Anda di halaman 1dari 3

ST. THOMAS MORE ACADEMY, INC. Avenida Rizal St.

, Molino III, Bacoor City SY 2012 2013

UNANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO III Ikalawang Markahan


Pangalan: Guro: ______________________________ Pangkat: Puntos: ______________________ ______________________

G. DANILO VILLAR ROGAYAN JR. ______________________________

PANGKALAHATANG PANUTO. Ang hindi susunod sa panuto ay mamarkahang mali. Anumang bakas ng pagbura o pagpapalit ng sagot ay hindi kikilalanin. Tanging itim na panitik lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot. I. MAY PAGPIPILIAN. Piliin ang pinakawastong sagot sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot na nasa malaking titik. _____ 1. Ang tamang paghihiwalay ng basura at pagbabawal sa pagsusunog ng anumang uri ng kalat ay nakasaad sa Batas ng Ecological Solid Waste Management o mas kilala sa tawag na ____________________. A. Batas Republika Blg. 9729 K. Batas Republika Blg. 9072 B. Batas Republika Blg. 9003 D. Batas Republika Blg. 9147 _____ 2. Anong batas pangkalikasan ang sumasakop sa pangangalaga at pagpapanatili ng mga ilahas na hayop at halamang gubat sa bansa? A. Batas Republika Blg. 9729 K. Batas Republika Blg. 9072 B. Batas Republika Blg. 9003 D. Batas Republika Blg. 9147 _____ 3. Ito ay isang anyo ng sining na pinagagalaw sa pamamagitan ng kamera o di kaya sa pagbuo ng mga imahe gamit ang animation techniques o visual effects. A. Pelikula K. Bodabil B. Sarswela D. Karilyo _____ 4. Sa kabuuan ng pananakop ng mga Kastila, lumaganap ang dula na itinatanghal sa tatlong magkakaibang lugar. Anu-anong mga pagtatanghal ang karaniwang ipinalalabas sa tahanan? A. panuluyan, tibag, pangangaluluwa, karilyo B. duplo, karilyo, sarswela, bugtungan K. karagatan, bugtungan, duplo, dulog-pamanhikan D. pananapatan, senakulo, sarwela, karagatan _____ 5. Si Gob. Juanito Victor C. Remulla Jr. ang panlalawigan na ipinapatupad sa Cavite. Anong pangungusap? A. balintiyak B. katawanin bumalangkas ng mga proyektong tinig ng pandiwa ang inilarawan sa K. sudlong D. tahasan

_____ 6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nakahanay sa tahasang tinig ng pandiwa? A. Si Maria Lourdes Sereno ang nahirang na bagong punong mahistrado. B. Ang Panatag Shoal sa Zambales ay pinag-aagawan ng Pilipinas at Tsina. K. Ang Pambansang Alagad ng Sining ay iginawad kay Fernando Poe Jr. D. Ang DILG ay pinamumunuan na ngayon ni Manuel A. Roxas III.

_____ 7. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nasa tahasang tinig liban sa isa. A. Si Jesli Lapus ang napiling kalihim ng DepEd sa administrasyong ito. B. Ang mang-aawit ang napiling magtanghal para sa pangulo. K. Ang Walang Hanggan ay kinahuhumalingan ng buong bayan. D. Ang guro sa Filipino ang nagpaalala na kasalanan ang pangongopya. _____ 8. Isang pagsasalaysay ng mga pinakahuling kaganapan sa kapaligiran na dumadaloy mula sa pinakamahalaga hanggang sa di-gaano kahalagang pangyayari. A. Editoryal K. Lathalain B. Balita D. Sanaysay _____ 9. Kapag nanonood tayo ng pelikula, tayo ay nanonood ng sunud-sunod na pagpapakita ng mga larawan o imahe. Anong elemento ito ng pelikula? A. Acts K. Shots B. Scenes D. Frames ____ 10. Binubuo ito ng maraming shots o kuha mula sa isang lokasyon na nagpapakita ng isang pangyayari. Pinagtagpi-tagpi ito upang makapagbigay ng impresyon na tuluytuloy ang kilos sa bawat kuha. A. Scenes K. Acts B. Frames D. Shots II. PAGHAHANAY. Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat nang malaki ang titik ng tamang sagot sa patlang. A ___ 1. Sumulat ng dulang Tanikalang Ginto ___ 2. Nakilala sa Mga Kuwento ni Lola Basyang ___ 3. Nagdala ng bodabil sa Pilipinas ___ 4. Pagkakasunud-sunod na pagpapakita ng mga frames ___ 5. Pinangkat na mga eksena na kumakatawan sa isang pangyayari. ___ 6. Paborito niya ang tapang baboy ramo ___ 7. Paborito niya ang ensaladang pako ___ 8. Pinagbintangan ng sakristan mayor na nagnakaw ___ 9. Pinuno ng partido ng mga kabataan ___ 10. Pinuno ng partido ng mga matatanda ___ 11. Tauhang kinatawan ni Paciano Rizal sa Noli ___ 12. Dumakip sa ina ng mga magnanakaw ___ 13. Ina ng dalawang batang sakristan ___ 14. Natatakot sa hitsura ng kura ___ 15. Nagbigay ng paanyaya sa piging B A. Maria Clara B. Basilio K. Kapitan Basilio D. Crisostomo Ibarra E. Sunday Reantaso G. Don Filipo H. Juan Abad I. Padre Damaso L. Rafael Cuyugan M. Padre Salvi N. Scenes O. Sequence P. Don Anastacio R. Basilio S. Guwardiya Sibil T. Sisa U. Shots W. Severino Reyes

