Mayroong dalawang bahagi ang balitaang pamatnubay at ang katawan ng balita. Ang pamatnubay ay ang unang talata o panimula ng balita. Ito ay maaaring salita lamang, isang parirala, isang sugnay, isang maikling pangungusap o isang buong talata. Ito ang pinakamahalagang parte mg isang balita sapagkat sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, kailan, bakit, saan at paano.
Nakapagbibigay ito ng agarang pagkakakilanlan ng tao, lugar at pangyayaring sangkot na kinakailangan sa balita. Ang tatlong uri ng balita ay ang kumbensyunal o kabuuang pamatnubay, ang panimulang pambalarilang pamatnubay at ang di- kumbensyunal o makabagong pamatnubay. Samantala, ang katawan ng balita ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon o datos sa pangyayari at nagbubuod sa kabuuan ng balita.
Mga Paksang Maaaring Ibalita sa Kampus: Nakakaaliw o kakaibang kilos ng mga estudyante Balita tungkol sa tagumpay, kaguluhan o di- inaasahang pangyayari. Nagbibigay impormasyon, o nagdudulot sa mga estudyante, guro at administrasyon ng kagustuhan ng reporma o pagbabago. Mga programa o pagdiriwang Mga panayam mula sa prominenteng tao
HINDI BASTA TUMATALON SA IBANG PAKSA ANG BAWAT TALATA. - May isang sentral na ideya - Umiikot ang talakay sa paksang sinusulat - Ginagamit ng wasto ang mga salita para sa transisyon
KALINAWAN - Ang mga pangungusap ay malinaw, hindi magulo ang pagkakaayos at nauunawaan ang nais iparating. - Hindi kalat-kalat ang mga ideya at hindi kung saan-saan napupunta ang tinatakakay. - Hindi dapat paliguy-ligoy ang pangungusap. - Maayos na pagdugtung-dugtong ng pangungusap. - Lohikal ang pagkakaayos ng mga datos o impormasyong nakalap. - Maayos ang ugnayan ng sinundan at kasunod na talata. - Mahusay, makinis at malinaw ang pagkakasulat.
Mungkahi sa Pagsulat ng Balita 1. Pagkatapos makalap ang mga impormasyon isulat agad ang balita.
2. Unang iulat ang mahahalagang datos, pagkatapos ay bigyang diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari. 3. Siguraduhing tumpak ang mga nakuhang datos. 4. Maging impormatibo, iwasan ang magbigay ng opinyon 5. Isulat ang awtoridad o pinagmulan ng balita lalo kung a) mas higit ang opinyon kaysa tunay na pangyayari b) kontrobersyal ang balita c) nagpapataas ng bagong regulasyon ang balita. 6. Ilagay ang buong pangalan ng tao sa unang pagbanggit. Pagkatapos gamitin na lamang ang G. sa apelyido ng lalaki at Bb. O Gng sa babae o sa anumang titulong nabanggit. 7. Iulat ang balita nang walang kinikilingan. 8. Bigyan ng pagkakakilanlan ang pangalang binanggit. 9. Huwag gumamit ng mga makukulay at mabubulaklak na salita sa paglalarawan o pag-uulat ng mga pangyayari sa iyong ibabalita. 10. Laging simulan ang bawat talata sa mahalaga at kawili-wiling pangyayari. 11. Bigyang-linaw ang pagsulat sa bawat pangungusap. 12. Ilagay ang tuwiran at di-tuwiran sabi ay ilagay sa magkahiwalay na talata. 13. Gamitin ang mga payak at tiyak na salita. 14. Iwasang gumamit ng mga pampahabang pangungusap at walang importansya sa balita. 15. Iwasan ang paglalagay ng lahat ng 5Ws sa pamatnubay kung ito ay nakakagulo lamang. 16. Mainam na gamitin ang tinig na tukuyan kaysa balintayak sa pag-uulat. 17. Laging sundin ang istilong pampahayagan.
Kaiba sa maikling kwento na nagsisimula sa maliit na pangyayari, ang istruktura ng balita ay sinisimulan sa sukdulan hanggang sa pinakamaliit o di gaanong mahalagang pangyayari. Sa pagsulat ng anumang artikulong balita, dapat laging tandaan na inuuna ang mahahalagang datos. Ito ang ginagawang pamatnubay o unang talata ng balita. Nakapaloob dito ang mga impormasyon na sumasagot sa Ano? Sino? Saan? Kailan? At Bakit? Ngunit may ilang pagkakataon na ang mga ito ay nasa ikalawang parapo na kilala sa tawag na support lead bilang pantulong na pamatnubay na nakapagpapalinaw sa isinulat na balita.
