Anda di halaman 1dari 3

ANG EPEKTO NG KAANTASAN NG WIKA SA PERFORMANS NG MGA MAG AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO SA UNANG TAON, ANTAS TERSYARYA NG KYCEUM

ALABANG PANURUANG TAON 2009-2010

Isang Tesis na Iniharap Sa Lupon Ng Mga Guro Sa Panggradwadong Pag-Aaral At Aplayd Riserts Sa Laguna Polytechnic University Main Campus Santa Cruz, Laguna

Bilang Bahagi Sa Pangangailangang Itinakda Sapagtatamo Ng Titulong Pandalubhasaan Ng Sining Sa Pagtuturo Ng Filipino

LEAH BALLESTEROS-PAET PEBRERO 2010

ABSTRAK

Ang Hangarin ng pananaliksik na ito ay suriin at alamin ang pang personal na kaugnayan ng wika sa performans ng mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Ang mga suliranin na binigyang pansin ay ang mga sumusunod: Una, kasarian, edad, tinapos na pag-aaral ng magulang at hanap buhay ng magulang? Pangalawa, ano ang epekto ng kaantasan ng wika sa performans ng mag-aaral sa asignaturang Filipino? Pangatlo, ano ang kabuuang antas ng mga mag-aaral sa Filipino? At Pang apat, may makabuhang epekto ba ang kaantasan ng wika sa performans ng mga mag aaral. Ang mga kinapayaman o ginamit sa tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa Unang antas Tersyarya sa paaralang Lyceum of alabang Panuruang taon 2009-2010. Ang Instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos ay isang talatanungan na nagbigay ng kasagutan sa epekto ng mga paraan sa paggamit ng wikang Filipino. Ang kabuuang Marka sa mag-aaral sa unang semester ang ginamit upang batayan ng antas ng markang mag-aaral sa naturang asignatura.

Ang resulta ng Pagsusuri ng datos .Una, Ang antas ng katayuan ng mga Mag-aaral sa kabuuang bilang na 190,80 o (42%) ay mga lalaki at 110 o 58% ay mga babae. Batay sa datos na nakalap, nakahihigit ang mga magulang ng mag-aaral na nakatapos ng Kolehiyo na may 75 o (40%) porsyento. Pangalawa, Epekto ng kaantasan ng wika sa performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang average mean score na 3.35, 3.30, 3.34, 3.30 at 3.43 ay nagpapakita na ang mga tagatugon ay sumasang-ayon sa kaantasan ng wika sa performans ng mga magaaral sa asignaturang Filipino. Pangatlo, Ang antas ng kabuuang markang mag- aaral sa Filipino. Sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral na 190 na mag aaral, 65 o 34% na may katamtamang antas ng marka 81 sa asignaturang Filipino. At pang-apat kaugnayan ng mga Sali pampersonal at kaantasan ng wika sa performans ng mag-aaral sa asignaturang Filipino. Napatunayan na ang personal na salik ng

mag-aaral ang computed t-value na -15.00, 13.50 at -17.88 ay may p-values of . ooo namababasa alpha level= .05 n may degree of freedom of 189 at ito ay nagsasabi na ang kasarian, tinapos ng pag-aaral ng magulang at hanap buhay ng magulang ay may epekto sa performans ng mag-aaral sa asignaturang Filipino. At tanging ang computed t-value = -72na may p-value =.472 na mas mataas sa alpha level .05 na nagsasabi na ang edad ay makabuluhang epekto sa performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ganoon din naman ,ang mga kaantasang wikang Filipino ay may makabuluhang epekto sa markang mag-aaral sa asignaturang Filipino.

KAHIHINATNAN NG PAG-AARAL NITO


kung patuloy pang lilinangin ang pag-oobserba/pag-aaral patungkol sa EPEKTO NG KAANTASAN NG WIKA SA PERFORMANS NG MGA MAG AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO ay mas mapapansin pa ang mga kakulangan at dapat linanging paraan upang ang perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay maidebelop pa ng husto. Ang kaantasan ng kagalingan sa wika ang kadalasang nagpapaunlad sa isang mag-aaral upang matuto, kaya kung ito ay malilinang pa ng husto, ang perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang ito ay lalo pang magiging makinis.

Anda mungkin juga menyukai