G.

Ernie Baron Isa ang Coron, Palawan sa mga lugar na nilusob ng pwersang Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngayon, kilala ang Coron bilang isa sa mga paboritong dive sites hindi lang dahil sa mayamangmarine life nito kundi maging sa mga ship wreck na nagkalat sa ilalim ng dagat. Isa sa mga dinadayo ay ang barkong Hapones na pinalubog ng mga Amerikano matapos ang digmaan. Ayon kay Bert Lim, 82, taal na taga-Coron at naging espiya ng mga Amerikano, natatandaan pa niya ang mga pangyayari. Isang araw iyon nang lumunsad sa Coron Bay ang barko ng mga Hapon upang takasan ang pambobomba ng mga Amerikano mula sa Manila Bay. Dagdag pa ni Lim, mahigit sa 30 barko-Hapones ang nagtago sa Coron. Kabilang dito ang mga tanker, destroyer, gunboat at supply ship. Matapos ang apat na araw na pambobomba sa mga barkong Hapones, nagkalat ang mga bangkay sa Coron at kalapit na Sangat Bay. Maraming barko rin ang lumubog. Ani Lim, ang karagatan sa parteng iyon ay patuloy na nagliyab dahil sa kapal ng natapong langis mula sa mga pinalubog na barko. Bagamat ang mga barkong ito ngayon ang kinawiwilihang sisirin ng mga dive enthusiasts sa Coron, mayroon itong alaala ng 'di magandang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Humigit-kumulang na 11 ang shipwreck sites na nasa Soron at Sangat. Ilan sa mga ito ang Okinawa, Olympia Maru, East Tangat, Tangat wreck, Irakomaru at Lusong gunboat. Samantala, naniniwala naman si Lim na kung lubusang masusuyod ang ilalim ng karagatan, higit na marami pang pwedeng makita na barkong lumubog doon. Hindi malinaw ang pinagmulan ng East Tangat, isang gunboat na may habang 40 metro, bigat na 500 tonelada. Ngunit ngayon, nakalubog ito sa 15 metro ng tubig-dagat. Paliwanag ni Lim, maaaring ito ay isang tugboat o anti-submarine craft. Isa ang East Tangat sa mga pinalubog ng U.S. Task Force 38 noong Setyembre 24, 1944 sa operasyon laban sa hukbong dagat ng Hapon sa Coron Bay. Kasunod nito ang Tangat wreck ng . Ayon sa dive master, isa itong auxilliary at refrigirationship. Tulad ng East Tangat, lumubog rin ang dahil sa operasyon ng Task Force 38. Ang pangatlong wreck ay ang Kogyo-Maru, isang auxiliary supply ship. Ang Kogyo wreck ay 4129 metro ang haba at may timbang na 6,000 tonelada. Pinakahuli ang Lusong gunboat. Sa lahat, ito ang pinakamababaw dahil nakalubog lang sa 10 metro ng tubig-dagat. Tunay na masasabing bukod sa kakaibang mga isda, kabibe at lamang-dagat, ang ilalim ng karagatan ng Coron ay isa na ring museo ng kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas.

Anda mungkin juga menyukai