Anda di halaman 1dari 6

PROYEKTO

at

AWTPUT
sa

ARALING PANLIPUNAN

Cherished Jewel M. Peaverde Grade 7- Michael Faraday BNHS-RSHS

Gng. Meldie Jambalos Guro

1. Ano ang makukuhang impormasyon sa liham? Hinahangad niya angkanyang pamilya at angkanyang kalayaan. Maganda ang kanyang kalusugan. Kumikita siya nang sapat upang buhayin ang kanyang sarili. Hinahanap niya ang kanyang mga libro. Para siyang nagbabakasyon saDapitan.

2. Ano ang mahihinuhang impormasyon tungkol sa liham? Malungkot si Rizal. Malapit siya sa kanyang pamilya. Maayos naman ang kanyang kalagayan saDapitan. Mahilig siyang magbasa. Bagamat para siyangnagbabakasyon sa Dapitan, may limitasyonpa rin sa kanyangkalayaan.

Dapitan, 5 Abril 1893 G. Manuel P. Hidalgo, [Maynila] Mahal kong bayao Maneng , Nandito ako ,nagtatamasa ng magandang kalusugan; Hindi kasing init dito hindi tulad diyan [sa Maynila]; at sapat ang aking kinikita , kahit maliit , upang masuportahan ang aking sarili. Wala ako hinahanap kundi ang aking pamilya at ang aking mga libro
Sumasainyo , Rizal

1. Magdikit ng larawan ng Manunggol Jar. Ano ang gamit nito? Primarya ba o Sekondaryang Artifact ito?

2. Mga Katangian ng Bangang Manunggol?


Ito ay hugis pabilog na mas malaki ang gitnang bahagi. Mayroon ding takip ang banga. Walang butas sa katawan ng banga. Ang takip ay parang baliktad na mangkok namay disenyo ng bangka at dalawang taong nakasakay sa bangka. Parang alon ang disenyo sa itaas ng katawan habang walang disenyo naman sa ibaba. Dalawang tao ang nakasakay sa bangka. Ang isa sa unahan ay naka-ekis ang mga kamay sa kanyang dibdib. Sa likod niya ay taong nagsasagwan. Mahusay at matibay ang paggawa nila sa mgabanga at palayok. Mayroon din silang kakayahan sa paglalayag. Ang takip ng manunggul jar ay may dalawang naka-ukit na tao na naka-angkas sa isang bangka. Ang isa sa kanila ang nagtatampisaw ng bangka habang ang taong nasa harap ay nakatiklop ang mga kamay. Ito raw ay sumisimbolo ng paniniwala ng ating mga ninuno tungkol sa afterlife. Ang manunggul ay isang banga na nang galing sa Ifugao. Ang unang manunggul jar na natagpuan sa bansa ng pilipinas ay nasa pambansang museo ng ating bansa. Ito ay nanggaling sa Ifugao na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ng mga Ifugao at ng ating mga lolo at lola.

3. Bakit ginagalang ang mga patay noon at paano ginagalang ang mga patay noon? Noon, iginalang ang mga patay upang pakiusapan silang magsilbing tagapamagitan ng mga tao at Bathala. Ipinakita ang paggalang sa paggawa at pag-alaga ng mga idolong gawa sa kahoy na nagsilbing imahen ng mga patay na ninuno; at sa pag-alay ng pagkain, alak, at palamuting ginto. Sa kasalukuyang panahon, Patuloy pa ring iginagalang ang mga patay dahil sa ating pagmamahal sa kanila. Ipinapakita ito sa pagbisita sa mga sementeryo, pag-alay ng mga bulaklak, kandila, at pati na rin ng pagkain lalo na sa anibersaryo ng kanilang kapanganakan at kamatayan o sa araw ng mga patay.

4. Ilarawan ang pagtatag ng Kolonyang Espanyol sa Pilipinas?


Itinatag ng mga Espanyol ang kanilang kapangyarihan , mga institusyon , at kultura na nakaimpluwensya sa mga Pilipino,at umabot sa 333 taong pamamahala ang nagawa ng mga Espanyol. Nagpadala sila ng mga ekspidisyon sa bansa. Ginamit nila ang relihiyon upang madali nilang masakop ang Pilipinas na naging dahilan upang matatag ang kristiyanismo sa ating bansa.

5. Ilarawan si Magellan sa malikhaing paraan.


Napanganga ang mga kasama ni Lapu- lapu ng mapatay niya ang Portuges na si Ferdinand Magellan. Si Magellan ay mailalarawan sa isang pagiging matikas , palaban , at magaling na pinuno. Nabigla ang lahat ng mapatumba ni Lapu-lapu si Magellan.

6. Ilarawan ang papel ni Magellan mula at hanggang sa matapos ang laban. Nung una siya ang tagapamagitan sa hari at sa Pilipinas , kung ano ang ipautos ng hari sa kanya ay ginagawa niya ito. At nang magsimula ang laban dito siya ang naging pinuno ng kanyang samahan upang manakop sa ating bansa.Siya ang Portuges na napatay ni Lapu-lapu.

7. Ano ang kahalagahan ng pag-aalsa laban sa mga Espanyol? Maliban dito ano ang pag-aalsa?
Mahalaga ang mga pagtutol ng mga Pilipino sa ibat ibang paraangpananakop, ngunit hindi pa nahuhubog ang kamalayang kumikilala sakahalagahan ng pagsasarili. Ang kahalagahan ng pag-aalsa laban sa mga Espanyol ay para maipakita at maipahayag ang kanilang damdamin. At mabigyan ng boses ang maliliit at pagbibigay ng katarungan sa mga tao.Ang pag-aalsa ay direktang paglaban o pagtudyong sa kalaban

8. Ilarawan ang Edsa Revolution.


Ito ay ang sama-samang pagkilos na ginanap hindi lamang sa Maynila kundi sa mga lungsod at bayan ng ibat-ibang bahagi ng bansa.Nagkaroon ng mga demonstrasyon ng suporta sa Cebu , Davao , at Baguio.Ito ay halimbawa ng naganap na kabisera ng Sorsogon na nagpamalas ng sarili nilang People Power.Nagtagumpay dito ang taong bayan dahil napatalsik si Marcos sa loob ng 77 oras.

9. Tukuyin ang sanhi at bunga ng pagkamkam ng mga relihiyoso (Paring Espanyol sa lupa ng mga katutubo).

10. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa bayan? Gaano kahalaga ang kalayaan?
Maipapakita ang pagpapahalaga sa bayan sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling produkto ng ating bayan, pagmamahal sa sariling wika , paggalang sa watawat ng Pilipinas.Sa pagiging aktibo sa mga gawaing pam-bayan.Pagmamahal sa ating sariling sagisag. Mahalaga an kalayaan sa ating

bansa , sapagkat sa ganitong pagkakataon mabibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na maging malaya sa lahat ng pagkakataon. Mabibigyang pagkakataon magkaboses ang mga taong tinatapakan ng ibang tao.

Anda mungkin juga menyukai