Hindi sa dating labanang super feather weight division maaaring magkitang muli sina Filipino boxing hero Manny Pacquiao at Mexican world champion Juan Manuel Marquez.
Ayon kay Duque, kailangang pag-aralan kung ano ang nagtulak sa 12-anyos na bata na kitilin ang kanyang buhay. Si Mariannet Amper ay nagbigti nang di-maibigay ng kanyang ama na si Isabelo ang Php 100 na gagamitin sa school project.
Kakaiba
Inilabas na kahapon sa ICU ng pasay City General Hospital ang isang buwang sanggol na pinapak ng mga naglalakihang daga, kamakailan sa nabanggit na lungsod upang isalang naman sa surgical operation.
Nagaganap sa Kasalukuyan
Nanindigan kahapon sina Sens. Panfilo Lacson at Richard Gordon na hindi na maaaring tumakbo sa 2010 presidential elections si Dating Pangulong Joseph Estrada.
Naganap sa malapit na pook Patay ang apat katao, marami pa ang nasugatan, habang anim namang kabahayan ang nawasak matapos ang isang malakas na pagsabog sa isang umanoy pagawaan ng bomba sa siyang sub-divisin sa Bacoor, Cavite kahapon ng hapon.
Pagsulong Isinusulong ng Dangerous Drugs Board sa Kongreso ang pagpapasa ng batas upang payagan ang mga law enforcement agencies na magsagawa ng wiretapping sa paglaban sa illegal na droga sa Pilipinas. Romansa o Pakikipagsapalaran Isang 18-anyos na dalaga ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng lason matapos nitong malaman na nakabuntis ng ibang babae ang kanyang nobyo kahapon ng umaga sa Malabon City.
Bilang o Estadistika Natuklasan ng isang grupo ng Tufts University na ang mga taong may normal blood zinc concentrations ay halos 50% malayong magkaroon ng pneumonia kaysa sa mga may mababang concntratins.
1. Kombensyonal na pamatnubay Nilalaman nito ang kasagutan sa mga tanong na ano, sino, bakit, Kailan at paano.
a. Binibigyan- diin ang tao - ( Sino ) Bumuo kahapon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Anti-Kotong at AntiColorum task force bilang tugon sa panawagan ng transport section na magtaas ng pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
b. Binibigyang-diin ang pamamaraan ( Paano ) Malaking tulong ang computer sa ating mga anak sa pagri-research. Pero minsan, naabuso rin ito kapag masyado na silang nalilibang lalo na sa paggamit ng Internet.
c. Binibigyang diin ang sanhi o dahilan ( Bakit ) Binabantayan umanong mabuti ng Philippine National Police ang ilang lugar sa Mindanao na posibleng gamitin ng kontrobersyal na dating election supervisor na si Lintang Bedol na labasan patungo sa ibang bansa.
d. Binibigyang- diin ang pangyayari ( Ano ) Isang nakagigimbal na sorpresa ang ibinigay kagabi ng papasikat na cue artist na si Joven Bustamante ng Pilipinas kay dating world pool champion Wu-Chia-Ching ng Taipei matapos itakas ang 10-8 tagumpay at isulong sa round of-16 ang laban sa prestihiyosong 2007 World Pool Championship sa Big Dome.
e. Binibigyan diin- ang lugar o pook na pinaganapan ( Saan ) Bacoor, Cavite- Tatlo katao ang namatay , 12 sugatan at 14 na bahay ang nasira nang sumabog ang mga dinamitang ina-assemble sa isang bahay dito.
f. Binibigyan diin- ang araw o petsa - ( Kailan ) Lilipad ngayong linggo patungong Beijing, China ang National Wushu Squad upang magpartisipa sa prestihiyosong 9th World Wushu Championship mula Nobyembre 11-15.