III. MINODIPIKANG TAMA O MALI. Isulat sa patlang ang DAN kung wasto ang diwa ng pahayag. Kung mali, isulat ang salitang dapat humalili sa salitang may salungguhit. _________________ 1. May bisang pangkaasalan ang akda kung ito ay may ibinabahaging kaalaman na maaring nababatid na o matutuklasan sa pagbasa. _________________ 2. May bisang pandamdamin ang akda kung ito ay nagtutuwid ng kasalanan hindi man tuwirang nangangaral. _________________ 3. Ang Batas Republika Blg. 9175 ay nagtatadhana ng pangangalaga sa daigdig laban sa climate change. _________________ 4. Ang pagmamasid sa pagkaubos ng mga varayti ng halaman sa Pilipinas ay saklaw ng Batas Republika Blg. 9168.

_________________ 5. Ang ulo ng balita ay pinakamahalagang bahagi ng balita. Ito ay masining na buod ng mga impormasyon na nilalaman ng buong balita. _________________ 6. Sa pagsulat ng balita, gumamit ng mga matitindi at maaalab na pandiwa na nasa balintiyak na tinig. _________________ 7. Tiyaking maayos at lohikal ang pagkakahanay ng mga kaisipan sa pagsulat ng balita. _________________ 8. Isinusulat ang balita nang may dalawang ideya lamang sa bawat pangungusap. _________________ 9. Si Pido ang walang pusong asawa ni Sisa na nagpapalaboy-laboy lamang at nagsasabong. _________________ 10. Sa Noli, ang Liberal ang itinuturing na partido ng mga kabataan. IV. PAGKILALA. Tukuyin ang mga isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat nang malaki ang titik ng sagot sa patlang
A. Balitang panlibangan B. Balitang pampalakasan K. Balintiyak D. Pusillanimous E. Tahasan G. Balitang pambansa H. Pararayos I. Pangawing L. Pang-ukol M. Animation technique N. Persistence of vision O. Visual effect P. Balitang lokal R. Beta movement

___ 1. Tinig ng pandiwa kung saan hindi simuno ang gumaganap ng kilos ng pandiwa. ___ 2. Tinig ng pandiwa kung saan ang simuno ang gumaganap ng kilos ng pandiwa. ___ 3. Tawag sa pandiwang walang banghay na ay. ___ 4. Uri ng balita na nagaganap sa mga barangay, lungsod at bayan. ___ 5. Uri ng balita na tumutukoy sa ekonomiya, industriya at gobyerno ng Pilipinas. ___ 6. Uri ng balita na kinapapalooban ng mga pangyayari sa ibat ibang uri ng isports. ___ 7. Nakukuha at nauunawaan ng mga manood ang kanilang nakikita dahil sa epektong sikolohikal na ito. ___ 8. Hindi makikita ng mga manonood ang pagkislap ng kamera dahil sa effect na ito. ___ 9. Pagkawala ng gana at pag-asa ng isang tao upang Gamitin ang karunungan para sa magandang adhikain. ___ 10. Ipinabibili ni Pilosopo Tasyo na panghuli ng kidlat. V. PAGSUSURI NG PAHAYAG. Unawain ang mga pahayag. Isulat nang malaki ang titik ng wastong sagot sa patlang. A Kung ang unang pahayag ay tama at ang ikalawang pahayag ay mali. B Kung ang unang pahayag ay mali at ang ikalawang pahayag ay tama. K Kung ang parehong pahayag ay tama. D Kung ang parehong pahayag ay mali. ____ 1. Si Hermogenes Ilagan ang tagapagtaguyod ng senakulong Pilipino. Nagkaroon ng dalawang anyo ng dula bago naitatag ang sinehan sa bansa. ____ 2. Ang balita ay dapat interesante, mahalaga at bago. Ang inverted pyramid ng balita ay nagmumungkahi na ang balita ay dapat iulat ayon sa pagkakasunud-sunod ng mahahalagang kaganapan. ____ 3. Ang balita ay maaring tungkol sa trahedya, krimen, pamosong tao o pag-unlad. Ang dateline ay ang pinakamahalagang bahagi ng balita. ____ 4. Maging tuwiran sa balita, huwag antalahin ang kahulugan ng mga kaisipan. Huwag maglagay ng panayam sa pagsulat ng balita. ____ 5. Papakiusapan ni Basilio si Pilosopo Tasyo na kunin siyang pastol ng mga hayop. Ang coadjutor ang kapatawaran sa mga naghihirap na kaluluwa sa purgatoryo. ALL FOR THE GREATER GLORY OF GOD

Anda mungkin juga menyukai