2. Di- Kombensyonal na Pamatnubay- Nagsisimula ito sa payak na pahayag o sanligan nang nangyari ng balita na may karugtong sa kasalukuyang balita.
a. Payak na Pahayag Hiniling ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa business leaders na tumutulong para maibsan ang kahirapan at dami ng mga nagugutom.
b. Nakaraang balita na karugtong ng bagong balita. Agad na nakiramay si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa sinapit na trahedya ni dating Sen. Rene Saguisag at may bahay nitong si Dulce na naaksidente sa Makati City kahapon ng madaling araw.
c. Siniping sabi ( siniping pahayag ) Gobyerno, wag sisihin sa suicide Ayon kay Pangulong Arroyo, di dapat sisihin ang gobyerno sa pagpapakamatay ni Mariannet Amper dahil ang Davao City ay highly urbanized at di kabilang sa priority area. Ang lalawigan ay hindi rin kabilang sa 10 pinakamahirap sa bansa.
Kung mataas ang LPG dama mo ba ang malakas na piso? Umabot na sa $ 100 kada bariles ang presyo ng petrolyo sa world market. Nangangahulugan na lolobo sa Php hanggang Php 5 ang presyo kada litro ng petrolyo. Kaya kahit bumaba ang dolyar kontra piso, patuloy pa ring magiging kawawa ang mga obrerong apektado ng pagtaas ng langis.
e. Paglalahad ng kaibahan
Higit na mataas ang populasyon ng mag-aaral sa Pilipinas na umabot sa 18 milyon lamang kumpara nang nagdaang tatlong taon na may 15 milyon lamang na nagpatalang mag-aaral.
Malaki ang paniniwala ng Philippine National Police ( PNP ) na posibleng nakatakas na palabas ng bansa ang wanted na election supervisor na si Lintang Bedol sa pamamagitan ng pagdaan nito sa southern backdoor bago pa man magpalabas ng kautusan ang Comelec na hulihin siya.
Paraan ng Wastong Pagsulat ng Balita 1. Ilahad ang pinakabuod ng balita. 2. Isulat ang mga pangyayari ayon sa istrukturang baligtad na piramide o paliit na kahalagahan. 3. Tukuyin ang impormasyong dapat itampok sa pamatnubay. Alamin ang pinakamahalaga. 4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunud-sunod na pangyayari batay sa pababang kahalagahan.
Kahalagahan ng Balita 1. Nagbibigay Impormasyon Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokonti pa sa pitong oras gabi-gabi ay may mas mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon sa isang bagong pag-aaral.
Natuklasan ng mga mananaliksik na Briton na sa mahigit 10,000 adults na isinailalim sa pag-aaral sa loob ng limang taon, ang kababaihang gabi-gabing natutulog ng anim na oras o mas konti pa ay may mas malaking posibilidad na tumaas ang presyon ng dugo kaysa sa mga babaeng natutulog nang maayos.
2. Nagtuturo Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang stress at mapanatili ang magandang kalusugan. Subukin ang mga sumusunod para tulungan kang magrelaks: Pasiglahin ang kalamnan sa pamamagitan ng masahe.
3. Lumilibang Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys Reyes sa presscon ng My Only Love.Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng sariling eksena para mapansin siya.
4. Nakapagpapabago Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis ng Manila Police District-Station Anti Illegal Drugs, iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa 11 police station ng Manila Police District ( MPD).
Caasi, inihalal bilang 3rd NASSPHIL bagong pangulo Kaugnay ng pagdaraos ng 3rd Student Leader Congress, tinanghal si John Bernard Caasi mula sa Paaralang Sekundaryang Agham-Teknolohiya ng Don Alejandro Roces, Ama, bilang bagong halal na pangulo ng National Association of Secondary Schools of the Philippines (NASSPHIL) na ginanap sa Teachers Camp, Baguio City, Agosto 13-15. Ang tagumpay kong ito ay tagumpay ng lahat! Gamit ang sulo ng edukasyon, samasama nating paliwanagin ang kadiliman at ating tahakin ng buong tapang ang tuwid na daan. Kabataan, tayo ang tanging tanglaw ng bayan, ani Caasi. Dagdag pa nito, isang masayang karanasan ang mapili bilang lider ng mga estudyante sa buong rehiyon at napakalaking tulong nito upang mabigyan siya ng pagkakataong maipakita ang kanyang kakayahan sa pamumuno bilang isang kabataan.
Samantala, kabilang rin sa mga nahalal bilang kinatawan ng NCR sina Vivienne Egalam, Commonwealth HS, pangalawang pangulo at Abraham Roi Bias, Lagro HS, kalihim. Dinaluhan ito ng mga delegado mula sa pampubliko at pribadong paaralan ng sekundarya, vocational high school administrators, school division/city superintendents, regional directors at bureau directors. Ang programa ay pinasimulan ni Rev. Exequiel Guanzon, Region VI Director, bilang keynote speaker na sinundan ng conference, workshops, wrap- up sessions at eliminations sa pangunguna ng officers at board of directors. Kaugnay nito, nagsagawa naman ng kompetisyon ang nasabing programa kung saan nagkaroon ng NASSPHILs Got Talent, Essay Writing: English at Filipino, Extemporaneous speaking: English at Filipino, at debate. Layunin ng programa na may temang The Youth, Crossing the Threshold of Hope: for the Family, the School, the Community, the Nation ay upang dagdagan at laliman ang kaalaman at responsibilidad bilang mga pinunong mag-aaral.
Kwentong may kwenta, daan tungo sa pagbabago! Kabayan Ni Michelle Anne Guillermo
Ang kwentong may kwenta ay daan tungo sa pagbabago, ito ang mariing pahayag ni ABS-CBN News Anchor at dating Bise Presidente Noli Kabayan De Castro sa kanyang talumpati bilang Keynote Speaker sa pagbubukas ng 2010 Division Secondary Schools Press Conference, Oktubre 6.
Ikinunekta ni Kabayan ang kanyang talumpati sa tema ng nasabing kompetisyon na The School Paper Governance in the 21st Century: A Catalyst for Social Change kung saan sinabi niyang ang mga pamahayagang pangkampus ay dapat maging instrumento ng pagbabago sa lipunan. You and I are storytellers for a change, ani Kabayan. Ipinaliwanag niya ang pagkakaiba ng pagtsi-tsismis at pagbabalita. Inihayag niya na ang mga tsismis ay mga kwentong walang sustansya habang ang mga balita naman ay mga kwentong may importansya. Sa kanyang pangwakas na pananalita, hiniling niya sa mga mamamahayag na patuloy na magkwento ng makabuluhang istorya para sa pagbabago.
Worlds Teachers Day, ginunita; Rocesians nakiisa Ni Haya Bayani at Edward Mapula MATAGUMPAY na ipinagdiwang ng Paaralang Sekundaryang Agham-Teknolohiya ng Don Alejandro Roces, Ama ang World Teachers Day na may temang My Teacher, My Hero noong ika-5 ng Oktubre.
Inumpisahan ang makabuluhang araw sa isang mataimtim na misa para sa mga kaguruan na pinangunahan ng Sacred Heart Parish na ginanap sa Multi-Purpose Hall ng naturang paaralan. Sinundan naman ito ng isang programa na pinamunuan ng Supreme Student Government (SSG) para bigyang halaga at pasasalamat ang bawat guro na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa bawat mag-aaral. Nagkaroon ng mga palaro na kapwa sinalihan ng mga guro at mga estudyante. At nagkaroon ng intermission number mula sa piling mag-aaral ng ikatlo at ikaapat na taon.
After 12 years, now I realized that I was born to be a teacher, theres no turning back now. Dahil sa nasaksihan ko ang World Teachers Day, alam ko na akoy ipinanganak upang maging guro. Dito na ako itinalaga ng Panginoon, wika ni Gng. Elma Mansit, isang guro.
MGA PAGSASANAY Pagsasanay 1 Ano: Tatlong katao ang patay, apat ang sugatan sa nabigong holdap sa isang mall Saan: North Edsa, Quezon City Sino: Ang namatay ay sina Anika Villanueva, 38, suspek; Marianette Mapurol, 40, magbubukid at Feliciano Bayot, 23, kagawad. Ang mga sugatan ay sina at Gin Pakwan, Koli Balatbat, Hiyugene Park, Jesse Natty at Nikky Dehado. Kailan: Nobyembre 30, 2010 Bakit: Sa imbestigasyon ay sinasabing kawalan umano ng trabaho at pagtataksil ng asawa ang naging bunga ng panghoholdap at tuluyang pagkamatay ng suspek. Paano: Dakong alas-otso ng gabi ng ideklara ng suspek ang holdap habang nasa loob ng Foodcourt sa isang mall. Naghahanap umano ito ng katarungan sa biglaang pagtanggal sa kanya ng trabaho sa pagawaang pinapasukan nito. Problemado din ang suspek sa natuklasang pangangaliwa ng kabiyak nito na lalo pang ikinagalit nito. Pinasuko ng mga kapulisan ang suspek ngunit anim na magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan nito na siyang resulta ng pagkamatay at pagkasugat ng mga biktima na agad ding isinugod sa kalapit na ospital.